Teaser
Synopsis
"You are the one that never let me sleep. Into my mind down to my soul you touch my lips. Your the one that I can't wait to see..."
Kinakantahan ko ang aking asawa. Habang minamaneho ang kotse namin pabalik sa aming bahay. Isang taon na kasi ang lumipas mula no'ng maging kami at pinakasalan ko siya. Pagkatapos ay nagsilang na siya ng aming unang anak. Na kasing ganda ng aking asawa.
"Ikaw talaga, lalo akong kinikilig."
"Pinangako ko sayo 'di ba napakikiligin kita habambuhay?"
Hinawakan ko ang kamay niya at hinagkan iyon.
Umuulan ng araw na iyon. At dahan-dahan lamang ang pagmamaneho ko dahil sa paliko-likong kalsada.
Dito namin sa probinsya pinili ni Filomena na bumuo ng aming pamilya. Dahil sawa na ako sa Maynila. Na napakaingay at polluted na. Dito sa probinsya napakatahimik at presko pa ang hangin.
"Your love is like a sun that lights up my whole world. I feel the warmth inside..."
Masaya kami ni Filomena habang binabagtas ang paliko-likong kalsada.
Mayamaya'y may sumulpot na pulang toyota van sa aming harapan. Sa pag-iwas ko sa van ay tumama kami sa malaking puno ng narra na nasa gilid ng daan.
Paggising ko ay nasa hospital na ako. Hinanap ko si Filomena. Ngunit ibinalita sa akin ng doctor na wala ng buhay ang aking asawa. Sa sobrang lakas ng impact sa pagkakabangga namin sa puno ay nawasak ang wind shield ng kotse ko. At head injury ang ikinamatay ng aking asawa. Maswerte akong nakaligtas ngunit naging paralisado ang aking mga binti. Matagal bago ako nakalakad.
Dahil minor de edad ang driver sa van ay inabswelto ito. Hindi na rin ako nagsampa pa ng kaso sa driver dahil sa pakiusap ng pamilya nito sa akin. Ang mga ito na lamang ang sumagot sa mga gastusin ko sa hospital at sa burol ni Filomena.
Hindi ko man matanggap ang maagang pagkawala ng aking asawa. Ay itinuloy ko na lamang ang buhay. Kasama ng aking anak na si Feya.