Chapter 1
Chapter 1
Kia PoV
Masaya ang araw ko nang pumasok ako sa trabaho pero biglang sumama ito dahil sa mukha ng aking poging boss. Galit na naman ito sa akin ngunit nakahanda na ang resignation letter na nasa bulsa ko kung sakaling bigla niya akong pagalitan nang husto.
"Ms. Reyes, you're late again!" galit na sabi ni Conor Mondragon. Ang CEO ng Mondragon Empire. Siya ang aking boss na naknakan ng sungit na ipinaglihi yata sa hinanakit at sama ng loob.
Nanginginig na lumapit ako sa aking boss magdadalawang buwan pa lamang akong secretary nito. Ito pa lang ang naging amo ko na may masamang ugali. Hindi ko tuloy maiwasang ikumpara ito kay Sir Miggy, sayang nga lang at nagsara ang kumapanyang pinasukan ko ng halos dalawang taon.
Graduate ako ng BIM o Business Information Management at ito ang pangalawang sabak ko sa trabaho. Mabuti na lang talaga ay natanggap ako. Nadaan ko yata sa pangmalakasang sagutan noong interview na ang tangi kong puhunan ay lakas ng loob at tiwala sa sarili.
Kinakabahang nilapitan ko ito. "Here are the files that you need, Sir." Sabay abot sa mga files dito na pinagpuyatan ko kagabi.
"You may go... and please be on time, Ms. Reyes. Nasasayang ang pinapasahod ko sa 'yo kapag palagi kang ganiyan. Be responsible!" pagalit nitong sabi na hindi man lang ako tinignan. "May experience ka naman as secretary pero bakit napakakupad mong kumilos. Hindi ko tuloy maunawaan ang sarili ko kung bakit ikaw ang ipinasa ko sa interview," dagdag pa ni Sir Conor na ibinabagsak ang mga natatapos na pirmahang papel sa tabi.
Namula ako at nagyuko ng ulo napahiya ako sa sinabi nito. Gusto ko na ngang bunutin ang resignation letter na ginawa ko pero hindi pa ito ang tamang panahon para roon dahil kailangan ko ng trabaho. Lalo na't ako na lamang ang inaasahan ni Nanay at mga kapatid ko.
Maluha-luhang nagpaalam ako rito.
Tama nga ang usap-usapan na masama talaga ang ugali nito. Ano pa kaya kung ang President na ng Mondragon Empire ang makikilala ko. Kung tigre ang kaharap ko ngayon baka leon na ang susunod.
Bumalik ako sa office ko na katapat lamang ng opisina ni Sir Conor. Nangalumbaba ako sa lamesa at hinintay kung may ipag-uutos pa ito. Dahil madalas na ako ang inuutusan nito na magtimpla ng kape o hindi naman kaya ay kasama nito sa business meetings. May secretary ito sa pagkakaalam ko pero usap-usapan na pinagbakasyon daw ni Sir Conor ang secretary na iyon dahil palaging absent sa trabaho.
KINABUKASAN hinihilot ko ang aking sintido habang nakasandal sa upuan, nai- stress ako sa ginagawa kong report na ipinapagawa ng boss ko. Ang gusto kasi ni Sir Conor dapat mabilis niyang magawa ang mga report papers na kailangan nito. At hindi ko naman iyon kayang gawin sa isang araw lang dahil marami rin akong ginagawa sa personal kong buhay. Minsan umiiyak na lamang ako sa stress at pagod. Wala na rin akong maayos na tulog dahil sa tambak ang mga gawain ko sa opisina.
Dalawang buwan na akong secretary pero parang nangangapa pa rin ako sa trabaho ko. Pagkatapos napakasungit at istrikto pa ng boss ko.
"Kung 'di lang talaga kami nabaon sa utang hindi ko papasukin ang trabahong ito. Sino ba naman ang may gustong magkaroon ng tigreng amo na konti na lang yata ay sasakmalin na ako," naiinis na sabi ko habang nakapangalumbaba sa tambak na mga paperworks sa lamesa.
Nasa sitwasyon akong iyon nang sumilip ito at hindi man lamang kumatok.
"Nasaan yung tigre, Ms. Reyes?" kunot-noong tanong nito.
Tumayo ako bigla at nagyuko ng ulo.
"Kung may gusto kang sabihin sa akin, Ms. Reyes. Sabihin mo in front of me okay ba 'yon," seryoso nitong sabi sa akin.
Nag-angat ako ng tingin dito. Bakas sa guwapo nitong mukha ang pagkadismaya na may halong pang-iinis.
"I'm sorry, Sir." Paumanhin ko rito tumango lang ito at kinuha ang report na pinagagawa sa akin.
"Hindi mo pa pala tapos!" pagalit na sabi nitong umupo pa sa lamesa ko.
"Ahm kasi po---" Hindi ko malaman ang idadahilan ko.
Bumaba ito sa kinauupuang lamesa at nilapitan ako. At saka isinandal sa pader. Natatakot ako sa maari nitong gawin pero kinikilig dahil sa prinsensya nito. Hindi lang kasi ito guwapo, kun'di makisig at matangkad pa. Hanggang dibdib lamang niya ako.
"Kung gusto mong bumait ako sa 'yo, Ms. Reyes. Ayusin mo ang trabaho mo," bulong nito sa tenga ko at saka niya ako nilayuan.
Namula ang pisngi ko sa ginawa nitong iyon.
Inayos nito ang suot na business suit at iniwan akong nakasandal pa rin sa pader.
"Gising, Kia. Gumana na naman iyang kahinaan mo pagdating sa mga guwapo," sermon ko sa aking sarili.
Ilang minuto akong nanatiling nakasandal sa pader na para bang naging istatwa ng mga sandaling iyon.
Tinapik-tapik ko ang magkabilang pisngi ko. Mabilis ang naging kabog ng puso ko para akong nakuryente sa paglalapit ng katawan naming dalawa.
"Kung gusto mong maging mabait ako sayo ayusin mo ang trabaho mo, Ms. Reyes," paulit-ulit na binubulong ng isip ko.
Distracted na ako. Hay, paano na yan. Mayamaya pa'y nag-ring ang telephono sa tabi ko. Agad ko iyong dinampot at itinapat sa aking tenga.
"Hello. Good afternoon Sir/Ma'am. This is Mondragon Empire. I'm Kia Santos, assistant secretary of Mr. Conor Mondragon. How may I help you, Sir/Ma---?"
"I'm Harry Binta of Binta Empire. I have an appointment to Mr. Mondragon today," magalang na sabi ng nasa kabilang linya.
Natutop ko ang aking bibig lagot na naman ako nito. Tskk! Paano ko ba nakalimutan iyon.
"Sir... I'm sorry I forgot to tell Mr. Mondragon---"
"It's okay... no problem." Ibinaba nito ang telephono. Agad ko namang pinuntahan si Sir Conor sa opisina nito.
"Sir." Kinakabahang tawag ko habang binubuksan ang pinto.
Nag-angat ito ng tingin na nakakunot ang noo.
"What is it?" tanong nito na nakakunot ang noo.
"May meeting po kayo ngayon kay Mr. Harry Binta ng Binta Empire. Naka-schedule na po iyon ngayon araw kaso---"
Tumayo ito at agad na kinuha ang envelope, mukhang kontrata ang nasa loob niyon.
"Next time, Ms. Reyes. I-inform mo ako agad hindi iyong ganito na mismong kliyente pa ang tatawag sa iyo just to remind you... nakakahiya ka!" galit na sabi nito.
Sinundan ko ito nang lumabas sa opisina. Muntik pa akong matapilok habang naglalakad kasunod nito na naging dahilan para maitulak ko ang likod ng binata na nasa harapan ko.
"Ano ba, Ms. Reyes!" Paasik na bulyaw nito.
"So-sorry, Sir."
Bumuntong-hininga ito at mukhang nagtitimpi na lang yata ito sa akin. Nagtungo kami ng conference room at nadatnan namin roon si Mr. Binta. Nakipagkamay ito kay Sir Conor. At gusto rin nitong makipagkamay sa akin.
Nakipagkamay naman ako rito ngunit nagulat ako nang pisilin nito ang kamay ko kaya dali-dali kong hinila ang kamay kong hawak nito.
Sa tingin ko ay kaedad lamang ito ni Sir Conor. Guwapo rin pero masama ang kutob ko dahil parang may pagkamanyak ito. Para kasi itong nanghuhubad kung makatingin. Kaya naman naupo na lamang ako sa gawing likuran ni Sir Conor.
"May tinatago ka pa lang maganda rito sa Mondragon Empire," sabi ni Harry na kinindatan pa ako.
Nangangatog ang mga tuhod ko habang nakatingin ito nang malagkit sa akin.
Sinulyapan ako ni Sir Conor at ibinalik muli ang tingin kay Harry.
Naiilang akong umiwas ng tingin sa negosyanteng kausap ng boss ko.
__________
Conor PoV
Nanatili akong seryoso ng mga sandaling iyon kahit gustong-gusto ko nang palayasin sa harap ko ang mayabang na si Harry. Panaka-nakang sinusulyapan ko si Kia na nag-iiwas nang tingin sa kausap ko.
"Business ang ipinunta mo rito right? At kung anuman ang nais mong sabihin sa secretary ko sabihin mo iyon sa kaniya ng kayo lamang dalawa," naiinis kong sabi rito.
"Relax, Conor. Ang ipinunta ko talaga rito ay business nakakita lang kasi ako ng anghel kaya na-distract ako. By the way napag-isipan mo na ba ang iyong proposal ko sa 'yo?" tanong nito na nakangisi. Kahit pa matalik na magkaibigan ang aming pamilya ay hindi ko pa rin magustuhan ang ugali ni Harry na sobra ang kayabangan.
"Yes. At napag-isip-isip ko na hindi ako papayag sa proposal mo makakaya kong iangat ang kumpanya namin without your help."
Tumayo ito at umikot pa sa harap namin ni Kia.
"Sure ka na ba riyan, Conor. Alam natin na bumababa ang sales ninyo ngayong taon naawa nga ako sa 'yo nang mabalitaan ko ang nangyari kaya naman kinumbinsi ko agad si Dad para mag-invest sa inyong kumpanya at alam kong malaki ang maitutulong hindi ba, Mis---"
Tumayo ako at pinutol ang usapang iyon.
"Hindi ako papayag na bumagsak ang kumpanyang pinaghirapan ng mga magulang ko at salamat sa tulong mo ngunit hindi ko na iyan matatanggap." Mariing tinignan ko si Harry kaya't nagtaas ito ng kamay.
"Okay-okay ikaw ang bahala kung magbago man ang isip mo." Binalingan nito si Kia."P'wede akong tawagan anytime ng secretary mo."
"Makakaalis ka na, Harry," sabi ko.
Ngumisi ito at tinalikuran ako. "I will see you around, Miss Secretary," pahabol na ani Harry.
"Makakaalis ka na at pakisabi kay Tito Edmund na maraming salamat sa offer."
Hindi ako sinagot ni Harry at tuluyan nang lumabas ng conference room. Tinignan ko naman si Kia at tumingin din ito sa akin. Ngumiti ito at ako naman ang nag-iwas ng tingin hindi ko alam kung bakit ba ako distracted sa ngiting iyon ng dalaga.
Pero nang umiwas ako ng tingin dito ay mas lalo naman ako nitong tinitigan. Seven years ang agwat namin sa isa't isa at nagmumukha akong kuya nito. Mabait si Kia at wala akong maipintas sa ugali ng dalaga ako lang talaga itong istrikto pagdating sa pamamalakad ng kumpanya namin. Ang Mondragon Empire, na nagi-import at export ng mga fully furnished na furnitures sa iba't ibang bansa. May sarili kaming mga designer, at ang mga unique naming designs ang ginagamit namin para sa advertisements.
Mula nang magkasakit ang Daddy ko ay ako na ang naatasang mamalakad ng aming kumpanya. At ito ngayon ang nangyayari malaking pagkakalugi ang aming kinakaharap. At dahil ako ang CEO ay nakapasan sa akin ang bigat ng problema.
"Kaya ninyo 'yan, Sir," nakangiting sabi ni Kia sa akin.
Tumango lamang ako sa kaniya. Mabuti pa ang dalaga puno ng kumpiyansa sa sarili kahit na nasusungitan ko ito. At sa loob ng isang buwan ay hindi ito nag-resign hindi katulad ng ibang naging secretary ko na hindi kinaya ang kasungitan ko.
"Pwede ka nang umuwi, Ms. Reyes," sabi ko rito sabay talikod.
Pinaka-ayaw ko sa lahat iyong pinaparamdam ng iba na naaawa sila sa akin tapos nang-iiwan din bandang huli.
At the age of thirty one ay wala na akong sineryosong babae maliban na lang sa babaeng pinakauna at huli kong minahal pero nagawa akong lokohin. Kaya naman mula noon ay isinara ko na ang puso ko sa pag-ibig at itinuon ang lahat sa negosyo.
Dahil sa ngayon ito ang mas importanteng gawin kaysa ibang bagay.
Maraming mawawalan ng trabaho kapag tuluyang bumagsak ang kumpanya namin.
___________
Kia PoV
HINDI ko maipaliwanag ang nararamdaman ko gusto ko siyang i-comfort kaya lang na-realize ko na hindi ko nga pala siya boyfriend.
Napakamot tuloy ako sa batok. Ang sama ng ugali nito sa akin tapos napakabait ko, ang unfair naman no'n. Inihatid ko na lamang ng tingin ang binatang boss ko habang papalabas ito sa conference room.
"Hay, Sir Masungit, sayang naman iyang kapogihan mong iyan kung palagi mo na lang akong iniisnab," pabulong na usal ko habang inaayos ang mga naiwang gamit sa conference room. At inililigpit ang mga gamit na naiwan nito roon.
Tinignan ko ang aking relong pambisig, pasado alas sais pa lang, masiyado pang maaga para umuwi kaya naisipan kong bumalik sa opisina ko napansin kong nakasara na ang opisina ni Sir Conor marahil umuwi na ito o kaya naman nakipag-date.
Napailing ako at umupo sa office chair ko habang nakasubo sa bibig ko ang dulo ng ballpen na hawak. Nag-isip ako ng magandang ideas. Graduate ako ng BIM ngunit magaling ako sa pagguhit, lalo na kapag inspired.
Gumuhit ako ng old fashion model ng upuan at nilagyan iyon ng feminine touch. Isa iyong modern tumba-tumba na puwedeng gawing higaan dahil adjustable at convertible. Ito ang gusto kong maging upuan ng aking Nanay dahil sira na ang luma nitong upuan na tumba-tumba. Iginuhit ko iyon habang nakangiti at ini-imagine ang mukha ng aking Nanay na nakahiga roon. Matapos na i-design iyon ay inilagay ko iyon sa report na ipinagawa nito sa akin.
"By Unknown Artist" Iyon ang inilagay ko sa likod ng papel.
Nagtungo ako sa office ni Sir Conor at binuksan ang pintuan ng opisina nito. Ngayon ko lang nakita ang kabuuan ng opisina nito na puno ng mga furnitures decorations na miniatures. Ipinatong ko sa lamesa nito ang report na ginawa ko.
"Sana malaki ang maitulong nito sa kumpanya nang ngumiti ka na sa akin," sabi ko habang nakatingin sa larawan nito na nakapatong sa may bookshelf.
"Ang guwapo mo talaga, Sir, kahit na napakasungit mo sa akin," sabi ko habang hinahaplos ang mukha nito na nasa larawan. Natuwa ako kanina sa paraan nang pag-iiwas nito kay Harry sa akin. Umupo ako sa dulo ng lamesa nito.
"Hay... siguro gusto mo ko no?" tanong ko sa larawan nito.
Nagulat ako nang may umubo sa likuran ko. Na naging dahilan nang pagkawala ko nang balanse sa kinauupuan kong lamesa nito.
Nasalo ako nito at laking gulat ko nang makita si Sir Conor na seryosong nakatingin sa akin. Nabigla ako kaya't hindi kaagad ako nakakilos. Parang gusto ko tuloy na nasa bisig nito at nakayakap rito. Ang bango ng hininga nito at amoy na amoy ko. Ang mabango nitong pabango na woodscented. Napatitig ito sa mga labi ko ngunit bigla niya akong binitawan.
"Aray," sabi ko habang hawak ang bahagi ng balakang kong nasaktan sa ginawa nito.
Sumandal ito sa gilid ng lamesa. Kung kanina'y nasa romantic scene kami ngayon naman sa tingin ko ay disaster na scene na.
Nakatitig ito sa akin at seryosong-seryoso ang mukha.
Napalunok ako parang gusto ko nang maglaho.
"What are you doing here?" naningkit ang mga matang tanong nito.
"A-ano kasi, Sir, pinagpapan---este... iaabot ko po sana iyang mga file na iyan." Mabilis na turo ko sa report file na ipinagagawa nito.
"Bukas ko pa ito kailangan, Ms. Reyes," sabi nito sabay dampot sa mga roon.
"Mag-maga-absent po kasi ako bukas, Sir." Naisip kong magdahilan na lang.
"Bakit may sakit ka ba, Ms. Reyes? Sa tingin ko naman ay wala." Hinawakan naman nito ang kanang pisngi ko.
Namula ako, ang lambot ng palad nito. Mukhang tuluyan akong lalagnatin.
Umupo ito sa upuan nito at inayos ang mga file na ibinigay ko.
"Lock the door!" Malakas na sabi nito na ikinabigla ko.
"No, Sir!" malakas ko ring sagot.
"What the hell did you say?" Sumeryoso ang mukha nito.
"Sabi mo kasi, Sir. Lock the door." Kinagat ko ang ibaba kong labi.
Hinawakan naman nito ang sintido at saka umiling.
"Hindi ba aalis ka na so lock the door when you leave."
Gusto kong tumawa nang malakas ng mga oras na iyon.
Loka-loka ka talaga Kia.
Imbes na lumabas ay pinili kong maupo sa harap nito. Isa pa masakit pa rin ang bewang ko. Gusto kong makipag-close sa boss ko para naman maging mabait na siya sa akin.
"Akala ko ba aalis ka na, Ms. Reyes?" tanong nito na bahagya akong sinulyapan.
Iniisa-isa nitong tinignan ang mga ginawa ko at wala naman itong reklamo sa mga roon. Maliban na lang sa gawa kong tinititigan nitong mabuti.
"Sino ang naglagay nito rito?" kunot-noong tanong nito sa akin. Lakas-loob naman akong umamin bahala na kung ma-reject.
"Ako ang may gawa, Sir. Nabo-boring kasi ako kanina kaya ginawa ko iyan."
Tumango lang ito at nangalumbaba habang nakatitig sa gawa ko.
"Maganda ang pagkakagawa mukhang marunong kang gumuhit, Ms. Reyes," sa sinabing nitong iyon ay ngumiti ito.
"Naks, sa wakas ngumiti ka na, Sir. Almost two months mo na akong sinusungitan, e," malapad ang ngiting sabi ko rito.
Nagseryoso itong muli.
"Alam mo, Sir, kung ako ang tatanungin mo about sa project. I mean sa bagong project mas ipra-priorities ko ang mga matatanda I mean mga Nanay o Tatay, Lolo at Lola, sa bagong project kung ano iyong kailangan nila at kung saan sila mas kumportable. Kasi karaniwang designs ngayon mga upuan na magagandang klase pero sobrang mahal naman at hindi naman afford ng ibang mamimili, gumawa tayo ng furniture na kaya ng lahat ng mga mamimili pero hindi pa rin nababago iyong quality lalo na sa gagamiting mga materyales. Iyong iba kasi, Sir, kung napapansin mo, magaganda ang designs pero mahal ang products nila, hindi ko sinasabing products natin ito, Sir, pero parang ganoon na nga."
Nakinig lang ito sa sinasabi ko. At nag-angat ng tingin dahil sa huli kong sinabi.
"Ms. Reyes, kung mahal ang materyales mahal din talaga ang products natin lalo na at iyong ibang mga materials ay binibili pa sa ibang bansa."
Tumayo ako at humalukipkip. "Sir, bakit ba kasi pina-patronize natin ang mga branded materials? May mga localy mades naman mga produkto natin dito sa sarili nating bansa. Mas matibay pa." Nginisihan ko ito. "Sir, wala sa ibang bansa ang Narra."
Tumawa ito sa sinabi ko. "May point ka pero wala tayong malaking pera para sa ideya mong iyan, Ms. Reyes."
Yumuko ako sa harapan nito habang nakatukod ang magkabila kong braso sa lamesa. "Gagamitan natin ng charm iyan, Sir. May bidding na sasalihan ang Binta Empire at kailangan nating sumali," nakangiting sabi ko rito.
"No, hindi ako papayag sa ideya mong iyan, Ms. Reyes."
"Sir, hindi naman katawan ko ang ibi-bid ko kun'di ang mga design natin. Ipapakita natin sa kanila kung ano ang kaibahan ng Mondragon Empire sa ibang mga Furniture Company. Isa pa kailangan ko lang naman ay support mo, Sir." Hinawakan ko ang kamay nito. "Just watch me, Sir." Bigla ko itong hinalikan sa pisngi.
Namula ito sa ginawa kong iyon.
"Sir, okay lang kayo?" natatawa kong tanong dito.
"Don't do that again, Ms. Reyes!" pagalit na sabi nito.
Imbis na matakot ako rito ay lalo lamang akong natuwa sa ikinilos nito. Lumabas ako ng opisina nito at iniwanan itong namumula sa ginawa ko.
Sabi nga ng iba kapag hindi madaan sa mabuting usapan ipilit sa marahas at suwabeng paraan.
Ngumisi-ngisi ako sa naiisip. Nagtungo ako sa office ko at iniligpit ang mga gamit ko. Nagpasya na akong umuwi hindi talaga ako papasok bukas dahil check up pala ng Nanay ko, kailangan ko itong samahan sa doctor. Kinapa ko ang wallet kong nasa bag ko at tinignan ang laman niyon mahigit three thousand na lamang pala ang pera ko. Bumuntong-hininga ako at tinapik ang aking magkabilang pisngi.
"Okay lang iyan, Kia. Sahuran na bukas may maibibili ka na ulit ng gamot," malungkot na bulong ko habang mag-isa.
BAGO ako umuwi nagpunta muna ako sa drugstore at bumili ng mga gamot na kailangan ng Nanay ko. Nagkakahalaga iyon ng isang libong piso. May asthma kasi ito at gout.
May dalawa akong kapatid na kambal na nasa elementary pa lang. Sa edad kong bente singko ay ako na ang nagtataguyod sa pamilya ko mula sa gastusin sa bahay, pagpapa-aral sa mga kapatid ko at hanggang sa pagpapagamot sa Nanay kong may sakit. Kahit noong nag-aaral ako ng kolehiyo ay pinagsasabay ko ang paghahanap-buhay para sa mga ito at para na rin makatapos ako sa pag-aaral. Mabuti na lamang at may scholarship ako noon kaya hindi ako nahirapan.
Nakita ko sa hindi kalayuan ang kotse ni Sir Conor may kausap itong babae na nasa gilid ng kotse tila nag-aaway ang dalawa.
"Kaya pala niya ako sinusungitan dahil may girlfriend na, sayang naman laman tiyan din," naibulong ko sa kawalan.
Alam kong mabait si Sir Conor iyon nga lang hindi nito ipinahahalata sa iba. Ipinapakita nito sa aming mga empleyado ang kasamaan ng ugali nito. Kaya naman palaging usap-usapan ang boss ko sa mga kapwa ko empleyado kapag nasa canteen kami at kumakain.
Pumara ako ng jeep at tinatanaw na lang sa malayo ang boss kong nagugustuhan ko na.