bc

Secret Agent Soraya Castelejo (Completed)

book_age18+
7.0K
FOLLOW
19.9K
READ
spy/agent
revenge
arrogant
boss
drama
mystery
female lead
secrets
crime
slice of life
like
intro-logo
Blurb

Secret Agent Soraya Castelejo #088 isang under cover ng Primer Agency. Isang sangay ng NBI na itinatago upang maprotektahan ang mga undercovers na katulad ni Soraya Castelejo.

Naatasan si Soraya o "Love Guadalupe" na imbestigahan si Artemio "Art" Briton tungkol sa pagkamatay ni Lexi Santillan sa mismong tapat ng bahay nito.

Si Art ang itinuturong may kasalanan ng pagkamatay ni Lexi kaya naman agad na nag-isip ng paraan si Soraya mapalapit lang sa binata. Pero habang tumatagal ang kaso ay mas nagiging malapit sila sa isa't isa. Magagawa nga kaya ng pag-ibig na takasan ang kasalanan? Magagawa nga kaya ng pag-ibig ang magsakripisyo para sa taong mahal niya?

Paano kapag nalaman ni Art na isang undercover si Soraya? Paano na ang pagtitinginan nila sa isa't isa.

Anong lihim ang matutuklasan ni Soraya sa pagkatao ni Art.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Chapter 1 Kadarating pa lamang ni Soraya sa Primer Agency, kung saan siya nagtratrabaho bilang Secret Agent nang salubungin siya ni Agent Barbara. Nakapamulsa ang mga kamay nito sa suot na leather jacket habang naglalakad sa lobby ng Agency nila. Huminto ito sa tapat niya at nginisihan siya. Sa tingin ni Soraya hindi na naman maganda ang mangyayari ngayong araw. Dahil si Agent Barbara ang nakasalubong niya. Kaaway ito palagi ni Prime. "Pinapatawag ka ni Prime, hindi ka na naman kasi nag-report kahapon," anito habang ngumunguya ng bubble gum. "Nag-report ako sa kaniya, siya nga itong palaging wala sa opisina niya, e." Pagdadahilan niya. Tinapik siya sa balikat ni Agent Barbara. "Ihanda mo na ang sarili mo mamaya, isang pangmalakasang sermon na naman ang masasalo mo kay Prime," ngingisi-ngising sabi nito. Bago siya lampasan nito at tunguhin ang naka-park nitong kotse sa tabi. Si Prime ang kanilang pinuno pangalawa si Supremo, ang aking ama. Tagong sangay ang Primer Agency ng NBI o National Bureau of Investigation. Ito ang tumutulong sa mga kasong hinahawakan ng mga NBI Agents. At isa si Soraya sa pinakamagaling na Secret Agent sa kanilang batch. Ginawa niya ang lahat para maipakita niya sa kaniyang Papa na kaya niyang higitan ang mga nakamit nito sa buhay. Mabilis niyang tinungo ang pangalawang palapag ng building nila. Ang opisina ni Prime ay napalibutan ng makakapal at pulang salamin. Nang makarating siya sa opisina nito ay kitang-kita niya itong panay ang hithit ng sigarilyo na hawak. Mukha yatang masasabon na naman si Soraya sa kamay ng kaniyang guwapong boss. Itinulak niya ang pinto ng opisina nito. "Boss?" mahinang tawag niya. Habang itinutulak pasara ang pintuan ng opisina nito. Humarap sa kaniya si Prime na masama ang tingin. "Wala ka yata kahapon, Agent 88? Nasasanay ka na yatang mag-absent na wala man lang permiso sa akin. Baka mamaya makalimutan mo na ako ang boss mo at mas mataas pa rin ang rangko ko sa 'yo," seryosong sermon nito na nakapaigting sa panga nito. Para tuloy siyang binabaon sa kinatatayuan niya sa mga sinasabi ni Prime. Hindi naman siya um-absent ng walang dahilan. Nakipag-break siya kay Kayson dahil wala na siyang nararamdaman pa para rito. Isa pa tingin naman niya nawawalan na rin ito ng gana sa relasyon nilang dalawa. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ba niya ipinipilit ang sarili niyang magmahal. Isa pa hindi na rin naman niya gustong masaktan pa si Kayson kapag nanatili siyang walang imik sa lumalabo nilang relasyon. "Bigla ka yatang natulala, Agent 88?" Untag nito sa kaniya. Ibinaba nito ang brown envelop sa lamesa at inilagay ang kalahati ng sigarilyo na tira nito sa astray. Umupo ito sa silya at ipinatong ang mga paa sa lamesa. Nakahalukipkip ito habang nakatingin sa kaniya. Kinuha niya ang brown envelope at binuksan 'yon. Binalewala na lamang niya ang isipin tungkol kay Kayson. Kailangan niyang mag-concentrate sa nakaabang na misyon na ipapagawa ni Prime. "Artemio " Art" Briton, isang business man. May anim na kotse na hindi biro ang presyo. May limang private bodyguard, may apat na mansion sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas, at nagmamay-ari sa Porcelains and Marbles Marketing, isang maliit na business na may malalaking shipments across the globe. May investment sa Place For Us, isang fancy restaurant sa Quezon City. Billion ang assets at liabilities." Paliwanag ni Prime habang tinitignan ang mga larawan na tinutukoy nito. "Ano ang kaso niya boss?" takang tanong niya. "Murder, kaso wala pang ebidensiya na nagtuturo na siya nga ang killer." Ipinakita nito ang larawan ng isang babae. "Lexi Santillan, isang model ng Playboy's Magazine. Engaged kay Art Briton. Natagpuan ang bangkay ni Ms. Santillan sa mismong harap ng bahay ni Mr. Briton. Sa imbestigasyon na nakuha ng Intel natin, si Art ang huling kasama ni Ms. Santillan bago siya namatay. Pinaimbestigahan na namin si Mr. Briton pero mariin niyang itinatanggi na wala siyang kinalaman sa nangyari. Gusto kong alamin mo ang totoo, Agent Castelejo. Hanggat walang matinong pruweba na nagtuturo na si Mr. Briton nga ang pumatay hindi mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Ms. Santillan," seryosong anito habang nakatitig sa kaniya. Inilagay niya lahat ang larawan sa envelope. "Ako na ang bahala, boss. Areglado kayang-kaya ko ang imbestigasyon na ito," puno ng kumpyensang sabi niya rito. "Dapat lang dahil nagiging busy ka na sa personal mong buhay kaysa sa trabaho mo. Alam ko namang mahirap ang trabaho natin bilang mga agent. Pero ito ang sinumpaan nating tungkulin sa batas. Sana naiintidihan mo kung bakit ako malupit sa 'yo." Tumayo ito at lumapit sa kaniya. "Kapag natapos mo ang kasong ito, hahayaan kitang magbakasyon kahit ilang buwan pa ang gusto mo... o kahit saang lugar mo gusto." "Naiintindihan kita, boss. Ginagawa mo lang din ang trabaho mo bilang head namin sa Agency na ito." "Mabuti naman kung ganoon." Bumalik ito sa kinauupuan. "Wala nang bawian boss, ah. Kapag nagawa ko ang trabaho na ito. Makakalaya na ako sa 'yo ng ilang buwan," masayang aniya. "Masaya ka na ngayon?" Ngumisi ito. Tumango siya. "Sino nga pala ang magiging buddy ko boss?" "Si Mary ang makakasama mo sa assignment na 'to. Pinili ko na si Mary dahil bukod sa magkaibigan kayo ay pareho kayong magagaling. Isa pa naisip ko baka ma-bore ka, at magpakamatay ka," tumawa si Prime sa sinabi nito. "Goodluck, 88." Ngumiwi siya sa sinabi nito. Never siyang magpapakamatay lalo na sa isang lalaki. LUMABAS siya sa opisina ni Prime. Bitbit ang envelope ay tinungo niya ang opisina nila ni Mary aka Rima Joson. Matalik niyang kaibigan na halos limang taon na rin niyang kasama rito sa Agency at bihirang maging buddy sa mga misyon dahil wala ito sa field palagi. Dahil palagi itong nasa Intel Department. Pero ngayon makakasama na niya si Rima bilang sarili niyang Intel sa mga plano kay Mr. Briton. Sinalubong siya nito. "Baks, mukhang maganda ang araw natin, ah. Ano'ng meron? Okay na ba kayo ni Kayson?" Inirapan ni Soraya ang kaibigan habang tinatanggal ang blazer na suot. Ipinusod niya ang hanggang dibdib na buhok pagkatapos ay humarap na sa computer. Umaasang may makita agad na iba pang impormasyon kay Mr. Briton. Tinapunan niya ito ng tingin. "Kahapon pa kita kinokontak dahil magdra-drama sana ako sayo kaso wala ka naman kaya sinarili ko na lang." "Baks, busy rin ako maghapon. Alam mo namang lalaki ako at kailangan ko ring manligaw minsan." Umupo ito sa lamesa niya at binuksan ang envelope na nasa tabi niya. "Guwapo, ah. Ito ba ang bagong suspek o biktima?" Usisa nito bago ibaba sa lamesa niya ang hawak nitong tasa na may lamang kape. "Baks, masamang tao 'yan. Kaya 'wag mong titigan baka mamaya maging babae ka na ulit," natatawang sabi niya. "Iba rin pala kapag broken hearted ka may masamang tabas din ang dila mo. Limang taon mo na akong kasama tapos sasabihin mo na magiging babae ako, baks. Ano'ng sumpa ang sumapi sa katawang lupa mo?" Binagsak nito ang envelope sa lamesa at kumuha ng sariling upuan para maupo sa tabi niya. "Artemio Briton, isang mayamang bachelor na namatayan ng fiancé, so tulad mo broken hearted din. How sad baka mamaya kayo pa ang magkatuluyan," tumatawang sabi nito. Ipinalo niya ang envelope sa ulo ni Rima. "Mahilig din pala sa babae itong si Artemio kasi habulin ng chicks. Mukhang sa mga magagandang babae siya pumapatol. Madadaan mo sa ganda ang kasong 'yan, baks." Dagdag pa nito na malapad ang ngiti sa kanya. "Hindi ka ba talaga titigil? Baka gusto mong sabihin ko kay Prime na magbakasyon ka muna. Tutal close na kami ngayong araw na 'to. Nanahimik kasi ako, e, no. Tapos ginugulo mo ang puso kong patay na," nanggigigil na sabi niya. Tumayo ito at tawa nang tawa sa sinabi niya. "Wow, ah. Boss ka na niyan. Bakit hindi na lang kaya si Prime ang ligawan mo," naiin "Isa pa!" Masama niya itong tinignan. "Guwapo naman si Prime 'yon nga lang mas ahead sa 'yo ng 5 years, ahm... 10 years ago." Humalakhak ito. "Dalawa!" Minsan pa niyang saway dito. "Okay na nga tatahimik na ako. Iisipin ko na lang kung paano natin ito gagawin." Tumabi ito sa kaniya habang sinasakyan ang office chair nito. "Sa palagay ko kailangan ko ulit mag-disguise. Ano pa bang gagawin maliban sa magpanggap na lang ulit." Kinuha ni Soraya ang kapeng tinimpla ni Rima at saka hinigop 'yon. "Ano namang pangalan ang gusto mong ilagay ko sa birth certificate mo, maliban sa Anastacia, Gwen, Sonia, Fina, Doray at Guada," nakapangalumbabang anito. Inihagis niya ang ballpen kay Rima ngunit nakailag ito. "Gandahan mo naman ang pangalan ko, baks. Para ka namang namulot sa kangkungan ng ipinapangalan mo sa akin. Ayusin mo naman." Reklamo niya. Humagalpak ito ng tawa. "Okay-okay ako na ang bahala basta sabihan mo lang ako kung kailan tayo mag-uumpisa. Nasa likod mo lang ako palagi dahil ako ang Intel mo at ikaw ang magandang allie ko." Kinindatan siya nito. "Palagi namang ako ang sumasabak, e," nakanguso niyang sabi rito habang nakangalumbaba. "Mas magaling ka kasing mang-uto," tumawa ito sa sinabi. "Ang sabihin mo hindi mo talaga gusto. Ni isang beses hindi mo pa nasubukang mag-espiya. Palagi kang nandito sa opisina kasama ni Prime. Minsan nagtataka na nga ako sa 'yo, e." Binato siya nito ng notebook na nasa lamesa nito. "Wag mo akong isipan ng masama, a. Isa pa kasalanan ko bang nasa Intel ako at wala sa field." Ipinamulsa nito ang mga kamay sa pantalon nito. "Ows..." Kinindatan niya ito habang inaasar. "Ibabalibag na kita!" Tumatawang biro nito sa kaniya. Muli niyang ibinaling ang tingin sa mukha ni Artemio Briton habang humihigop ng kape. Kailangan na niyang hanapin ito ora mismo para mapaghandaan ang plano nila ni Rima. Kung mahilig si Artemio sa mga babae ibig sabihin lang no'n kailangan niyang mapalapit dito bilang GRO o 'di kaya ay Escort. Kailangan nilang gumawa ng patibong mapalapit lang siya kay Artemio Briton. KINAGABIHAN ay inayos na ni Soraya ang mga dadalhin niyang gamit para sa kaniyang mission. Nakahanda ang traveling bag niya sa ibabaw ng kama habang tumitingin siya ng mga damit niya sa closet. Kumuha siya ng isang dosenang pantalon na puro fitted at tatered. Isang dosenang panties at bra. Isang dosenang white t-shirt na v-neck at ang kaniyang paboritong cap na may tatak na SC. Regalo iyon ng kaniyang namayapang ina noong mamatay ito sa sakit na breast cancer bago siya grumadweyt ng college. Bumuga siya nang malalim at kinuha ang I.D niya at ang susi ng kaniyang kotse na hindi rehistrado sa kaniya. Nakapangalan iyon sa Primer Agency. Kinuha niya ang bag niya at mabilis na tinungo ang hagdan. Naabutan niya ang katulong nilang si Manang Tes na nasa sala at inililigpit ang pinagkainan niya kanina. "Wala pa po si Papa?" tanong niya rito nang makalapit siya. Umiling ang matanda. "Minsan dis oras na ng gabi umuuwi ang papa ninyo, Ma'am." Bumuga siya nang malalim. "Aalis na po ako, Manang, pakisabi na lang kay Papa na tatawag ako kapag nakauwi siya." "Sige po, Ma'am," anito na inihatid siya sa bukana ng bahay nila. Matatagalan na naman siya bago makauwi sa kanila. Sana nga lang ay mabilis niyang matatapos ang kasong hinahawakan niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

CEO SINGLE DAD OWN BY NANNY ( Tagalog )

read
431.5K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
73.1K
bc

Mr. Childish

read
203.5K
bc

The Possessive Mafia (TAGALOG)

read
202.3K
bc

My Secret Agent's Mate

read
118.9K
bc

SILENCE

read
387.1K
bc

My Master and I

read
134.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook