bc

Yes, Sir I'm Yours

book_age18+
50
FOLLOW
1K
READ
HE
opposites attract
blue collar
drama
small town
like
intro-logo
Blurb

"Yes, Sir! I'm Yours!"

Iyon na lamang ang katagang nasabi ni Ylana matapos niyang ibenta ang sarili sa isang lalaking hindi niya kilala. Sa isang estrangherong sabik na sabik na makatalik siya.

Sa isang mainit na sandali na iyon ay pinilit niyang magpaligaya kapalit ng twenty five thousand pesos na pambayad niya sa kanyang sariling Ina.

Ngunit paano kung ang lalaking iyon ang magiging kasagutan sa kanyang problema? Papayag ba siyang magpatali rito kapalit ng buhay na marangya?

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
"Haggard na haggard ka na naman ngayon, Elay," maarteng sabi sa akin ni Totsie. Isang baklang kaibigan ko na madalas kong kasama sa mga raket. Magkapit-bahay lang kaming dalawa at magpinsan din. Alam na alam ni Totsie ang pinagdadaanan ko araw-araw. Nanghihina akong umupo sa silya, nandito ako ngayon sa harapan ng karinderya nila Totsie. Mabuti sila sa akin lalo na si Lolo Pido na siyang may-ari ng karinderya at gotohan. "Heto ang tubig para naman ma-fresh-en up ang Gardo Versoza mong peslak!" Inabot sa akin ni Totsie ang isang basong malamig na tubig. Ininom ko iyon bago magsalita at magkuwento sa aking pinsan. "Nagalit na naman si Nanay dahil hindi ko pa nabayaran ang utang ko sa kanya. Hindi ko naman kasi alam na scammer ang in-apply-an kong trabaho sa Saudi," naiiyak na pagsusumbong ko kay Totsie. "Kung mayaman lang ako e, pinautang na kita. Kaso pareho tayong poor, may pera naman ako rito pero pambili ko naman ng bigas. Alam mo naman na walo kaming magkakapatid at hindi naman ako p'wedeng palaging magsabi kay Lolo Pido na pabalihin ako dahil malaki na rin ang utang ko sa kanya." "Hay, Totsie. Kailan kaya tayo mananalo sa lotto? Araw-araw akong tumataya baka sakaling manalo ako pero hanggang ngayon wala pa rin talaga, ni hindi na nga ako nag-uulam para lang makataya, e." Pinalo ako ni Totsie ng pantaboy ng langaw. "Sira ka talaga, Elay! Kung inipon mo iyong pinantataya mo sa lotto baka sakaling nabawasan mo iyong utang mo sa tigre mong Nanay," panenermon pa nito sa akin. "Minsan nga nagtataka na ako kung talaga bang anak ka ni Tiya Martha." Humaba ang aking nguso sa sinabi ni Totsie. "Minsan rin iyan din ang iniisip ko, e. Si Kiya Gido kahit na labas-pasok sa kulungan hindi man lang sinesermunan ni Nanay. Ngunit ako na bunso niyang anak palagi niyang pinapagalitan. Hindi ko naman kasalanan kung naloko ako ng pekeng agent na iyon." Umupo din si Totsie sa tabi ko at saka tinapik ang aking braso. "Elay, naaawa ako sa iyo pero hindi naman kita matulungan. Alam mo may naisip ako na trabaho kaso..." Tumingin sa mga mata ko si Elay. Ilang minuto ang lumipas pero hindi magawang dugtungan ni Totsie ang sinasabi niya sa akin. "Ano bang trabaho?" "Wala kalimutan mo na lang. Ay, teka, ipagbabalot kita ng goto para naman may pasalubong ka kay Tiya Martha." Sinundan ko na lang ng tingin si Totsie. Alam ko kahit na maraming mga raket ang alam ni Totsie hindi niya ako kailanman pinahamak dahil ang turing niya sa akin ay parang kapatid. Hindi ko na inusisa pa si Totsie tungkol sa trabaho na iniaalok niya sa akin. Alam ko naman kung ano iyon at sa tingin ko hindi ko babalakin na pasukan. "Heto ang goto, Elay. Umuwi ka na para makapagpahinga ka. Iti-text kita kapag may alam akong raket na p'wede mong pasukan. Sa ngayon konting tiis na lang muna. Nanay mo pa rin naman si Tiya Martha. Ganoon lang siguro talaga ang isang ina kapag nagkakamali ang mga anak niya." Matipid akong ngumiti dahil hindi pumapasok sa isip ko ang sinasabi nito. Palagi kong pinagkukumpara ang pagtrato sa akin ni Nanay sa nakakatandang kapatid ko. "Salamat sa goto, Totsie. Pakisabi kay Lolo Pido, maraming salamat." Kinawayan ko ang aking pinsan matapos makapagpaalam dito. Habang naglalakad ako patungo sa eskinita papasok sa bahay namin ay nakita ko ang kumpol ng mga seksing babae sa tapat ng isang barbershop. Grupo ni Sanya ang mga iyon, ang mga babaeng mababa ang lipad. Nakasuot ang mga ito ng maiikling damit na kumikinang, nakasuot ng sandals na may mataas na takong at halos pumuputok na ang mga dibdib sa higpit ng suot na bralette. Kinawayan ako ni Sanya nang makita niya ako. Girlfriend siya ng Kuya Abet ko. "O, bunso, gabi na saan ka ba nagpunta?" mahinang tanong sa akin ni Sanya na may pagdududa sa mga mata. Tumingin siya sa suot ko mula ulo hanggang paa. Maong pants na luma at butas-butas, 'tsaka t-shirt na pinaglumaan ni Kuya Abet. Converse shoes na binigay sa akin ni Aling Inday at ang sling bag ko na binigay sa akin ni Totsie. "Ate ikaw pala. Galing ako sa gotohan nila Lolo Pido, bumili na din ako ng pasalubong ko kay Nanay." Sabay taas sa plastic bag na dala ko. "Kakatapos lang ng trabaho sa burger stand sa may terminal." "Kaya pala ganyan ang amoy mo, Elay." Nagtakip pa ito ng ilong matapos idikit ang mukha sa may leeg ko. Umatras ako dito at saka inamoy ang sarili ko. Amoy baby cologne nga ako, e. Baka naman hindi ako ang naamoy nito kun'di ang mabaho nitong ugali. "Mataas na naman blood pressure ni Nanay dahil sa iyo, Elay. Hindi niyan mapapababa ang dugo ni Nanay kahit na kainin niya ang inuwi mong goto. Kaya kung ako sa iyo huwag ka na munang umuwi sa bahay, dumiretso ka na lang muna sa kaibigan mo kung ayaw mong matapunan ulit ng tubig sa mukha. Ikaw kasi, e. Masiyadong mataas ang pangarap mo kaya gusto mong mag-abroad, iyan tuloy ang napala mo naloko ka." Tumawa pa ng malakas si Ate Sanya. "Kawawa ka naman, Elay. Hindi ka na makakawala sa pagiging alalay ng kung sino-sinong tao." Pang-iinsulto pa niya sa akin. Nagyuko na lamang ako ng ulo sa sinabi ni Ate Sanya. Kinagat ko ang aking ibabang labi dahil nasasaktan ako sa mga sinabi niya. Naiiyak na din ako pero pinipigilan ko lang. Ayokong makita niya na naapektuhan ako sa mga sinasabi niya. "Madam Sanya, sino ba iyang kausap mo?" nakahalukipkip ang mga kamay na tanong sa akin ng isang babae. "Ah, wala, nanghihingi ng barya." Nakangising nilampasan ako ni Ate Sanya. Ikinuyom ko ang aking mga kamay. Oo, mukha akong kawawa pero hindi naman ako nagbebenta ng kaluluwa matawag lang na may marangyang pamumuhay. Umuwi pa rin ako sa bahay kahit na tinakot ako ni Ate Sanya. Nadatnan ko si Kuya Abet na lasing na lasing at nakahiga sa papag. Nasa loob naman ng bahay si Nanay at may hawak din na isang bote ng alak. Ibinaba ko ang hawak kong goto sa lamesa at marahan na tinapik si Nanay sa pisngi. "Nay, gumising na po kayo. Dapat sa higaan na kayo natutulog at hindi dito sa may lamesa." "E-Elay?" Nagmulat ng mga mata si Nanay. "Nasaan na iyong pera ko! Mababayaran mo na ba? Kailangan ko na ng pera, sinisingil na ako ng mga inutangan ko!" galit na galit na sabi nito sa akin nang magising. "Ma-May limang libo po ako dito sa---" Hindi ko pa man naibibigay kay Nanay ang pera ay kinapkapan na niya ako. Naluluha na lamang ako habang ginagawa iyon sa akin ni Nanay. Binuksan nito ang bag ko at nakita doon ang pitaka ko. Kinuha nito lahat ng laman niyon at saka binilang sa harapan ko. Hindi pa pala lasing si Nanay. Alam pa rin niya ang itsura ng perang hawak. "Limang libo lang ito! Kulang ka pa ng twenty five thousand!" Dinuro ni Nanay ang sintido ko at saka malakas akong tinulak. "Paano mo ngayon maibabalik ang lahat ng pera ko, Elay? Kailangan ko ng pera ngayong buwan dahil kung hindi malilintikan ako kay Boss Martin!" Palagi nitong sinasabi ang Boss Martin na iyon kapag sinisingil ako ni Nanay. Siguro iyon ang taong nasa likod kung bakit nakalaya si Kuya Abet. "Gagawa po ako ng paraan, nay." "Puro la na lang paraan, Elay. Hindi mo naman kayang bayaran ng buo ang perang inutang mo sa akin! Kung sana pumayag ka na lang sa gusto ng Ate Sanya mo na magtrabaho sa club na---" "Nay! Talaga bang gusto ninyong magbenta ako ng katawan katulad ng ginagawa ni Ate Sanya? Nay, kahit na magkandakuba ako sa paglilinis ng kung kani-kaninong bahay at kahit na anong raket ang pasukin ko, okay lang. Huwag lang akong magbenta ng laman." "Pratikal ang buhay, Elay!" "Talaga ba, 'Nay?" Hindi ko na kayang pakinggan pa ang mga sinasabi sa akin ni Nanay. Gusto niyang magbenta ako ng laman para makabayad sa utang ko sa kanya. Ano bang klase siyang ina? Mas naninikip lang ang dibdib ko sa narinig ko mula sa kanya. Nagtungo ako sa kuwarto ko at sinara ang plywood na pinto no'n. "Kailangan ko ang buo kong pera sa katapusan, Elay. Kailangan mong bayaran ng buo ang utang mo sa akin dahil kailangan ko nga pera!" sigaw pa ni Nanay sa akin mula sa labas. Tinakpan ko ng kumot ang aking mukha at tahimik na umiyak. Wala ba talagang pagmamahal sa akin si Nanay?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
48.9K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
143.5K
bc

My Cousins' Obsession

read
177.9K
bc

Daddy Granpa

read
205.3K
bc

Bewitching The Daddy (Cougar Series #3) -SPG

read
147.6K
bc

Mahal Kita, Matagal Na

read
74.0K
bc

LOVE ME AGAIN, MY SELAH (SPG)

read
64.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook