bc

One Night Stand kay Ninong Nathan

book_age18+
33
FOLLOW
1K
READ
HE
teacherxstudent
independent
drama
bxg
small town
addiction
professor
like
intro-logo
Blurb

Bumagsak ang mundo ni Maxine noong nalaman niya na ang lalaking tinatangi ng kanyang puso ay kanya pa lang ninong at ang masaklap pa nito ay Dean ito sa kanilang university.

Upang hindi maging kawawa sa harapan ng lalaking mahal niya ay piniling kalimutan ni Maxine ang kaniyang nararamdaman para kay Nathan. Lalo na't nalaman niya na ikakasal na ito sa mismong araw ng graduation niya. Sa hindi inaasahang pangyayari, bago ang graduation niya ay nangyari ang isang bagay na hindi nararapat.

Isang one night stand na makapagpapabago sa takbo ng buhay nilang dalawa.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Nakatingin ako sa class picture namin noong highschool ako, parang kailan lang pala noong Nene pa ako dito at kung ano-anong kalokohan ang ginawa ko. Miss ko na ang mga dati kong kaklase, simula noong lumipat kami dito sa Manila ay naging madalang na ang communication namin ng mga dati kong kaibigan. Malapad ang aking ngiti dito sa hawak kong picture, katabi ko ang super crush ko na adviser namin na si Sir Nathan. Nasa likod ko naman sina Wanda at Mary na halatang inggit na inggit pa sa akin. Bumuga ako nang malalim at isinilid ang class picture na hawak ko sa diary notebook ko. Nakasulat lahat dito ang mga nangyari noong highschool ako. Bawat detalye ng mga ginawa kong masasayang memories. "Maxine!" boses ni Mama. Tinatawag na niya siguro ako dahil nakahanda na ang almusal namin. "Nariyan na 'ma!" ganting sigaw ko sa aking ina na nasa kusina. "Tumawag ang Kuya Albert mo, Maxine. Nabili ma niya iyong lupa at bahay na dating kinatitirikan ng bahay natin sa Tarlac. Gusto ng kuya mo na doon ka na magpatuloy ng pag-aaral mo ng college. Tatlong taon na rin tayong nandito sa bahay ng kapatid mo, at tatlong taon na din siyang nagtratrabaho sa Canada. Ano sa tingin mo anak, hindi ba magiging madali ang buhay natin doon kung uuwi na tayo sa atin?" paliwanag ni Mama habang naglalakad ako patungo sa kinaroroonan niya. Umupo ako sa silya at saka tumingin dito. "Hindi naman po mahirap na mag-transfer kung sakali 'ma. Kung doon na tayo titira makakatipid tayo sa mga gastusin, makakapagtanim tayo doon dahil maluwang ang bakuran at mas malapit pa ang university na papasukan ko." Sinandukan ako ni mama ng sinangag at naglagay din siya ng tortang talong sa plato ko. "Mahina rin ang magnegosyo dito anak, iyong karinderya natin sa harap napakatumal dahil may mga bagong pwesto ng fastfood na malapit. Mamaya kapag tumawag ang Kuya Albert mo sasabihin ko na ngayong bakasyon uuwi na tayo ng Tarlac." Tumango ako sa sinabi ni Mama. Dalawa lamang kaming magkapatid ni Kuya Albert, noong kinse anyos si kuya ay namatay naman si Papa. Napilitan siya na mag-construction worker para makatulong kay Mama dahil noon ay limang taong gulang pa lang ako. Ten years ang age gap namin ni Kuya Albert, siya na nga rin ang tumatayong Tatay ko. Kaya naman noong mag-graduate ako ng highschool nagdesisyon na si Kuya Albert na magtrabaho sa ibang bansa, factory worker siya sa Canada. Umalis kami ng Tarlac dahil nagkaroon ng pag-aaway ang mga kamag-anak ni papa sa maliit na lupang naiwan niya sa amin. Kaya nandito kami sa apartment ni Kuya Albert noong nagtratrabaho pa lamang siya dito sa Manila bilang fast food crew. Ngayon nabayaran na ni Kuya Albert ang pagkakasangla ng bahay at lupa ni papa doon. Nakapangalan na rin kay mama ang titulo ng lupa kaya p'wede na kaming bumalik sa amin. Nang matapos kaming kumain ni mama ng umagahan ay tinulungan ko siya sa mga gawaing bahay. Sinabihan niya ako na magligpit na ng mga gamit ko at ilagay sa kahon. Habang inilalagay ko ang mga gamit ko sa kahon ay may red ballpen na nalaglag sa lumang kahon ng sapatos na nasagi ko. Napangiti ako nang maalala ang dahilan kung bakit nasa akin ang red ballpen na ito. "Good morning, class!" pagbati ni Sir Nathan sa amin pagpasok niya sa classroom. Inaayos ni Mary ang buhok ko nang pumasok si Sir Nathan at sa gawi kaagad namin ni Mary ang sentro ng kanyang tingin. Lagot! "Kailan pa naging parlor ang classroom ko, Bautista?" seryosong tanong sa amin ni Sir Nathan. Pareho kaming may apelyidong Bautista ni Mary. "Sir, sorry po," mahinang sabi ko sabay yuko sa harapan nito. Nagtawanan ang mga kaklase ko sabay sabi ng "deserve" sa amin ni Mary. Sinimangutan ko sila at isusumpa hanggang last day ng school year. Nagsimulang magturo si Sir Nathan, siya ang first period namin at class adviser sa subject na Science. "Open your books to pages 45-50, Lovely Ann Maxine Joyce!" malakas na sabi nito sa pangalan ko. Nagkamot ako ng ulo at saka tumayo. "Sir, mahaba po masiyado p'wede naman pong Love na lang ang itawag ninyo sa akin." Nagtuksuhan ang mga lalaking kaklase ko pati na rin ang mga close kong classmates na babae. Alam na alam kasi nila na crush ko si Sir Nathan. "Class quiet!" Tinapik nito ang lamesa. Galit pa yata ito sa joke ko. "Huwag puro kalokohan ang sinasabi mo Bautista second, fourth year na kayo at hanggang ngayon dinadaan pa rin ninyo sa kalokohan ang pag-aaral. Hindi ba kayo naaawa sa parents ninyo na nagpalakahirap para lang mapag-aral kayo?" Heto na naman siya at nakakabisado ko na ang panenermon niya sa amin. "Sorry, ulit, sir." Umupo na ako at hindi na kumibo. Tahimik ako na nakinig sa lecture ni Sir Nathan habang nakatitig sa mukha niya. Noong una akala ko artista siya dahil super guwapo niya, mestiso, matangkad, mabango, matangos ang ilong, kissable ang mga labi at higit sa lahat ang ganda ng mga ngipin niya parang commercial ng toothpaste. "Lovely Ann Maxine Joyce, what are the three importance of Physics?" Mabilis akong nagbukas ng libro at hinanap ang sagot ngunit hindi ko nakita. "Pages 45-50 ang discussion natin, kung hindi ka interesado sa subject na ito, you may go out. Ipapatawag ko ang parents mo." Pakiramdam ko lahat ng buto ko sa katawan humina dahil sa sinabi ni Sir Nathan. Bakit ba ako lang ang nakikita niya? Ibig ba talaga no'ng sabihin favorite niya ako? Dapat ko ba iyong ikatuwa? Nag-ring ang bell na hudyat ng second class period namin. Nagsilabasan na ang mga kaklase ko dahil lilipat kami sa kanilang building para sa MAPEH subject namin. Sinadya ko na magpaiwan dahil kailangan kong makumbinsi si Sir Nathan na alisin ang punishment ko. "Wala ka bang balak pumasok sa second subject mo?" tanong ni Sir Nathan habang nakatingin sa class record nito. "Sir, mag-aaral na po akong mabuti huwag mo lang ipatawag si Mama. Sir, promise!" Nagtaas pa ako ng right hand. Seryosong tumingin ito sa akin at saka umiling. "Sige... sa susunod hindi na kita pagbibigyan. Ibili mo ako ng red ballpen sa canteen. Ipakita mo itong ballpen ko, ganyan na tatak, ayoko no'ng isang brand." Kinuha nito ang fifty peso bill sa pitaka at ibinigay sa akin. Nang bumalik ako sa classroom ni Sir Nathan may mga ibang section na iyong tinuturuan. Inilapag ko sa lamesa ang pinabili nitong ballpen at ang sukli. Ibinalik ko ang lumang red ballpen sa lumang kahon ng sapatos at ipinagpatuloy ang pag-aayos ng mga gamit mo sa kahon. Kumusta na nga kaya si Sir Nathan?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
183.5K
bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
140.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
81.1K
bc

His Obsession

read
91.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook