bc

Before You Marry Her

book_age16+
2.9K
FOLLOW
7.7K
READ
goodgirl
drama
bxg
no-couple
heavy
city
office/work place
small town
first love
office lady
like
intro-logo
Blurb

She loves him. Sadly, he loves her not.

Maja and Gino has been friends for over ten years now, so do Maja's feelings for her boy best friend. Everything changed when she learns that Gino's getting married, and she is the maid-of-honor.

Between friendship and her feelings, would Maja choose to keep her feelings hidden until she moved on for the sake of their friendship or would she confess to her buddy Gino, before he marries somebody else?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
MAJA “SINASABI ko sa’yo, Gino Antonio. Hindi ako p’wede. Alam mo naman na uuwi si Kuya Pao sa araw na ‘yon, ‘di ba? At saka, haler? Anlayo no’n, Ilocos Norte ‘yon tapos gusto mo pa isang buwan. ‘Ni hindi ko nga kilala ‘yang mapapangasawa mo,” yamot na katwiran ko kay Gino. Inaaya kasi akong samahan siya sa Pagudpod, Ilocos Norte. Gusto niya na maging maid of honor ako sa kasal niya. Inayos ko ang kuwelyo ng suot kong polo at hinubad ang coat ko. Isa akong HR executive sa isang sikat na firm sa Makati, habang si Gino naman researcher ng kumpanya namin. We knew each other since our freshmen year in college, around ten years ago. “E ‘tol, ayaw mo ba na makita ‘yong best friend mo na ikasal? At saka para namang iba ako sa’yo. Sige na, Maja. Samahan mo na ako. Besides, alam mo naman na ulilang lubos na ako, ‘di ba? Kumbaga parang ikaw na ang tatayo kong family member do’n.” Aray, bulong ng isip ko. Family member lang pala ang nais. “Ay naku, ewan ko sa’yo Gino! Basta, ayoko,” pagbibigay-diin ko. “Sige na, Maria Sonja. Para namang wala tayong pinagsamahan oh. At saka gusto ka kayang makilala ni Kaycee. Mabait ‘yon, promise,” pagpapa-awa ni Gino. Napairap na lang ako. “Hoy Gino, baka nakakalimutan mo, hindi ko gusto na papakasal ka sa babaeng tatlong buwan mo pa lang naging jowa, ha. Baka mamaya, pagkatapos lang ng ilang linggo, ng ilang buwan, sukuan mo na agad, bumalik ka kaagad dito sa Makati, tulo-uhog at heartbroken. At isa pa, hindi ko nga kilala 'yang girl friend mo. Tapos, gagawin mo akong maid of honor? Ano ka, bali?" Sumandal si Gino sa desk ko. His lips curved into a smile and his strong jaws moved. Nangniningning pa ang may pagka-singkit na mga mata. Sh*t. Bakit ba kasi best friend lang tingin mo sa akin, Gino Antonio? “No, Maja. I’m sure of her. Gusto ko na siya ‘yong makasama ko for the rest of my life. Kaya nga gusto kitang maging parte ng special day ko e. Kasi s’yempre gano’n kapag mag-best friends, ‘di ba? Papanoorin n’yo ‘yong isa’t isa na maka-reach ng milestones sa buhay. Kaya sige na, Maria Sonja. Payag ka na, please?” Napabuntong-hininga na lang ako. “Pag-iisipan ko. Pero, hindi ibig sabihin no’n, pumapayag na ako. S’ya, s’ya, tabi d’yan, hinihintay na ako ni Sheena sa baba.” Nanlalaki ang mga mata na hinawakan niya ang mga kamay ko at parang batang nagtata-talon. “Talaga?Yes!” bulalas niya bago isinuntok ang kamao sa hangin. “Hoy, Gino, hindi pa ako umo-oo. Sinabi ko lang na pag-iisipan ko.” Nginitian niya ako nang pagkatamis-tamis. “Sus, alam ko namang hindi mo matitiis ang guwapo mong best friend, e! Sige na, isip well at eat well!” Napairap na lang ako at hinintay na makaalis si Gino sa opisina ko. Nang masigurado ko na wala na siya, napasalampak ako sa swivel chair ko at nagpaikot-ikot. “Tang*na, Maria Sonja. ‘Wag kang iiyak. ‘Wag kang iiyak,” bulong ko sa sarili ko habang pinipigilan ang malalaking patak ng luhang unti-unting tumutulo mula sa mga mata ko. Kanina ko pa pinipigilan ang pagtulo ng mga luha ko habang kaharap ko siya. Hay, Gino. Kailan mo ba mare-realize ang lahat? “’YAN! ‘Yan na nga bang sinasabi ko! Umiral na naman ‘yang kagagahan mo, Maria Sonja!” naninising tungayaw sa akin ni Sheena. Nasa isang kilalang fast food restaurant kami ngayon at kinakain ang in-order naming fried chicken at kanin. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nang makita ko si Sheena ay napaiyak na lang ako sa balikat niya hanggang sa makarating kami dito. Malamang sabog na ang make-up ko at pinagtitinginan na ako ng mga taong kasabay naming kumain dito. “Shi, ikakasal na si Gino! Bakit magpapakasal si Gino?” umiiyak na reklamo ko sa kanya. Bakit ba kasi magpapakasal si Gino? Bakit hindi na lang sa’kin? “Malamang, magpapakasal ‘yon! Anong gusto mo do’n sa best friend mo, magpapaka-tandang binata?” Ipinadyak ko ang mga paa ko sa sahig. Kasi naman e ! “E kasi nga po, Ms. Sheena Borja, gusto ko ako papakasalan niya. Tapos, bubuo kami ng basketball team ta’s sabay kaming tatanda at sabay kaming mamamatay! O ‘di ba, bongga? Kaso, an’yare? Ayon, magpapakasal na si Gino! Three months, Shi! Three months pa lang sila! 'Ni minsan nga, hindi ko nakilala 'yang girl friend niya!" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko at nag-umpisa na naman akong mapahagulgol. “Alam mo, Maja, mukha kang baliw d’yan. Tinitignan na tayo no'ng ibang mga kumakain, oh. Kay sa ngumangawa ka d’yan, bakit hindi mo puntahan si Gino ngayon ta’s sabihin mo sa kanya ‘yang feelings mo! Hindi ‘yong iyak ka nang iyak d’yan, ayaw mo namang gumawa ng paraan. Parang tanga!” Inirapan ko siya pagkatapos ay nilaro-laro ang kanin sa plato ko. “Ang hard mo naman sa’kin, Shi. At saka ‘di ko gagawin ‘yon. Baka mamaya, masira pa friendship namin dahil lang sa feelings kong ‘to. E ‘di mas lalo pa akong nawalan.” Tumaas ang kilay ni Sheena. “At pa’no mo naman nasabi na masisira friendship n’yo, aber? Sinubukan mo na ba? At saka hindi gano’n ang pagkakakilala ko kay Gino. Hindi gano’n ang pagkakakilala mo sa kanya. Panigurado maiintindihan ka no’n. Best friends kaya kayo. Haler, ten years?” “Kahit na, Shi. Ayoko pa rin. Ayos na ako sa ganito. Kapag umamin ako sa kanya, pa’no ko pa siya haharapin, ‘di ba?” sabi ko habang dinudurog-durog ang kanin na napagdiskitahan ko. Kumurot ako sa fried chicken na kanina pa naghihintay na kainin ko pagkatapos tumingin ako kay Sheena na nakapangalumbaba na nakatingin sa’kin. “O, e ano nang plano mo ngayon? ‘Wag mo sabihing—” “E ‘di ano pa nga ba, Shi? E ‘di magpapaka-maid of honor ako. Tutulong ako sa wedding preparations nila kagaya ng lahat ng mga maid of honor.” “Hoy, gaga ka,” bulalas ni Sheena, habang nakatutok sa akin ang tinidor niya. “Alam kong mahal mo si Gino pero ‘wag mong sirain ang kasal niya! Maha-heartbroken ‘yon at panigurado, kamumuhian ka no-” Mahina lang akong natawa. “Kung ano-ano sinasabi mo, Shi. ‘Di ko gagawin ‘yon ‘no! Ayokong kamuhian ako ni Gino for the rest of his life.” “So seryoso ka nga?” “Saan, sa pagpapaka-maid of honor? Oo.” Napa-facepalm si Sheena pagkatapos ay sinabunutan ang buhok niya. “Alam mo Maja, ako nasasaktan para sa’yo. T*ngina ka girl, napaka-masokista mo! Reincarnation ka ba ng isa sa mga national heroes natin? Napaka-martir mo, e! Baka naman mamaya may fugong pagka-santa ka, ha. Nag-uumapaw kasi ang pagkamartir mo." “Kanina, ayaw mo na sirain ko ‘yong kasal ni Gino. Ngayon naman na tutulong ako, ayaw mo rin. Ang gulo mo Shi! Sumasakit ulo ko sa’yo!” sabi ko habang hinihilot-hilot ang mga sentido ko. Naipikit na lang ni Sheena ang mga mata niya habang pinipigilan ang inis at gigil niya sa akin. Huminga muna siya nang malalim bago ako sarkastikong nginitian. “Alam mo, Maria Sonja, ang nais kong gawin mo ay tanggihan ang alok ni Gino na maging maid of honor ka. Bakit? Kasi po, Miss Masokista-ng-Taon, papatayin mo lang ang sarili mo kapag pumayag ka sa hiling ng best friend mong katulad mo ring manhid! Gets mo na ba? Ha?” “Best friend ako ni Gino, Shi. Kailangan ko siyang tulungan sa kasal niya. Friendship over relationship nga, ‘di ba?” “Alam mo, Maja, antagal-tagal ko nang hinihintay na maka-graduate ka d’yan sa pagiging tanga at masokista mo. Kailan kaya, ‘no?” “At saka Shi,” dugtong ko. “’Di ba nangako ako sa sarili ko na the day bago ikasal si Gino, magmo-move-on na ako? Ito na siguro ‘yong chance ko.” “Ay beh, tingin ko, overdue ka na. Parang alam ko dapat no’ng unang beses na tinawag kang ‘tol ni Gino dapat nag-move-on ka na, e. Overdue ka na sis. Masyado ka nang nag-dive sa friend zone,” sarkastikong sabi ni Sheena. “E kasi—” “Kakatuwiran ka pa e! Maja naman! No’ng umulan ata ng katangahan sa pag-ibig sinalo mo lahat, nag-swimming ka pa! Nakailan na bang girlfriend si Gino from the past ten years?” Binilang ko sa daliri kung ilan na ang naging girlfriend ni Gino bago ‘tong fiancée niya. “Mga tatlo. Oo tama, tatlo.” “O, see? Dapat sa unang girlfriend niya pa lang, sinubukan mo nang mag-move-on! E anong ginawa mo? Hala sige, comfort! Kapag tulo-uhog ‘yan si Gino, isang text niya lang sa’yo, punta ka agad. Kapag nag-aaya ng inuman, hala sige, and’yan ka kaagad. Anong nire-reason out mo sa akin? Baka dumating ‘yong oras na makita niya ako more than a friend. Baka mahalin niya na rin ako kapag ako nag-comfort sa kanya. O, anong ending? Sawi ka na nga, tawag pa sa’yo ‘tol, ginawa ka pang maid of honor!” Nang makita ni Sheena ang determinasyon sa mukha ko ay biglang lumambot ang tensed na tensed niyang mukha. Napalitan ng pag-aalala. “Sure ka na ba talaga d’yan, Maria Sonja? Wala nang atrasan, gano’n?” Tumango ako. Napabuntong-hininga na lang siya. “Hay naku, bahala ka na nga. Pero sasama ako d’yan sa Ilocos. Mamaya bigla ka na lang tumalon sa tulay o kaya magpasagasa kapag ‘di mo na matiis ang sakit e.” Napatingin lang ako sa labas ng fast food restaurant. Nag-umpisang bumuhos ang malalakas na patak ng unang ulan ng Mayo. Desidido na ako. Siguro ito na nga ang tamang pagkakataon. “Shi, tingin mo ba, kung umamin ako, gugustuhin niya ako?” “Sa kabaliwan mong ‘yan? Baka hindi.” Sinamaan ko siya ng tingin at mahina lang siyang natawa. “‘Di natin alam. Baka? Ewan ko sa inyong dalawa, pareho kayong manhid e. Pero alam mo naman ang kasabihan, ‘di ba? Not all best friends are best lovers.” Tahimik lang akong napayuko at tinapos ang pagkain ko. Ito na talaga. Ikakasal na si Gino in a few weeks’ time. At ako ang maid of honor. Ito na ang huli… huling pagpapakatanga ko kay Gino. Huling pagpapakatanga at huling pagpapakagaga sa best friend ko na mas manhid pa sa bato. Sana. Sana ito na nga ang huli. I do not claim any ownership on the references of the pictures used. Credits to all of their rightful owners and creators. This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. Any reproduction of any part of this story without my consent is prohibited. Please do not plagiarize.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Desperate Wife-SPG

read
394.4K
bc

Heartbeat Of The Ruthless Criminal

read
263.2K
bc

Abducted (R-18) (Erotic Island Series #1)

read
542.3K
bc

The Jerk and The Transgender (Hot Trans Series #1)

read
57.4K
bc

My Long-Time Fiancee

read
218.0K
bc

The Escort (Tagalog)

read
179.4K
bc

His Cheating Heart

read
47.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook