When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Your cookies settings
Strictly cookie settingsAlways Active
ic_arrow_left
Story By Jelay Estrel
Jelay Estrel
9.0KFollowers
142.2KREAD
ABOUTquote
BLESSED. THANKFUL. GRATEFUL
Hello, I\'m Jelay Estrel isang ilokanang manunulat. Lahat po ng story ko ay nakasulat sa TAGALOG.
Nakulong si Yana Romualdez ng anim na taon dahil sa kasong qualified theft na isinampa sa kanya ni Acer Sandoval. Isang maling paratang na kanyang pinagdusahan. Sa kanyang paglaya ay puno ng galit ang kanyang puso at matinding pagnanasa na makapaghiganti sa taong nagpakulong sa kanya. Ngunit sa isang insidente ay nakilala niya si Don Antonio na siyang nag-alok sa kanya ng isang trabaho.Ngunit paano kaya kung ang mabait na si Don Antonio ay siya pa lang Lolo ng taong nagpakulong sa kanya? Pipiliin pa ba niyang magbagong buhay at kalimutan ang nakaraan o nanaisin niyang makapaghiganti Kay Acer na sumira ng kanyang buhay?
Inakala ni Cold Santillan na si Rita Garcia na ang babaeng itinadhana para sa kaniya pero nagkamali siya. Nang matapos ang kanilang kasal at iwan siya ng babaeng dinala niya sa dambana. Naiwan si Cold sa Victoria na iniisip ang dahilan kung bakit siya biglang iniwan ni Rita.
Sa paglipas ng taon ay piniling kalimutan ni Cold si Rita at nanatili sa kaniyang hacienda kasama ang mga kaibigan. Pinatay ni Cold ang puso niya at hindi na muling umibig pa.
Ngunit paglipas ng isang taon ay babalik si Rita sa Victoria at sa buhay niya. Hindi bilang ang babaeng kaniyang minahal kun'di si Juvy Pascual, ang kakambal ng babaeng minahal niya.
Magagawa nga kaya ng tadhana na pagtagpuin ang kanilang mga puso? O kakamuhian lamang nila ang isa't isa?
Marco Apollo Trinidad aka Travis, isang matinik na Agent ng Luna Crime Operatives ng Tarlac. Wala siyang mission na inuurungan, lahat ay kaya niyang lutasin at sa edad niyang trenta anyos ay siya ang pinakabatang Special Senior Agent sa kanilang departamento.
Sa pakiusap ng kanilang nobyang si Vicky ay iniwan niya ang kaniyang sinumpaang tungkulin. Ngunit sadyang tinatawag siya ng kaniyang trabaho. Lalo na't pagkatapos ng labing limang taon ay nahanap na niya ang taong pumatay sa kaniyang mga magulang.
Paano tatanggapin ni Travis na ang taong gusto niyang paghigantian at patayin ay ang ama pala ng kaniyang babaeng pinakamamahal.
Ano nga ba ang mas matimbang sa isang agent na katulad ni Travis? Ang pagmamahal ba o ang paghihiganti?
Simple lamang ang buhay ni Luningning Alfonso, isang raketera na namumuhay mag-isa sa lumang apartment ng Calauag Tarlac. Dahil elementary graduates ang kaniyang natapos ay nahihirapan siyang humanap ng trabaho.
Dumating sa punto na walang-wala na siyang pera at kailangan na niyang magbayad sa mga pinagkakautangan niya. Isang binata ang nag-alok sa kaniya bilang maging pekeng asawa nito kapalit ng sampung daang libong piso. Kapit sa patalim na tinanggap iyon ng dalaga hanggang sa unti-unti na siyang nababaon sa binatang nagsabi sa kaniyang “huwag kang mag-alala dahil hindi ko type ang isang tulad mo”. Makakatagal kaya siya sa poder nito bilang pekeng asawa o totohanin na niya ang pagpapanggap bilang asawa ni Tristan Elizarde?
Hanggang saan ba ang kaya niyang itagal? Gaano ba siya katatag pagdating sa pag-ibig?
Dahil sa matinding kalasingan nakagawa si Khara ng isang malaking kasalanan. Isang gabi ng pagkakamali sa piling ng isang estranghero. Dulot ng isang gabing puno ng galit sa sarili niyang kapatid at asawa.
Paano haharapin ni Khara ang matinding pagdurusa na ibinato sa kanya ng kapalaran?
Paano niya tatanggapin na ang kahati niya sa pagmamahal ng kanyang asawa ay sarili pala niyang kapatid?
“Mali bang mahalin ko ang asawa ng aking Tita Cora?”
Ako si Shanta Martin, isang dise nuebe anyos na dalaga. At isang taon nang nakikitira sa aking Tita Cora sa probinsya.
Hindi ko kagustuhan ang nangyari. Natutunan kong mahalin si Bernard, ang asawa ng aking Tita Cora.
Mali ba? Mali bang makisalo ako sa kanilang dalawa? Kung bawal ang pag-ibig ko para sa kanya, pipiliin ko bang magkasala?
Seksi, maganda at nakakabighani, iyan si Syrene. Marami siyang mga nalolokong lalaki dahil na rin sa kanyang taglay na karisma. Ginagamit niya ang kanyang alindog para manloko ng mga lalaki upang magkaroon siya ng maraming pera.
Hanggang sa makilala niya si Dylan, isang kaawa-awang binata na tinulungan niya sa gitna ng malakas na ulan. Isang binatang nagpanggap na mahirap. Itinago ang tunay na katauhan bilang isang secret agent at multi-billionaire businessman upang mapaikot siya at mapanagot sa kasalanang nagawa niya.
Paano matatanggap ni Syrene na ang lalaking tinulungan niya ay ang apo ng huling taong naging biktima niya?
Paano nga kaya makikipaglaro ang mga tadhana sa kanilang dalawa kung ang hangad ng isa't isa ay makapaghiganti? Uusbong ba ang tunay na pag-ibig o mas titindi lamang ang kanilang galit?
Perpekto, ganyan ilarawan ni Hatt ang kanyang sarili. Mataas ang kanyang bilib sa sariling kakayahan at walang kinakatakutan.Ngunit paano kung ang isang matigas na Hatt ay makakatagpo ng kanyang katapat. Si Eidena Malaikah, isang independent na babae.Sa Hacienda kung saan napiling manatili ni Hatt upang makalimot sa nakaraan ay makikilala niya si Eidena, ang katulong na sumira ng kanyang unang araw sa hacienda.Si Eidena na ba ang magpapalambot at gagamot sa sugatang puso ni Hatt? O siya lamang ang magsisilbing pansamantalang kaligayahan ng binata?
Misyon ni Luna Hidalgo o mas kilala sa pangalang Shyra ang akitin at patayin si Deangelo Moran na isang XXX Agent.
Isang misyon na hindi niya kayang tanggihan.
Ngunit paano kung ang lalaking kaniyang balak akitin at kitilin ang buhay ay ang lalaking magliligtas sa kaniya sa kamatayan?
Magagawa pa kaya niyang gawin ang utos ng kaniyang ama o pipiliin niyang talikuran ang madilim na buhay na mayroon siya para sa binatang nakahandang itaya ang buhay para sa kanya?
Bumagsak ang mundo ni Maxine noong nalaman niya na ang lalaking tinatangi ng kanyang puso ay kanya pa lang ninong at ang masaklap pa nito ay Dean ito sa kanilang university.
Upang hindi maging kawawa sa harapan ng lalaking mahal niya ay piniling kalimutan ni Maxine ang kaniyang nararamdaman para kay Nathan. Lalo na't nalaman niya na ikakasal na ito sa mismong araw ng graduation niya. Sa hindi inaasahang pangyayari, bago ang graduation niya ay nangyari ang isang bagay na hindi nararapat.
Isang one night stand na makapagpapabago sa takbo ng buhay nilang dalawa.
"Yes, Sir! I'm Yours!"
Iyon na lamang ang katagang nasabi ni Ylana matapos niyang ibenta ang sarili sa isang lalaking hindi niya kilala. Sa isang estrangherong sabik na sabik na makatalik siya.
Sa isang mainit na sandali na iyon ay pinilit niyang magpaligaya kapalit ng twenty five thousand pesos na pambayad niya sa kanyang sariling Ina.
Ngunit paano kung ang lalaking iyon ang magiging kasagutan sa kanyang problema? Papayag ba siyang magpatali rito kapalit ng buhay na marangya?
Simple lang ang buhay ni Maxienian "Max" Santos. Isang simpleng dalaga na nangangarap na maging isang magaling na Pastry Chef. Ngunit nasira ang lahat ng iyon sa pagdating ni King Del Rio sa kaniyang buhay. Mula nang magkilala niya ito ay ginulo na nito ang buhay niya. At ang buong pagkatao niya ay naapektuhan dahil sa pagiging salbahe nito sa kaniya.
Isang kasunduan ang tinanggap ni Max ang magpanggap na pekeng nobya ni King. Nang magipit siya at nangangailangan ng malaking pera. Inakala ni Max na hindi siya magkakagusto kay King ngunit nagkamali siya.
Magkaiba ang kanilang mundo. Kapalaran kaya ang magpapabago nito o kapalaran din ang gagawa ng dahilan para sila ay magkalayo?
"Ikaw ang magiging kabayaran sa kasalanan sa akin ng iyong Ama, kaya kahit na isumpa mo ako wala ka ng takas dahil magiging asawa na kita."
Caliver Rusini Cortesi, a ruthless mafia and a cold-hearted businessman. Isang kasapi sa Cortes Triad na pinamumunuan ng kaniyang pamilya. Ngunit nagkagulo ang dapat sana'y tahimik niyang mundo dahil kay Guzman Calibuso, ang matandang pumatay sa kaniyang asawa dahil sa galit nito sa kaniya. Buhay ang kinuha nito kaya buhay din ang magiging kabayaran sa buhay na inutang nito sa kaniya.
Bilang kapalit ay kinuha niya si Lunnox Calibuso, ang nag-iisang anak na dalaga ni Guzman para pagbayarin sa ginawa nitong kasalanan. Ngunit paano kung ang babaeng naging kabayaran ng kasalanan sa kaniya ng ama nito ay ang babaeng magtuturo sa kaniya kung paano magmahal muli? Magpapadala ba siya sa tibok ng kaniyang puso o umpisa na ito ng kaniyang tuluyang pagbagsak?
Nangako si Storm Dela Vega kay Jeni Ramos na pakakasalan niya ito ngunit hindi iyon ginawa ng binata pagkatapos niyang makuha ang gusto niya rito.
Sa paglipas ng limang taon ay muling babalik si Jeni kasama ang kaniyang anak sa Hacienda Victoria para maghiganti sa lalaking nanloko at nanakit sa kaniya.
Mapapatawad pa kaya siya ni Jeni o tuluyan na siyang kamumuhian ng dalagang matagal na niyang hinihintay na bumalik?
Warning: Rated SPG! Includes sex scenes and strong languages! Read at your own risk!
Russel Sebastian isang widowed na may isang makulit na anak. Namatay ang kanyang asawa na si Filomena sa isang car accident isang taon mula nang ipanganak nito si Feya Alice. Naging matamlay ang buhay ni Russel sa pagkamatay ng kaniyang asawa.
Dumating sa punto na napapabayaan na niya ang kanyang sarili. At sa panahon na iyon ay makilala niya si Shine Alonzo. Ang dalagang magbibigay ng kulay sa malungkot niyang mundo. Ngunit paano nga ba mapapalambot ng dalaga ang bato niyang puso?
Kung matutuklasan niya na si Shine ang dahilan kung bakit sila naaksidente ng kaniyang asawa. Matatanggap at mapapatawad pa kaya niya ito? O maghihiganti siya sa dalaga na unti-unti na niyang minamahal?
Warning: This story is rated SPG 18! Not for minors! Contains sex scenes and strong languages.
Aryanda Luisa "Ekang" Corpuz, isang college working student. Bente kuwatro anyos ang dalaga at kasalukuyang nag-aaral sa West University. Gusto niyang tapusin ang kurso niyang Culinary kahit mag-isa niyang pinag-aaral ang kaniyang sarili.
Paraket-raket si Aryanda sa isang club kung saan nagtratrabaho siya bilang isang waitress. Nakilala niya roon si Zachary Damien Nicolas, isang guwapong businessman na palaging naglalasing at humahamon ng away. Kung minsan naman ay naroon lamang ito at kinakausap siya ng mga walang kuwentang bagay. Hanggang sa alukin siya ni Zachary na maging escort nito kapag may out-of-town itong business trip.
Kapalit nang pagpayag niya ang pagtulong ni Zachary sa kaniyang pag-aaral hanggang sa makatapos siya. Tinanggap ni Aryanda ang alok ng binata sa isang kundisyon. Hindi niya ito maaring mahalin dahil kapag ginawa niya iyon. Tatapusin na ni Zachary ang kanilang kasunduan. Paano nga kaya pipigilan ni Aryanda ang kaniyang puso sa pagtibok nito para sa binata? Paano nga ba mapipigil ang pagmamahal?
Warning: Mature Content! Hard SPG!!
Babaeng bitter o ampalaya iyan ang tawag ng mga kaibigan ni Marigold Granadoso o mas kilala sa pangalang Mari ng mga kaibigan niya. Bente nuebe anyos na dalaga at nagtratrabaho bilang isang wedding planner ng Sassy Wedding and Events sa Pangasinan.
Isa siyang single na hindi naniniwala sa pag-ibig dahil palagi na lamang siyang niloloko ng mga lalaking minamahal niya.
Hanggang sa isang araw ay nagbago ang lahat ng paniniwala niya nang makilala niya si Sid sa Isla Margarita, isang lalaking malakas ang sex appeal at sense of humor. Naging magkaibigan sila nito dahil sa magkaibang paniniwala nila pagdating sa pag-ibig.
Hindi inakala ni Mari na ang lalaking nakasama niya sa Isla Margarita ng isang buwan at pinag-alayan niya ng sarili ay ang tao pa lang magiging kliyente niya na nakatakda nang ikasal.
Pipigilin ba ni Mari ang sakit na kaniyang nararamdaman sa paghaharap nila ni Simoun Idefonso? O itutuloy na lamang niya ang planong pag-alis sa kaniyang trabaho upang makaiwas sa binatang nagturo sa kaniya kung paano magmahal muli?
“Wala akong kasalanan!”
Iyan ang hiyaw ni Penelope Gamboa nang ipakulong siya ng kaniyang asawang si Ram Salazar dahil sa pagpatay sa kapatid nitong si Jana. Pagkatapos siya nitong ipakulong ay nakipaghiwalay pa ito sa kaniya.
Inilayo ni Ram ang kanilang anak. At sa tulong ni Attorney Daniel Escueta ay muli siyang makakalaya. At mapapatunayan na wala siyang kasalanan.
Sa kaniyang paglaya ay babawiin niya ang anak sa dating asawa. At ipapatikim kay Ram ang sakit na ipinaranas nito sa kaniya.
Ako si Berta Ignacio Valencia, bente tres anyos na dalaga na mula sa Barangay Tambunding Zone 7.
Simple lang naman ang pangarap ko sa buhay ang maging isang prinsesa. Ngunit paano mangyayari iyon kung mas mahirap sa daga ang buhay ko.
Mabuti na lamang dumating ang gwapong knight in shinning armour ko si Lhauv Paul Monforte.
Upang makaahon ako sa putik kailangan kong tanggapin ang alok nito sa akin. Ang maging escort ng binata kapalit ng limang libong piso kada isang araw na serbisyo. Tatanggapin ko nga ba ang alok nitong trabaho kapalit ng inosenteng buhay ko?
Samantha "Sam" Paula Pablo, isang bente tres anyos na dalaga na ang gusto lamang ay mabawi ang kanilang bahay at lupa. Pati na rin ang coffee shop na pagmamay-ari ng kaniyang namayapang ina, nawala ang mga iyon dahil sa pagsusugal ng kaniyang ama.
Sa kagustuhang mabawi ni Sam ang coffee shop nila at ang titulo ng bahay at lupa nila ay inalam niya kung sino ang nakakuha niyon. Nakilala niya si Franco Guerrero, isang masungit na businessman na nakilala na niya noon sa kanilang coffee shop nang minsang may business meeting ito roon. Hindi naging maganda ang pagkikita nila ni Franco dahil mabilis na kumulo ang dugo niya sa masama nitong pag-uugali at pagiging matapobre.
Upang mabawi ang kanilang mga pagmamay-ari ay pumayag si Sam sa gustong ipagawa sa kaniya ni Franco. Magpapanggap siya bilang pekeng nobya nito sa loob ng isang buwan. Tinanggap ni Sam ang naging kasunduan nila ni Franco. Ngunit habang tumatagal ay nahuhulog naman ang loob niya rito.
Magiging matapang kaya siya para hindi tuluyang ibigin ang binata? O mahuhulog lamang siya isang masungit at aroganteng lalaki na tulad ni Franco?
Kia Santos Reyes, isang babae na mataas ang pangarap para sa kanyang pamilya. Nang maka-graduate siya ng kolehiyo ay agad na siyang nagtrabaho para makatulong sa kanyang Ina. Namasukan siya bilang assistant secretary ni Conor Mondragon. Ang anak ng millionaire na si Custudio Mondragon na nagmamay-ari sa Mondragon Empire.
Sa una ay hindi niya nagustuhan ang pagiging istrikto ni Conor. Hanggang sa unti-unti niyang nauunawaan ang ugali ng masungit niyang bos. Nahulog ang loob niya rito ng hindi niya inaasahan at ganoon din ang binata sa kaniya.
Ngunit isang nakaraan ang babalik sa kaniyang kasalukuyan. At ito ang nakaraan na hinding-hindi niya matatakasan. Kasabay nang katotohan ay matutuklasan niya ang panloloko sa kaniya ng binatang ninais niyang maging karamay.
Hanggang kailan kamumuhian ni Kia ang lalaking minsan na niyang minahal nang lubusan?
*This story is a collaboration*
Mayabang, antipatiko at bastos, ganiyan ilarawan ni Monique Ramirez si Maximo Salvatore. Isang anak mayaman na walang pakialam sa damdamin ng mga taong nakapalibot sa kaniya.
Sa Isla Del Amor, nagpasyang magbakasyon ni Monique matapos siyang hindi siputin ng lalaking nangako sa kaniya ng kasal.
Hindi inakala ni Monique na si Maximo ay kapatid ng lalaking nang-iwan at nanloko sa kaniya. Kaya nagpasya siya na gamitin si Maximo upang maghiganti sa kapatid nito. Ngunit hindi niya inakala na ang lalaking gagamitin niya para sa taong nanakit sa kaniya ay gagamitin din pala siya laban sa kapatid nito?
How can love and hate... COLLIDE?
Secret Agent Soraya Castelejo #088 isang under cover ng Primer Agency. Isang sangay ng NBI na itinatago upang maprotektahan ang mga undercovers na katulad ni Soraya Castelejo.
Naatasan si Soraya o "Love Guadalupe" na imbestigahan si Artemio "Art" Briton tungkol sa pagkamatay ni Lexi Santillan sa mismong tapat ng bahay nito.
Si Art ang itinuturong may kasalanan ng pagkamatay ni Lexi kaya naman agad na nag-isip ng paraan si Soraya mapalapit lang sa binata. Pero habang tumatagal ang kaso ay mas nagiging malapit sila sa isa't isa. Magagawa nga kaya ng pag-ibig na takasan ang kasalanan? Magagawa nga kaya ng pag-ibig ang magsakripisyo para sa taong mahal niya?
Paano kapag nalaman ni Art na isang undercover si Soraya? Paano na ang pagtitinginan nila sa isa't isa.
Anong lihim ang matutuklasan ni Soraya sa pagkatao ni Art.
Isang istriktong businessman ang boss ni Yna Fran Saavedra, ang loka-lokang secretary na nagkakagusto sa masungit niyang boss. Kahit panay papansin ng dalaga ay deadma pa rin siya kay Marcus Clyde Monter.
Hanggang sa gumawa na siya nang plano para akitin ito pero hindi pa rin iyon tumalab sa binata. Mas lalo lamang siya nitong iniwasan at nilalayuan.
Naisip ng dalaga na wala na talaga siyang pag-asa kaya naman iniwasan na lamang niya ito. Sa kaniyang pag-iwas at paglayo sa guwapo niyang boss ay ang paglapit naman nito sa kaniya.
Hahayaan kaya niya itong pumasok sa buhay niya? O tuluyan na lamang niyang isasara ang pinto ng puso niya dahil sa langit at lupang agwat nila sa isa't isa.