bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

book_age18+
27.3K
FOLLOW
248.8K
READ
murder
revenge
brave
drama
twisted
heavy
female lead
realistic earth
betrayal
crime
like
intro-logo
Blurb

“Wala akong kasalanan!”

Iyan ang hiyaw ni Penelope Gamboa nang ipakulong siya ng kaniyang asawang si Ram Salazar dahil sa pagpatay sa kapatid nitong si Jana. Pagkatapos siya nitong ipakulong ay nakipaghiwalay pa ito sa kaniya.

Inilayo ni Ram ang kanilang anak. At sa tulong ni Attorney Daniel Escueta ay muli siyang makakalaya. At mapapatunayan na wala siyang kasalanan.

Sa kaniyang paglaya ay babawiin niya ang anak sa dating asawa. At ipapatikim kay Ram ang sakit na ipinaranas nito sa kaniya.

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
"MAY bisita ka, Penelope!" sigaw sa akin ng babaeng guwardiya habang nakatingin ito sa rehas na limang taon ko nang hinahawakan. Kasalukuyan akong nakakulong sa Tarlac Provincial Jail, sa kasong homicide na isinampa sa akin ng dati kong asawa na si Ram Salazar. Sa loob ng limang taon ay hindi niya ako dinalaw. Matapos kong mahatulan ng korte ay hindi ko na siya muli pang nakita. Nakipaghiwalay pa ito sa akin at kinamuhian niya ako nang labis. Masaya kami ni Ram bago nangyari ang bangungot na ito sa buhay ko. Mahirap lamang kami pero tinanggap niya ako at minahal. Nagbunga ang aming kapusukan at maaga akong nagbuntis. Bente dos anyos lamang ako noon at Bente singko naman si Ram nagpakasal kaming dalawa. At naging masaya pero nagbago iyon nang dumating si Dante, ang step brother ni Ram na nagtangkang gumahasa sa akin. Hindi ko alam kung ano ang nangyari kay Jana. Nagising na lamang ako noon na umiiyak si Ram at masakit ang aking sikmura. Duguan ang aking mga kamay at may hawak akong baril. Hindi ako ang pumatay kay Jana. Nagmakaawa ako noon kay Ram na huwag niya akong ipakulong, alang-alang sa anak naming si Rux na limang taong gulang. Ngunit hindi niya ako pinakinggan, sa aking mga pakiusap. Ilang ulit na humingi ako ng tawad. Ngunit naging matigas ang puso ng aking dating asawa. Kahit paulit-ulit kong sinasabi na wala akong kasalanan pero hindi siya nakinig. Inosente ako ngunit kailangan kong pagdusahan ang kasalanang hindi ko ginawa. Tumulo ang luha ko dahil naalala ko na naman ang mga nangyari. Mabilis ko ring pinahid gamit ang magkabilang kamay ko ang luha na umaagos sa aking mga mata. Habang palapit ng guwardiya sa kinaroroonan ko. Ipinagbukas niya ako ng pinto ng rehas habang nakangisi ito sa akin. Lumapit sa akin ang isang lalaking nakatayo sa visitation area. Nang makalapit ay ngumiti ito sa akin. "Miss Gamboa, I'm Attorney Daniel Escuesta." Pagpapakilala nito. "Ikinuwento sa akin ni Joshua na nangangailangan ka ng abogado para mabuksan muli ang kaso mo?" Tinutukoy nito ang bunso kong kapatid. "Kaibigan ng kapatid ko si Joshua, at nagtratrabaho ngayon ang kapatid mo sa shop namin." Tumingin ito ng seryoso. "Gusto kitang tulungan dahil naniniwala ako sa iyo na wala kang kasalanan, nasabi ko iyon base sa kuwento ni Joshua. Tumutulong ako sa mga taong inosente at alam kong inosente ka, nakikita ko iyon sa mga mata mo. Pinag-aralan ko ang kasong isinampa sa iyo ni Mr. Salazar at nalulungkot ako na malaman na ang sarili mo pa lang asawa ang nagpakulong sa iyo. I'm sorry for that." Hinging paumanhin nito na nakatitig sa akin. "Pero base sa mga nakalap kong impormasyon masasabi ko na mistrial ang nangyari." Umupo ako at nakinig na mabuti at umupo rin ito pagkatapos. Gusto kong matuwa at magkainteres sa sinabi nito pero hindi na ako aasa pa dahil pangalawa na itong abogado na nagsabi sa akin na tutulungan ako. Pero sa huli ay iiwan din nang walang pasabi kung bakit. "Wala na sa akin iyon. At bakit ka nandito? Wala nang paraan para makalaya pa ako. Umalis ka na dahil hindi na ako makakala---" Pinutol nito ang sinasabi ko nang hawakan nito ang aking kanang kamay na nakapatong sa lamesa. "Bago ako nagpunta rito, nakausap ko ang dating attorney na humawak sa kaso mo at sinabi niyang wala ka nang pag-asang makalaya dahil sa mga ebidensiya ng kampo ni Mr. Salazar sa iyo. Ilang taon ka nang nakakulong at wala pa ring abogado na tumutulong sa iyo para maihabla muli sa korte ang kaso mo. Mabuti na lamang at nasabi ng kapatid ko sa akin ang tungkol sa iyo." Kinuha nito ang mga papel sa attach case bag nitong dala. " Set up ang nangyari, may witness na magpapatunay ng lahat si Eduardo Geronimo, ang driver ninyo noon sa mansion. Lumapit siya nang kusa sa akin at isinalaysay niya ang lahat. Matibay na iyong pruweba na wala kang kasalanan. Ms. Gamboa, gusto kitang tulungan sa paraang alam ko bilang abogado. Gusto kong maging malaya ka at huwag matulad sa nanay ko na hinatulan nang panghabambuhay na pagkakakulong sa kasalanan na hindi niya ginawa. Kaya nangako ako sa sarili ko na tutulungan ko ang mga taong ninakawan nang kalayaan dahil sa maling paratang," malungkot na paliwanag nito. Nakikinig lamang ako sa sinasabi ng binatang attorney na nasa harapan ko. Gusto kong mabuhayan ng pag-asa upang mapanagot ang mga taong may kasalanan at mabawi ko ang aking anak kay Ram. Ngunit paano ko iyon gagawin? Kung makakalaya nga ako pero ang tingin sa akin ng mga tao ay isang kriminal. "Miss Gamboa, kailangan mo itong pirmahan para sa pagpa-file ng kaso mo sa susunod na linggo," anito na ibinigay sa akin ang ballpen. "Hindi na ako umaasang makakalaya pa ako, Attorney Escuesta," malungkot na sabi ko. "Miss Gamboa, magtiwala ka, tutulungan kita. Isipin mo ang kapatid mo na umaasang makalaya ka. Isipin mo ang anak mo, gawin mo ito para sa kanila," seryosong tumingin ito sa akin. "A-alam mong may... may anak ako?" lumuluha kong tanong habang nakayuko sa harapan nito. Huminga ito nang malalim. "Sorry. Nasabi kasi akin ni Joshua na may anak ka na at nasa pangangalaga iyon ni Mr. Salazar. Ms. Gamboa, tibayan mo ang loob mo, may pag-asa pang makalaya ka." Nabasa ng luha ko ang papel na nasa ibabaw ng lamesa. "Limang taon na akong nakakulong. Limang taon na naging miserable ang buhay ko, ilang beses na may nangako sa aking tutulungan nila ako pero hindi iyon nangyari. Pagkatapos narito ka, Attorney, paasahin mo na naman ako." Tumayo si Attorney Escuesta. "Tutulungan kitang makalaya, Penelope, pangako iyan. Hindi ako nagbibitaw ng mga salita kung hindi ko magagawa." Pinirmahan ko ang papel na ibinigay nito. Isang petition para muling magbukas muli ang kaso ko. At si Manong Duarding ang aking testigo. "Magkita na lamang tayo sa korte sa isang linggo. Ihanda mo na ang iyong sarili sa muli ninyong pagkikita ni Mr. Salazar." Kinuha nito ang papel na pinirmahan ko. Pilit akong ngumiti. "Ma-maraming salamat..." Tumango lamang ito bago umalis. Huminga ako nang malalim habang tinatanaw ito palayo. "Mukhang dumating na ang suwerte mo, Miss Gamboa," nakangising sabi ng guwardiya bago niya ako ibinalik sa aking selda. NILAPITAN ako ni Salve habang nakatayo ako at nag-iisip tungkol sa sinabi ni Attorney Daniel. Si Salve ang aking kaibigang preso na noong una ay hindi ko nakasundo. "Ano ang sabi ng guwapong bisita mo?" usisang tanong nito habang sinisiko ako. "Ang sabi'y muli raw bubuksan ang kaso ko at may tyansang makalaya ako. Kosa, kapag nangyari iyon makikita ko na ang anak ko, mis na mis ko na siya," naluluhang sabi niya. Tinapik nito ang aking balikat. "Natupad na ang matagal mo ng dasal, kosa. Tatagan mo ang loob mo, magkikita kayo ng anak mo at mababawi mo ang anak mo sa demonyo mong asawa. Alam mo noon pa man naniniwala na akong wala kang kasalanan, e. Napakabait mo sa lahat at maging sa akin kahit na inapi kita noon. Pasensiya na sa naging ugali ko, kosa, a. Nga pala kapag nakalaya ka na dumalaw ka palagi rito, a," pagdra-drama nito na mangiyak-ngiyak. . Masaya ako sa kaunting pag-asa pero malungkot naman ako para sa kaibigan ko na maiiwan. Tanging parol na lamang ang hihintayin nito dahil nahatulan na itong makulong ng habambuhay. Homicide ang kaso nito pinatay nito ang live in partner nito sa sobrang galit dahil sa pagiging babaero ng live in partner nito. "Dadalaw ako sa iyo palagi, kosa, pangako iyan." Niyakap ko siya nang mahigpit. "Pero ngayon huwag muna tayong magsaya dahil hindi pa natin tiyak kung makakalaya ba ako o hindi." Inakbayan niya ako. "Makakalaya ka, at iyong balyenang guwardiya na iyan. Hindi mo na makikita iyan at hindi ka na mapag-iinitan." Tumawa ito nang malakas. "Sabi mo pa." Sinabayan ko siya sa pagtawa habang tinutungo namin ang banyo na kanilang lilinisan dahil iyon ang araw-araw nilang ginagawa pagkatapos ng tanghalian. MATAPOS ang paglilitis ay hinatulan ako ng mababang hukuman si na not guilty sa salang pagpatay sa kapatid ni Ram. Umiiyak ako sa saya habang niyayakap ang kapatid kong si Joshua. Masaya ko ring niyakap ang attorney na tumulong sa akin nang halos dalawang buwan. Hindi natanggap ni Donya Margaret ang hatol dahil sa nangyari. Pilit pa rin niya akong idinidiin nito sa kaso. Buong tatag kong tinignan ang lalaking nagpakulong sa aki. Nakakapit ako sa braso ng aking kapatid habang nakatingin dito. Nilampasan ako ni Ram at hindi kinausap. Nakasunod dito ang step mother nito at iba pang kamag-anak nito na hindi masaya sa hatol sa akin. Naroon din si Dante na lubos kong kinamumuhian. Habang tinatanaw ko ang paglayo ni Ram ay sumagi sa aking isip ang aking anak kaya naman mabilis ko siyang sinundan. Hinila ko ang kamay ng dati kong asawa at lumuhod sa harapan nito. "Parang awa mo na! Ibalik mo sa akin si Rux," umiiyak na sabi ko. Wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao habang nakatingin sila sa akin. "At anong akala mo, ha, Penelope? Ipagkakatiwala namin ang apo ko sa isang kriminal na katulad mo! Aba, hindi porket hinatulan kang walang kasalanan ay basta mo na lamang hihilingin sa amin iyan. Ano ang ipapakain mo sa apo ko? Hindi ko papayagan na lalaki siya sa poder ng isang ex-convict!" Hinila ni Donya Margaret ang kamay ko na nakahawak kay Ram. Buong tatag akong tumayo at hinarap ang matanda kong biyenan na noon pa man ay hindi na ako magustuhan dahil mahirap ako. Nagpapanggap lamang itong mabait kapag naroon si Ram sa tabi ko. "Babawiin ko ang anak ko!" buong tatag na sabi ko habang humihikbi. Nilapitan ako ni Attorney Escuesta. "Magkikita ulit tayo sa korte kapag hindi ninyo ibinigay ang anak ni Penelope. Dahil sa batas siya pa rin ang dapat na mag-alaga sa bata." Walang pasabing umalis si Ram sa aking harapan. Wala itong naging kibo at hindi ito halos makatingin sa akin. "Hindi kami natatakot, Attorney!" buong tatag na sabi naman ni Donya Margaret bago tuluyang umalis sa aming harapan. Sumakay ang mga ito sa kaniya-kaniyang kotse at naiwan kaming nakatayo sa labas ng Regional Trial Court. Nagsi-unahan sa pagtulo ang kaniyang mga luha sa kaniyang mga mata. Labis na labis akong nasasaktan. Sa nakalipas na limang taon ay napuno ng galit ang puso. Marami akong tanong kay Ram. Kung bakit napakadali para sa kaniya na pagbintangan ako. Kung bakit napakadali sa kaniya na ipagpalit ako at tratuhin na parang basura. Kahit na wala na ako sa kulungan ay parang nasa kulungan pa rin ako. Hindi ko magawa ang gusto ko dahil wala akong sapat na kakayahan. Wala akong pera, walang-wala ako. Tumingin sa akin si Attorney Daniel. "Penelope, huwag mong ipakita sa kanila na mahina ka. Ipakita mo na matapang ka at kaya mong bawiin ang anak mo sa kanila. Tutulungan kita... hindi dito matatapos ang pakikipaglaban natin para sa kalayaan mo. Penelope, nakalaya ka na. Wala kang kasalanan at wala kang dapat na katakutan." Pinilit kong ngitian si Attorney Daniel kahit na tumutulo ang aking luha. Nanlalambot ang mga tuhod na napaluhod ako sa semento. Ano ang aking p'wedeng gawin upang mabawi ang aking anak sa dati kong asawa? Durog na durog na ang puso ko at patuloy pa itong nadudurog sa bawat alaalang bumabalik sa aking isipan noong panahon na masaya pa kami ni Ram. Ang lalaking una kong minahal.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Billionaire's Last Heir (Tagalog)

read
330.2K
bc

His Precious Property

read
619.9K
bc

That Night

read
1.1M
bc

Falling for the Billionaire's Son: Dominic Ace Delavega

read
298.4K
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
481.7K
bc

'TILL I MET YOU (SPG R-18)

read
335.0K
bc

My Secretary Owns Me (ZL Lounge Series 01)

read
787.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook