bc

The Hottest Billionaires 3: Kieran Balinger(The Bad Boy)

book_age18+
50.7K
FOLLOW
400.6K
READ
billionaire
badboy
goodgirl
drama
bxg
office/work place
secrets
Romantic-Suspense Writing Contest
like
intro-logo
Blurb

Warning: Rated HARD SPG. Please read at your own risk.

Kilala si Kieran Balinger na "Bad Boy Haciendero" ng Bacolod City. He does what he wants when he wants. Wala siyang ginusto na hindi niya nakukuha: mapa-negosyo man, trabaho o babae. Lahat nang sumusubok na harangin siya, sinasagaan niya.

Hanggang sa nakilala ni Kieran ang masungit na nurse na si Rezaliza Areja. Unang kita pa lang ay naakit na siya rito. Sinabi niya na, "Kapag lumingon ka ay akin ka." At mukhang nagkatotoo naman iyon dahil napaibig niya ang dalaga.

Mula sa pagiging bad boy s***h playboy ay tumino si Kieran simula nang maging sila ni Reza. Tumigil na siya sa pakikipag-s*x sa iba't ibang babae. Nakuntento na siya sa pagmamahalan nilang dalawa. Balak na nga niya itong pakasalan.

Ngunit paano kung isang araw ay matuklasan ni Reza ang "dark side" niya?

Ano ang pipiliin ni Kieran? Ang kaniyang "pangarap" o ang buhay ng kaniyang minamahal na si Reza?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Good morning, Lola!" masiglang binati ni Kieran ang abuela na nakaupo sa paborito nitong rocking chair, na nasa veranda ng Ramona's Mansion. "Mas gumaganda talaga ang araw ko kapag si lola ang una kong nakikita sa umaga." Nakangiting dumukwang si Kieran at hinagkan sa noo ang lola na si Donya Mildred. Matamis na ngumiti rin ang matanda. "At mas gumaganda rin ang araw ko kapag nakakarinig ako ng pambobola mula sa'yo." Natatawang umupo si Kieran sa katapat na upuan ng lola niya. Hinawakan niya ang kamay nito. "Bakit po ang aga-aga n'yo na namang nagising?" Tumingin si Kieran sa suot na relo. "Six A.M. pa lang, o." "Alam mo namang hindi ako sanay na nagpapatanghali sa higaan," depensa ng matanda. "Kung papayagan n'yo nga lang ako, araw-araw akong pupunta sa farm. Miss na miss ko na roon. Malapit na ang harvest week. Gusto ko sanang personal na asikasuhin." Naiintindihan ni Kieran kung bakit gan'on na lang kung magpahalaga sa Hacienda Ramona si Lola Mildred. Ang hasiyenda ay pag-aari ng ina ni Lolo Ramon Monreal-- yumaong asawa ni Lola Mildred--na si Donya Ramona. Isa ang Hacienda Ramona sa pinakamalawak na hasyenda, hindi lang dito sa Bacolod, kundi sa buong Pilipinas. Kilala ito hindi lang dahil sa lawak at yaman ng lupa, pati na rin sa maayos na pamamalakad. Mas gumanda ang Hacienda Ramona nang pamunuan ito nina Lolo Ramon at Lola Mildred. Magkatuwang ang mga ito sa pagpapalago pa ng hasiyenda. Kaya mahal na mahal ni Donya Mildred ang Hacienda Ramona dahil sa alaala ni Don Ramon. Nakangiting pinisil ni Kieran ang kamay ng abuela. "You've done your part already, okay? At sobra-sobra na ho ang ibinigay n'yo sa hacienda, lola. Let me and Mom handle it. Kahit nga ako lang, eh, kayang-kaya kong palaguin ang hasiyenda." Gumanti ng pagpisil ang matanda. "I know, hijo. Matagal mo ng napatunayang tunay ka ngang Monreal, na dedicated at reaponsible." "Si lola, gumaganti. Binobola rin niya ako..." "Pilyo ka talagang bata ka!" iiling-iling na saad ni Donya Mildred. "At bad boy sa ibang tao at bagay..." Napakamot sa ulo si Kieran. Mukhang kailangan na niyang mag-exit. Alam na niya kung saan papunta ang sasabihin ni Donya Mildred. "Sana naman, apo, mag-bago ka na. 'Wag ng masiyadong hard headed sa ibang tao. Paano ka makakapag-asawa niyan? Kung pati pagdating sa mga babae ay gusto mo ang laging nasusunod?" "Naku, ma!" Napaunat sa kinauupuan si Kieran nang bumungad sa veranda ang kaniyang Mama Guada. "Saan pa ba magmamana ang katigasan niyan ng ulo, eh, di sa papa niya?" Tumawa si Kieran. "Lagot ka ,'ma, dadalawin ka ni Daddy Thomas mamayang gabi. Nililibak mo siya." Ngumiti si Mama Guada ma halos hindi naman umabot sa mga mata nito. "Mas mabuti 'yon. Matagal-tagal ko na ring hindi siya napapanaginipan. Kahit napakatigas ng ulo ng daddy n'yo, mabait at mapagmahal 'yon kaya miss na miss ko na," may gumuhit na lungkot sa mukha ni Mama Guada. "But for sure, masaya na siya kung nasaan man siya ngayon. Dahil magkasama na sila ng Kuya Kellan mo." Si Kellan na tinutukoy ni Mama Guada ay ang fraternal twin ni Kieran na namatay, halos isang oras pa lang pagkatapos silang isilang. Ang sabi ng kaniyang ina, ni hindi na nga raw nito nakitang buhay si Kellan. Ang sabi ng doktor, mahina raw ang puso ng baby kaya namatay. Nang dahil sa pagkamatay ni Kellan, na mas matanda sa kaniya ng ilang minuto, kaya si Kieran na ang nagsilbing panganay sa kanila ni Kiesha, ang bunso at nag-iisang babae. Si Daddy Thomas naman na isang Canadian ay dating sikat at kilalang bilyonaryo sa Canada. Pag-aari nito ang ilang malalaking businesses sa nasabing bansa, katulad ng Balinger Laboratory. Ngunit college na si Kieran nang mamatay ang ama dahil sa atake sa puso. Pinag-agawan ng mga kapatid nito ang negosyo ni Daddy Thomas, partikular na ang Balinger Laboratory. Dapat ay sa kanilang magkakapatid iyon mapunta. Pero dahil ayaw ni Mama Guada ng gulo dahil lang sa pera, kaya napilitan silang umuwi rito sa Pilipinas. Isa kasi ang ina ni Kieran sa dalawang anak nina Lola Mildred, na tagapagmana ng Hacienda Ramona. Ang panganay naman nitong kapatid ay mas focus na sa ibang family business. Ipinaubaya na kay Mommy Guada ang hasiyenda. Ang ina, bukod kay Donya Mildred ang nagturo kay Kieran sa pagiging haciendero. College pa lang ay itinuro na ng kaniyang ina at abuela ang lahat ng puwede niyang matutunan sa pagiging haciendero. At hindi naman nabigo ang mga ito kay Kieran. Because at his young, he could be considered as a billionaire. Isa na si Kieran sa pinakabatang haciendero sa Bacolod. Nagkaroon na rin siya ng sariling achievements sa hasiyenda. Naipatayo ni Kieran sa Hacienda Ramona ang pinakamalaking sugar plantation sa bansa. Napalago rin niya ang kanilang mango plantation na ini-export na ngayon sa ibang bansa. Malaki rin ang perang minana nila ni Kiesha sa yumaong ama. At kapag nakuha pa nila ang ibang negosyo ni Daddy Thomas sa Canada, sobra-sobra na ang kayamanan ni Kieran para tawagin siyang young billionaire. Kaya masuwerte na ang sino mang babaeng mapapangasawa ni Kieran. Iyon nga lang, wala pa siyang nakilalang babae na gusto niyang seryosohin at pakasalan. At the age of thirty, wala pang naging seryosong girlfriend si Kieran. Wala pang babae ang nakapagpatibok ng kaniyang puso. Pero ipinangako ni Kieran sa sarili, na kapag natagpuan na niya ang babaeng magpapaibig sa kaniya, hinding-hindi na niya ito pakakawalan pa. Sa ngayon ay nag-e-enjoy pa si Kieran sa iba't ibang babae na nakukuha niya ng walang kahirap-hirap. Minsan nga, kahit imposibleng maging kaniya ay nakukuha pa rin ni Kieran. He does what he wants when he wants. Wala siyang ginusto na hindi niya nakukuha: mapa-negosyo man, trabaho o babae. Lahat nang sumusubok na harangin siya, sinasagaan niya. Kaya naman bukod sa pagiging sikat na haciendero at isang Monreal, kilala rin si Kieran bilang bad boy ng Bacolod. Walang partikular na rason si Kieran kung bakit gan'on ang ugali niya. Pero madalas sabihin sa kaniya ni Mama Guada na marahil ay namana niya iyon sa yumaong ama. Dati rin daw kilalang bad boy at dangerous man si Daddy Thomas. "Good morning, everyone!" maya maya'y bungad din ng kapatid ni Kieran na si Kiesha. Mas bata ito sa kaniya ng ilang taon. Si Kiesha naman ang namamalakad sa Ramona's beach resort. "Anong drama ang meron ngayong umaga?" biro pa ni Kiesha bago humalik sa kanilang ina at abuela. Sila ang pamilya ni Kieran na mahal na mahal niya. Na kahit kilala man siyang bad boy at hard headed, pagdating sa pamilya ay lumalambot siya. Kung gaano katigas ang ulo niya sa labas ng mansiyon, gan'on naman kabait si Kieran sa family niya. Kaya nga nang malaman ni Kieran ang loopholes tungkol sa pagkamatay ni Daddy Thomas ay ginawa niya ang lahat para matuklasan ang totoo. At hindi naman nabigo ang binata. Dahil nalaman niyang pinatay ito ng mga sindikato. Gustong hanapin ni Kieran ang pumatay kay Daddy Thomas at bigyan ito ng hustisya. At magagawa lang iyon ni Kieran sa pamamagitan ng sekretong trabaho niya. Na iniingatan niyang malaman ng kaniyang pamilya dahil bukod sa illegal na, napakadelikado pa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Empire Series: Vance Luanne

read
565.0K
bc

Married to a Hot Magnate

read
358.1K
bc

The Billionaire's Innocent Seductress

read
429.7K
bc

Worth The Wait

read
197.9K
bc

The Billionaire's Maid [R18]

read
706.8K
bc

Billionaire's Secret Affection (Tagalog)

read
260.9K
bc

Escaping from the Greek Tycoon (TAGALOG)

read
180.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook