bc

His Innocent Wife (R18 Tagalog)

book_age18+
24.9K
FOLLOW
121.8K
READ
sex
contract marriage
arrogant
tomboy
independent
dare to love and hate
drama
comedy
humorous
like
intro-logo
Blurb

Simple lamang ang buhay ni Luningning Alfonso, isang raketera na namumuhay mag-isa sa lumang apartment ng Calauag Tarlac. Dahil elementary graduates ang kaniyang natapos ay nahihirapan siyang humanap ng trabaho.

Dumating sa punto na walang-wala na siyang pera at kailangan na niyang magbayad sa mga pinagkakautangan niya. Isang binata ang nag-alok sa kaniya bilang maging pekeng asawa nito kapalit ng sampung daang libong piso. Kapit sa patalim na tinanggap iyon ng dalaga hanggang sa unti-unti na siyang nababaon sa binatang nagsabi sa kaniyang “huwag kang mag-alala dahil hindi ko type ang isang tulad mo”. Makakatagal kaya siya sa poder nito bilang pekeng asawa o totohanin na niya ang pagpapanggap bilang asawa ni Tristan Elizarde?

Hanggang saan ba ang kaya niyang itagal? Gaano ba siya katatag pagdating sa pag-ibig?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Chapter 1 Luningning Pov KASALUKUYAN kong hinihintay si Jumbo na lumabas sa bahay nila dahil sabay kaming mamasukan sa gotohan ni Aling Ason ngayong araw. Ipinupusod ko ang aking mahabang buhok nang lumabas ito. Nakasuot ako ng puting t-shirt at lumang maong pants na gamit na gamit ko na. Wala naman akong ibang damit maliban sa mga iyon. May extra akong damit na binili ko noong isang buwan pero panlabas ko naman iyon. At sobrang gipit na gipit ako ngayong buwan dahil sa mga utang ko na hindi ko pa nababayaran. "Halika na panget," sabi ni Jumbo na kumendeng-kendeng. Nauna na itong naglakad. Isinukbit ko ang sling bag ko na luma sa kilikili ko. At hinabol ito sa paglalakad. Vicente Agustin ang buong pangalan ni Jumbo. Jumbo ang alyas nito. Malaki ang katawan nito pero mahihin gumalaw. Sayang ang gandang lalaki nito, may itsura pa naman. Maraming babae na kapit-bahay namin ang nagkakagusto rito pero hindi gusto ni Jumbo dahil nasusuka raw ito sa mga katulad kong eba. "Bakla sa tingin mo magkakapera tayo sa araw na 'to. Mukha kasing uulan o." Sabay tingin ko sa pagdilim ng kalangitan. "Malas ka talaga, Ning!" Singhal nito sa akin. Alam kasi nitong may balat ako sa puwet dahil nakita na nito iyon dati noong bata pa kami. "Hoy, hindi lahat ng may balat sa pwet e malas na. Iyong iba nga ikinayayaman nila." Pangangatwiran ko rito. Ibinaling ko sa langit ang aking mga mata. Mukha nga talagang uulan. "Aba, nangatwiran ka pa." Nagtaas ito ng kilay nang humarap sa akin. Mayamaya pa ay bumuhos ang malakas na ulan. Wala kaming payong na dala ni Jumbo kaya naman nabasa kaming dalawa. Napasimangot ako. Totoo yatang malas ako. Siyam na taong gulang ako nang mamatay ang aking mga magulang. Kaarawan ko ang araw na iyon. Dahil wala naman akong kamag-anak na gustong kumupkop sa akin ay namuhay na lamang akong mag-isa. Nagpagala-gala sa kalye, at nagnakaw para mabuhay. Namulot ako ng mga tirang pagkain sa basurahan sa tapat ng fast food chain. Palaging may napapahamak kapag ako ang kasama nila dahil na rin sa kamalasang dala ko. Bente tres anyos na ako pero hanggang ngayon wala pa ring matinong buhay at permanenteng trabaho dahil sa kakulangan ko ng kaalaman. Grade five lamang ang natapos at wala akong diplomang maipakita kaya hindi ako matanggap sa mga trabahong inaaplayan ko. Inakbayan ako ni Jumbo. Ang baklang kaibigan ko mula pagkabata pareho rin kaming ulila nito. 'Yon nga lang may kumupkop kay Jumbo kaya hindi nito naranasan ang mga naranasan kong hirap. "Masama lang talaga ang panahon, Ning," sabi ni Jumbo. "Sorry. Nadamay ka sa kamalasan ko," nakasimangot kong sabi rito na maiyak-iyak na. "Ano ka ba? Walang malas o suwerte no! Nagkataon lang na umulan." Pagpapalakas nito sa loob ko. Nginitian ako ni Jumbo. Mayamaya pa'y tumila na ang ulan. Pumasok kami sa gotohan ni Aling Ason. Ako ang dishwasher at si Jumbo naman ang waiter. Maraming mga customer sa gotohan ni Aling Ason dahil masarap ang luto nito. Karamihan sa mga customer ay mga jeepney drivers, bus drivers, mga namamasada sa TODA at mga estudyante na maagang pumapasok sa eskuwelahan. Malapit ang gotohan ni Aling Ason sa may palengke ng Calauag. Gusto ko ngang mamasukan na rito nang matagal pero hindi naman sapat ang dalawang daan na kita ko maghapon para mabayaran ang lahat ng mga pagkakautang ko ngayong buwan. Umaga hanggang gabi ang pasok namin ni Jumbo ngayong araw. Maliban sa gotohan ay may turo-turo din si Aling Ason sa kabilang kantina. "Luningning, tama na muna ang paghuhugas. Kumain na muna kayo ni Jumbo, bago kayo umuwi." Utos ni Aling Ason. "Sige po salamat." Inalis ko ang apron na suot ko at hinugasan ang mga kamay ko. Sa likod kami ng gotohan kumain ni Jumbo. Pinagtitinginan ako ng mga kalalakihan na nasa paligid ko. Nagbubulungan ang mga ito. May iba pa na nagpapa-cute sa akin pero patay-malisya kong tinitignan. "Bakit nila ako tinitignan?" taas kilay na tanong ko kay Jumbo. "Ano pa nga ba e. Ang ganda-ganda mo kasi para kang miss universe. Ka-level mo na nga si Catriona Gray ng kagandahan. 'Yon nga lang wala kang utak," mataray na sabi nito sa akin. Umismid ako. "Ang sama neto." "Prangka lang ako dahil kaibigan kita, no!" Inikutan pa ako nito ng mga mata. Hindi naman sumasama ang loob ko sa mga pagsasalita ni Jumbo sa akin. Dahil sanay na sanay na ako sa tabas ng sila nito. Lalo na't magkaibigan kami pero minsan nasasaktan ako kahit biro lang ang sinasabi nito. Kasalanan ko bang wala akong pang-aral dahil pinagkaitan ako ng pagmamahal mula sa mga kamag-anak ko. Wala kasi kahit isa ang may gustong kumupkop sa akin. Sa 'di kalayuan may isang lalaki na nakatayo sa harapan ng kotse nito. Nakapameywang ito na tila namomroblema kung ano ang gagawin sa kotse nito. Malayo pa naman ang talyer nasa kabilang kanto pa. Tumayo ako. "Jumbo, ubusin mo na 'yan. May swerteng dumating," sabi ko bago ito talikuran. "Panget! Baka hanapin ka ni Aling Ason!" Tawag nito sa akin. Sinipat ko ang luma kong relo. Alas syete y medya na ng gabi. Hindi na ako hahanapin nito panigurado. Nginisihan ko na lamang ito bilang sagot. Pinuntahan ko ang lalaki at kinilabit ang braso nito. Lumingon ito sa akin. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Naninigurado pa yata ang lokong ito kung ano ang kailangan ko. "May problema, sir?" tanong ko. Tumingin ito nang seryoso sa akin. "Kaya mo bang ayusin ang makina nito?" seryosong tanong naman nito. "Hindi, sir. Pero kaya kong tumulong para maipunta 'yan sa talyer malapit dito," malapad ang ngiting sabi ko. "What do you mean?" kunot-noong tanong nito na wala yatang bilib sa akin. Pambihira. Ingleshero pala ang lalaking ito mukhang dudugo ang ilong ko, a. "No english, sir," sabi ko habang nagkakamot ng batok. Ngumiti ito. "Kaya mo bang itulak?" Pumito ako sa mga lalaking nag-iinuman sa may kanto. Agad nila akong nilapitan. Sumusuray-suray pa ang mga ito habang isinusuot ang mga damit. "Ning, ano 'yon? Ginagambala ka ba ng lalaking ito?" tanong ng mga ito ng makalapit. Sila ang sigang mga kaibigan ko. Sina Doro, Kalapati at mga kasamahan nitong manginginom. Nakilala ko sila sa pagiging batang lansangan ko. Umatras ang lalaking nasa harapan ko. Natakot ko yata ito dahil sa paglapit ng mga lasinggero kong kaibigan. "Hindi mga parekoy. Tulungan nati si Sir... Pogi. Itulak ninyo para sa kaniya." Kinindatan ko ang lalaki. Namula ang lalaki. "Magkano?" tanong agad nito at inilabas ang wallet nito sa bulsa. "Isang daan lang naman kada isa. At dalawang daan sa akin dahil ako ang naghanap ng magtutulak." Kinindatan ko ang mga kaibigan ko at mga kainuman ng mga ito. Nagkamot ng batok ang lalaki. Binunot nito ang isang libo at dalawang daang piso sa wallet nito. Iniabot nito ang pera sa akin. "O, itulak na ninyo." Utos ko sa mga ito. Nakatulong na ako sa taong nangangailangan. Nagkapera pa ako. Ganito ako kawais pagdating sa pagkakaperahan. Sinabayan ko sa paglalakad si pogi. Habang itinutulak ng mga kaibigan ko ang kotse ng lalaki. "Bagong salta ka ba rito?" tanong ko. "Oo," sagot nitong hindi nakatingin sa akin. "Ah, kaya pala. Sa susunod suriin mo kung okay ba takbo ng kotse mo para hindi ka tumirik sa daan," sabi kong nakapamulsa ang mga kamay sa pantalong suot ko. Tumango lang ito. Marahil hindi ito nakikipagkwentuhan sa taong hindi nito kilala. Hindi na rin ako umimik hanggang sa maihatid namin ang lalaki sa talyer pati ang kotse nito. "O, paano ba iyan, sir. Maiwan na namin kayo," pagpapaalam ko sa lalaki. "S-salamat," sabi ng lalaki na tinalikuran na kami. "Tara na mga parekoy!" masiglang tawag ko sa mga kaibigan ko. Sa 'di kalayuan ay tinipon ko ang mga ito at ibinigay ang mga parte nila. "Hulog ka talaga ng langit, Luningning," sabi ni Doro isa sa mga sigang kaibigan ko. "Kaya nga may pampulutan na tayo. Sa iyo na ang limangdaan Luningning. Limang daan na lang sa amin. Balita ko papaalisin ka na ni Aling Guada sa apartment mo," dagdag ni Kalapati. Sumimangot ako. Isa pa iyong prinobroblema ko kaninang umaga. Inakbayan ko sina Doro at Kalapati ."Salamat sa inyo, a. Makikitira ako sa inyo kapag wala na akong matitirahan," naiiyak na sambit ko. Tinapik ni Doro ang balikat ko. "Walang problema basta ikaw." "Anytime, Luningning, basta kung may kailangan ka nandito lang kami para sa 'yo. Kung kailangan mo ng back up nandito kaming mga parekoy mo para sa 'yo," sabi naman ni Kalapati. Inaanak ko ang bunsong anak nito. "Maraming salamat sa inyo." "Sige, Luningning. Babalik na kami sa inuman session," natatawang sabi ni Doro. Inihatid ko sila ng tingin. Masaya ako kahit na mga siga ang mga kaibigang meron ako. Isang sumbong ko lang darating ang mga ito na siyang magtatanggol sa akin. Kaya siguro walang magtangka na manligaw sa akin dahil sa kanila. Bumalik ako sa gotohan. Naroon si Jumbo na naghihintay. Hawak nito ang bag ko. "Ang tagal mo naman. Saan ka ba nagpunta? Kasama mo pa ang mga lassengo na iyon! Kaloka ka!" Sermon nito sa akin. "Inihatid namin ang lalaki sa talyer. Nasiraan ng kotse kawawa naman. Isa pa nagkapera pa kami nila Doro dahil do'n. Doble kita ngayon, Jumbo." Kinuha ko ang bag ko sa kamay ni Jumbo. "Nakamagkano ka naman?" tanong nito habang iniaabot ang bag ko. "700," pagmamayabang ko. "Aba, ang yaman." Bulalas nito. "May pambayad na ako kay Aling Guada sa upa ng bahay." "O heto pa ang dalawang daan na sahod mo." Abot nito sa pera. Itiniklop ko ang kamay ni Jumbo. "Sa 'yo na ipandagdag mo sa sahod mo para makabili ka ng gamot ni Tiyo Poldo." Nginitian ko si Jumbo. "Nakakaiyak..." Umakting pa ito. Tinawanan ko si Jumbo. "Sisters tayo 'di ba. Kaya tutulungan kita dahil ako na lang palagi ang tinutulungan mo." "Salamat, Ning." Tinanguhan ko siya. Dumaan kami sa botika bago umuwi. Bumili na rin ako ng tinapay at kape sa panederya para panghapunan ko. Kailangan kong magtipid para makaipon ng pambayad. Dahil sa makalawa hindi na ako pagbibigyan ni Aling Guada. Sana nga lang makahanap ako ng ibang raket na mas malaki ang kikitain ko. Sinubukan kong mamasukan bilang katulong pero hindi naman ako matanggap dahil wala akong alam sa pag-aalaga ng bata. Sinubukan ko ring mamasukan sa isang grocery pero pinaalis ako ng amo ko dahil hindi ako marunong magbilang ng maraming numero. Tsk! Bakit ba kasi naimbento ang math na iyan? Hay, mukha namang mabait ang lalaki kanina. Pogi nga siya, pero sa tingin ko mukhang masungit. Bukod sa mukhang ermitanyo dahil sa mahaba nitong balbas ay matalim ang mga mata nito. Pero matangos ang ilong at ang mga labi, perpekto ang hugis. Namumula ang mga balat, natitiyak akong galing sa Maynila ang lalaking iyon o hindi kaya galing sa ibang bansa. Naglalakad kami ni Jumbo pauwi at habang naglalakad kami ay kumakain kami ng siopao na inilibre ni Jumbo. "Nakilala mo ba iyong lalaking tinulungan ninyo?" tanong nito sa akin. Umiling ako. "Sayang nga, e. Mukhang mayaman pa naman. Alam mo Jumbo, parang pamilyar sa akin ang mga mata niya. Ewan ko kung guni-guni ko lang, o kung tumibok na ang manyakis kong puso." "Loka ka! Baka may kahawig na artista? O baka naman artista nga?" tanong ni Jumbo na tumigil sa paglalakad. "Ano namang alam natin sa mga artista kung wala tayong television." Umirap ito sa akin. "Boba! May kilala naman akong artista, ikaw lang itong wala." Tumawa ako sa sinabi ni Jumbo. At ipinagpatuloy ang pagkagat sa siopao. Ilang sandali pa ay narating na namin ang lugar kung saan kami nakatira. Ang Baranggay Maaliwalas, bayan ng Calauag. Ang bahay nina Jumbo ang una kong madadaanan bago ko marating ang apartment ni Aling Guada. Maliit lamang ang apartment na nirerentahan ko kay Aling Guada pero kung makapagsingil ang matronang matanda ay daig pa hotel. Libre ang tubig at kuryente pero maliit ang apartment na may isang kuwarto lamang, may maliit na sala at kusina na hindi ko pa nagagamit kahit minsan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Crowned Mafia Boss: His Obsession [Completed] Tagalog

read
1.3M
bc

Third Castillion

read
103.5K
bc

A Husband's Regret (Tagalog)

read
548.1K
bc

Billionaire's Regret

read
543.0K
bc

My Cold Husband(Tagalog)

read
858.5K
bc

My Sweet Sadist Husband (COMPLETED)

read
198.6K
bc

The Greek Badass' Addiction

read
58.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook