bc

Erin's Love Story (Tagalog-SPG)

book_age18+
6.8K
FOLLOW
44.0K
READ
second chance
playboy
goodgirl
drama
bxg
heavy
office/work place
weak to strong
actor
like
intro-logo
Blurb

College pa lang ay mag-boyfriend na sina Erin at Caleb. Sabay nilang pinangarap ang makapunta sa Canada.

Ngunit kung kailan naman abot-kamay na nila iyon ay saka naman nagkaroon ng problema sa pamilya si Erin at nakipaghiwalay siya Kay Caleb.

After two years, kung kailan handa na siyang harapin ang sariling love life, doon naman niya nalaman na ikakasal na pala si Caleb sa best friend niya.

May pag-asa pa kayang magkaroon ng happy ending ang love story ni Erin?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
NAKAHARAP sa full-length mirror si Erin habang sinusuklay ang basa at mahaba niyang buhok. Isang simpleng clip lang ang inilagay niya para hindi mahulog ang kaniyang bangs. Sinuyod ni Erin ang kaniyang sarili. Simpleng skinny jeans at fitted T-shirt na kulay-peach ang suot niya. Tinernuhan niya iyon ng itim na doll shoes. Wala siyang inilagay na anumang kolorete sa mukha maliban sa face powder. Wala rin siyang alahas bukod sa silver na Casio watch na bigay ng kaniyang mga magulang noong debut niya. Nang makuntento sa hitsura niya ay dinampot na ni Erin ang kaniyang kulay-itim na backpack at lumabas na ng kuwarto. Naabutan niya ang kaniyang mga magulang na paalis na rin. Parehong teacher sa public school ang mga ito, sa magkaibang eskuwelahan. "Good morning, Mommy and Pappy." Nakangiting lumapit si Erin sa mga ito at saka humalik sa pisngi. "Good morning, Anak," sabay na bati sa kaniya ng dalawa. "Ay teka, may ibibigay nga pala ako sa'yo." Sandaling tumalikod ang Mommy Nenita niya at may kinuha sa tokador. "Bumili ako ng lipstick kahapon kaya ibinili na rin kita." Sabay abot ng lipstick kay Erin. Napangiwi ang dalaga. "Si Mommy talaga... Alam n'yo naman pong hindi ako gumagamit niyan, eh. Iyong huli n'yo ngang ibinigay sa'kin, nakatambak lang sa drawer. Hindi pa nabubuksan. Sa inyo na lang po 'yan, 'My." "Pero twenty years old ka na, Anak. Dalaga na. Paminsan-minsan ay kailangan mo ring mag-ayos ng sarili," giit ng ina. Bumaba ang tingin ni Erin at natatawang itinuro ang sarili. "Hindi pa po ba ako maayos sa lagay na ito?" "O, tingnan mo. Hindi mo na naman suot ang bagong sapatos na bili ko sa'yo. Hindi mo ba nagustuhan?" sabat naman ng Pappy Dencio niya. Principal ito sa High School. "Lumang-luma na iyang suot mo, eh. Pagpahingain mo na. " Ang ama naman ni Erin ang nilapitan at inakbayan niya. "Paps, sobrang ganda po ng rubber shoes na bigay n'yo. Kaya ayaw ko pong maluma agad. Para next semester ay may maisusuot pa ako." "Isuot mo na at ibibili na lang kita ng bago kapag sumahod ako," pamimilit din sa kaniya ni Pappy Dencio. "Paano ka magkaka-boyfriend niyan kung ayaw mong mag-ayos ng sarili?" biro ng ina ni Erin. "Baka akalain ng iba riyan, eh, tomboy ang bunso namin." "Mommy!" Natatawang pinanlakihan ni Erin ng mga mata si Mommy Nenita. "May tomboy ba na ganito kaganda at ka-sexy? Nagsusuot ng pambabae at naka-hairclip pa?" aniya, sabay turo sa sarili. Inakbayan si Erin ni Pappy Dencio. "Okay lang naman sa'min, Anak, kung mag-boyfriend ka man. Alam naming hindi mo pababayaan ang pag-aaral mo. At hindi ka lalagpas sa limitasyon. Normal lang naman ang ma-in love at magkaroon ng inspirasyon sa mga kabataang tulad mo. Kahit ang Kuya Rafael mo ay hindi rin tumututol." Lihim na napangiti si Erin sa sinabi ng ama. Kahit kailan, masasabi talaga niya na masuwerte siya sa kaniyang pamilya. Hindi sila mayaman at hindi rin naghihikahos sa buhay. Pero para sa dalaga, sobra-sobra na ang biyayang natatanggap niya mula sa Diyos. Bunso sa dalawang magkapatid si Erin. Ang Kuya Rafael niya na limang taon ang tanda sa kaniya ay nasa Dubai na at nagtatrabaho bilang isang Engineer. Ito ang katulong ng kaniyang mga magulang sa pagpapaaral sa kaniya sa isang mamahaling school sa Cubao. Second year na sa kursong Bachelor of Science in Graphic Design and Media si Erin. Kung tutuusin, kalahati na lang ang tuition fee na binabayaran ng pamilya niya dahil may nakuha siya na fifty percent scholarship noong g-um-raduate siya sa Senior High School bilang isang With Honors Awardee. Kailangan lang niyang i-maintain ang mataas na grado para hindi iyon mawala hanggang sa maka-graduate siya. At isa iyon sa dahilan kung bakit pinagbubuti ni Erin ang pag-aaral. Gusto kasi niyang maging successful na Graphic Designer balang araw. Kaya ang motto niya, "Study first before love." "At hindi rin porke't nag-aaral ka ay bawal ka nang makipagkaibigan o gumimik kung paminsan-minsan," untag sa kaniya ni Mommy Nenita. "Kailangan mo rin ng social life, Anak. H'wag puro aral lang. Nagsumbong sa'kin ang mga ka-batch mo noong High School. Hindi ka raw um-attend ng class reunion n'yo. Hindi ka rin pumupunta kapag ini-invite ka nila sa party. Baka naman maging manang ka na niyan." "Hindi naman po sa gano'n, 'My. Nagkataon lang na sumabay sa exams at quizzes ko ang mga okasyon na iyon. Kaysa naman unahin ko pa po iyon, 'di ba?" katuwiran ng dalaga. Ang sabi ng iba, masuwerte rin si Erin sa pagkakaroon ng supportive at understanding family. Hindi kasinghigpit ng ibang magulang ang Mommy Nenita at Pappy Dencio niya. Ito pa nga ang nagtutulak sa kaniya na makipag-boyfriend at mag-hang out kung minsan. Ganoon din ang Kuya Rafael niya. Bukod sa malaki ang tiwala ng mga ito sa kaniya, kailangan din daw niyang maranasang mamuhay bilang isang normal na teenager. Si Erin lang itong masiyadong istrikto pagdating sa sarili niya. "Ang sabi nga, 'Life is too short. Enjoy it while you can'. Kaya h'wag masiyadong seryoso sa buhay." Nakangiting ginusot ni Pappy Dencio ang buhok niya. Natatawa na lang si Erin sa ama. Ito ang pinaka-cool na tatay na nakilala niya. "Nag-e-enjoy naman po ako. Lalo na kapag kasama ko kayo." Sabay na inakbyan ng dalaga ang mga magulang at saka tumingin sa suot na relo. "Let's go na po. Ma-le-late na tayo." Halos magkatabi lang ang school na pinapasukan ng kaniyang mga magulang. Kaya sabay na pumapasok ang mga ito. Ibang daan naman ang papunta sa school ni Erin at nagko-commute na lang siya. Kapag may oras pa, inihahatid siya ng kaniyang ama gamit ang Suzuki Alto 800 nito. "Idaan mo nga pala muna ito kay Sinang, Anak." Inabot sa kaniya ng ina ang isang one thousand bill. "Nanghihiram kasi ng pambayad daw ng kuryente. Kawawa naman kung maputulan. Maliliit pa ang mga anak." Kapitbahay nilang iniwan ng asawa ang tinutukoy nito. Napangiti na lang si Erin. Ang kabaitan ng kaniyang mga magulang ang isa sa mga dahilan kung bakit sila nirerespeto sa kanilang lugar, bukod sa propesyon ng mga ito. Halos buong SSS Village sa Marikina ay kilala ang pamilya nila. "Opo, Mommy. Mag-ingat kayo sa pagpasok." Nagmano si Erin sa mga magulang bago lumabas ng bahay. "I love you." "Kaawaan ka nawa ng Diyos. Mag-ingat ka rin," sabi ng mga ito. "Mahal ka rin namin." Masiglang lumabas ng gate si Erin at tumawid sa bahay ni Sinang para iabot ang pera.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

THE HOT BACHELORS 1: Gregory Rivas

read
52.4K
bc

Seducing The CEO - (COMPLETED) Filipino

read
553.1K
bc

My Son's Father

read
585.8K
bc

My Innocent Boyfriend(TAGALOG SPG18+)

read
390.5K
bc

YOUNIVERSE SERIES 1: Tristful Eyes

read
1.0M
bc

The Heartless Billionaire (Tagalog)

read
705.2K
bc

Mister Arrogant (TAGALOG/SPG18+)

read
839.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook