Chapter 1
"Yuck!" Tili ni Sofia, ang ate ni Scarlett, nang bumungad ito sa sala. "Don't tell me, papasok ka ng school na ganiyan ang suot mo?"
Madalas nitong problemahin ang kaniyang fashion na manang daw, wala sa uso at baduy. Pero ano bang magagawa niya kung ganito ang bet niya na fashion?
Sanay naman na si Scarlett sa pagiging pakialamera ng kaniyang ate, hindi lang sa pananamit kundi sa buong buhay niya. Naiintindihan din niya kung bakit gan'on na lang ito kung laiitin ang kaniyang lifestyle. Isa kasi ang kaniyang Ate Sofia sa tinitingalang top models of the Philippines.
Pero okay na 'yon at least napapansin nito si Scarlett, kumpara naman sa Kuya Jaxon niya na laging dedma. Kung daan-daanan siya, as if hindi siya nag-i- exist sa universe! At walang inatupag kundi mag-car racing, na bihira naman kung manalo.
"What's wrong with my outfit, ate?" Kunwa'y tanong din niya rito.
Sinipat niya ang sarili sa malaking salamin na nasa sala. Fitted naman sa kaniya ang skinny jeans na tinernuhan niya ng three-fourth shirt. Naka-rubber shoes siya at nakapusod ang mahaba niyang buhok. Suot-suot din niya ang kaniyang magic mirror-na ayon pa sa ate niya ay lalong nagpa-emphasize sa kaniyang pagiging nerd.
Ngunit ano ang magagawa ni Scarlett? Eh, sa malabo na ang kaniyang mga mata?
"'Buti sana kung ikaw lang ang napapahiya sa ayos mong 'yan, eh." Maarteng pagrereklamo ni Ate Sofia. Ngumiwi pa ito.
"Im telling you, Scarlett, pinagtatawanan na ako ng mga friends ko dahil sa pagkakaroon ng kapatid na jologs. Kapag hindi mo pa inayos 'yang pananamit mo, mapipilitan akong paayusan ka sa mga kaibigan kong bakla!"
Namilog ang mga mata ni Scarlett. "Ayoko, Ate Sofia! Ayokong magmukhang bading, 'no!"
"What's going on here, ladies?" Bungad ng kanilang inang si Mommy Arianna.
Pinaikot ng Ate Sofia niya ang mga mata. "It's your weirdo daughter... Again!"
Ang kaniyang Mommy Arianna ang tanging kakampi ni Scarlett pagdating sa fashion. Okay lang daw kung saan siya mas comfortable.
"Sofia!" saway naman ng kanilang Daddy na papanaog sa hagdan. Pero inismiran lang ito ng ate ni Scarlett.
Maya-maya ay dumaan sa kanilang harapan ang Kuya Jaxon niya at dire-diretso sa paglabas ng bahay. Ni hindi man lang nag-abalang magpaalam sa kanilang mga magulang.
"Jaxon!" malakas na tawag ng kanilang ama sa kuya ni Scarlett. Ngunit hindi man lang ito lumingon hanggang sa narinig na nila ang ugong ng sasakyan. Mayamaya'y sumunod na rin ang kaniyang ate na tanging 'bye' lang ang iniwan. "Sumusobra na 'yang mga anak mo, Arianna."
"Siguro madami lang iniisip ang mga bata," pagdedepensa ng mommy ni Scarlett sa kaniyang mga kapatid.
"Kaya lumalaki ang ulo ng mga iyon dahil sa pagtatanggol mo. I think I should punish them para magtino."
"And do you really think na makakatulong 'yon? They are not a kid anymore, Vergilio. Na madadala kapag na-grounded o di kaya kapag hindi mo binigyan ng allowance."
"Yes, I know. Kaya ang ibig sabihin niyon ay malalaki na rin sila para sa serious punishment. Oras na gumawa pa sila ng kalokohan ay makakatikim na sila sa 'kin," determinadong banta ng kaniyang ama kaya hindi na sumagot pa si Mommy Arianna.
Alam kasi nila parehas na kapag gan'on na ang tono ng pananalita nito ay wala na silang magagawa pa.
"I have to go." Binalingan siya ng ama. "And Scarlett, sana hindi ka tumulad sa mga kapatid mo ngayong nasa tamang edad ka na."
Hinagkan siya nito sa noo saka dinampian ng halik sa labi ang esposa. Nang makaalis ang ama ay nagpaalam na rin sa ina si Scarlett.
Malambing niyang inakbayan ang ina. "I have to go, too, Mom. Huwag na po kayong mag-isip about ate and kuya. Matatanga na ang mga iyon para sa mga sarili nila."
"'Buti na lang hindi at ka nagmana sa mga kapatid mo." Pilit itong ngumiti saka siya hinagkan.
Lumabas na si Scarlett at sumakay sa kaniyang kulay gray na Audi A4, pagkatapos na pagaanin ang loob ng ina. Pinayagan na siya ng kaniyang parents to drive her own car simula nang tumuntong siya ng eighteen. Unlike before na may sarili pa siyang driver.
Kaya galit sa kaniya ang mga kapatid dahil daw mas paborito siya ng kanilang mga magulang. Pero hindi 'yon totoo. Si Scarlett lang kasi ang matino sa kanilang tatlo kaya lagi siyang napupuri sa bahay nila.
Walang gaanong traffic ng araw na 'yon kaya mabilis ang naging biyahe ni Scarlett. Hindi niya namalayang nasa tapat na pala siya ng Collegio de Santo Niño- isa sa pinakamahal na eskuwelahan sa buong Quezon City.
Pagkatapos niyang iparada ang kotse sa parking lot ng campus ay naglakad na siya papunta sa kaniyang first class.