Isang masayang pamilya ang mayroon si Carys bago binago ng isang malagim na pangyayari...
Aksidenteng napatay ng kaniyang ama na isang pulis ang bunso at nag-iisang kapatid na si Adalynn, tatlong araw bago ang kasal nito sa lalaking hindi pa niya nakikita dahil sa Australia na siya nakatira.
Ang pagkakaalam ni Carys ay isa itong bilyonaryong abogado. Kaya ang inaasahan niya ay isang matanda at kulubot na ang balat. Lalo pa at kilala niya ang kapatid na mahilig sa mayayamang matatanda.
At sa pag-uwi niya sa Pilipinas para sa burol ng kapatid ay saka pa lang niya ito nakita at nalaman ang pangalan.
The man her sister was to marry was Ton-Ton Monreal—one of the hottest billionaires of his generation. Nakakatuyo ng lalamunan ang kaguwapuhang taglay nito. Malayong-malayo sa matanda at may kulubot na balat na inaasahan ni Carys.
Because Ton-Ton was young, gorgeous, and damn hot.
In short, masuwerte ang babaeng mapapangasawa nito. Masuwerte din sana ang kapatid niya.
Hindi raw matanggap ng lalaki ang sinapit ni Adalynn. At bilang kabayaran daw sa buhay ng mapapangasawa nito, kailangan ni Carys na pakasalan ito. Ngunit wala sa hinagap niya na sa mismong araw ng kasal nila ni Ton-Ton ay ipaparamdam na agad nito sa kaniya ang malamig na pakikitungo...
"Don't try to escape from me, Carys. Dahil kapag nahuli kita, mas gugustuhin mo pang mamatay na lang..."
Masasabi pa kaya ng dalaga na suwerte ang magiging asawa ng isang Ton-Ton Monreal?