Chapter 1
MAAGANG pumasok si Aryanda sa West University, kahit na puyat na puyat siya. Alas kuwatro na kasi siya umuwi kaninang umaga dahil nag-over time siya sa trabaho. May isang event kasing naganap sa Vintage Club na pinagtratrabahuan niya bilang waitress. Naghihikab na tinungo niya ang over pass na lalakaran niya para makatawid sa Culinary building.
Dalawang building ang West University, dito sa bayan ng Calao probinsya ng Tarlac. Karamihan mga mahihirap din na estudyante ang nag-aaral sa West University. May iba naman na nakapag-aaral dahil sa scholarships at may iba na katulad niya na nagsisikap na mag-aral kahit na nahihirapan na siya. Isang taon na lamang naman at graduate na siya pero habang nasa huling taon na siya ng pag-aaral niya ay 'tsaka naman nagkasabay-sabay ang mga problema ni Aryanda.
Nang maulila siya noong limang taong gulang siya ay kinupkop na siya ng kaniyang Lola Loleng, isang matandang dalaga. Pinag-aral siya nito hanggang highschool. At hindi na nito makayang pag-aralin siya ng kolehiyo. Kaya naman nag-ipon siya at namasukan sa mga mayayaman na kamag-anak nila. Nang makaipon ay nag-aral siya, pagkatapos ay huminto na naman dahil sa kakulangan ng perang panustos sa pag-aaral niya.
Mabuti na lamang at ipinasok siya ni Arci Soledad, kaibigan niya at kababata niya sa Vintage Club. Malaking tulong ang limang daang piso gabi-gabi niyang kita, iba pa ang tips na nakukuha niya sa mga customer na binabantayan niya para sa orders ng mga ito.
Maganda ang patakaran ng Vintage Club, hindi pinapahintulutan ang mga bastos sa club. Hindi rin sila pinipilit na i-table ng mga customers kung hindi nila gusto. Wala ring live shows o s****l shows para sa mga guests. Legal ang club na pinapasukan niya dahil pag-mamay-ari ito nang dating ex-marine officer kaya sobrang higpit ng mga rules sa club.
Nakapangalumbaba si Aryanda habang nakatingin sa calling card ni Zachary Damien Nicolas, isang businessman na nagmamay-ari sa El Joseo Steels and marketing. Ito ang pinakamayamang businessman sa kanilang lugar, sikat ito sa mga babae at sikat ding modelo ng sarili nitong negosyo.
Sa bawat sulok o building ay mukha nito ang nakikita niya. Ito rin ang nagbigay ng isang libong laptops sa mga estudyante ng West University. At isa siya sa nakatanggap ng ibinigay nito. Iyon nga lang ibinenta niya dahil sa kawalan ng pera noong magkasakit ang Lola Loleng niya.
Bingyan siya ng calling card ni Zachary dahil bago itong customer ng club. At siya ang gusto nitong mag-serve kapag naroon ito. Malaki ang ibinigay nitong tip sa kaniya kagabi, isang libong piso. At kung palagi itong naroon gabi-gabi ay tiyak na makakaipon siya ng malaki. Upang may maibili ng mga gamit kapag may actual presentation sila. May pambayad sa uniform na susuotin niya sa susunod na buwan dahil maga-undergo sila ng on-the-job training sa isang luxury hotel.
Itinago niya ang calling card nito sa bulsa ng suot niyang slacks. Nilapitan siya ni Tryon, manliligaw niya.
"Good morning, Ekang. Itinitinda mo ba iyang mga eye bags mo?" biro nito sa kaniya.
Matalim niya itong tinignan. "May ibabayad ka ba?" pamimilosopo niya rito na ikinatawa nito.
"Ikaw naman hindi ka mabiro. Alam mo, Ekang, puro ka pera... pera ka ng pera... magkano ba kailangan mo?" ngumisi ito sa kaniya at kinuha ang makapal at mahabang nitong wallet.
"Alam mo, Tyron. Isaksak mo sa baga mo ang pera mo... wala kang pakialam sa buhay ko kung kailangan ko ng pera. Wala kang ambag sa buhay ko! At kung p'wede ay lubayan mo ako!" naiinis na aniya habang nakataas ang isang kilay niya.
"Ayaw mo e, 'di huwag. Ah siyanga pala, gusto mo bang makipag-date sa akin sa darating na University night? Baka gusto mo, tutal marami akong inayawan na babae dahil hinihintay kita," buong pagmamayabang na sabi nito sa kaniya habang nakadekuwatro pa sa harapan niya.
"Wala akong oras para magsaya. Isa pa may trabaho ako. Sabi mo nga marami kang inayawan, balikan mo sila at pumili ka. Huwag mo akong gambalahin dahil busy akong tao," iritable niyang sagot.
Nagpa-cute pa ito nang hawiin nito ang buhok na brushed cut. "Seryoso ka hindi ka magseselos?" paninigurado nito at inilapit pa ang mukha sa mukha niya.
"At bakit ako magseselos? Boyfriend ba kita? Ano ba kita? Tyron, baka nakakalimutan mo na binasted na kita. Ikaw lang itong nagkakalat na sinagot kita para awayin ako ng mga bebe na humahabol sa iyo. Kahit sabihin mo pang ikaw ang varsity player ng University natin ay wala akong pakialam. Wala akong panahon para sa ito, tulad ng sinabi ko kanina ay busi akong tao. Kung gusto mo ng ka-flirt, humanap ka ng iba, iyong mauuto mo!" Marahas siyang tumayo sa inuupuan niyang silya.
Nilapitan ito ng mga teammates nito. Nag-asaran ang mga ito dahil sa ginawa niya kay Tryon. Tama lamang naman ang sinabi niya rito. At mas mabuti na upang layuan na siya nito at huwag nang guluhin pa. Marami siyang problemang iniisip at ayaw na niya iyong dagdagan pa.
PUMASOK si Zachary sa loob ng building ng kumpanya niya. Fourteen floors lamang ang taas noon at fully air-conditioned. Sinalubong siya ng mga staffs at mga tauhan niya upang batiin siya.
Masama ang mood niya kaya iniwasan siya ng mga ito. Sanay na ang mga ito na sumigaw siya kapag wala sa mood. Sanay na ang mga ito sa brusko niyang pag-uugali. At wala naman siyang dapat na ikabahala dahil taliwas sa ugali niya ang ipinapakita ng binata sa mga staffs at tauhan niya.
Tumungo siya sa thirteen floor kung saan naroon ang kaniyang opisina. Ibinaba niya ang maleta at niluwangan ang suot na kurbata bago maupo sa office chair niya. Isinara naman ng secretary niya ang pinto.
Marami siyang aayusin dahil nag-merge na ang El Joseo Steels And Marketing sa Guiller Steels, ang kumpanya ng kaniyang nakakatandang kapatid. Umuwi ito ng Tarlac matapos manirahan ng labing isang taon sa Amerika. Doon na ito nag-asawa at nagkaroon ng pamilya, ngunit sa kasamaang palad ay nabalo ito kaya pinagpasyahan na umuwi ng Tarlac para dito na lamang manirahan kasama ang pamangkin niyang si Giana.
Nagkita sila ng kapatid niyang si Guiller sa Vintage Club kagabi para sa merge ng kumpanya nilang dalawa. Ang branch nito sa Maynila at ang branch niya rito sa Tarlac.
Ang El Joseo Steels ang nagsu-supply sa lahat ng mga maliliit na enterprenuers sa buong bansa. Sila rin ang mas pinagkakatiwalaan pagdating sa mga materyales ng mga ipinapatayong mga bahay at buildings. Sila rin ang katuwang ng mga engineers at architecture para sa mga projects ng construction.
Sa edad na trenta anyos ay nanatiling single si Zachary. Para sa kaniya ang mga babae ay parausan lamang. Dahil minsan na siyang nagmahal ngunit ginawang hangal ng babaeng kaniyang unang minahal. Wala siyang sineseryosong babae, para sa kaniya hindi na iyon dapat na iniintindi dahil sa ngayon mas importante ang kaniyang negosyo.
May nakilala siyang babae kagabi medyo pamilyar ang mukha nito sa kaniya. Pero hindi naman niya matandaan kung saan niya ito nakita. Marahil sa isang event o hindi kaya nagkasalubong na sila minsan. Umiling siya at nag-focus sa inaasikaso niyang mga papeles.
Pumasok si Diane, ang kaniyang secretary. May hawak itong kahon na nakabalot ng silver. Noong isang araw ay gold ang balot niyon ngayon naman ay iba na.
"Galing na naman ba iyan kay Caroline?" walang emosyon niyang tanong na hindi nakatingin dito.
"Yes, sir."
"Itapon mo! At ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na kapag galing Kay Caroline ay huwag na huwag mo nang tatanggapin!" Matigas niyang utos na ikinapitlag nito.
"Opo, sir. Pero kasi po sabi niya huli na raw ito... at---"
Marahas siyang tumayo sa inuupuan niya at saka inihagis sa sulok ng opisina niya ang hawak na kahon ni Diane.
"Wala akong pakialam! Ang utos ko ang sundin mo, Diane!" sigaw niya rito.
Yumuko ito at nanginginig na pinulot ang kahon na inihagis niya. Nabuksan iyon at lumuwa ang mga laman na camera films at pictures nilang dalawa ni Caroline.
Hindi niya iyon pinansin at bumalik sa lamesa niya.
"Ipasunog mo sa guard! Ayokong nakikita ang mga iyan dito sa opisina ko! Maliwanag ba, Diane!"
"Opo, sir."
Isinara nito ang pinto. Sumandal naman siya sa upuan niya.
"Ano bang binabalak mo, Caroline. Bakit mo ako ginugulo?" tanong niya sa sarili habang nakapikit ang mga mata niya.
NAGPAPALIT ng damit si Aryanda. Isinuot niya ang mini skirt at itinak-in ang long sleeves niyang suot doon. Isinuot niya ang hairnet niya at inilagay ang I.D pin niya sa dibdib. Pagkatapos ay nagpahid siya ng manipis na make-up at lipstick sa kaniyang bibig.
Nilapitan niya si Arci, nasa bar table ito at kasalukuyang nagmi-mix ng mga drinks.
"Nakasimangot ka yata?" usisa nito bsa kaniya dahil hindi na naman maipinta ang mukha niya.
"Inatake na naman si Lola Loleng, isinugod ng mga kapit-bahay natin kaninang tanghali sa hospital. Pero magaling na siya ngayon at ang sabi, e, mild stroke lang daw. Kaso..."
"Kaso ano? Naubos na naman ang ipon mo sa pagbili ng gamot at pambayad sa hospital?" nakangusong tanong nito sa kaniya.
Kabisadong-kabisado na siya ni Arci. Hindi na siya umimik at isinapo na lamang ng mga palad niya ang magkabila niyang pisngi.
"Ipagdasal mo na bumalik ulit iyong lalaki na nag-tip ng malaki sa iyo, kagabi. O hindi kaya, alam mo na solusyon niyan, pumayag ka na i-table ka," sabi ni Arci na nginisihan siya.
"Ayoko! Ikaw talaga dinedemonyo mo na naman ang utak ko." Nilayuan niya ito.
"Sorry, pero sayang din ang one thousand ba kita mo kapag pumayag kang i-table ka. Wala ka namang gagawin maliban sa lasingin ang customer natin at makipagkuwentuhan sa kanila. Alukin sila ng mga mamahaling alak at saka patulugin sa lamesa."
"Alam mong hindi ako madaldal na nilalang."
Sinimangutan siya nito. "Dalawa ang bibig nating mga babae kaya madaldal tayo."
Hinagisan niya ito ng pamunas. "Loka-loka ka talaga!" Iniwan niya ito habang tatawa-tawa.
Sinipat niya ang wrist watch niya. Mamaya lamang ay darami na ang mga customers nila at tiyak na hindi na naman sila magkandaugaga sa pagsisilbi sa mga ito. Fifty ang tables ng Vintage Club. At sampu lamang ang waitress, dalawa ang barista, apat ang bodyguards, apat ang cooks at lima ang kanilang cashier.
Ngunit sa capacity ng club na umaabot sa 80 to 100 persons ay talagang hindi nila iyon kinakaya.
Kaya minsan kapag natapos ang duty niya ay para siyang lantang gulay na pagod na pagod. Lumalaki na rin ang eyebags niya dahil sa kaniyang pagpupuyat. Wala naman siyang pamimiliian dahil wang ibang tutulong sa kanila ng Lola Loleng niya.
ALIGAGA si Aryanda sa pagse-serve ng mga alak nang tawagin muli siya ng isang lalaki na nasa dulo. Agad niya iyong nilapitan at tumayo siya sa tabi nito habang hawak ang ballpen at papel.
"Sir, ano pong order ninyo?" masungit niyang tanong dahil kanina pa siya pabalik-balik sa gawi nito.
"Wala, umupo ka lang dito sa harapan ko at wala kang ibang gagawin. Samahan mo ako rito, uubusin ko lahat ito," nakangising sabi nito na muling nagsalin ng vodka sa baso nito.
Napailing siya hindi niya akalain na lasenggero rin pala ang lalaking kaharap niya. Hindi niya ito sinunod at umakma siyang tatalikod pero agad nitong nahila ang kamay niya. Kaya nilingon niya ito at dali-daling hinila iyon.
"Sir, hindi ho ako nagpapa-table, kung gusto ninyo hanapan ko kayo. Hindi porket mayaman ka, Sir, e, mamanduhan mo na ang mga taong sumunod sa iyo, hindi mo ako tauhan at lalong hindi kita amo!" mataray na saad niya pagkatapos ay tinalikuran ito.
"Kahit na sabihin ko sa iyo na babayaran ko ang bawat segundo na kinakausap mo ako," anito na nagpatigil sa paghakbang niya.
Ngumisi siya at muling binalingan ito at saka hinila ang umupuan sa tapat ng binata. "Magkano?"
Napalunok ito habang nakatingin sa kaniya. "Magkano ba ang binabayad sa mga waitress na itini-table ng guest?" tanong nito na agad naglabas ng pera sa makalapal nitong wallet.
"Limang daang piso ang kada minuto, kaya mo ba?" mapang-asar niyang tanong.
"Minamaliit mo ba ako?" kumunot ang noo nito at ibinagsakan siya ng baso sa lamesa.
Nangalumbaba siya at hindi nagpatinag sa binantang kausap niya. "Knowing you, Mr. Zachary Damien Nicolas, kaya mong magbayad dahil mayaman ka. Kaya mo ngang bayaran ang buhay ko kung gugustuhin mo hindi ba? Pero hindi lahat nagagwang bayaran ng pera mo, alam mo kung may problema ka sa mundo, may problema rin ako. Kaya please lang, huwag mo na akong paulit-ulit na tinatawag kung wala ka namang ipapautos. Isa pa humanap ka na lang ng ibang kakausapin mo. Huwag ako!" Marahas siyang tumayo sa inuupuan at umalis sa harapan nito. Naiiinis siya sa inasta nito, ano ang palagay nito sa kaniya, mukha siyang pera. Tsk! Akala po naman guwapo inside and out, gago pala ang loko!
Bumalik siya sa counter kung saan nakatayo si Arci. Nakasandal ito sa pader at nagpapahinga. Paunti-unti ay umaalis na ang mga tao. Alas diyes na ng gabi at nakaramdam na rin si Aryanda ng pagkaantok. Straight duty na siya mula pa kaninang madaling araw at saka ngayon.
"Oh, mukhang nakipag-away ka na naman sa costumer natin?" tanong ni Arci habang nakatingin sa hindi niya maipintang mukha.
Humaba na naman kasi ang nguso niya at umuusok ang mga ilong niya sa inis kay Zachary.
"Gusto ko nga sanang ibalibag, e, kaso naalala ko si Mr. Nicolas pala iyon."
Nagulat ito sa sinabi niya at agad siyang inusisa. "Nasaan siya?" tanong nito na luminga-linga sa paligid. Halos humaba na yata ang leeg nito sa paghahanap sa binata.
"Ayown nasa dulo." Turo niya sa kinaroroonan nito. "Naghahanap ng kausap, at kayang magbayad kahit magkano. Gusto ko nga sana, e, pero napakayabang. Ngayon ko talaga na-realize, Arci, karamihan sa guwapo bukod sa mataas ang bilib nila sa kanilang sarili ay mayayabang pa sila." Naisali na niya roon si Tryon.
"Grabe ka naman, ji-nudge mo agad iyong tao, e."
Ibinaba niya ang paper pad at ballpen sa tabi ng counter. "Iyon ang nakikita ko, e. At iyon ang ipinapakita nila. O, bigyan mo nga ako ng limang vodka bottle at tatlong tequilla."
Tumalima naman ito at inilagay sa platter ang mga iyon. Ipinatong niya iyon sa nakabukas niyang palad at muling tumungo sa kinaroroonan ng binata. Nilampasan niya ito at ibinaba sa lamesa ng dalawang matandang lalaki ang orders nila. Pagkababa niya ay bigla siyang hinawakan sa hita ng isang lalaki. Sa pagkakabigla niya ay inihampas niya ang platter na hawak sa ulo ng matanda. Nagsitayuan ang mga ito at galit na hinarap siya.
"Ipapasisante kita sa boss mo, bastos ka!" bulyaw ng kaibigan ng matandang lalaki na pinalo niya.
"Hoy, matandang bastos, hindi ko ipapalo ang platter ko hindi nanananching iyang kasama mo. Binasa ba ninyo patakaran ng club bago kayo pumasok dito!"
"Putang---" Akma siyang sasampalin ng matanda pero agad na nasalo iyon ni Zachary.
Masama nitong tinignan ang matandang lalaki. "Teka, kayo na nga ang nambastos kayo pa may ganang magalit."
"Huwag ka ngang makialam dito!" anang matanda na itinulak ang binata.
Ngumisi ito at hinawakan nang mahigpit ang magkabilang kuwelyo ng matandang lalaki. Sa taas ni Zachary na nasa 5'10 at sa laki ng pangangatawan nito ay naiangat nito ang matandang lalaki mula sa sahig.
"Sa susunod na mambastos ka, ihahagis kita sa labas ng club na ito." Pagkatapos ay marahas na binitawan ng binata ang matanda.
Nagsilapit ang mga guard at pinalabas ang dalawang matanda.
Nanatiling nakatayo si Zachary sa harapan niya. "Okay ka lang ba?" tanong nito na nakatitig sa mukha niya.
"Good. Siguro naman ngayon, e, kakausapin mo na ako." Tinalikuran siya nito at muling umupo sa inuupuan nito kanina.
Wala siyang nagawa kun'di tumanaw ng utang na loob sa binatang nagligtas sa kaniya.