Kabanata 1
"Keep on fighting, Enang!" malakas na sambit ko habang nakatingin sa sumisikat na araw sa silangan. Sakay ko ang bisekleta upang pumunta ngayon sa Hacienda Victoria.
Isang buwan na akong naglilingkod bilang katulong sa hacienda kapalit ng aking Tita Lot dahil sinusumpong ito ng rayuma. Sa paglilinis ng bahay ang naka-assign na trabaho sa akin.
Ngayon ay araw ng sabado, kailangan maaga ako dahil ngayon daw darating ang amo namin. Hindi ko pa siya nakikita ng personal dahil hindi raw ito madalas magpunta ng hacienda nitong mga nakaraang taon. Hindi katulad nina Storm, Cold at Luke na palagi kong nakikita sa hacienda. Sa pictures ko lang nakita si Hatt, at palagi pang may suot na black eye shades kaya naman hindi ko alam ang itsura nito. Ngunit masasabi ko na lang na may dating ito at artistahin.
Sa kasalukuyan ay may tatlong mansion na ang Hacienda Victoria at may kanya-kanyang mga katulong. Two-storey modern old house ang design ng mga bahay na naroon. Sa unang bahay si Cold at Storm, sa pangalawa naman si Dark at ang pangatlo bahay naman ay kina Hatt at Luke.
Inayos ko ang dala kong bag na nasa basket ng bike ko. Kailangan kong magmadali dahil ayokong mapagalitan na naman ni Manang Ason.
Ingat na ingat ako sa pagpepedal dahil umulan kagabi. Maputik ang daan patungo sa hacienda mula sa aming bahay. May sementadong daan naman ngunit mas pinili ko na mag-short cut na lang dahil gusto ko na mapabilis ang pagdating ko roon.
Paliko na ako nang biglang may mag-overtake sa harap ko. Isang kotse na kulay gray at matulin ang pagpapatakbo. Hindi nito iniwasan ang naipong tubig sa may mabakong daan kaya naman tumalsik ang lahat ng iyon sa kanyang mukha at braso.
"Putek! Hoy, tumigil ka!" naiinis na sigaw ko sa may-ari ng kotse. Pinahid ng kaliwa kong kamay ang putik sa aking mukha at nagpatuloy pa pagpedal upang makipagkarera sa gray na kotse.
Matinding inis at ngitngit ang nararamdaman ko habang hinahabol ang gray na kotse na patungo din sa hacienda. Alam ko na nakikita niya ako sa side mirror ngunit hindi man lang ito nag-abalang huminto at humingi ng pasensya sa akin.
Dumiretso ang kotse sa loob ng nakabukas na front gate. Hindi naman ako p'wedeng dumaan doon dahil makikita ako ni Manang Ason. Sa likod na gate ako dumaan upang makapag-bihis dahil naligo na ako sa putik dahil sa ginawa ng taong iyon.
Kinakabahan akong pumasok sa maids quarter. Mabuti na lamang at wala roon ang mga kasama ko. Nagtungo ako kaagad sa banyo para makapag-bihis ng uniform ko. Habang inaayos ko ang aking sarili ay hindi pa rin mawala ang inis na nararamdaman ko. Maganda naman ang gising ko ngunit dahil sa taong iyon nasira ang araw ko. Masaya ako dapat dahil mamayang gabi ay sasahod na ako.
"Inhale, Enang! Relax, kalma. Kung sinoman ang taong iyon kakarmahin siya sa ginawa niya sa iyo, okay?" sabi ko sa aking sarili habang nakatingin sa salamin.
Binanlawan ko ulit ang aking buhok na may putik at saka itinali iyon nang matapos. Hindi pa man din gusto ni Manang Asun na walang tali ang aming mga buhok. Palagi nitong bilin na dapat malinis, walang isang hibla ng buhok ang nakatabing sa mukha. Isinuot ko na rin ang hairband ko upang masiguro na maaliwalas ang nagdidilim kong mukha.
Nang lumabas ako ng banyo ay nakita ko si Lea, maglalaba naman ito ngayong araw.
"Akala ko si Sir Hatt na iyong dumating, hindi pa pala," nadismayang sabi nito sa akin. May bitbit itong laundry basket na punong-puno ng mga puting bedsheets.
"Gusto ko talagang makita si Sir Hatt dahil para sa akin siya ang pinakagwapo nating boss," pagpapatuloy pa nito.
Hindi ko pinansin ang sinasabi ni Lea. Humakbang ako palabas ng maids quarter at pupuntahan ko ngayon ang taong nagpaligo ng putik sa akin. Wala siyang katapatan na gawin iyon sa akin. Hindi porket may kotse siya at ako naka-bike lang. Nasa probinsya siya at wala sa edsa kaya dapat lang na maging makatao siya rito.
"Hoy, Enang! Saan ka ba pupunta?"
"Hayaan mo ako, Lea. Nasira ang araw ko dahil sa taong iyon! Makikita niya ngayon ang hinahanap niya!"
Para akong susugod sa gyera na may dalang walis tambo at dustpan.
Nakasunod sa akin si Lea na naguguluhan sa nangyayari sa akin. Panay tawag nito sa pangalan ko ngunit ayokong magpapigil. Hindi ako ipinanganak para lang apihin ng kung sino-sino.
Eksaktong bumaba mula sa gray na kotse ang isang lalaki na naka-white sando at sweat shorts. Naka-slipper lang ito at bitbit ang susi ng kotse.
Kaagad kong sinugod ang lalaking bumaba mula sa gray na kotse. Hindi naman namin siya boss kaya hindi ako mapapahamak.
"Hoy, alam mo ba ang ginawa mo sa akin ha? Ako iyong dinaanan mo kanina at pinaligo ng putik!" malakas na sabi ko sa lalaking nakatalikod sa akin. Inihagis ko pa sa kanya ang walis tambo na hawak ko at pinalo ito sa likod ng plastic na dustpan.
Naningkit ang mga mata nito nang lingunin ako. Itinaas nito ang black eye shades na suot at saka matalim na tumingin sa akin.
"What the hell!" sigaw nito sa akin.
Halos mabingi ako sa lakas ng boses nito. Nagsilabasan din ang mga katulong na naroon at nakita ko si Manang Ason na lumundag sa tatlong baitang na hagdan sa main door para lamang makalapit kaagad.
"Sir Hatt!" malakas na sabi ni Manang Ason dito.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko ang pangalan na binigkas ni Manang Ason. Ilang beses din akong napalunok habang nakatingin sa lalaking galit ngayon sa harapan ko.
Ang gwapong binata bang ito ang Hatt ang boss namin? Napakagat ako sa ibabang labi ko at hindi malaman ang sasabihin.
Ngunit kasalanan naman niya kung bakit ako nagalit. Siya ang nauna! Bakit ako ang dapat na matakot? Hindi ko ipinahalata ang kabang nararamdaman ko habang nakikipagsukatan ng tingin sa kanya.
Boss siya at katulong ako.
Ngunit may kasalanan siya sa akin. Hindi ako ang dapat na mag-sorry!