bc

LUMAYO KA MAN SA AKIN (The Billionaire's Mistress)

book_age18+
128
FOLLOW
1.0K
READ
billionaire
family
HE
escape while being pregnant
arrogant
bxg
like
intro-logo
Blurb

Sa mga palabas lang nakikita ni Queenie na kapag mahirap ka at nasa bingit ng kamatayan ang mahal mo sa buhay, kakapit ka sa patalim. Pero para sa dalaga, ganoon din naman ang gagawin niya kung sakali. Hindi lang niya akalain na talagang mararanasan niya iyon nang mangailangan ng operasyon ang kaniyang nag-iisang kapatid at malaking halaga ang kailangan.

At nang mag-krus muli ang landas nila ng batang CEO na si King Hidalgo, hindi na nagdalawang isip pa si Queenie na humingi ng tulong na tinanggap naman nito. Kahit pa inaasahan na niya na hindi iyon madali dahil ito lang naman ang lalaking labis niyang sinaktan sa nakaraan.

“Well, hindi ka naman nagkamali ng nilapitan. As you can see, I can give you three million without breaking the bank. Puwede ko pa iyong triple-hin. Lahat ng expenses ng kapatid mo, sasagutin ko. Hindi mo na rin poproblemahin ang donor niya. But of course…” Tumigil ito sandali bago ngumisi, “it comes with a price.”

“Ano ba ang gusto mong maging kapalit ng pagtulong mo sa kapatid ko, King?”

“Be my mistress.”

Naguluhan si Queenie.

Kaya nga ba niyang kumapit sa patalim alang-alang sa kapatid kahit alam niyang may masasaktan na naman siyang tao at iyon ay walang iba kundi ang asawa ni King Hidalgo?

