TEASER
Nasikil ni Warui ang kanyang paghinga nang mapagmasdan nang maigi si Jhoanna, na basang-basa sa tubig-ulan, kagaya niya. Sa isang iglap ay tila nakalimutan niya ang mga lalaking humahabol sa kanila, o ang ilang dosenang tanong na naglalaro sa kanyang isipan. Lalo lamang nablanko ang kanyang isipan nang matutok ang kanyang tingin sa mga labi nitong mamasa-masa na tila ba tinatawag siya. Tila ba sinasabihan siya na dapat niya iyong tikman.
“Rui…” mahinang tawag nito sa kanya kasabay ng paghawak nito sa kanyang braso. Malakas ang ulan sa labas at hindi naman nila magawang makaalis sa abandonadong gusaling kinaroroonan. Tiyak niya na naroroon pa sa labas ang mga tauhan ng kanyang kapatid na humahabol sa kanila. He could not risk her safety. Not in her condition. Besides, if she was really pregnant with his child, wouldn't it be a little bit cruel to strain her even more?
“Let’s stay here for the night,” mahinang sabi niya bago hinubad ang basa niyang leather jacket. “D’yan ka lang, maghahanap lang ako ng kahoy panggatong. Huwag kang aalis.”
Siguro ay natatakot pa rin si Jhoanna sa kanya dahil sinunod na lamang nito ang utos niya. He could not blame her, though. Kahit naman gaano niya subukan na magmukhang pabling at walang pakialam sa mundo ay hindi pa rin niyon mababago ang totoo niyang katauhan. Patunay ang tattoo at sagisag na bumabalot sa kanyang mga braso at leeg.
Nang makabalik siya ay nakita niyang nakasiksik ito sa isang gilid, tinatakpan ang tainga nito. Bahagya pang napapitlag ang dalaga nang gumuhit ang napakatalim na kidlat sa labas, na sinundan ng nakabibinging kulog. Kaagad niyang ibinaba ang ilang piraso ng kahoy na nakuha niya sa paligid at inumpisahang magparingas ng apoy. Hindi nagtagal, nakagawa si Warui ng siga. Sinulyapan niya si Jhoanna na nangnginginig sa isang tabi. Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga ang lalaki. Naglakad siya papalapit sa dalaga. “Jho, come here.” Nang hindi ito gumalaw at umiling lang ay naipikit na lamang ni Warui ang kanyang mga mata sa pagpipigil ng inis. “Look, I’m not mad. Come here. Come closer to me. Magkakasakit ka kung mananatili ka d’yan sa basa mong damit.”
Bahagyang nawala ang tensyon sa katawan nito nang marinig ang kanyang tinuran. Napalunok si Jhoanna bago tumayo at lumapit sa kanya. Naupo naman siya sa harapan ng siga na sinundan ng dalaga. Kapwa silang tahimik at hindi niya magawang ilingon ang kanyang tingin dahil nakikita niya ang bakat ng underwear nito sa ilalim ng manipis nitong suot. Ang tanging ginawa niya na lamang ay inumpisahan niyang hubarin ang kanyang pang-itaas sa pagtataka ng kasama. “Anong ginagawa mo?”
“Basa ang damit ko, kailangan kong patuyuin.” Tumikhim si Warui. “If you want, you can remove your clothes too.”
Parang nais pagsisihan ni Warui ang sinabi, lalo na nang umpisahang alisin ni Jhoanna ang pantulog nitong halos manikit na sa balat sa sobrang basa. Hindi niya mapigilang matulala sa dalaga habang pinipiga nito ang buhok nitong may kahabaan, na ang tanging saplot lang ay pares ng bra at boxer shorts.Nang sulyapan siya ni Jhoanna ay kaagad niyang iniiwas ang kanyang tingin.
“Rui…” iyak nito sa pangalan niya nang muli na namang kumidlat nang matalim. Nanigas ang katawan ni Warui nang yakapin siya nito mula sa likuran at nagsumiksik. “Huwag mo ‘kong iwan please…”
Napasinghap ito nang harapin niya ito at itulak papahiga sa maduming sahig ng abandonadong gusali. Iilang pulgada lang ang pagitan nila. At tiyak niyang napagtanto na ni Jhoanna kung anong epekto ang idinudulot nito sa kanya sa tuwing ginagawa nito iyon.
“Oh, woman… you’d be the death of me…” mahina niyang bulong nang hindi niya na mapigilan ang sarili na siilin ng halik ang dalaga.