I am 32 years old and a mother of two kids. I started writing when I was in High School.
I love exploring different genres with a complicated plots. But Erotic-Romance with heavy drama is my new favorite. I became a writer of Dreame in 2020.
I believe that "Writing is a passion."
WARNING: ⚠️ RATED SPG
This story contains mature and explicit scenes. Not suitable for minors or sensitive minds.
Bata pa lang si Rebecca nang maulilang lubos. Lumaki siya na pinagpasa-pasahan ng kaniyang mga kamag-anak na alila lamang ang tingin sa kaniya. Nakapagtapos siya ng high school sa sariling pagsisikap. Ni hindi niya naranasang may magmahal o kahit magmalasakit man lang sa kaniya. Pakiramdam niya ay tinalikuran na siya ng lipunan.
Hanggang sa isang araw, dumating ang isang tiyahin ni Rebecca mula sa Maynila. Pag-aaralin daw siya sa kolehiyo.
Sa pagsama ni Rebecca sa kaniyang tiyahin ay nakilala niya ang asawa nitong si Uncle Sam—ang kauna-unahang tao na nagpakita ng malasakit sa dalaga. Ito ang nagtatanggol sa kaniya sa tuwing pinagmamalupitan siya ng tiya niya.
Mas napalapit pa sila sa isa’t isa nang maglabas ng saloobin si Uncle Sam. Hindi raw ito kayang bigyan ng anak ng asawa. Bukod doon, palagi pang abala sa trabaho ang tiyahin niya at nawawalan na ito ng oras sa asawa.
Naaawa si Rebecca sa tuwing nakikita niya si Unlce Sam na nagmamakaawa ng atensiyon sa asawa nito. Nakikita niya kung gaano ito kasabik sa tiya niya ngunit palaging tinatanggihan.
Ngunit ang hindi akalain ng dalaga, ang simpleng awa na naramdaman niya para sa tiyuhin ay unti-unting mauuwi sa lihim na paghanga. Nakakaramdam siya ng kakaibang init sa katawan sa tuwing naiisip niya kung gaano kasarap si Uncle Sam kapag wala itong suot na damit.
Pero dahil ayaw ni Rebecca na magkasala kaya itinago niya ang pagnanasa sa asawa ng kaniyang tiya.
Hanggang sa isang gabi, nahuli siya ni Uncle Sam na nagme-‘me time’ habang inuungol niya ang pangalan nito…
Summer was seriously injured in a car accident. Hindi lang siya nalumpo kundi nawala rin ang kaniyang paningin.
Nang dahil sa aksidenteng iyon kaya sa wakas ay naniwala na rin si Summer sa madalas sabihin ng kaniyang ama na ‘malas’ daw siya. Dahil mula pa pagkabata, puro kamalasan na ang nangyayari sa buhay niya, mapa-career o pamilya man. Kahit sa pag-ibig ay hindi rin siya sinuwerte.
And then Mark Anthony came and promised to take care of her the moment they met. Tinanggap nito nang buong puso ang mga kapansanan niya. Sa kabila ng hindi magandang karanasan sa mga naunang pag-ibig, hindi napigilan ni Summer ang sarili na mahulog sa binata.
Mark Anthony made her believe in love again. He made her fall in love even though she doesn't see him. At nang mahalin din siya ng binata ay wala nang mahihiling pa si Summer. He’d do anything for her. So, what more she could ask for?
Pero masusubok ang kanilang pagmamahalan sa pagbabalik ng paningin ni Summer at natuklasan niya na may kinalaman si Mark Anthony sa aksidente at pagkabulag niya.
Sa mga palabas lang nakikita ni Queenie na kapag mahirap ka at nasa bingit ng kamatayan ang mahal mo sa buhay, kakapit ka sa patalim. Pero para sa dalaga, ganoon din naman ang gagawin niya kung sakali. Hindi lang niya akalain na talagang mararanasan niya iyon nang mangailangan ng operasyon ang kaniyang nag-iisang kapatid at malaking halaga ang kailangan.
At nang mag-krus muli ang landas nila ng batang CEO na si King Hidalgo, hindi na nagdalawang isip pa si Queenie na humingi ng tulong na tinanggap naman nito. Kahit pa inaasahan na niya na hindi iyon madali dahil ito lang naman ang lalaking labis niyang sinaktan sa nakaraan.
“Well, hindi ka naman nagkamali ng nilapitan. As you can see, I can give you three million without breaking the bank. Puwede ko pa iyong triple-hin. Lahat ng expenses ng kapatid mo, sasagutin ko. Hindi mo na rin poproblemahin ang donor niya. But of course…” Tumigil ito sandali bago ngumisi, “it comes with a price.”
“Ano ba ang gusto mong maging kapalit ng pagtulong mo sa kapatid ko, King?”
“Be my mistress.”
Naguluhan si Queenie.
Kaya nga ba niyang kumapit sa patalim alang-alang sa kapatid kahit alam niyang may masasaktan na naman siyang tao at iyon ay walang iba kundi ang asawa ni King Hidalgo?
#TagalogWritingContest-LoveGameWithAMulti-facetedBillionaire
ISANG taon nang kasal si Arabella Cerezo sa asawa niyang si Gov. Gabriel Contreras na isang bilyonaryo. May amnesia ito noong magsama sila. Pero sa kabila niyon, masasabi niya na puno ng pagmamahalan ang kanilang pagsasama. Anak na lang ang kulang para mabuo ang kanilang pamilya at maging perpekto ang lahat.
Ngunit ipinagkait iyon sa kanila ng tadhana.
Ngayon na bumalik na ang alaala ni Gabriel, si Arabella naman ang nakalimutan nito.
Hanggang saan niya kayang ipaglaban ang asawa kung nahuli na niya ito na may kahalikang iba? At iyon ay walang iba kundi ang babae na itinuturing pa nila na kapatid. ____________________________________
Brianna Chanelle Monteguado or Anne for short was an arrogant, vain, and bitch. 'Diyosa' ang tingin niya sa kaniyang sarili. Sino mang gustong kumalaban sa kaniya ay napapatiklop niya. Kahit ang sariling ama ay suko na rin sa pagiging arogante ng dalaga.
Iyon ang naging therapy ni Anne sa dami ng heartbreak na pinagdaanan na niya.
Hanggang sa makatagpo niya ang isang mayamang estranghero sa bar. Sa unang pagkikita pa lang ay agad na siyang humanga rito.
Kaya ang akala ni Anne, iyon na ang simula para muling lumambot ang matigas niyang puso. Pero hindi pala. Dahil literal na one-night stand ang nangyari sa kanila. Bigla na lang itong naglaho at hindi na muling nagpakita pa.
But she couldn't forget him. Mas lalong hindi niya ito mapatawad sa pagtalikod nito sa isang Brianna Chanelle Monteguado at muling pagwasak sa puso niya.
Hanggang sa nasagad na ni Anne ang pasensiya ng daddy niya. Ipinadala siya nito sa isang malayong farm para maranasan daw niya ang mamuhay bilang isang ordinaryong tao.
And there, she met Crisostomo Villaverde—ang magsasaka na saksakan ng guwapo.
Dahil sa bitterness ng kaniyang puso, si Anne na lang yata ang hindi apektado sa karisma ni Crisostomo. At wala siyang pake! Lalo at sagad ang kasungitan nito pagdating sa kaniya.
Ginawa pa siya nitong yaya!
Pero aminado ang dalaga na kahit lihim pa rin siyang naghihintay sa pagbabalik ng mayamang estranghero, lihim na kinilig ang puso niya sa magsasakang si Crisostomo nang sa wakas ay ngumiti na ito sa kaniya.
Nang dahil sa ngiti na iyon kaya unti-unting napalitan ng sweetness ang bitterness sa puso ni Anne. Feeling niya, sa wakas ay magiging buo na rin uli ang puso niya.
Until she learned about Crisostomo's secret...
WARNING: RATED SPG
Matagal nang pangarap maging boyfriend ni Alex si James Monreal na isa sa itinuturing na pinakaguwapong bilyonaryo sa buong mundo. Pero para sa isang tulad niyang estudyante pa lang at ipinanganak na mahirap, ang maging girlfriend ng binata ay isang suntok sa buwan.
But all of a sudden, her dream came true.
May nag-alok sa kaniya na magpanggap bilang kakambal niyang si Charlotte—ang fiancee ni James, na nakipagtanan naman sa ibang lalaki. Pero kailangan daw na matuloy ang kasal ng dalawa.
Kaya ang misyon ni Alex: MAGING FAKE BRIDE ni James.
Napakasimple lang naman sana iyon dahil matagal na niya iyong pinangarap.
Ngunit may problema: Dahil sa piling ni James, nakakalimutan ni Alex na nagpapanggap nga lang pala siya bilang fiancee nito....
? 3rd Place- FORBIDDEN LOVE CONTEST
DAXTON REYES, 'Mayor Dux' for short, is one of the hottest bachelors in town. Siya rin ang itinuturing na youngest mayor sa buong bansa. Tagapagmana rin siya ng isa sa mga itinuturing na mayayamang angkan sa kanilang bayan. Walang dahilan ang sino mang babae na tanggihan siya.
But Mayor Dux is also a playboy young guy. Hindi siya naniniwala sa salitang 'love'.
Hanggang sa dumating sa buhay niya ang eighteen year old na stepsister—si BLESSY MENDIOLA.
Isa itong probinsiyana at malayong-malayo sa mga babaeng nauugnay kay Mayor Dux. Pero ang kasimplehang iyon ng dalaga ang bumighani sa mailap na puso ni Mayor Dux. Unang kita pa lang niya rito ay nagkaroon na siya ng lihim na paghanga.
Pero may problema... Ayon sa kaniyang ama, kailangan daw niya itong ituring na parang tunay na kapatid.
Paano iyon magagawa ni Mayor Dux kung kasabay ng kaniyang lihim na paghanga kay Blessy ay ang pagtindi ng kaniyang pagnanasa rito? Paano niya ito ituturing na kapatid kung sa tuwing nagkakasama silang dalawa, wala siyang ibang gawin kundi ang angkinin ito?
Mapipigilan pa kaya ni Mayor Dux ang kaniyang sarili na mahalin ang kapatid kapag nalaman niya na iisa sila ng nararamdaman?
O mabubuo ang isang bawal na pagmamahalan?
NOTE: RATED SPG CONTENT
This story is about blended family and forbidden love.
Pagod na pagod akong nakatulog pagkatapos ko siyang angkinin. Nagising ako nang maramdaman ko ang tumutulong pawis sa aking noo sa kabila ng malakas na aircon. Nagulat pa ako nang malamang narito pala ako sa aking opisina at wala sa sariling silid. Nakasubsob ang aking ulo sa lamesa at hindi ako nakahiga sa kama.
Sapo ang aking noo na tumayo ako nang mapagtanto ko ang nangyari. I was having s*x with the woman I didn't know. Kahit ang kaniyang mukha ay hindi ko masiyadong matandaan.
At hindi ito ang unang beses na nananaginip ako nang ganito. Simula sa 'second life' ko ay madalas na itong mangyari.
I tried to forget her. Ngunit sa bawat araw na lumilipas na hindi ko siya nakikita sa personal ay para na akong mababaliw. Kaya may naisip na akong paraan para makilala ko ang babaeng gumugulo palagi sa aking mga panaginip at isipan.
Kahit alam kong imposible...
⚠️ Rated HARD SPG
Ganda was eighteen years old when she met Reese Balinger. Nagayuma raw ito ng nilalako niyang lumpiang Shanghai. Pero ang problema, ito ang tipo ng lalaking kinatatakutan niyang mahalin—well-off, too handsome, and playboy. Ang mga ganitong lalaki kasi ang madalas manloko at mang-iwan. Kaya sa unang panliligaw pa lang ay basted na agad ito sa kaniya.
But Reese is obsessed with her. Pinikot siya nito.
Pero sa araw ng kanilang kasal ay tumakas si Ganda. And twelve years later, mula sa pagiging taga-lako ng lumpiang Shanghai ay isa na siyang sikat na international runway model at bilang si Sky Jewel Dela Vega na.
Until one day, a heartless Mafia boss kidnapped her. Ikinulong siya nito sa isla. But despite being with him for the past year, Sky Jewel has never seen his face. Wala naman sanang problema kung hindi lang kasing lamig pa sa yelo ang pakikitungo nito sa kaniya.
Habang nakakulong sa piling ng misteryosong Mafia boss ay muling nagtagpo ang kanilang landas ni Reese.
And despite what she did to him in the past, Reese promised safety. Nangako ito na tutulungan siyang makatakas sa islang iyon.
Ngunit magiging ligtas nga ba si Sky Jewel sa mga labi ni Reese na palaging nangangako ng langit?
At paano naman ang literal na panganib sa piling nito?
Ako nga pala si Lyka Vargas. Eighteen years old ako nang mag-asawa uli ang nanay ko. At doon na nagsimula ang kalbaryo sa buhay ko.
Palihim akong inaalipin at inaalipusta ng matapobreng pamilya ng kaniyang bagong asawa.
Mabuti na lang at palaging nandiyan si Uncle Verex para ipagtanggol ako. Sa sobrang bait niya sa'kin, hindi ko namalayan na lihim na pala akong umiibig sa kaniya.
Hanggang sa hindi ko na kayang itago ang nararamdaman ko sa kaniya. Nadala kami ng aking kapusukan. At nagbunga iyon.
And now, Uncle Verex Montecillo is the father of my child.
Ako nga pala si Hope Salvador—maganda, mayaman, sexy at matalino. Higit sa lahat, isang mapagmahal at maalagang asawa. Perfect ako sa paningin ng iba.
Pero paano ako naging perpekto kung hindi ko naman kayang bigyan ng anak ang aking asawa na si Gabriel Meneses, na siyang pinaka-pangarap niya? Ang aking asawa na hindi ko kayang mawala sa akin.
At ang tanging paraan lang para hindi iyon mangyari ay ang... hayaan siya sa piling ng ibang babae na kaya siyang bigyan ng anak.
Tama ba ang aking ginawa? O isa iyong pagpapakatanga?
Nang dahil sa pagkakakulong ng ama kaya napilitan si Kan Lao na maging temporary wife ng lalaking hindi niya kilala, kapalit ng malaking halaga, sa Las Vegas.
Temporary dahil after one or two weeks daw ay magdi-divorce din agad sila. Kailangan lang daw nito ng asawa na maihaharap sa pamilya ng babaeng gustong pumikot dito.
Nalaman na lang ni Kan sa mismong araw ng pagkuha nila ng marriage license na ang lalaking pakakasalan pala niya ay walang iba kundi ang kilalang bilyonaryo na si Nicolas Gonzales.
Minsan nang nakilala ng dalaga si Nicolas nang may ialok ito sa kaniya.
"Be my wife," walang gatol na alok nito kay Kan.
Napamulagat ang dalaga. Tama ba ang narinig niya. "Pardon?"
"I said, be my wife," pag-uulit ni Nicolas na bakas ang kaseryosohan sa mukha. "Bibigyan kita ng pitong milyon kapalit ng pagpayag mo bilang asawa ko."
Ngunit isang kalokohan ang magpakasal sa hindi naman niya personal na kilala at hindi niya mahal. Kaya tinanggihan iyon ni Kan kahit ubod ito ng guwapo.
Pero ngayon na kailangan niya ang pera nito, papayag na kaya ang dalaga? Kahit ang ibig sabihin niyon ay makakasama niya sa iisang bubong ang lalaking saksakan ng babaero at kinamumuhian pa niya?
Isang masayang pamilya ang mayroon si Carys bago binago ng isang malagim na pangyayari...
Aksidenteng napatay ng kaniyang ama na isang pulis ang bunso at nag-iisang kapatid na si Adalynn, tatlong araw bago ang kasal nito sa lalaking hindi pa niya nakikita dahil sa Australia na siya nakatira.
Ang pagkakaalam ni Carys ay isa itong bilyonaryong abogado. Kaya ang inaasahan niya ay isang matanda at kulubot na ang balat. Lalo pa at kilala niya ang kapatid na mahilig sa mayayamang matatanda.
At sa pag-uwi niya sa Pilipinas para sa burol ng kapatid ay saka pa lang niya ito nakita at nalaman ang pangalan.
The man her sister was to marry was Ton-Ton Monreal—one of the hottest billionaires of his generation. Nakakatuyo ng lalamunan ang kaguwapuhang taglay nito. Malayong-malayo sa matanda at may kulubot na balat na inaasahan ni Carys.
Because Ton-Ton was young, gorgeous, and damn hot.
In short, masuwerte ang babaeng mapapangasawa nito. Masuwerte din sana ang kapatid niya.
Hindi raw matanggap ng lalaki ang sinapit ni Adalynn. At bilang kabayaran daw sa buhay ng mapapangasawa nito, kailangan ni Carys na pakasalan ito. Ngunit wala sa hinagap niya na sa mismong araw ng kasal nila ni Ton-Ton ay ipaparamdam na agad nito sa kaniya ang malamig na pakikitungo...
"Don't try to escape from me, Carys. Dahil kapag nahuli kita, mas gugustuhin mo pang mamatay na lang..."
Masasabi pa kaya ng dalaga na suwerte ang magiging asawa ng isang Ton-Ton Monreal?
ARRANGE MARRIAGE. Iyon ang nakatatak sa isipan ni Dianne Dela Cruz simula pa lang noong bata siya. Dahil nakatakda na siyang ikasal sa kaniyang kinakapatid na si Nathaniel Montemayor. Isang bilyonaryong CEO na hindi pa niya nakikita sa personal.
At dahil lumaki si Dianne na sunod-sunuran sa kaniyang mga magulang kaya tinanggap na niya ang kapalarang iyon.
Ngunit bago itali ang sarili sa lalaking hindi naman niya mahal, gusto ni Dianne na maranasan kung paanong suwayin ang kaniyang mga magulang.
She had s*x with a stranger. For one night.
Ngunit paano kung matuklasan ni Dianne na ang lalaking naka-one night stand pala niya ay walang iba kundi si Daniel Montemayor, also known as Massimo Bianchi. Ang arogante at walang pusong bilyonaryo na kakambal ni Nathaniel Montemayor? At bigla na lang siyang inalok na maging asawa nito.
Kaninong team kaya ibibigay ni Dianne ang "I do" niya? Sa team Nathaniel na mabait kuno pero niloloko lang pala siya? O sa team Massimo na saksakan ng yabang pero kaya siyang ipaglaban?
***********
Ikaw, kaninong team ka?
**********
NOTE: This story is a second generation of THE BILLIONAIRE'S PROPERTY.
NOTE: This is a rated HARD SPG story. This is also about cheating so please read at your own risk.
Tatlong taon nang engaged sa kaniyang Filipino-American boyfriend si Vivian, si Clinton. At naghihintay na lang siya ng tamang oras para maisama ito sa pag-uwi niya sa Pilipinas at maiharap sa kaniyang pamilya na maituturing na isa sa pinakamayamang angkan sa buong Asya.
For three years, akala ni Vivian ay perpekto na ang relasyon nila ni Clinton. Isang beses lang nitong hiniling na may mangyari sa kanila. At nang tumanggi siya ay nirespeto nito ang kaniyang desisyon.
Ngunit hindi akalain ni Vivian na hindi pala kuntento ang kaniyang nobyo sa relasyon na walang s*x. Dahil hinanap nito iyon sa kandungan ng iba...
Sa kandungan ng sariling best friend niya na pinatira pa niya mismo sa sariling pamamahay. Walang kamalay-malay si Vivian na harap-harapan na pala siyang niloloko ng dalawa. Hanggang sa mahuli niya si Clinton na nakapatong sa ibabaw ng best friend niya at sa sariling kama pa niya...
Guwapo at mayaman. Iyan ang mga pamantayan ni Jheann pagdating sa kaniyang future husband. Kaya nga nang malaman niyang isa nang milyonaryo ang childhood crush niyang si Bernard Ledesma ay pinangarap na niya itong makatagpong muli.
But unfortunately, she met Jared Salvador. Guwapo at magiting na pulis. Iyon nga lang, wala itong datung. Pero kahit hindi ito mayaman ay ito naman ang isinisigaw ng kaniyang katawan.
Hanggang sa isang malaking desisyon ang kailangang panindigan ni Jheann na nagpabago sa buhay niya at ni Jared.
Seven years later, nagtagpo uli ang mga landas nila ng binata. Larawan na ito ng lalaking pangarap niyang maging asawa. Iyon nga lang, cannot be na sila.
Kasal na siya sa iba at sagad hanggang langit naman ang galit nito sa kaniya.
"Be my slave as long as I want. And don't try to run away from me again." Humigpit ang pagkakahawak ng malabakal na kamay ni Jared sa braso ni Jheann "Because if you did, this time, I will kill you."
Kaya pa ba ni Jheann na manatili sa piling ng isang taong walang puso at delikadong tao na tulad ni Jared Salvador?
College pa lang ay mag-boyfriend na sina Erin at Caleb. Sabay nilang pinangarap ang makapunta sa Canada.
Ngunit kung kailan naman abot-kamay na nila iyon ay saka naman nagkaroon ng problema sa pamilya si Erin at nakipaghiwalay siya Kay Caleb.
After two years, kung kailan handa na siyang harapin ang sariling love life, doon naman niya nalaman na ikakasal na pala si Caleb sa best friend niya.
May pag-asa pa kayang magkaroon ng happy ending ang love story ni Erin?
Mayaman ang pamilyang pinanggalingan ni Zoe Mei Tan. Lumaki siya na "prinsesa" kung ituring ng kaniyang pamilya.
Ngunit isang araw ay biglang nagbago ang malaprinsesang buhay niya nang malubog sa utang ang kaniyang ama. At siya ang hinihinging kabayaran ng pinagkakautangan nitong kaibigan at kasosyo sa negosyo.
Hindi matanggap ni Zoe na magpakasal sa lalaking hindi naman niya mahal. So she ran away.
Ngunit nalagay sa panganib ang buhay ni Zoe at may dumating na guwapong lalaki at iniligtas siya--si Ethan Zoleta-- ang hot mekaniko ng Lucban.
At ang kapalit? Maninilbihan siya rito bilang isang katulong.
Until she fell in love with Ethan. Pero ang masaklap, hindi pa handang magmahal uli ang binata.
Isang araw, kinailangang umalis ni Zoe para sa kaniyang pamilya. Pumunta siya ng New York. And there, she met another man and got herself engaged.
Sa pagbalik ni Zoe sa Pilipinas ay muling nagtagpo ang landas nila ni Ethan. Handa ang binata na gawin ang lahat para lang mabawi siya nito.
Kaya ba ni Zoe na pagtaksilan ang fiance para lang makasama ang lalaking totoong nagmamay-ari ng puso niya?
Nakilala ni Mara si Xander sa panahon kung kailan ay wasak ang kaniyang puso. Inalok nito sa kaniya ang sarili para maging rebound guy, para raw makapag-move on siya. Pumayag ang dalaga at nakipag-live in siya kay Xander.
Alam ni Mara na totoong minahal siya ni Xander. Ngunit may nangyari na naging dahilan para lalong matakot ang dalaga na pumasok muli sa isang relasyon.
Pinalaya ni Mara si Xander. Pero kung kailan naman siya handa nang mahalin ang binata, saka naman malalaman ni Mara na ikakasal na pala ito.
Ikakasal na si Xander at sa bestfriend pa niya...
Since he was a kid, Liam wanted to do sports for a living. At sa murang edad ay nagsimula na siyang sumikat bilang isang football player sa buong mundo.
Nang dahil sa kaniyang career kaya nakapagpundar si Liam ng sarili. He could be considered a multi-millionaire at his young age.
Ngunit napilitan siyang maging CEO ng kanilang family business nang mag-asawa ang kaniyang Kuya Dean at piniling mamuhay nang simple.
Okay na sana ang lahat dahil nagtagumpay din si Liam sa bagong career at malapit nang matuloy ang naudlot na kasal ng kaniyang girlfriend na si Roxie.
Pero bigla siyang pinikot ng kaniyang kinakapatid at kababata na si Tere. At sa mismong araw ng kanilang kasal ay nangako si Liam na gagawing miserable ang buhay nito sa piling niya.
"Stop thinking of 'happily ever after', Tere. Dahil ngayon pa lang magsisimula ang kalbaryo mo sa piling ko. I swear I will make your life miserable."
"I still vow to love you, Liam. I promise to keep and hold you, for all the days of my life," sa halip ay sagot ng dalaga.
"And I vow to always be your wicked husband, Tere."
Ngunit kung kailan na-realize ni Liam na mahal naman talaga niya ang asawa ay saka naman ito naglahong parang bula sa buhay niya. At nang muli silang magkita ay may iba na itong mahal.
Mababawi pa kaya ni Liam si Tere?
Puno ng kasinungalingan ang buhay ni Rhian. Lumaki siya na hindi alam ang totoong pinagmulan. Iyon ang dahilan kaya sumali siya sa The Royalties, pinakasikat na grupo sa Greenwood University. Sila ang itinuturing na mga prinsesa at prinsipe ng campus.
Bata pa lang din ay alam na ni Rhian na extraordinary human siya. May nakikita at naririnig ang dalaga na hindi kayang gawin nang isang normal na tao. At iyon ang naging daan para makilala niya ang isang kakaibang angel of death, si Ehran.
Sa kabila ng kaalamang magkaiba sila nang mundo ay napalapit sila sa isa't isa. Binago ni Ehran ang buhay niya.
Pero nalaman ni Rhian na parte pala siya ng isang napakalaking propesiya. Siya ang itinakdang tatapos sa lahi ng mga anghel at Kampflens o fallen angels. Na darating ang araw na posibleng mapunta siya sa masama o sa mabuti.
Sobrang hirap mang tanggapin ang kapalaran ay pinilit iyong harapin ng dalaga. Naniniwala siyang kaya niya iyong lagpasan basta magkasama sila ni Ehran.
Pero paano kung malaman ni Rhian na ang inaakala niyang protector ay siya palang nakatakdang tatapos sa kaniya?
Mananatili kaya siya sa kabutihan o mananaig sa kaniya ang kasamaan?
This story is rated SPG. Please read at your own risk.
BLURB:
At an early age, Noah found out that he had extraordinary strength. Isang kakayahan na hindi niya alam kung dapat ba niyang ituring na biyaya o sumpa. Dahil kung may dalawang bagay man siya na itinuturing na blessings sa kaniyang buhay, iyon ay ang pagkakaroon ng masayang pamilya, at mapagmahal na nobya--si Michelle.
Si Michelle na una pa lang nakita noon ni Noah ay may kakaiba na siyang naramdaman. Ito na kaagad ang babaeng gusto niyang makasama habambuhay.
Ngunit nang dahil sa isang trahedya ay biglang nagbago ang masayang buhay ni Noah. Dead on arrival siya. Habang na-comatose naman si Michelle.
When Noah's died, he found out the most horrifying truth: He is Hedvig, once called "The Ruthless Hybrid".
Hindi niya matanggap na sa likod ng pagiging mabuting tao ay nakatago ang isang katauhan na walang puso.
Ngunit paano kung malaman ni Noah na ang pagtanggap niya sa katotohanan ang tanging paraan para mailigtas ang buhay ni Michelle?
Pipiliin pa kaya niya ang manatili sa kabutihan kahit wala na ang babaeng minamahal?
Paalala: Lahat po nang mababasa n'yo sa story na ito ay kathang-isip lang. Bunga lang ng malawak na imahinasyon ng may-akda. Wala itong kinalaman sa totooong buhay o pangyayari. Lahat ng pagkakapareho ay marahil nagkataon lang. Maraming salamat!
WARNING: This story contains UNORDINARY SPG. Please read at your own risk.
Dean Monreal was famously started as a billionaire at his young age. And now, he is among the top richest men in Asia. At age of thirty-four, kilala na si Dean sa isa sa pinaka-successful na investors. Never siyang nabigo sa ano mang deal. At gan'on din pagdating sa babae. He charmed women effortlessly.
At kung gaano niya kabilis nakukuha ang mga babae ay gan'on din kabilis natatapos ang relasyon niya sa mga ito. Isang relasyong tanging pisikal na atraksiyon at init ng katawan lang ang nag-uugnay. In short, hindi pumapasok si Dean sa isang serious relationship. Ayaw niya ng commitment. At aminado ang binata na sa edad niya ay wala pa sa plano niya ang pag-aasawa. Hindi pa siya handang magpatali.
Kaya nga ayaw ni Dean sa mga virgin at inosente. Gusto niya ng wild at palaban. May pagka-sadista kasi siya pagdating sa kama. Ayaw na ayaw niya ng traditional style pagdating sa s*x. Bukod siyempre sa ayaw ni Dean na manganib ang single status niya kaya gusto niya ang mga babaeng siguradong hindi maghahabol.
Iyon ang mga rason kaya binansagan siyang "The Playboy".
Isang bilyonaryong playboy na may tinatagong mapait na nakaraan...
Warning: This story is rated SPG. At hindi po ordinaryong SPG lang.
Years before Bernard Ledesma became a famous billionaire, he was an attention seeker. Lagi siyang minamaliit at binabalewala ng sariling ama na isang milyonaryo.
Hanggang sa dumating sa buhay ni Bernard ang babaeng unang nagpatibok ng puso niya--si Joanna. Ito ang kauna-unahang taong nagpakita sa kaniya ng pagmamahal. Nang dahil sa dalaga kaya naging matatag si Bernard.
Pero sa kabila ng mga ginawa niya para kay Joanna ay hindi siya nito nagawang mahalin. Mas pinili nitong pakasalan ang lalaking bahagi ng nakaraan, kasama ang anak nila.
Nang dahil sa pambabalewala ng ama at pagtalikod sa kaniya ng babaeng minamahal, pinili ni Bernard na "patayin" ang kaniyang puso. Sinikap niyang higitan ang achievements na mayroon noon ang kaniyang ama. Until he became a well-known ruthless "Lord Hare" and heartless "Don Bernardo" of Mexico.
He shows no pity or compassion for others. He's inconsiderate and insensitive for other people's feelings. Lahat ng babaeng humihiling ng "second round", tinatakot niya na papatayin.
Hanggang sa nakilala ni Bernard ang unang babaeng muling nagpatibok ng puso niya--si Clara. Lahat yata ng magagandang katangian ay na kay Clara na. They fell in love with each other. Kung noon ay ayaw niya ng "round two", pagdating kay Clara, kahit "unlimited" pa.
Ngunit paano kung matuklasan ni Bernard na bahagi pala siya ng masakit na nakaraan ni Clara?
Handa ba si Bernard na pagbayaran ang kaniyang mga kasalanan? Para sa babaeng minamahal?
*RATED Unordinary SPG
So, please read at your own risk.
BLURB:
Kilala si A bilang magaling na right hand at bestfriend ng isa sa pinakasikat na druglord at billionaire sa Mexico, si Bernard Ledesma. Isa siya sa pinakamagaling makipag-transact. Wala pa siyang naging business deal na hindi niya nakukuha sa isang kisap-mata lang.
At kung gaano katindi makipag-transact sa negosyo si A ay gan'on din sa mga babae. Hindi na niya kailangang mambola para makuha ang mga ito.
Isang araw ay nakilala ni A ang jologs at tagalako ng biko na si Aarah. Iniligtas niya ito mula sa isang bidding show. And they fell in love with each other.
Ngunit isang araw ay may nangyari para magkahiwalay sila ni Aarah. At sa muli nilang pagkikita ay nalaman niyang ikakasal na pala ito sa nawawala niyang kapatid--si Baste.
Kaya ba ni A na ipaubaya sa mahal niyang kapatid ang babaeng minamahal?
NOTE:
This series is a sequel of The Hottest Billionaires Series 2: Bernard Ledesma (The Heartless)
WARNING: Rated HARD SPG
BLURB:
Nicolo Gonzales was born into money. He had a sweet life growing up. Madalas siyang sabihan na perfect guy na raw siya: handsome, smart, and rich. Kumpleto sa rekado na raw ang buhay ni Nicolo.
Bukod sa pagiging young billionaire at sa magagandang katangian na nabanggit, isa pang sikat at magaling na INTERPOL agent si Nicolo.
Pero kung gaano kakumpleto ang buhay ni Nicolo, gan'on naman kawasak ang puso niya. Hindi siya kayang mahalin ng kaniyang asawa at babaeng mahal na mahal--si Gwen.
At sa gitna ng luhaang puso ni Nicolo ay umeksena ang yaya ng kaniyang anak--si Jeany. Mababaling kaya ang loob niya rito?
Warning: Rated HARD SPG. Please read at your own risk.
Kilala si Kieran Balinger na "Bad Boy Haciendero" ng Bacolod City. He does what he wants when he wants. Wala siyang ginusto na hindi niya nakukuha: mapa-negosyo man, trabaho o babae. Lahat nang sumusubok na harangin siya, sinasagaan niya.
Hanggang sa nakilala ni Kieran ang masungit na nurse na si Rezaliza Areja. Unang kita pa lang ay naakit na siya rito. Sinabi niya na, "Kapag lumingon ka ay akin ka." At mukhang nagkatotoo naman iyon dahil napaibig niya ang dalaga.
Mula sa pagiging bad boy slash playboy ay tumino si Kieran simula nang maging sila ni Reza. Tumigil na siya sa pakikipag-sex sa iba't ibang babae. Nakuntento na siya sa pagmamahalan nilang dalawa. Balak na nga niya itong pakasalan.
Ngunit paano kung isang araw ay matuklasan ni Reza ang "dark side" niya?
Ano ang pipiliin ni Kieran? Ang kaniyang "pangarap" o ang buhay ng kaniyang minamahal na si Reza?
COMPLETED
Hindi pa man ipinapanganak ay "ibinigay" na siya ng kaniyang mga magulang sa Diyos bilang "pambayad-utang". Dati kasing seminarista ang kaniyang ama at madre naman ang ina. Nagkagustuhan ang mga ito at parehong tinalikuran ang mga tungkulin. Pero kapalit niyon ay ang pangako na ang magiging anak ang magpapatuloy sa tinalikurang bokasyon. At si Kathleen Grace Ocampo 'yon.
Wala naman sana iyong kaso sa dalagita dahil wala naman siyang nakikitang mali sa pagiging alagad ng Diyos. At isa pa, sa "kapintasan" niya ay imposible rin naman siyang magka-boyfriend.
Kaya lang sa isang iglap ay biglang nagtapat sa kaniya ng pag-ibig ang bestfriend niyang Filipino-Norweigian na si Jakob Eirik Andreassen.
Nawindang ang puso ni Kathleen dahil bukod sa hindi sila bagay ni Jakob ay kaibigan lang talaga ang turing niya rito.
Pero akala lang pala niya iyon.
Dahil "nagpatukso" siya kay Jakob at umibig dito. Buong-puso nitong tinanggap ang kaniyang "kapintasan"na madalas maging dahilan para bully-hin siya ng ibang tao.
Sa kabila ng 'bawal' nilang pag-ibig ay nagpatuloy silang dalawa. Kinalimutan ni Kathleen ang nakatadhana para sa kaniya. Handa na sana siyang ipaglaban sa mga magulang ang kanilang relasyon. Pero may isang pangyayari ang nangangailangan ng himala.
"Nakipagkasundo" siya sa Langit at ang ipinalit niya ay ang pagmamahalan nilang dalawa ni Jakob.
Natuloy sa kumbento si Kathleen. Pero nang isang hakbang na lang sana para maging ganap siyang madre ay muli silang nagtagpo ng binata. At muli itong nagtapat ng pag-ibig.
Handa kaya siyang baliin ang "kasunduan" nila ng Langit para sa taong itinadhana sa kaniya at mahal na mahal niya?
#Hard SPG
May dalawampu't pitong taon lang si Kimberly para mabuhay. Puwede siyang ma-"expired" sa mundo bago o sa mismong ika-28th birthday niya. Pero matagal nang tanggap at pinaghandaan ng dalaga ang kapalaran niya. Ang gusto lang ni Kimberly ay maiwang maayos ang pamilya at ma-enoy ang natitirang buhay. At para sa dalaga, masasabi lang niyang sulit ang buhay kung makakatikim siya ng kakaibang "langit" bago pumunta sa totoong langit.
At iisang lugar lang ang naisip ni Kimberly na makakapagbigay sa kaniya niyon, ang Pleasure Club. Na nabalitaan niyang dinadayo ng mga mayayaman at guwapong kalalakihan.
Handa pa rin kayang mamatay si Kimberly ngayong nakilala at natikman na niya ang pinaka-guwapo, pinaka-hot at mayamang winner ng Game of Pleasure, ang kakaibang laro ng Pleasure Club, na si Sam Walker?
"Daig mo pa ang isang kabute na bigla-bigla na lang sumulpot sa buhay ko. 'Tapos, nalaman ko na lang na special ka na pala sa puso ko."
Stalker. Iyan ang tawag ni Scarlett sa sarili dahil sa mga pinagagawa niya. Ang prospect? Si Brayden Navarro na isang vocalist ng isang sikat na banda sa kanilang university. She was content admiring him from a distance dahil may girlfriend ito. Hanggang sa nakita niya si Brayden at ang girlfriend nitong si Lilian na nagtatalo. At nalaman na lang niyang hiwalay na ang dalawa. Hindi tuloy maiwasan ni Sacrlett na mapaisip nang magsimulang lumapit-lapit sa kaniya si Brayden. Pero kiber. Matagal niyang hinintay ang araw na mapapansin siya ng lalaki. Hindi nagtagal ay sinagot niya ito. Ang buong akala niya ay wala namang problema.
Hanggang sa...
"Niligawan ka lang ni Brayden para gantihan si Lilian."
Para makalimot sa sakit na dulot ng panggagamit ni Brayden, pumayag si Scarlett sa desisyon ng daddy niya na sa Japan manirahan. She thought she had moved on. Pero nang bumalik siya sa Pilipinas at nagkita uli sila ni Brayden, nalaman niya ang buong katotohanan sa likod ng masaklap nilang love story.
Nakumpirma rin niyang ni minsan ay hindi nawala ang pagmamahal niya sa lalaki.
But how could she fight for their love when she was already engaged to be married to another man...
Ni minsan ay hindi nagreklamo si Diana sa buhay niya. Sanay na siya na palaging contractual employee sa trabahong napapasukan. Pero umabot na sa puntong kinailangan na niyang kumapit sa patalim para sa pamilya. At ang una niyang naging biktima ay si Elijah Dominic Montano, mayaman at guwapo.
Pero nahuli siya ng binata at desidido itong ipakulong siya. At ang nag-iisang paraan lang para makalaya siya ay ang magpakulong naman sa piling nito- ang magpakasal sila.
Sa pagkakataong iyon ay kakayanin pa kaya ni Diana ang buhay-contractual? Pero ang pinagkaiba, hindi na bilang isang empleyado kundi bilang contractual wife ni Elijah Dominic?
*COMPLETED*
Once upon a time, I fell in love with the girl in my "dream". With the woman who can't love me back.
Who can't love me back...anymore.
THE END.
Yes.
It was the END.
********************
Hindi biro ang mga pinagdaanan ni Flynn sa buhay. Inabandona siya ng sarili niyang mga magulang at iniwanan sa tiyahing walang pakialam sa kaniya. Inakusahan ng kasalanang hindi naman niya ginawa at hinusgahan ng mga tao. Pero ang mas masakit, tinalikuran siya at iniwan sa ere ng mga taong buong akala niya ay tanging nagpapaperpekto ng buhay niya.
Ang buong akala ni Flynn, talagang pinabayaan na siya ng Diyos. Pero biglang dumating sa buhay niya si Elisha. Binago nito ang buhay niya.
Kaso, kung kailan naman naging maayos na ang lahat sa buhay ni Flynn, saka naman siya biniro ng tadhana. Biglang naglahong parang bula ang mahal niyang si Elisha. Ang sabi ng iba, hindi raw ito totoo. Na ang babaeng minahal daw niya ay isa lang "extra" na dinagdag ng isip niya sa mga ordinary dream niya noong na-comatose siya.
Isang kathang isip lang daw si Elisha...
Isang imahinasyon...
Isang panaginip.
Sa kabila nang hindi pagtanggap ni Flynn sa ideyang iyon, unti-unti iyong tinanggap ng puso niya sa paglipas nang maraming taon.
Kaso, kung kailan naman handa na si Flynn na tanggapin ang masakit na katotohanang iyon, pinaglaruan na naman siya ng tadhana. Muling nagpakita sa kaniya ang mahal niyang si Elisha...
Ang bagong Elisha.
Nang minahal kasi kita ay nalaman kong hindi naman pala masama ang magdamot. Lalo na kung ang ipinagdadamot mo ay ang taong mahal mo."
Matindi ang trauma na dinanas ng kapatid ni Vassyleen dahil sa pagkamatay ng kanilang mga magulang. Kaya nang gumaling si Valerie ay ginawa ni Vassyleen ang lahat para huwag na muling malungkot ang kapatid. Ibinigay niya ang lahat kay Valerie, kahit kalimutan pa ang sariling kaligayahan. At nang minsang mabigo sa pag-ibig si Valerie at nagtangkang magpakamatay, maging siya ay namuhi sa lalaking nagpaiyak dito.
Hanggang sa mapadpad si Vassyleen sa Baler dahil sa isang job assignment at doon ay nakilala niya ang lalaking kumompleto sa kaniyang buhay-si Klyv. Ipinaramdam nito sa kanya ang pag-aalaga at pagmamahal na kahit kailan ay hindi niya naranasan. Malapit na sana silang magkaroon ng happy ending ng lalaki nang isang rebelasyon ang biglang pinasabog ni Valerie. Si Klyv daw ang lalaking nanloko rito.
Sapat na dahilan na iyon para talikuran ni Vassyleen si Klyv sa mismong araw ng kanilang kasal. Ngunit pagkalipas lang ng tatlong taon ay panibagong rebelasyon ang pinasabog ni Valerie- isang katotohanang kailangang harapin ni Vassyleen. Kailangan niyang makabalik sa buhay ni Klyv.
Ang problema: Kaya pa ba siyang tanggapin ng lalaking labis niyang nasaktan?
ATTENTION:
This is a raw version. Meaning, unedited. So, pasintabi po sa typos and grammars.
Note: This is a prequel of NUMINA Trilogy
****
Once upon a time, there was a princess who could not live happily ever after...
Si Castle de Ayala ay miyembro ng isang sikat na clique sa Green Wood University, na kung tawagin nila ay The Royalties. Ito ang grupo na kinabibilangan ng mga tinaguriang prinsesa at prinsipe ng kanilang campus. At katulad ng ibang grupo ay may sarili din silang rules. Isa sa mahalagang rule na iyon ay ang tinatawag nilang 'quarterly evaluation'-kung saan papatunayan nila na karapat-dapat pa rin silang maging miyembro ng The Royalties.
At ang pinakahuling 'evaluation' ni Castle sa taong iyon ay ang paibigin si Prince Dimaano. Ito ang kasalukuyang presidente ng kanilang Student Council. Guwapo, seryoso at masungit. Nabibilang ito sa grupo na kung tawagin sa campus ay 'low profile'. Ito ang bansag nila sa mga mahihirap na estudyante ng Green Wood.
Pero nang makilala niya si Prince ay may napatunayan si Castle...
Being a 'princess' is not enough to make him fall.