chap-preview
Free preview
PROLOGO
LUMAYO ka man sa akin At ako’y iyong limutin Masakit man sa damdamin Pilit pa rin titiisin… Pinatay ni Queenie ang pinapakinggang kanta mula sa FM station ng kaniyang cellphone nang maramdaman niya na tumigil ang kotseng sinasakyan. Dumilat siya at tinanggal ang earphone na nakasaksak sa tainga niya, sabay silip sa labas ng bintana. Hindi siya nakakibo at nakapagsalita nang makita ang hinintuan nila na malaking gate, na kusang bumukas at nagpatuloy sila sa loob. Agad namang bumaba ang driver at pinagbuksan ng pinto ang lalaking katabi niya na kahit hindi nagsasalita ay damang-dama naman niya ang malamig na pakikitungo sa kaniya. Hindi na niya hinintay na pagbuksan din siya at dali-dali nang umibis din. Sandaling napahinto ang dalaga nang makita niya ang paligid. Hindi maitago sa kaniyang mukha ang paghanga. Lalo na nang humayon ang kaniyang mga mata sa fountain na nakatayo sa gitna ng malawak na motor court. Katapat naman niyon ang porch na may iilang halaman sa paligid. Saka lang huminto ang mga mata ni Quennie sa marangyang bahay na nakatayo sa harapan niya nang mapatingin siya sa veranda. “Follow me.” Ramdam ni Queenie ang malakas na t***k ng puso niya nang magsalita ang lalaki. She slowly turned to him and their eyes met. “S-sige. Kukunin ko lang ang mga gamit ko sa—” “Bartolome,” sa halip ay tawag nito sa driver para putulin ang pagsasalita niya, “Isunod mo na sa loob ang mga gamit niya,” pagkautos ay saka ito nagmamadaling tumalikod at nilagpasan lang si Quennie. Hindi naman agad nakagalaw si Queenie at nasundan lang ng malungkot na tingin ang papalayong lalaki. She never thought that he would treat her like that. He had changed. Hindi na ito ang King na nakilala at minahal niya five years ago. And she was deeply hurt. Pero kailangan niyang tiisin dahil sa matinding pangangailangan niya para sa kapatid. At walang ibang makakatulong sa kaniya kundi ang lalaking sinaktan din niya noon. Pero ano nga ba ang kapalit ng ipinangako nitong tulong? Bakit kailangan pa siya nitong dalhin sa mansiyon na iyon? Para ipamukha sa kaniya na nagkamali siya ng pinili noon? Naramdaman yata ni King na hindi siya sumunod dito. Huminto ito at nakakunot ang noo na nilingon ang dalaga. “What are you still standing there? Ang sabi ko, sumunod ka sa’kin.” “S-sorry,” mahinang sagot ni Quennie at saka lang nagmamadaling sumunod dito. Umiwas din siya ng tingin nang mapansin ang sandaling pagtitig sa kaniya ni King bago muling nagpatuloy sa paglalakad. Lalong napuno ng pagkamangha ang mukha ni Queenie nang sa wakas ay nakarating sila sa grand foyer. Kulang ang salitang ‘marangya’ para i-larawan ang nakikita ng mga mata niya. From sweeping staircase, soaring ceiling, to the skylights in the hall to flood the space with the light. Nakakalula ang sumalubong sa kanila na kahit sino mang papasok doon ay siguradong mapapa-‘wow’. It’s a stunning entryway that will surely make a lasting impression on everyone who steps through the entrance. Even the large arched window above the front door aroused her curiosity. Ganito na ba talaga kalayo ang narating ng dating construction worker na unang nagpatibok ng puso ni Queenie? Mula sa bintanang iyon ay hindi napigilan ng dalaga na ilibot pa ang kaniyang paningin. Paglingon niya sa kanan ay eksakto namang humarap din sa kaniya si King. Ilang oras na rin silang magkasama pero ngayon lang siya nagkaroon ng pagkakataon na pagmasdan itong muli pagkatapos ng limang taon. Nakapamulsa ito sa suot na blue dress pants na tinernuhan ng white button-down shirt. Medyo fit ang tabas ng damit kaya bumakat ang matipunong katawan nito. Nang magbaba ng tingin si Queenie ay napansin din niya ang brown leather shoes na suot ni King. Hindi maiwasan na ikumpara niya iyon sa dating tsinelas lang na suot nito. Habang patuloy na nabubuo sa isipan niya ang mga katanungan, dahan-dahan din na nag-angat ng mukha ang dalaga hanggang sa napatingala siya kay King. He was really tall, muscular, and neat. Wala pa sa five feet ang height niya kaya normal na manliit siya sa harapan ng isang six-footer na tulad nito. Naalala pa niya dati kung paano siya nito tawagin na ‘duwende’ sa tuwing nag-aasaran sila. Tapos mapipikon siya at ito naman ay tatawa nang malakas. Pero susuyuin din naman siya agad. Hindi namalayan ni Queenie na napapangiti na pala siya habang binabalikan niya ang isa sa masasayang nakaraan nila ni King. Back then, he was a man who smiled at her with his pretty eyes. Isa ito sa pinaka-sweet na lalaking nakilala niya noon. Pero ngayon… Parang suwerte na kung makita mo siyang nakangiti. Nakakatakot nang tumitig sa kulay-asul nitong mga mata. Mas lalo lang naramdaman ni Queenie ang malamig na pakikitungo nito sa kaniya. And she felt a pang of pain inside her chest. Dahil noon, nilulunod siya sa pagmamahal ng mga matang iyon. Pagmamahal na siya rin naman ang nagsayang. Pinigilan ni Queenie ang mapaluha. Ano ang ginawa niya sa lalaking ito? “Magkano nga uli ang kailangan mo?” pormal na tanong sa kaniya ni King kaya napakislot ang dalaga. “A-ang sabi ng doctor, kailangan ko raw maghanda ng one to three million para sa heart valve replacement ni Cindy.” Sa loob-loob ni Queenie, umaasa siya na kahit papaano ay makitaan niya ng simpatiya si King. Noong sila pa, naging malapit din naman ito sa kapatid niya. Pero lalo lang niyang sinaktan ang sarili dahil wala siyang nakita na kahit anong emosyon sa mukha ng lalaki nang titigan niya ito. “Oh.” He smirked. “Hindi talaga biro ang gano’ng surgery. Bakit hindi ka humingi ng tulong sa asawa mo?” “P-patay na siya.” Kinagat niya ang ibabang labi. “Three years ago pa.” Huling-huli niya ang kakaibang emosyon na sumungaw sa mga mata ni King pero hindi niya kayang pangalanan. “Biyuda ka na pala ngayon,” anito sabay talikod sa kaniya at naglakad patungo sa hagdan. Tumayo ito sa paanan niyon at muling humarap sa kaniya na blangko na uli ang ekspresyon ng mukha. “Well, hindi ka naman nagkamali ng nilapitan. As you can see, I can give you three million without breaking the bank. Puwede ko pa iyong triple-hin. Lahat ng expenses ng kapatid mo, sasagutin ko. Hindi mo na rin poproblemahin ang donor niya. But of course…” Tumigil ito sandali bago ngumisi, “it comes with a price.” Inaasahan na iyon ni Queenie. Kaya nga kahit sigurado siya na hindi iyon madali, tumango agad siya. “Kahit ano, gagawin ko. Basta para sa kapatid ko. At alam mo ‘yon.” Huminga siya nang malalim para bawasan ang kaba. “Ano ba ang gusto mong maging kapalit ng pagtulong mo sa kapatid ko, King?” “Umakyat na muna tayo sa itaas. Ipapakilala kita sa asawa ko.” Pakiramdam ni Queenie ay nabingi siya sa narinig. “M-may asawa ka na?” “At ano naman ang akala mo? Ikaw lang ang makakapag-asawa? At ako hindi?” punong-puno ng sarkasmo na sagot agad ni King. “Hindi lahat ng babae ay katulad mo na nang-iiwan sa ere, Queenie.” Napalunok siya. “Alam ko.” “At lalong hindi lahat ng babae ay katulad mo na mukhang pera.” Doon na siya hindi nakasagot. She bit her lip. At kumuyom na naman ang mga kamay niya. Gusto niyang ipagtanggol ang sarili. Pero walang salita ang lumabas sa bibig niya. Nilunok na lang niya ang mga iyon para pigilan ang paghikbi. Baka lalo lang siyang pagtatawanan ni King kapag nakita nito ang pag-iyak niya. “Wala pa ako kahit pambili nitong sapatos ko ngayon nang makilala ko ang asawa ko. Pero hindi iyon naging hadlang para piliin niya ako kaysa sa mayayamang lalaking nakapalibot sa kaniya noon,” dagdag pa nito, kapagkuwan ay umakyat na sa hagdan. Naglalakad na ito nang magsalita uli pero hindi man lang nilingon si Queenie. “Follow me. Ipapakilala kita sa babaeng sinasabi ko…” Pakiramdam niya ay para siyang babagsak sa sahig dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ng puso niya. Akala niya sinaktan lang niya noon si King kaya narating nito ang kinatatayuan nito ngayon. But she was wrong. Dahil may iba pala itong naging inspirasyon. Samantalang dati, palagi nitong sinasabi sa kaniya na siya raw ang magiging inspirasyon nito para makaangat sa buhay. “Have you changed your mind?” baling uli sa kaniya ni King nang makita siya nito na nakatayo pa rin sa kinatatayuan niya. “Akala ko ba handa kang gawin ang kahit ano para sa kapatid mo?” Bago pa man bumuhos ang pinipigilang luha ni Queenie ay ilang beses muna siyang humugot ng malalim na hininga. Saka lang siya tumingala kay King nang maramdaman niyang handa na siyang magpanggap muli na okay lang siya. Na wala na sa kaniya ang nakaraan nila. “At bakit naman ako aatras? Ni hindi ko pa nga alam ang kapalit na sinasabi mo, ‘di ba?” He looked at her for a while. Kapagkuwan ay tumawa ito nang pagak. “Well, hindi ka nga pala umaatras kapag pera ang pinag-uusapan. Ako nga lang pala ang…” Ramdam ng dalaga ang pag-iinit ng kaniyang buong mukha. Kahit hindi na dinugtungan ni King ang sasabihin nito, malinaw niya iyong naiintindihan. Pero pinili niyang huwag nang depensahan ang sarili. Dahil nakikita niya na kahit anong paliwanag man ang gawin niya ay wala na ring silbi. Sarado na ang isip ni King… sarado na sa nakaraan nila. Pero kung talagang wala na sa kaniya ang nakaraan n’yo, bakit paulit-ulit pa niyang binabanggit ang tungkol sa kasalanan mo? hindi napigilang sabat ng isip ni Queenie na pilit na niyang iwinaksi. ILANG minuto rin bago sila nakarating sa ikatlong palapag ng mansion. Saka lang napansin ni Queenie na may elevator naman pala nang mapahinto siya sandali para magpahinga. Naka-heels pa kasi siya at galing siya sa trabaho niya bilang isang saleslady sa mall. Gusto lang yata talaga ni King na pahirapan siya kaya hinayaan siya nitong mapagod sa pag-akyat sa hagdan. Sabagay, ano lang ba itong hingal niya ngayon kumpara sa sakit at kahihiyan na idinulot niya rito noon? Tahimik lang na ipinagpatuloy ng dalaga ang pagsunod kay King hanggang sa huminto ito sa tapat ng isang malapad na pinto. Binuksan nito iyon. Pero hindi muna ito pumasok at tila hinintay siya. Nagmadali naman sa paglalakad si Queenie para hindi ito lalong mainis sa kaniya nang mapansin niya ang iritasyon sa mukha nito nang lingunin siya. “Why did you take so long to follow me?” masungit na bungad sa kaniya ni King nang makalapit siya rito. “Hiningal kasi—” Hindi na niya natapos ang pangangatuwiran nang humayon ang kaniyang tingin sa loob ng silid na binuksan ni King at nakita niya ang isang babae na mahimbing na natutulog sa kama. Sa gilid ng malaking kama na iyon ay napansin din ni Queenie ang wheelchair. “She’s Annalyn, my wife,” narinig niyang wika ni King nang mahulaan nito ang katanungan sa mga mata niya habang nakatitig sa babaeng natutulog. “She was seriously injured in a car accident. Bukod sa pagkalumpo at pagkabulag, naging resulta rin iyon para hindi na siya magkaanak. Wala na rin siyang kakayahan para sa mga pangangailangan ko bilang isang lalaki.” Saglit namang hindi nakapagsalita ang dalaga sa mga nalaman niya. Ramdam niya na lalo lang nilamukos ang puso niya. Ngunit batid niya na sa pagkakataong iyon ay dahil iyon sa pagkahabag niya sa lalaking dating minahal… at patuloy na mimamahal. Tila may bara sa kaniyang lalamunan na dahan-dahan siyang humarap kay King. Gusto niyang haplusin ang mukha nito kahit alam niyang wala na siyang karapatan nang mapansin niya ang lungkot na nakaguhit sa mga mata nito. “I-I’m sorry—” “I don’t need that, Queenie,” mabilis na putol nito sa gusto pa niyang sabihin habang tinatawid ang pagitan nilang dalawa. “What I need is you. I mean, your body. Just your body. Lalaki pa rin ako at may pangangailangan. At higit sa lahat, gusto kong magkaanak. And I’m sure you already know what I mean. Bilang kapalit, maililigtas mo ang buhay ng kapatid mo.” Napaigtad siya nang bigla na lang pumulupot ang mga braso nito sa beywang niya. “Be my mistress.” Umawang ang bibig ni Queenie. Pakiramdam niya ay binuhusan siya ng malamig na tubig. Nanigas siya sa kinatatayuan at parang sasabog ang dibdib niya pagkatapos niyang marinig ang mga sinabi nito. Kay King pa niya talaga maririnig ang mga iyon? Oo. Nasaktan niya ito noon. Nasaktan niya ito pero hindi naman niya iyon ginusto. Wala lang talaga siyang choice nang mga panahong iyon. At umasa siya na sana ay nalaman ni King ang totoo at patawarin siya. At hanggang ngayon ay umaasa pa rin siya… Pero may pag-asa pa nga ba kung ganito na kaliit ang tingin sa kaniya ng lalaking dati-rati, kulang na lang ay sambahin siya sa sobrang pagmamahal?

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook