bc

One Night With My Fiance's Twin Brother(The Billionaire's Property 2)-SPG

book_age18+
5.7K
FOLLOW
36.9K
READ
billionaire
possessive
contract marriage
one-night stand
dominant
twisted
bxg
city
cheating
like
intro-logo
Blurb

ARRANGE MARRIAGE. Iyon ang nakatatak sa isipan ni Dianne Dela Cruz simula pa lang noong bata siya. Dahil nakatakda na siyang ikasal sa kaniyang kinakapatid na si Nathaniel Montemayor. Isang bilyonaryong CEO na hindi pa niya nakikita sa personal.

At dahil lumaki si Dianne na sunod-sunuran sa kaniyang mga magulang kaya tinanggap na niya ang kapalarang iyon.

Ngunit bago itali ang sarili sa lalaking hindi naman niya mahal, gusto ni Dianne na maranasan kung paanong suwayin ang kaniyang mga magulang.

She had s*x with a stranger. For one night.

Ngunit paano kung matuklasan ni Dianne na ang lalaking naka-one night stand pala niya ay walang iba kundi si Daniel Montemayor, also known as Massimo Bianchi. Ang arogante at walang pusong bilyonaryo na kakambal ni Nathaniel Montemayor? At bigla na lang siyang inalok na maging asawa nito.

Kaninong team kaya ibibigay ni Dianne ang "I do" niya? Sa team Nathaniel na mabait kuno pero niloloko lang pala siya? O sa team Massimo na saksakan ng yabang pero kaya siyang ipaglaban?

***********

Ikaw, kaninong team ka?

**********

NOTE: This story is a second generation of THE BILLIONAIRE'S PROPERTY.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Pinatay ni Massimo Bianchi ang makina ng kaniyang Shimizu X2 sports car, isang Japanese at number one car brand sa buong mundo, at bumaba mula roon nang makarating siya sa mansion ng kaniyang mga magulang sa Florence, Italy. At ang sasakyan niya ang isa sa pinakamahal at pinaka-latest na special edition ng nasabing brand. Bilang pa lang sa daliri ang mayroon niyon sa buong mundo. Pero naiiba ang kay Massimo dahil siya mismo ang nag-setup niyon para mas maging maganda at maangas tingnan. Siya ang personal na nag-aayos ng kaniyang mga sasakyan. "Buongiorno, signore!" Good morning, sir! sabay-sabay na bati kay Massimo Bianchi ng limang security guard na nagkalat sa malawak nilang bakuran. Hindi siya sumagot. Sa halip ay natuon ang kaniyang pansin sa tatlo pang guwardiya na nakatayo pa rin sa gitna ng daraanan niya. "Mannaggia, togliti di mezzo!" Damn, get out of my way! sigaw ni Massimo sa mga ito, na agad namang nag-alpasan nang marinig siya. Itinulak pa niya ang isa, dahilan para tumalsik sa mga antique jars at nabasag ang mga iyon. Siguradong baguhan ang tatlo at hindi pa ganoon kakilala ang pag-uugali niya. Pinakaayaw ni Massimo ang hinaharangan ang daraanan niya at pinapakialaman ang mga desisyon niya sa buhay. Kaya mas gusto pa niya ang mag-isa kahit gaano karami ang mga tauhan na nagsisilbi sa kanilang pamilya. Pagkapasok pa lang ni Massimo sa malawak na maindoor ay sumalubong na sa kaniya ang hile-hilerang mga serbidora na gumilid para magbigay ng daraanan sa kaniya. "Buongiorno, Signor Massimo!" sabay-sabay din na bati ng mga ito sa kaniya at yumukod sa kaniya na animo'y siya ang pinakamataas na tao sa buong mundo. Mula pa man noong bata pa lang si Massimo ay para na siyang prinsipe kung ituring ng lahat sa mansion na iyon. Sa bahay na iyon na siya lumaki at nagkaisip simula nang umalis sila sa Isla De Dios sa Pilipinas. Isang Filipina ang kaniyang ina. Purong Italian naman ang kaniyang ama at isa sa pinakamayamang tao, hindi lang sa buong Europe, kundi sa buong mundo. Sa kabila niyon ay nanatiling pribado ang kanilang personal na buhay. Lalo na pagdating kay Massimo. Ang sabi ng kaniyang mga magulang, miracle baby daw siya. Dahil imposible na noon na magkaaanak ang kaniyang ina pero nagbuntis pa sa kaniya. Kaya ganoon na lang kung ingatan siya ng mga ito. Simula noong maliit pa lang ay hindi na siya inihaharap sa maraming tao para sa kaligtasan niya. Nang dahil daw kasi sa yaman ng kanilang pamilya kaya marami ang nagtatangka sa buhay nila. Lalo na sa kaniya na nag-iisang tagapagmana. Iyon ang dahilan kung bakit lumaki si Massimo na iilan lang ang nakasalamuha. Nakakalabas lang siya noon ng bahay kapag kasama ang mga magulang. Pati ang pag-aaral niya ay homeschool lang din. Bawal siyang makipagkaibigan o makipag-usap na walang pahintulot ng kaniyang mga magulang. Nakaramdam lang ng kalayaan si Massimo nang mag-college siya. Iyon ay pagkatapos niyang maaksidente at may malaking parte ng kaniyang mukha ang nasira at inayos. Nang dahil sa matinding pinsala kaya hindi na raw iyon naibalik na katulad na katulad noong dati. Marami ang nagsasabi na parang ibang tao na raw si Massimo. Mahal na mahal si Massimo ng kaniyang mga magulang. Wala siyang ginusto na hindi ibinigay, lalo na kapag materyal na bagay. Kahit ang desisyon niyang manirahan sa bagong mansion na binili ng mga ito para sa kaniya ay sinuportahan din ng mga ito. Tila isang hari na dumaan si Massimo sa gitna ng sandamakmak nilang serbidora habang walang emosyon ang kaniyang mukha. Dumiretso siya sa malaking couch at prenteng umupo doon. Mayamaya pa ay nakita na niya ang ina na lumalabas ng elevator. Agad itong ngumiti nang makita siya. Habang tinitingnan ang papalapit na ina ay hindi sinasadyang isang pamilyar na imahe ng babae ang sumagi sa isip ni Massimo. She called her "mommy" in his repeated dreams ever since childhood but he didn't know her. Ang sabi ng kaniyang mga magulang ay normal lang daw sa isang bata ang magkaroon ng werdong panaginip. At pinaniwalaan naman iyon ni Massimo dahil natigil na ang panaginip niyang iyon nang lumaki na siya. "Ciao, mio caro figlio!" Hello, my dear son! Tumayo si Massimo para salubungin ang ina. Tanging mga magulang lang niya ang hinahayaan niyang haharang-harang sa daraanan niya at mangialam sa desisyon niya sa buhay. Ang mga ito lang ang nakakahuli sa mailap niyang pagkatao. "Mabuti naman at naisipan mo akong dalawin kahit wala ang Papà mo." "Siyempre naman, Mamma," paglalambing niya sa ina. Maliit pa lang din si Massimo ay tinuturuan na siya nito ng Tagalog kaya fluent siya sa Filipino language. "Come on. I prepared your favorite foods." Inakbayan ni Massimo ang kaniyang ina habang papunta sila sa malawak ding kusina, kung saan ay naghihintay ang tatlo nilang family chef.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
142.3K
bc

The Sex Web

read
151.4K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
14.6K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
48.6K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
95.1K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
69.8K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
38.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook