Yesterday Series 1: Bakit 'Di Totohanin

Yesterday Series 1: Bakit 'Di Totohanin

book_age16+
2.1K
FOLLOW
5.1K
READ
goodgirl
independent
drama
bxg
lighthearted
city
enimies to lovers
first love
assistant
actor
like
intro-logo
Blurb

"Bakit hindi na lang natin totohanin ang lahat, Maya? Bakit hindi na lang natin bigyan ang mga sarili natin na magmahal muli? Maya, subukan mong sumugal sa 'kin... Dahil ngayon, handa na akong mahalin ka."

Parang ipis si Hunter Claridad. Tinitilian. Ngunit sa kabila ng kasikatan at kayamanan na mayroon ang batikang aktor ay may dalawang kulang sa buhay niya: jowa at peace of mind.

Babaliktad ang buhay niya nang mag-umpisa siyang guluhin ng kanyang dating nobya, ang modelong si Carol Lim. At sa pagkakataong ito, kakailanganin niya ang tulong ni Maya, ang kaklase niya noong highschool na nagawan niya ng isang malaking kasalanan. Ang plano: fake relationship.

Habang nasa pagitan ng pagpapanggap at liwanag ng ilaw ng spotlight, ano kaya ang gagawin ni Hunter kapag ang biruan at kunyarian nila ni Maya ay mag-umpisang magkaroon ng laman?

Tanggapin kaya siya nito gano'ng hindi pa nito nakakalimutan ang sakit na idinulot niya noon?

ic_default
chap-preview
Free preview
Teaser
Fifteen years. Kung ang ibang tao e nakapag-asawa na sa loob ng fifteen years simula noong huli silang umibig, iba si Maya. Sa loob ng labinlimang taon ay iniwasan niya ang magmahal. Lalong-lalo na ang pangalan ni Hunter Claridad. Sabay silang nagbinata at nagdalaga. Sabay na umibig. At hindi ikakaila ni Maya, ito ang una at panigurado ang huling lalaki na kanyang mamahalin. Siguradong-sigurado na siya noon, kumpirmasyon na lang mula sa napakagulong mga kilos at salita nito ang hinihintay niya. Naghintay siya. Naghintay nang naghintay hanggang sa dumating ang pagkakataon na nasabi niya ang nararamdaman niya para sa lalaki. Ngunit hindi ganoon ang naramdaman ng kanyang kababata para sa kanya. Hindi niya makakalimutan ang gabi na nagtapat siya rito. Iyon din ang gabi na nawasak ang kanyang puso at ang huling gabi na nakita niya ang lalaki. JS Prom noong gabing iyon na dapat sana ay pinakamasayang sandali ng kanyang buhay. Sino ba namang mag-aakalang hindi pa man siya nakakasayaw ay uuwi na siyang luhaan? Pinilit niya itong kalimutan. Mahaba ang labinlimang taon para kalimutan ang simpleng paghanga na naramdaman niya para sa isang tulad ni Hunter Claridad. Ngunit iyon ang akala niya. Dahil kung totoo ngang nakalimot siya, bakit hanggang ngayon na katapat niya ito ay nadudurog pa rin ang kanyang puso sa tuwing naaalala niya ang nangyari sa kanilang dalawa noon? Bakit nakakaramdam pa rin siya ng matinding kabog sa kanyang dibdib sa tuwing nakikita ang guwapo nitong mukha? At tila mas lalo lamang nadurog ang kanyang puso nang alukin siya ng lalaki na magpanggap bilang girlfriend nito. Para maitaboy ang bayolenteng ex nitong tila ba ayaw lubayan ang lalaki. "Maya, please reconsider..." Nagsusumamo pa ang tinig nito nang hawakan siya. Tila ba asong nanghihingi ng pagkain sa amo nito. Pero dalang-dala na si Maya sa ganoon. Kung may isa man siyang natutunan sa pagmamahal niya para sa lalaki, iyon ay ang huwag magpapadala sa mga pagmamakaawa nito. Ang garagal na tinig ni Hunter ang nakapagpatawa sa kanya. Dumulas ang pagkakahawak nito sa braso niya. "Reconsider?" His eyes were pleading in desperation. Desperado na ang kababata nito lalo na at pagod na rin ito sa eskandalo at panggugulo na idinudulot dito ng dati nitong nobya. Kunsabagay, kung hindi naman ito nangangailangan nang todo ay hindi ito mag-aalok ng napakalaking suweldo sa kanya para lang mapa-oo siya sa gusto nito, maliban sa pangako na ito na raw ang sasagot sa gastusin ng kanyang ama sa ospital. Ngunit tila naging bato na ang puso ni Maya sa loob ng labinlimang taong dala-dala niya ang sakit na ibinigay sa kanya nito noon. Sakit na idinulot ng pagmamahal niya sa lalaki. Mas kakayanin niyang lumangoy sa dagat-dagatang apoy kaysa sumunod sa gusto nitong mangyari. "How dare you ask me for my help, Hunter?" Her voice croaked. Ang kanina pa niya pinipigilang pamamait ng kanyang lalamunan ay tila lason na kumalat sa loob ng kanyang bibig. Nag-iinit ang kanyang mga mata at nanlalabo na ang kanyang paningin. Nanghihina. Pero pinilit niyang tumayo. Kahit man lang sa huling pagkakataon, mabigyan niya ng kaunting kahihiyan ang kanyang sarili. "Ayokong madamay sa gulo mo! At sa totoo lang, ayokong ma-involve pa ulit sa buhay mo. Kung hindi lang dahil kay Bonnie, kung hindi lang dahil may sakit si Papa, hindi naman ako papayag na maging PA mo, e!Kahit na gano'n, sinubukan ko pa rin... Pero 'yong hingin mo ang tulong ko na magpanggap bilang girlfriend mo at the risk of getting harassed and drag me into your mess, Hunter, that's too much..." Pumatak ang unang butil ng luha mula sa kanyang mga mata. "Labinlimang taon na, pero 'yong sakit, nandito pa rin, Hunter... Nandito pa rin... Wala kang mapapala sa'kin. Ayokong magpanggap na girlfriend mo at mas lalong ayoko na maging parte ulit ng buhay mo! I quit!" “Bakit ba antigas ng puso mo, Maya? Sinusubukan kong makipagbati! Sinusubukan kong makipag-ayos pero palagi mo akong itinataboy!” galit na sigaw nito pabalik. “Alam kong nasaktan kita. Alam ko na hindi mo ‘ko masikmura na harapin. Pero antagal-tagal na no’n, e! Antagal-tagal na simula noong huli tayong nagkita, noong huli kitang nakausap! Dahil lang hindi kita minahal pabalik, tinatapon mo na lahat ng pinagsamahan nating dalawa!” Pagak siyang natawa. “Pinagsamahan, Hunter? Sa pagkakatanda ko, tagasalo mo lang naman ako, e. Kapag may assignment ka, ako ‘yong taga-sagot. Kapag may project ka, ako katu-katulong mo. Kapag gusto mong gumala, ako hinahatak mo. Hunter, p*nyeta… Kung matatawag mo man ‘yon na pinagsamahan, hindi ko na alam kung ano pang kahulugan ng salitang kaibigan sa ‘yo. Kunsabagay, bigla mo na lang akong iniwan, e. Bigla ka na lang nawala.” Pagak itong natawa. “Bakit, Maya? Akala mo ba hindi rin ako nahirapan noon? Kaibigan kita! Higit sa lahat, ikaw ang pinakamalapit sa ‘kin! Akala mo ba hindi mahirap sa ‘kin na bigla na lang lumayo? Na umalis na wala man lang pasabi? I wanted to tell you! I wanted to apologize but I didn’t have the chance—” “Didn’t have the chance, or you just didn’t want to?” Natahimik ang lalaki. Hindi nakaimik. Pagak na natawa si Maya at inumpisahang ilagay ang mga damit niya sa malaking travelling bag na naghihintay sa paanan ng kama. Bakit ba nadidismaya pa siya? Alam niya naman ang sagot ni Hunter. Alam na alam. At napakatanga niya dahil iniisip niya pa rin na hanggang ngayon, may pakialam pa rin ito sa kanya. Gagamitin lang siya nito para makaiwas sa isyu. Para makalayo sa ex-girlfriend nitong baliw na baliw rito. At kahit na may amor pa rin sa isipan niya ang ideya na maging girlfriend nito, kahit sa pagpapanggap pa lang, ayaw naman nang saktan pa ni Maya nang todo ang kanyang sarili. Marami na siyan pinagdaanan dahil kay Hunter at ayaw niya nang dagdagan pa ang trauma na kanyang naranasan. “Kung talagang kaibigan pa rin ang turing mo sa ‘kin, Hunter, hahayaan mo ‘kong bumalik. Kahit kaunting respeto man lang, bigyan mo ‘ko.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
153.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
89.8K
bc

You Fix My Heart

read
21.5K
bc

His Obsession

read
96.9K
bc

The naive Secretary

read
65.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
14.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook