bc

My Cold Bodyguard (SPG)

book_age18+
47.9K
FOLLOW
354.1K
READ
possessive
billionairess
twisted
bxg
city
betrayal
cheating
tortured
affair
bodyguard
like
intro-logo
Blurb

NOTE: This is a rated HARD SPG story. This is also about cheating so please read at your own risk.

Tatlong taon nang engaged sa kaniyang Filipino-American boyfriend si Vivian, si Clinton. At naghihintay na lang siya ng tamang oras para maisama ito sa pag-uwi niya sa Pilipinas at maiharap sa kaniyang pamilya na maituturing na isa sa pinakamayamang angkan sa buong Asya.

For three years, akala ni Vivian ay perpekto na ang relasyon nila ni Clinton. Isang beses lang nitong hiniling na may mangyari sa kanila. At nang tumanggi siya ay nirespeto nito ang kaniyang desisyon.

Ngunit hindi akalain ni Vivian na hindi pala kuntento ang kaniyang nobyo sa relasyon na walang s*x. Dahil hinanap nito iyon sa kandungan ng iba...

Sa kandungan ng sariling best friend niya na pinatira pa niya mismo sa sariling pamamahay. Walang kamalay-malay si Vivian na harap-harapan na pala siyang niloloko ng dalawa. Hanggang sa mahuli niya si Clinton na nakapatong sa ibabaw ng best friend niya at sa sariling kama pa niya...

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
MASAYA ang labinlimang taong gulang na si Ice habang tulak-tulak niya ang kaniyang kariton. Naibenta niya kasi sa malaking halaga ang naipon niyang mga kalakal mula sa araw-araw na pagkakalkal ng mga basura. Nakangiting binilang ni Ice sa kaniyang isip ang perang nasa bulsa niya. Siguradong makakabili na siya ng pangtatlong araw na pagkain. Mabibigyan pa niya ang mga kaibigan. Bukod doon, may pambili na rin siya ng mga school supplies na gagamitin niya sa darating na pasukan. "Kuya, help!" Napahinto sa pagtutulak ng kariton si Ice nang marinig niya ang pagsigaw na iyon. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita ang isang dalagita na pinapalibutan ng mga batang lansangan. Umiiyak ito at nanginginig sa takot. Mayamaya ay may dumating na isang binatilyo na katulad ng dalagita ay nakasuot din ng magara at maayos na damit. May kulay-itim na panyo ang nakatali sa ulo nito at may dala-dalang baseball bat. Sa tingin ni Ice ay hindi nagkakalayo ang edad nilang dalawa. Kapagkuwan ay nagulat siya nang walang ano-ano na sinugod ng binatilyo ang mga batang-kalye na nakapalibot sa dalagita. Kahit nag-iisa lang ay wala itong takot sa pakikipaglaban. Matapang din pala! Pero biglang may dumating na isa pang grupo ng kabataang lalaki at pinagtulungan ang binatilyo. Lalong sumigaw at napaiyak sa takot ang dalagita. Tumumba ito nang tabigin ng isang kalaban. Doon na hindi nakatiis si Ice. Dali-dali siyang nagtali ng panyo sa ulo. Kinuha niya ang tirador at saka pinatamaan ang binatilyong tumabig sa dalagita. Sapul iyon sa noo! Pagkatapos ay iniwanan niya ang kariton at sumaklolo. "Tigilan n'yo sila!" matapang na sigaw ni Ice. Isa siya sa pinakamatapang at pinakamagaling makipaglaban sa lahat ng mga batang-lansangan sa buong Quiapo. Nang makita siya ng mga kalaban ay kaagad siyang tinirador ng isa sa mga ito. Pero nakaiwas si Ice. Patakbo niya itong sinugod at pinagsusuntok hanggang sa makatulog. Napatingin sa kaniya ang yayamaning binatilyo. Saglit lang itong nagulat at kapagkuwan ay tinanguan siya. Sabay pa nilang tinulungan na makatayo ang dalagita. Magkatulong nilang nilabanan ang mga batang lansangan. Tumayo si Ice sa harapan ng dalagita para protektahan ito. Sinisiguro niya na kahit ang dulo ng buhok nito ay hindi magagalaw ng mga kalaban. Mananalo na sana sila nang dumating ang grupong kakampi ng mga kalaban at sinugod sila. Alam ni Ice na hindi siya makaporma nang maayos hangga't may pinoprotektahan siya. Kaya dinala niya sa isang sulok ang dalagita para itago. "Dito ka lang. At 'wag kang umalis hangga't hindi ako bumabalik," bilin niya. "Maliwanag?" "But I'm scared. Baka makita nila ako dito," umiiyak na sagot nito na mukhang nasa labintatlong gulang lang. Base sa kutis at pananalita ay talaga ngang anak-mayaman ito. Ang bango-bango rin. Amoy-aircon! "'Wag kang umiyak at matakot. Ako ang bahala sa'yo. Basta dito ka lang." Pero kahit anong pang-aalo ni Ice ay iyak nang iyak pa rin ang dalagita. Namumula na ang matangos at makinis nitong ilong. At habang tumatagal ay lumalakas pa ang pag-iyak nito. Nag-aalala na siya na baka makita sila ng mga kalaban at bigla na lang sugurin ang dalagita. "Titigil ka ba sa kaiiyak o hahalikan kita?" naiirita na niyang sabi. Natigilan ang dalagita at namumula ang mukhang napatingin sa kaniya. At sa sandaling nagtama ang kanilang mga paningin, isang kakaibang paghanga ang naramdaman ni Ice. Bumilis ang t***k ng puso niya. Habang nakatitig siya sa kulay-berde nitong mga mata ay unti-unting nabubura ang pagkairita ni Ice. Napalitan iyon ng pagkaawa nang makita niya ang mga luhang sunod-sunod na umagos mula roon. "Pasensiya ka na. Nagbibiro lang ako." Sa hindi malaman na dahilan ay bigla na lang niya itong niyakap. "Tahan na. Hindi na ako aalis dito sa tabi mo." Unti-unti namang tumigil sa pag-iyak ang dalagita at gumanti ng pagyakap sa kaniya. Hindi nito alintana ang marumi niyang damit at amoy-pawis pa. "I'm sorry, too. Takot na takot lang talaga ako." "'Wag ka nang matakot. Hangga't katabi mo ako, walang makakapanakit sa'yo." "Thank you for saving me," humihikbing sabi ng dalagita. Napakalamyos pa rin ng boses kahit umiiyak na. Parang musika sa kaniyang pandinig. Nasa grade nine na si Ice kaya nakakaintindi siya ng English. "Tumahan ka na. Sige ka, papangit ka na niyan." Mayamaya ay biglang kumalas sa kaniya ang batang babae nang tila ay may maalala. "Oh, my God! Si kuya nga pala baka kung napaano na siya. Puwede mo ba siyang balikan at tulungan? Okay lang sa'kin kahit iwanan mo na ako dito." Kapatid pala nito ang binatilyong patuloy na nakikipaglaban sa mga batang-lansangan. Sandaling nag-alangan si Ice. Natatakot siyang iwanan ang dalagita at baka masalisihan siya ng mga kalaban. "Please?" pagsusumamo nito nang hindi siya umimik. Lumamlam ang magaganda nitong mga mata kaya paano pa niya matatanggihan? Tumayo si Ice. "Sige. Basta dito ka lang, ha? Walang makakakita sa'yo dito basta magtago ka lang." "Promise, hindi ako aalis dito." Kumapit ito sa kamay niya at tiningala siya. "Mag-ingat ka, ha?" Napatingin si Ice sa mga kamay palad nilang magkahugpong. Ramdam niya ang napakalambot na palad ng dalagita. "Mag-iingat ako para sa'yo. Ibig kong sabihin, para mabalikan kita dito," nakangiti niyang sabi bago umalis. Pagkabalik ni Ice sa pinangyayarihan ng gulo ay nakita niya ang kuya ng dalagita na tinutulungan ng isa pang binatilyo. May kulay-pulang panyo ang nakatali rin sa ulo nito at may hawak na dos por dos. Nakasuot ng American suit na halatang galing sa ukay-ukay. Siya si Butch. Kagaya niya ay isa rin itong batang-kalye sa Quiapo. Matapang at palaban din. Magkaiba lang sila ng mga pananaw sa buhay kaya hindi sila naging magkaibigan. "Kung tutulong ka, tumulong ka na. Pero kung naduduwag ka, tumakbo ka na," maangas na wika ni Butch nang makita si Ice. Pagkatapos ay saka nito pinalo sa binti ang kalaban na aktong susugod dito. "'Wag mo akong itulad sa'yo. Alam kong may kapalit ang pagtulong mong ito," palaban din na sagot ni Ice. Sinalubong niya ng suntok sa mukha ang isang kalaban. "Ano'ng kapalit?" kunot-noong tanong ng kuya ng dalagita. Tumigil ito sandali sa pagpalo ng baseball bat sa isa pang kalaban. "Bawat suntok at palo ko ay may tamang presyo," nakangising tugon ni Butch. Napailing na lang si Ice. Samantalang hindi na nagkaroon ng pagkakataon na magtanong pa ang yayamaning binatilyo dahil abala na ito sa pakikipaglaban. Nagtulungan silang tatlo. Hanggang sa mabugbog-sarado ang mga kalaban. Nag-alpasan lang sila nang marinig ang wang-wang ng mga pulis.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Bewitching The Daddy (Cougar Series #3) -SPG

read
147.6K
bc

Daddy Granpa

read
205.8K
bc

My Cousins' Obsession

read
177.9K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
143.6K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
48.9K
bc

Mahal Kita, Matagal Na

read
74.0K
bc

LOVE ME AGAIN, MY SELAH (SPG)

read
64.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook