Prologue
When the rain is blowing in your face, and the whole world is in your case...
Namasa ang mga mata ni Tere nang makapasok siya simbahan na suot-suot ang kulay-puti niyang traje de boda. May ilang butil ng luha ang tumulo mula sa kaniyang mga mata habang pinapakinggan ang paborito niyang kanta na inaawit ng isang sikat na singer sa bansa. Pinilit niya ang ngumiti nang salubungin siya ng kaniyang ama na si Don Amado.
"You are so beautiful, hija. Kamukhang-kamukha mo ang Mama mo noong ikinasal kami," emosyonal at mamasa-masa rin ang mga mata na bungad sa kaniya ng ama. Gayun pa man, bakas sa mukha ang kasiyahan para sa kaniya.
Ilang saglit na kinagat muna ni Tere ang ibabang labi bago nagsalita; para pigilan ang pagpiyok ng sariling boses. "Thank you so much, Papa, and I love you..."
"Mahal na mahal din kita, anak. Kung nasaan man ngayon ang Mama mo, siguradong proud na proud siya sa'yo," sagot ni Don Amado na halatang pilit na pinatatag ang boses.
Nagsisikip ang dibdib na tumitig si Tere sa kaniyang ama. Ang dami niyang gustong sabihin at aminin nang mga oras iyon. Ngunit alam ng dalaga na kapag ginawa niya iyon ay mas lalo lang magugulo ang lahat. Mas lalong hindi na magiging kaniya ang tanging lalaki na minahal niya sa buong buhay niya.
I'm sorry, Papa... Sana po maintindihan n'yo ako balang araw. Sana po mapatawad n'yo ako kapag nalaman n'yo ang totoo. H'wag n'yo sana akong ikahiya at itakwil.
Tuluyang umulap ang mga mata ni Tere nang kumapit siya sa braso ng ama habang patuloy na pinapakinggan ang kanta na Make You Feel My Love ni ADELE.
I could hold you for a million years, to make you feel my love...
Napatitig si Tere sa kabuuan ng simbahan. It's quite traditional but elegant: from the altar to the pews to the aisles. Kahit ang mga wreath at faux leaves ay hindi rin biro ang ganda at halaga. Walang duda na isa sa pinakamagaling na wedding planner sa bansa ang nag-organize ng lahat ng ito. Bawat detalye ng kasal na iyon ay pinaglaanan ng oras at pera.
Everything is truly perfect.
Naroon din ang halos lahat ng malalapit nilang mga kamag-anak at kaibigan. Lahat sila ay may nakaguhit na ngiti sa mga labi. Excited ang lahat para sa pinaka-espesyal na araw na iyon sa buhay ni Tere.
Muling pumatak ang mga luha ni Tere habang naglalakad sa aisle. Dapat higit sa lahat ng naroon ngayon ay siya ang pinakamasaya. Dahil ikakasal na siya sa lalaking pinapangarap na niya mula pagkabata.
Ngunit paano nga ba magiging masaya si Tere kung alam niya ang katotohanan sa likod ng ito?
Dumami ang luhang tumakas mula sa mga mata ng dalaga nang makita niya ang kaniyang groom na nakatayo sa dulo ng aisle; na may pangmodelong katawan. Napaka-regal nitong tingnan sa kulay-itim na tuxedo. Mukha itong hari na bumaba sa trono para personal na salubungin ang kaniyang reyna.
Dumako ang tingin ni Tere sa mukha ng kaniyang groom. Kulay-kape ang maalon-alon nitong buhok, na bumagay sa maputi nitong balat. Malamlam ang kulay-tsokolate nitong mga mata na biniyayaan ng mapilantik na eyelashes. Perpekto rin ang hugis ng ilong na bumagay sa hugis-puso nitong mga labi na kahit mariing nakalapat ay hindi maipagkakailang namumula-mula; na kapag ngumingiti ay lumalabas ang mapuputi at pantay-pantay na mga ngipin.
Mariing naipikit ni Tere ang mga mata. Always my Liam...
Kumabog ang puso ng dalaga nang sa muli niyang pagmulat ay nagtama ang mga mata nila ni Liam. Pakiramdam niya ay nanginig ang kaniyang mga tuhod. He could really affect her system this much. Sa simpleng tingin lang nito ay para na siyang nalulunod.
"Relax ka lang, hija," pabulong na untag sa kaniya ni Don Amado nang marahil ay naramdaman ang kaniyang panginginig. "Alam ko na katulad mo ay masaya rin si Liam. Mula noong baby ka pa lang ay minahal ka na niya. Kaya siguradong mamahalin ka rin niya bilang asawa."
Kinagat ni Tere ang ibabang labi para pigilan ang sarili na mapahikbi nang marinig ang sinabi ng ama. Sana ganoon din ang nakikita niya sa mukha ni Liam na noon ay nasa harapan na nila. Parang nais niyang magtago sa likod ng ama nang tumapang ang malamlam nitong mga mata.
"Take care of my unica hija, Liam. You know how much she means to me. At alam ko na hindi mo ako bibiguin," mariin na sabi ni Don Amado sa kaniyang groom bago siya pinaubaya rito.
Walang anumang salita na tinanggap siya ni Liam. Matiim lang itong nakatingin sa kaniya. May samu't saring emosyon ang nakasilip sa mga mata nito. Ngunit sigurado si Tere na lamang doon ang galit at pagbabanta. Wala na ang dating tuwa at pagkagiliw sa mga tingin na iyon sa tuwing nakikita siya.
Gayun pa man, pilit na pinakawalan ni Tere ang matamis na ngiti sa kaniyang mga labi. "H-hi, Liam..."
Napalunok ang dalaga nang makita ang pagtagis ng mga bagang nito. "Stop thinking of 'happily ever after', Tere. Dahil ngayon pa lang magsisimula ang kalbaryo mo sa piling ko. I swear I will make your life miserable," pabulong na sabi ni Liam nang ilapit ang bibig sa kaniyang tainga.
Bagaman at nasasaktan, lakas-loob na sinalubong ni Tere ang matalim nitong mga mata. "I still vow to love you, Liam. I promise to keep and hold you, for all the days of my life."
Lalong tumapang ang mga mata nito bago nang-uuyam na ngumiti. "And I vow to always be your wicked husband, Tere."
Lihim na napakuyom ng mga kamay si Tere para iwasang maapektuhan sa pagbabanta ni Liam. Ginusto niya ito kaya paninindigan niya. Pinilit niyang huwag pansinin ang galit ng kaniyang groom at hinigpitan pa ang pagkaka-abrisiyete rito. Kumisap siya nang dalawang beses para linisin ang mga mata na nababalong ng luha. Pagkatapos ay taas-noo siyang naglakad, kasama si Liam, papunta sa altar.
From this day forward, you are mine, my Liam. Just mine. Hindi ka na maaagaw pa ng iba sa akin.