bc

MY ARROGANT YAYA

book_age18+
636
FOLLOW
8.4K
READ
billionaire
revenge
one-night stand
HE
opposites attract
badgirl
bxg
office/work place
multiple personality
tricky
like
intro-logo
Blurb

Brianna Chanelle Monteguado or Anne for short was an arrogant, vain, and b***h. 'Diyosa' ang tingin niya sa kaniyang sarili. Sino mang gustong kumalaban sa kaniya ay napapatiklop niya. Kahit ang sariling ama ay suko na rin sa pagiging arogante ng dalaga.

Iyon ang naging therapy ni Anne sa dami ng heartbreak na pinagdaanan na niya.

Hanggang sa makatagpo niya ang isang mayamang estranghero sa bar. Sa unang pagkikita pa lang ay agad na siyang humanga rito.

Kaya ang akala ni Anne, iyon na ang simula para muling lumambot ang matigas niyang puso. Pero hindi pala. Dahil literal na one-night stand ang nangyari sa kanila. Bigla na lang itong naglaho at hindi na muling nagpakita pa.

But she couldn't forget him. Mas lalong hindi niya ito mapatawad sa pagtalikod nito sa isang Brianna Chanelle Monteguado at muling pagwasak sa puso niya.

Hanggang sa nasagad na ni Anne ang pasensiya ng daddy niya. Ipinadala siya nito sa isang malayong farm para maranasan daw niya ang mamuhay bilang isang ordinaryong tao.

And there, she met Crisostomo Villaverde—ang magsasaka na saksakan ng guwapo.

Dahil sa bitterness ng kaniyang puso, si Anne na lang yata ang hindi apektado sa karisma ni Crisostomo. At wala siyang pake! Lalo at sagad ang kasungitan nito pagdating sa kaniya.

Ginawa pa siya nitong yaya!

Pero aminado ang dalaga na kahit lihim pa rin siyang naghihintay sa pagbabalik ng mayamang estranghero, lihim na kinilig ang puso niya sa magsasakang si Crisostomo nang sa wakas ay ngumiti na ito sa kaniya.

Nang dahil sa ngiti na iyon kaya unti-unting napalitan ng sweetness ang bitterness sa puso ni Anne. Feeling niya, sa wakas ay magiging buo na rin uli ang puso niya.

Until she learned about Crisostomo's secret...

chap-preview
Free preview
Chapter One
WALANG halong pagmamadali na binagtas ni Anne ang hallway kahit alam niyang isang oras na siyang late sa kaniyang first subject. Wala siyang pakialam kung mahuli man siya sa first day niya rito sa Saint Rose University. Hindi porke't nasa poder na ulit siya ng ama ay magpapakabait na siya. No way! anang kaniyang isip. Brianna Chanelle Monteguado is always a Brianna Chanelle Monteguado. Aminado siya na hindi kasing laki ng pinanggalingan niyang school sa Italy itong Saint Rose University kahit pa nga isa ito sa pinaka-prestihiyosong unibersidad sa buong bansa. Pero pagkapasok pa lang kanina sa gate ay napahanga na siya sa ganda at linis ng paligid. At base sa mga napansin niya, bukod sa alam na niya, walang duda na pulos anak ng makakapangyarihan at mayayamang tao ang mga nag-aaral dito. "Wow ang ganda! Sino siya?" narinig niyang bulalas ng isa sa tatlong estudyanteng nadaanan niya. "Ngayon ko lang siya nakita dito. So, for sure na transferee,” maarteng sagot naman ng katabi nito. Tumaas lang ang kilay ni Anne. Sanay na siyang nakakaagaw ng pansin. Mapa-babae o lalaki man. Sino ba naman ang hindi makakapansin sa mala-dyosa niyang ganda na namana niya sa kaniyang ina na isang Filipino-Italian? Idagdag pa ang style of fashion niya. Sanay siyang lumabas ng bahay na parang modelo. At alam ng dalaga na sa araw na iyon ay panalo na naman ang outfit of the day niya. Mula sa itaas ay nakalugay ang kulay burgundy at alon-alon niyang buhok. Natural na sa tulad niyang mestisa ang mamula-mulang balat kaya hindi na siya naglalagay ng make up, bukod sa paborito niyang red lipstick. Marami na kasi ang nagsabing bagay na bagay daw sa mala-Angelina Jolie niyang lips ang ganoong kulay. Plus, she's wearing the latest designs of her personal fashion designer. Isang red mini dress na hapit na hapit sa katawan niya kaya litaw na litaw ang kaniyang kaseksihan. Tinernuhan iyon ni Anne ng strappy high heels sandals. At dahil long legged kaya lalo siyang nagmukhang beauty queen. "Grabe-e!" patili na puri uli sa kaniya ng naunang babae. "Ang ganda talaga niya! Kamukhang-kamukha niya ang idol ko!” Napatigil si Anne nang marinig niya ang hindi kilalang pangalan na binanggit ng babae. Ayaw na ayaw niyang ikinukumpara siya sa ibang tao dahil para sa kaniya ay nag-iisa lang ang Brianna Chanelle Monteguado. Iyon ngang inihahalintulad na siya sa isang sikat na Hollywood star ay hindi pa siya komportable, sa isang tao pa kaya na hindi niya kilala? "Kaso ang yabang, kung maka-chin up naman. That b***h thinks she's some kind of prima donna!" kontra naman ng isa pang babaeng kasama ng mga ito. "Ang sexy nga, ang laki naman ng bunganga." Nagpanting ang kaniyang tainga at biglang gumana ang ka-malditahan niya. Naka-pameywang na hinarap niya ang tatlong babae. Inuna niya ang babaeng nanlait sa kaniya. "May problema ka ba sa mga labi ko?" matapang at diretsahan niyang tanong. Pero mukhang palaban din at nakipagtarayan pa sa kaniya. "Meron. Bakit? May reklamo ka?" Humalukipkip si Anne para pigilan ang sariling mga kamay na nangangati na namang manampal. May sarili kasi siyang rule pagdating sa pakikipag-away. Hindi siya nakikipag-pisikalan hangga't hindi siya inunahan. At para i-dare ang babae ay paulit-ulit niya itong sinipat mula ulo hanggang paa, saka tumawa nang malakas na animo'y demonyita, na ipinagtaka naman ng tatlong babae. "May nakakatawa ba sa sinabi ko?" napipikon nitong tanong. She just laughed wickedly. "Na-realize ko lang na bakit nga ba kita pinapatulan? Eh, hindi naman tayo magka-level. Diyosa ako at mukhang halimaw ka naman.” Sinadya pa niyang lakasan ang boses para marinig ng lahat ng nakapaligid sa kanila sa mga oras na iyon. Namula ang magkabilang pisngi ng babae at nanlisik ang mga mata. "Baguhan ka lang dito kaya hindi mo kilala ang kinakalaban mo! b***h!” Natatawa kunwari na binalingan ni Anne ang katabi nito. "Sino ba ang babaeng mukhang paa na `to?" "Ang mukhang paa na `to na nilalait mo ay anak lang naman ni Ramon Alcantara! Ang number one senator sa Pilipinas,” biglang sabat nito na halos sumabog na sa galit na lihim niyang ipinagdiwang. Iilan lang ang mga pulitikong kilala niya sa Pilipinas at iyon ay ang naririnig niyang sinusuportahan ng kaniyang daddy tuwing election. At isa pala sa mga iyon ang ama ng malditang babae. Small world! Kunwaring nagulat at napatakip sa bibig niya si Anne. "Ows? So, anak ka pala ng isa sa pinaka-corrupt na tao sa bansa?” Doon na hindi nakayanan ng babae ang pamamahiya niya rito. Mabilis nitong hinila ang buhok niya. Pero dahil hindi hamak na mas matangkad si Anne sa height niya na five feet and eight inches at nasa five-three lang ang kalaban kaya hindi siya natinag. Sa halip, ito pa ang muntikang masubsob nang itulak niya. Sinubukan silang awatin ng mga kasamahan nito pero wala ring nagawa. Ayaw tumigil ng babae sa pagsabunot sa buhok ni Anne kaya hiniklas niya ang damit nito. At dahil manipis lang ang tela niyon kaya mabilis niyang napunit. Kung hindi pa nga ito hinila ng mga kaibigan, baka tuluyan na niya itong nahubaran. Samantalang hindi man lang hiningal ang dalaga. Nagawa pa niyang mag-retouch ng lipstick bago niya muling hinarap ang babae, “Next time, huwag kang magmaganda kung mukha ka namang paa,” pang-uuyam niya rito. "You will pay for this, you b***h!" galit na galit na sigaw nito bago patakbong umalis para makatakas sa kahihiyan. Noon lang napansin ni Anne na napapalibutan na pala sila ng mga kapwa estudyante. She just flipped her hair. "The nerve. Ang yabang-yabang magsimula ng away, duwag naman pala,” iiling-iling na kausap niya sa sarili at aktong aalis na nang bigla siyang harangin ng isang lalaking mukhang kahoy na tinubuan ng kabute. “Hi, miss. Ang astig mo naman.” Dumila pa ito sa harapan niya, sabay kindat at naglahad ng kamay. “Can I have your phone number?” Literal siyang napangiwi at kinilabutan siya. Hindi na bago kay Anne ang ganitong sitwasyon. Sa Italy pa lang ay sanay na siyang pinagkakaguluhan ng mga lalaki. At hindi niya ikinakaila na ilan sa mga iyon ay pinatulan niya. Gayon pa man ay mataas pa rin ang standard niya pagdating sa lalaki. Hindi siya pumapatol sa mga tulad nitong hininga pa lang, amoy-manyakis na. Yuck! Mamatay muna siya bago nito mahawakan ang kamay niya. “Step back, you shameless perv!” sigaw niya rito na agad namang napaatras. Muntik pa niya itong hampasin ng shoulder bag kung hindi lang siya nandiri na mapadikit sa manyakis na tulad nito ang mamahaling bag niya. Bago umalis, narinig pa ni Anne ang pagtawanan ng mga kapwa estudyante dahil sa pagkapahiya ng lalaki. Ang iba naman ay sobrang nainis sa inasta niya. "Ang ganda sana kaso ang sungit at mapanlait. At super yabang!” “Ang arogante ka’mo!” Napailing na lang si Anne at saka taas-noong nagpatuloy sa paglalakad. "Dammit. You don't know what I've been through." The corners of her mouth curved into a bitter smile, revealing a mix of emotions. Kung alam lang nila ang naging buhay niya noon sa Italy bago siya nakarating sa kung ano man siya ngayon. KAAGAD na uminit ang ulo ni Anne nang pagdating niya ng classroom ay nakita niya na dinuduro-duro ng magiging professor niya ang isang nerd na estudyante. "Sa lahat lang naman talaga ng mga nerd na kilala ko ay ikaw lang itong pinaka-bobo!" pamamahiya pa nito sa babaeng nakasuot ng long-sleeve at mahabang palda. Makakapal ang salamin nito sa mga mata at may pimples pa. Nakayuko na ito habang umiiyak. Napatiim-bagang siya mga narinig. Dali-dali siyang pumasok ng classroom at walang ano-ano na sinugod ang magiging teacher niya. Itinulak niya ito nang malakas, palayo sa babaeng nerd. “Stop it! Wala kang karapatan para saktan at ipahiya ang walang kalaban-laban na tulad niya!” Nagulat ang lahat sa malakas na sigaw na iyon ni Anne, lalo na sa pagtulak niya sa professor. Galit na galit at hindi makapaniwala na hinarap siya nito. Dahil hindi naman siya pumapayag na ibalandra siya palagi ng kaniyang ama sa public kaya siguro hindi siya nito nakilala agad. "At sino ka sa palagay mo para mangialam?" Taas-noo na hinarap niya ito. "I am Brianna Chanelle Monteguado. The unica hija of Don Jose Miguel Monteguado. So, kung pagod ka ng turuan ang mga estudyanteng may mahinang utak, mabuti pang umalis ka na dito sa Saint Rose. At kung gusto mong mapabilis `yon, sasabihin ko na lang kay Daddy para isumbong ka sa management. Dahil bawal itong ginagawa mo.” Sa ganitong pagkakataon lang siya nagiging proud na anak siya ng daddy niya. Dahil alam niya na pangalan pa lang nito ay kinatatakutan na. Itinuturing na isa sa pinakamayamang tao sa bansa ang business tycoon na si Don Jose Miguel Monteguado, ang kaniyang ama. Sa dami ng malalaking negosyo nito, hindi na iyon kayang bilangin ni Anne. Ni hindi nga niya kayang pangalanan lahat. O siguro dahil hindi lang talaga siya interesado sa pinanggagalingan ng perang winawaldas niya. Dahil bukod sa yaman ng ama… wala nang dahilan pa si Anne para ipagmalaki niya ang pagiging isang Monteguado. Kahit nga ang pagbansag sa kaniya ng iba na ‘prinsesa’ ay hindi niya ikinakatuwa. Nakita ni Anne kung paano namutla ang professor nang marinig ang sinabi niya. Actually, wala siyang pakialam sa mga batas-batas na iyon dahil may sarili siyang batas. At lalong wala siyang pakialam sa ibang tao at sa paligid niya. Mainit lang talaga ang mga mata niya sa mga taong mapang-api sa mga nerd. Isa iyon sa mga kahinaan niya. Dahil parte iyon ng nakaraan ni Anne na ayaw na niyang balikan pa…

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
183.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
81.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
140.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.3K
bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K
bc

His Obsession

read
91.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook