Ngayon po ay sa VIP Group ko na po sa Facebook App mababasa ang mga NEW STORIES ko. Lahat ng pending stories dito sa Dreame ay doon ko na po isusulat. Sa mga nais pa rin pong magbasa ng aking mga NEW STORIES at gustong mag-join sa VIP GROUP, send lang po kayo ng message sa aking FB Page na JONQUIL VIP STORIES. Maraming salamat po.
____________________________________
A Published Author under the two Big Publishing Companies in the Philippines, Precious Pages #PHR and Lifebooks. I also love writing romance story with touch of sexy romance and Young Adult.
UHB MEN SPIN-OFF:
☆ ONE KISS
☆ SAY YES
☆ MARRYING MY FIANCEE
☆ A KISS FROM THE BILLIONAIRE\'S SON
☆ A BILLIONAIRE IN DISGUISE
☆ MHORRIC SOLIVEN: THE BILLIONAIRE\'S MAID
☆ SIN WITH ME
●●● THE LADJASALI FAMILY ●●●
☆ MARRIED TO A BILLIONAIRE ( UHB MEN JAMIL PARENTS STORY )
☆ SHE\'S THE BILLIONAIRE\'S DAUGHTER
☆ ONE NIGHT PLEASURE ( SPG )
●●●THE MONTEJERO FAMILY●●●
☆ KARZON MONTEJERO: THE COLD HUSBAND ( UHB MEN MONTEJERO\'s TRIPLETS PARENTS STORY )
☆ PRIX MONTEJERO: THE FORMER PLAYBOY
☆ SEPHANY MONTEJERO: THE MARRIAGE CONTRACT
☆ PRINCE MONTEJERO: THE BILLIONAIRE\'S SON
☆ THEO BALLMER: THE ARROGANT BILLIONAIRE
On Minah’s eighteenth birthday, which also happened to be Christmas Eve, Asher gave her the most unforgettable gift—a divorce.
She had thought they’d finally live together under one roof, as their parents had agreed, but Asher had other plans. He ended their marriage.
From that moment on, her favorite season of the year became a painful reminder of heartache.
Feeling devastated, Minah promised herself she’d never return to Townsville. Her parents sent her to California for college, where she hoped to leave her painful memories behind.
But fate had other plans.
Five years later, Minah was forced to return to Townsville after her parents tragically passed away in an accident.
Losing her parents so close to Christmas was another blow, and she felt there was no reason to celebrate anymore.
To make matters worse, she had to face the one person she had vowed never to see again: Asher Moore.
Damn.
He was still as hot and gorgeous as ever.
How had he managed to stay that attractive after five years?
Because of a five-peso coin, Maryey almost got into an accident while picking it up from the road. The furious driver of the car looked like he was ready to crush her on the spot.
He kept scolding her, but when Maryey glanced at his face again, her brain stopped processing his words. She couldn’t help but stare—he was unbelievably handsome. The man grew even angrier when she accidentally spilled her Zagu (a Filipino pearl milk tea) on his spotless white pants.
As if bad luck wasn’t done with her yet, that same man turned out to be the acting manager at her workplace. Worse, he constantly singled her out because she owed him and made her workdays miserable.
Then, one day, out of nowhere, he kissed her on the side of the highway. The kiss completely threw Maryey off balance, leaving her wide awake all night.
Was she foolish to hope he felt something for her, too? Or was she just another girl he’d leave hanging?
WINNER of Tagalog - Love Game with the Hot Billionaire - Multi-Profession Billionaire
( INSPIRATIONAL AWARD )
#TagalogWritingContest #LoveGamewiththeHotBillionaire
Aniah Montejero is like a royal princess. Nasa kaniya na ang lahat. Pakiramdam nga niya, sa kaniya lang umiikot ang mundo.Not until she meets Evo, the arrogant waiter from the coffee shop.
Admitted na ubod ng guwapo si Evo, maganda rin ang katawan nito. Medyo namumutok ang bicep sa suot na uniform. Pero hindi niya ito type. At iyon ang itinatak niya sa kaniyang isipan. Hindi siya nagtapos ng kolehiyo sa isang prestihiyosong unibersidad para lang magkagusto sa isang waiter.
At hindi lang sa pagiging waiter niya nakaengkuwentro si Evo. Pakiramdam nga ni Aniah, lahat na lang ng trabaho sa mundo ng mga hindi nakatuntong sa kolehiyo na tao ay trinabaho na nito.
Pero kung bakit iyong kinaiinisan niyang tao ay hanap-hanapin na lang niya bigla isang araw.
Is this love?
"Patay..."
#SummerUpdateProgram
* PRIX MONTEJERO: THE FORMER PLAYBOY
* SEPHANY MONTEJERO: THE MARRIAGE CONTRACT
* PRINCE MONTEJERO: THE BILLIONAIRE'S SON
* THEO BALLMER: THE ARROGANT BILLIONAIRE
( Mababasa rin po ito rito sa libro ni Karzon Montejero. Scroll down ka lang po pababa sa last chapters.)
Dahil sa pabagsak na negosyo ng pamilya ni Natanya Silvila o mas kilala bilang Tanya, kaya naman ginamit na ng kaniyang ama ang huli nitong alas para lamang maisalba ang kanilang kabuhayan. Bilang panganay na anak ni Concio Silvila ay kailangan niyang magpakasal sa kapatid ng business partner nito na sa hinagap ay hindi pa niya nakikita ng personal. An arrange marriage.
At base sa edad ng business partner ng kaniyang ama na puro puti na ang buhok ay itinatak niya sa kaniyang isipan na matanda na rin ang lalaking nakatakda niyang pakasalan.
Simpleng kasalan lamang ang nangyari. At sa mismong araw din ng kasal nilang iyon nakita ni Tanya ang lalaking pakakasalan niya na halos magpapigil sa kaniyang paghinga dahil mas bata iyon sa kaniyang inaasahan. Matipuno, itim na itim ang buhok, makalaglag panga ang kaguwapuhan at higit sa lahat ay nakakatunaw kung makatitig. Tiyak niya na maraming babae ang iiyak dahil itinali nito ang sarili sa kaniya.
Ang suwerte raw niya sa napangasawa niya, iyan ang palagi niyang naririnig. Ngunit taliwas doon ang katotohanan. Dahil malamig pa sa yelo ang kaniyang asawa…
Sa kagustuhang malaman ni Sarina ang kinaroroonan ng kaniyang pinsan na si Devon Stanford, at ang babaeng kasama nito na si Aniah Montejero, napilitan si Sarina na lumapit sa kapatid ni Aniah na si Kaizen Montejero.
Napagkamalan pa nga siya ni Kaizen noong una na stalker ng Montejero Triplets, na mga nakatatatanda nitong kapatid. Sikat na miyembro ang mga iyon ng UHB Leisure Club.
At sa pangatlong pagkakataon na nakita niya si Kaizen, walang pagdadalawang isip na sinundan niya ito. Bagay na gusto man niyang pagsisihan pero huli na. Dahil nakagawa siya ng isang kabaliwan na sa hinagap ay hindi niya lubos maisip na magagawa niya.
WARNING: RATED SPG!!! READ AT YOUR OWN RISK!!!
BAWAL SA EDAD 18 PABABA!!!
First time pasukin ni Herrah ang pagiging escort girl. Dahil kung hindi niya iyon gagawin, tiyak na gutom ang kaniyang aabutin. At dahil virgin at wala pang karanasan kaya naman nasa VIP list siya.
Pawang mayayaman ang ini-escort-an ng mga babaeng nasa pangangalaga ni Mamaru sa isang pribadong agency na pag-aari mismo nito. At bago pa man magsimula si Herrah sa trabahong iyon ay sinabihan na siya ng mga posibleng mangyayari sa kaniya sa trabahong iyon. Dapat handa siyang ibigay ang virginity niya sa lalaking e-escort-an niya. Hindi puwedeng magpakipot. Dahil bad record iyon once na ireklamo siya ng lalaking sasamahan niya. Maaari siyang matanggal sa kaniyang trabaho.
At sa unang sabak niya sa trabahong iyon ay ang bilyonaryong negosyante na si Supremo Montealegre o mas kilalang Primo ang naging kliyente niya. Alam niya na bawal ma-attach sa kliyente pero hayon at hindi mapigilan ni Herrah ang ma-attract ng husto kay Primo. He’s in his forty pero ang kaguwapuhan nito ay para bang nasa early thirties lang. Hindi halata na forty years old na ito. Halos kalahati na ng edad niya dahil twenty na siya.
Akala niya, hindi na mauulit na makikita ulit niya si Primo. Ngunit nasundan ang muli nilang pagkikita. Hanggang sa maging regular customer niya ito.
Isang gabi ay sinabihan siya nito na itigil na niya ang pagtatrabaho bilang escort girl. He offered her something big na hindi niya matanggihan. Oras na pumayag siya na maging sugar daddy si Primo ay bibigyan siya nito ng house and lot at monthly allowance. Maging ang mga materyal na bagay na kailangan niya ay ibibigay nito. Basta ito lang ang magiging lalaki sa buhay niya.
Dahil attach na rin siya masyado kay Primo kaya pumayag siya...
Sianna Melendrez is soon to be married to her fiance, Wil Falcon. Ito lang ang lalaking pinapasok niya sa kaniyang buhay. At handa niyang iwan ang magandang trabaho para bumuo ng sariling pamilya kasama ang lalaking pinakamamahal.
Ngunit isang gabi, hindi niya lubos maisip na magagawa siyang lokohin ng kaniyang kasintahan. At ang matindi pa? Kasama nito sa kama ang kaniyang stepsister na si Rose. At sa mismong ipinatayo pa nitong bahay na para sa kanilang bubuuing pamilya nangyari ang kababuyan ng mga ito.
Sa isang iglap, para bang nabaon ang lahat ng binuong pangarap...
Zeb Villafuerte - Brother of Ayah, Prix Montejero's wife
Marra Zusette Monreal, thirty and still single. Sa edad niyang iyon ay totoong problema na siya ng kaniyang ama’t ina. Halos ipamigay na nga siya para lamang makapag-asawa na.Dahil sa panloloko ng kaniyang ex-fiance at bestfriend niya, nagkaroon ng takot si Marra na sumugal sa isang relasyon. Kaya sa edad niyang iyon, single pa rin siya. Hindi naman siya natatakot na baka malipasan na ang kaniyang matres. Tinanggap na nga niya sa kaniyang sarili na tatanda siyang virgin.Ngunit mukhang hindi iyon ang inadya sa kaniya ng Panginoon nang makita niya si Zeb Villafuerte sa kasal nina Theo Ballmer at Kitty. Bigla, nabago ang pananaw niya sa buhay. Gusto na niyang mag-asawa.Nang ayain pa siya ni Sephany na magbakasyon sa San Diego kung saan nakabase si Zeb ay wala pang pagdadalawang isip na pumayag siya. Doon niya mas nakilala si Zeb dahilan para mas mahulog siya rito.Ngunit ang Doctor na si Zeb, para bang allergy pa sa babae dahil hindi umuubra ang pagpapa-cute niya rito. Kaya naman isang misyon ang nabuo sa kaniya. Iyon ay ang i-seduce ang binata.
May tama na rin ng alak si Zaire nang mapagpasyahan niyang bumalik sa kaniyang tinutuluyang villa sa beach and resort na kinaroroonan. Halos ipagtabuyan pa siya ng kaniyang mga barkada dahil may surpresa raw na naghihintay sa kaniya roon.
Dala ng kalasingan at hilo, maling villa ang kaniyang napasukan. Maling babae rin ang nagpainit ng kaniyang gabi...
Vanna Del Fierro, kaka-eighteen lang niya at ang tanging pa-birthday niya sa kaniyang sarili ay ang mag-solo sa pagbabakasyon sa isang resort. Sa unang pagkakataon ay nais niyang magpaka-independent.
Hindi siya humiling ng bonggang debut party sa kaniyang magulang. Gusto lang niyang ipagdiwang ang birthday niya nang mag-isa. Mag-isa rin niyang inubos ang laman ng bote ng red wine na dala-dala pa niya sa resort na nagpalasing sa kaniya.
Ngunit hindi niya inaasahan na sa mismong gabi ng kaniyang ika-eighteenth birthday ay maiibigay niya ang kaniyang pagkababae sa isang estrangherong lalaki na hindi niya alam kung bakit nasa villa niya.
At ang isang gabing iyon ay hindi niya inaasahan na magbubunga...
Four years ago, Farrah Margarette Villamor was married to a well-known young multi-billionaire, Raze Elizalde. He was also known for being ruthless and cold-hearted.
Ang kasal nila ay tumagal lamang ng apat na buwan. Kasal na walang halong pagmamahal.
Nagpakasal sila para sa isang kasunduan, siya upang matupad ang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral sa ibang bansa. Habang si Raze naman, upang makuha nito ang malaking mana sa yumaong ama. Dahil hindi nito makukuha ang naturang mana kung hindi ito kasal.
Buong akala ni Farrah, sa pagbabalik niya sa Pilipinas upang sandaling magbakasyon ay wala ng Raze Elizalde ang makakadaupang palad niya dahil sa naging usapan nila noon na pagkatapos ng kasunduan nila sa kasal ay hinding-hindi na muli pang magkukrus ang landas nila.
Kaya laking gulat ni Farrah nang sa paglabas pa lamang niya ng airport ay may limang sasakyan ang naghanay. Lahat ng iyon ay hinihintay ang kaniyang pagdating.
At ang mas nakapagpagulat pa kay Farrah ay nang malaman na ipinasusundo siya ni Raze Elizalde.
Sumama si Farrah sa mga tauhan ni Raze, hindi para paunlakan ang gusto nito kung ‘di ang magreklamo. Ngunit sa muli nilang pagkikita ni Raze Elizalde na mas pinatikas at mas pinakaguwapo pang lalo ng lumipas na apat na taon ay halos malulon ni Farrah ang sariling dila.
“Hindi ko pina-annul ang kasal natin, four years ago, Farrah. So, technically, you’re still my wife. Now that you’ve finished your study abroad, it’s time for you to fulfill your duty as my wife.”
Mga salita ni Raze na hindi ikinatuwa ni Farrah. Parang gusto niyang pagsisihan na tumapak-tapak pa siya sa Pilipinas.
Cherry Snow Villorente, twenty-three and she was very excited to get married to her fiancee, Alexandro Alcaraz. Isang business man at hinahangaan ng maring kababaihan. Maging ang fiancee niya ay sabik din na maikasal sila.
Isa sa dahilan? Iyon ay dahil sa mismong gabi ng kanilang kasal ay nakatakda niyang ibigay ang sarili dito sa unang pagkakataon.
Ngunit bago ang kasal nila ng kaniyang fiancee, lingid sa kaalaman niya ang maitim na plano ng kaniyang pinsan na si Zheryl. Nilagyan nito ng drugs ang kaniyang inumin para sana maisakatuparan nito ang maitim na balak sa kaniya. Iyon ay ang mawala ang iniingatan niyang pagkababae bago ang kasal nila ni Alexandro.
Nagtagumpay si Zheryl sa plano nitong mawala ang iniingatan niyang pagkababae. Ngunit taliwas iyon sa talagang plano nito dahil ibang silid ang napagdalhan kay Snow ng tauhan nito. At ibang lalaki ang nakakuha sa iniingatan ni Snow...
Dahlia Amarelle, twenty-three years old. Bata pa lamang ay lumaki na siya sa harap ng flash ng camera. Hindi siya artista na umaarte sa mga palabas, pero endorser siya ng mga bigating brand sa loob at labas ng bansa.
Matamis man ang ngiti niya sa harap ng camera, ngunit kabaligtaran niyon ang totoo. She wanted to scream and cry. Para kasing sa loob ng twenty years niya sa industriyang tinahak niya, bawal siyang magpahinga. Kaliwa’t kanan ang endorsement na palaging ibinibigay sa kaniya ng kaniyang ina na siyang tumatayong manager niya. Nakalimutan na yata nitong tao pa rin siya at hindi robot.
Hanggang sa mapuno na siya at takasan ang mundong ginagalawan. Nag-iwan siya ng sulat sa kaniyang ina na ‘wag muna siyang hahanapin at hayaang huminga.
At sa pag-alis niyang iyon, magtatagpo ang landas nila ng lalaking sa hinagap ay hindi niya lubos maiisip na makikilala. Ngunit ang problema, hindi pala nag-iisa ang mukha nito na muntik pa niyang ikalito!
Brianne Lustre, six years married to Storm Lustre. Ang pinakamamahal niyang asawa. Ngunit paano kung sa mismong ika-six years anniversary nila ay humiling ito ng annulment sa kaniya?
His reason? Fell out of love. Iyon lang ang rason na ibinigay nito sa kaniya na halos magpawasak sa buong mundo niya. Ganoon lang nito kadaling idahilan sa kaniya na nawalan na ito ng pag-ibig sa kaniya. Paano iyon nangyari? Hindi mataggap ng kaniyang kalooban dahil sa loob ng anim na taon nila bilang mag-asawa ay ibinigay niya rito ng buo ang kaniyang sarili. Kaya pala sa mga nakalipas na linggo ay napakalamig na ng pakikitungo nito sa kaniya.
Pero ngayon, mukhang wala ng makapipigil pa kay Storm na makipaghiwalay sa kaniya. Nang maalala si Tracy, ang kinakapatid nito na malapit din dito ay biglang lumakas ang kutob niya.
Kutob na lalong magpapawasak sa mundo ni Brianne.
Dahil hindi maganda ang naging first encounter nina Bella Montejero-Ballmer at Geo Ladjasali sa UHB Leisure Club, sinikap ni Bella na iwasan ang binata habang nasa Club.
Ngunit kung kailan sinisikap niyang hindi makita ni anino ng lalaking nasagi pala niya ang ego nang tarayan niya ito sa Leisure Club, saka naman muling pagtatagpuin ang landas nila makalipas ang ilang linggo.
Ang balak sana ni Bella ay humingi ng sorry sa pagiging rude niya rito noon, tutal isa iyon sa gusto niyang gawin, ngunit hindi niya nagawa nang maging antipatiko pa ito sa harapan niya. As if, he hated her to the core. Dahilan para kalimutan na lang ni Bella ang nangyari noon at 'wag maging guilty.
Pero mukhang mapaglaro talaga ang tadhana sa kaniya ngayon dahil muli na naman niyang nakita si Geo. And to her horror, ginawa pa siyang shield sa mga babaeng panay ang habol dito at ipakilala pa bilang girlfriend nito. At ang mas worst? Hinalikan pa siya nito sa labi para lamang mapaniwala ang mga babaeng iyon.
That shocks her entire world!
That was her first kiss!
"Bayad ka na sa pang-iinsulto mo sa akin," wika pa ni Geo bago siya iwan.
Lalong kumulo sa galit ang dugo ni Bella para sa binata. At nangako sa sarili na pagbabayaran nito ang ginawang kapangahasan sa kaniya.
My Dangerous Lovers - MAFIA WRITING CONTEST #MyDangerousLovers
#SummerUpdateProgram
Pagka-graduate na pagka-graduate pa lamang ni Karizza sa college, alam na niya kung ano ang susunod. Iyon ay ang magpakasal sa isang mayamang lalaki na pinagkakautangan ng kaniyang ama.
At ang utang na iyon, siya ang kabayaran. Nilunok ni Karizza ang lahat ng sama ng loob dahil alam niya, siya ang dahilan kung bakit hanggang ng mga sandaling iyon ay malakas at buhay ang kaniyang ina. Iyon na lamang ang ginagawa niyang dahilan kung bakit hindi siya puwedeng sumaway sa kaniyang ama.
Buong akala niya, matanda na ang tinatawag na Boss Zi ng kaniyang ama. Kaya sa araw ng kanilang kasal ay laking gulat niya nang makitang batang-bata pa ang kaniyang mapapangasawa.
Ang lalaking minsan na rin niyang nakaengkuwentro at nasampal ng dalawang beses sa harap ng maraming tao!
Bigla, para bang gusto niyang maglaho na parang bula nang magkaharap silang dalawa ni Kenzie 'Zi' Castellano. Ang lalaking makalaglag panga ang kaguwapuhan at ang lalaking pakakasalan niya.
Book 2 of IN LOVE WITH THE CAMPUS HEIR
After ten years, kung kailan tinanggap na ni Raven na buong buhay na niyang hindi na makikita pa si Lhorde Ellison, ang nag-iisang lalaki na literal na nagpagulo sa mundo niya at siyang minahal niya ng husto, saka naman muling nagkrus ang landas nila sa hindi rin inaasahang pagkakataon.
Sa durasyon ng party na dinaluhan ay sinikap ni Raven na iwasan si Lhorde. Ngunit hindi niya ito nagawa pang iwasan nang sumunod pa ito sa hotel na tinutuluyan niya.
At pagkapasok na pagkapasok nga ni Lhorde sa loob ng hotel suite ni Raven ay agad nitong siniil ng halik ang nabiglang dalaga. Halik na nagpainit sa malamig na panahon sa bansang kinaroroonan nila at nagdala sa kanila sa isang mainit ding tagpo.
Huli na nang mapag-alaman ni Raven na ang lalaking pinagbigyan niya ng sarili ay nakatakda ng ikasal sa iba...
Krizette Lafuente, twenty-two, namulat sa kahirapan. Biktima rin ng illegal recruiter. Kaya naman hindi siya makauwi sa probinsiya nila dahil sa malaking utang na kailangan niyang bayaran. Ang alam ng kaniyang pamilya ay nakaalis na siya ng bansa para magtrabaho sa Canada. Pero hindi ganoon ang nangyari.
Kaya naman nang mapadpad sa Maynila ay pinasok ni Krizette ang lahat ng klase ng trabaho na madali siyang matanggap.
Hanggang sa magkrus ang landas nila ng isang guwapong bilyonaryo na si Ryzen Salvana. Narinig niya itong may kausap sa cell phone at namomroblema sa makulit nitong lola. Titigil lang daw iyon sa pangungulit kung may maihaharap itong nobya sa lola nito.
Kinapalan naman ni Krizette ang mukha at bago umalis sa high end bar na pinagtatrabahuhan bilang waitress ang binata ay sinabihan pa niya ito na tumatanggap siya ng sideline na acting job. Basta the price is right. Pero tiningnan lang siya nito na para bang nababaliw na siya bago siya iniwan.
Buong akala ni Krizette ay hindi na muli pang magkukrus ang landas nila ni Ryzen. Kaya laking gulat niya nang bumalik ito sa bar matapos ang ilang araw. At ang mas nakakagulat? Nag-offer lang naman ito ng limang milyong piso para sa serbisyo niya.
“You’re hired as my girlfriend,” wika pa nito sa kaniya.
SECOND GENERATION OF MARRIED TO A BILLIONAIRE:
Laki sa hirap si Zebianna, ang kaniyang ina ay namasukang kasambahay sa isang mayamang pamilya at kasama siya nito na mamalagi roon. Kahit sa murang edad niya ay tumutulong din siya sa gawaing bahay kapag kailangan. Doon niya nakilala si Azriel Samarro. Matanda ito sa kaniya ng tatlong taon. Nakikita lang niya ito tuwing pumapasok siya sa mansiyon. Palihim kung tingnan niya ito.
Ngunit ang ina ni Azriel ay tila ba palaging mainit ang dugo sa kaniya. Sa tuwina ay palagi siya nitong pinagagalitan. Kaunting pagkakamali lang ay nanggigigil ito sa kaniya. Kabaligtaran ang kapatid nitong si Tamara Mie 'Tami' Ladjasali na palaging mabait sa kaniya kaya naman napakagaan ng loob niya rito.
Hanggang sa magtapos siya sa High School ay nanatili sila ng kaniyang ina sa mansiyon. Natigil lang siya sa pag-aaral dahil hindi pa kaya ng kaniyang ina na pag-aralin siya sa koliheyo. Bagay na nakarating kay Ma'am Tami. Inalok siya nito na pag-aaralin siya sa prestiheyosong unibersidad sa bansa, ang Mori High University.
Sadya nga yatang may kapalit ang magagandang nangyayari sa kaniya dahil hindi naging madali ang pag-aaral niya sa Mori High dahil sa malditang si Samarrah Ladjasali na against sa pagpapaaral ng ina nito sa kaniya.
Ngunit sa tuwing nalalagay siya sa alanganin ay nariyan si Azriel para ipagtanggol siya. Lalong lumalim ang lihim niyang pagtingin dito. Pero ang lumalalim na pagtingin na iyon ay tila mapuputol dahil sa isang pangyayari na magpapabago sa lahat...
WARNING: This story is RATED SPG. More MATURE CONTENT. READ AT YOUR OWN RISK!!!
Kalahating taon ng kasal si Ferlyn kay Jino Lee ngunit hindi pa rin sila biyayaan ng anak na una pa lang ay gustong-gusto na ni Jino na magkaroon sila. Lingid sa kaalaman ni Ferlyn ay para makuha ni Jino ang inaasam na mataas na posisyon sa kompanya ng mga ito kaya kailangan nitong magkaroon ng anak. Dahilan upang bigla ay unti-unting manlamig kay Ferlyn ang asawa dahil hindi niya iyon maibigay rito.
Ngunit wala na palang mas sasakit pa nang maabutan niya sa aktuwal na eksena na may pinatungang ibang babae ang asawa niya at sa mismong silid at kama pa nilang mag-asawa. At ang mas nagpasakit pang lalo? Nang makilala niya kung sino ang babaeng katalik ng kaniyang asawa, walang iba kundi ang kaibigan niya na isang linggo ng pansamantalang nakikitira sa bahay nila...
Published under LIFEBOOKS
Php 220.00 - Mabibili po sa Shopee / Lazada / National Book Store
_____________________________
YUGTO WRITING CONTEST 2022 GRAND WINNER - All The Young Category
_____________________________
Lumaki si Raven Trojillo kasama ang kaniyang stepmother at ang kaniyang stepsister. At para makapasok sa Ellison Academy at makatapos sa kolehiyo, kailangan niyang makapasa sa scholarship program para sa mga students na gustong maging parte ng naturang prestehiyosong unibersidad. At isa iyon sa pangarap niya.
Nakapasa si Raven sa exam na may mataas na score na lingid sa kaniyang madrasta. Ngunit ang kaniyang madrasta ay hindi pumayag nang sabihin niya rito na nais niyang mag-aral sa Ellison. Sinabihan pa siyang nababaliw dahil sa mataas niyang pangarap na iyon. Pero buo na ang desisyon niya, aalis siya sa poder nito.
Sa pagpasok ni Raven sa Ellison University ay halos tumalon ang puso niya nang makita niya roon si Lhorde, ang lalaking nakilala niya noon bago pa man siya pumasok sa naturang unibersidad. Ngunit sa muling pagkukrus ng kanilang landas sa unibersidad, tila ba malayong-malayo na ito sa lalaking nakilala niya noon. Animo hindi siya nito nakilala man lang. Ang puso niya na masayang makita itong muli ay tila ba nawasak. Akala pa naman niya, mayroon na siyang kaibigan sa loob ng unibersidad, pero mali siya. Hanggang sa malaman niya na si Lhorde ay ang heir ng Ellison Group. At nang ma-bully siya sa Ellison dahil sa pagiging mahirap niya, Lhorde avoided her for good…
Nagtatrabaho sa flower farm, na pagmamay-ari ni Don Alonzo Ortega, si Janicah. Pinakamayamang personalidad ang Don sa buong San Fernando. Dahil ramdam na ng matanda na hindi na ito magtatagal sa mundo kaya naman inalok siya nito na dalhin ang apelyido nitong Ortega. Bagay na gumimbal sa buong pagkatao ni Janicah.
Nang malaman ng apo nito na si Ezekiel Ortega ang balak ng lolo nito na pagpapakasal sa katulad niya na eighteen pa lang ay agad itong umuwi sa Pilipinas. Bukod daw sa bata pa siya masyado para sa abuelo nito ay lantaran din nang ipamukha sa kaniya ni Ezekiel na pera lang ang habol niya sa lolo nito.
Ngunit imbes na makaramdam ng inis dahil sa pangbu-buwisit nito sa kaniya ay mas lamang pa rin ang lihim niyang pagtingin sa guwapong apo ng Don.
Isang gabi, bago ang kasal sa huwes, sinadya pa ni Ezekiel si Janicah sa gamit niyang guest room sa mansiyon. Medyo nakakainom ito ngunit alam naman nito ang ginagawa nito. Sa huling pagkakataon ay nakiusap ito na iurong na niya ang kasal sa lolo nito bagay na hindi niya sinagot o ano pa man. At ginamit pa talaga mismo ni Ezekiel ang karisma nito para lang isuko niya ang sarili rito nang gabing iyon.
Handa na sana si Janicah na iurong ang kasal. Memoryado na niya ang sasabihin sa Don. Ngunit hindi nakiayon sa dalaga ang pagkakataon.
Natuloy ang kasal... kasal na kahit sa panaginip ay hindi niya lubos maisip na sa ganoong paraan mangyayari.
Rebellious. 'Yan ang tingin ng mga magulang kay Yumi. Kabaligtaran sa totoo niyang pangalan na Mayumi. Palagi rin siyang ikinukumpara sa kaniyang Ate Vianah. Ito ang mas matalino. Ito ang mas magaling. Halos lahat nga ng pabor mula sa kanilang mga magulang ay narito na. Kaya naman kabaligtaran ang ginagawa niya. Sinusuway niya ang gusto ng mga magulang nila.
Isang gabi, pakiramdam ni Yumi, patapon na ang buhay niya. Pakiramdam niya, wala ng kuwenta. Iyong anxiety niya mas pinalala pa ng nararanasan niya sa pamilya niya. She decided to end her life.
Pero hindi siya nagtagumpay dahil sa lalaking bigla na lamang sumulpot mula sa kung saan at nagligtas sa kaniyang pagtatangka. Buong araw at buong gabi na hindi siya niyon iniwan para lang masiguro na hindi na niya uulitin ang ginawa niyang kapangahasan.
At ang gabing iyon ay nagbunga pa ng isang mainit na tagpo sa pagitan nila ng guwapong estranghero.
Akala ni Yumi, hindi na sila magkikita pa ng lalaking iyon.
Hanggang sa dumating ang kinatatakutan ni Yumi. Iyon ay ang kontrolin ng mga magulang niya ang buhay niya. Tutal, pasaway siyang anak. Mas maigi pa raw na mag-asawa na siya at baka tumino pa siya.
Pero papayag ba naman siya na magpatali at magpakontrol sa mga magulang niya?
Hindi.
Kaya naman tumakas siya na lingid sa kaalaman ng lahat. Pero hindi niya inaasahan na may hahabol sa kaniya.
At ang mas nakakagulat? Hinding-hindi makakalimutan ni Yumi ang guwapong mukha na iyon. Mukha ng lalaking pinagbigyan niya ng kaniyang unang karanasan. Dinala pa siya nito sa isang pribadong isla matapos siyang paamuyin ng pampatulog.
Pero ang higit na nakakawindang? Ito pala ang tinakasan niya na lalaking itinakda sa kaniya!
"Don't you dare to runaway again from me, my dearest fiancee."
Para sa isang milyong piso, na malaking tulong para sa pamilya ni Candy, lakas loob niyang tinanggap ang offer sa kaniya ng isang mayamang matanda na babae upang maging personal maid ng apo nito. Na nang mga panahon na iyon ay may sakit. Wala ritong tumatagal na tagapag-alaga dahil sa kasungitan nito at palaging iritado.
Ngunit hindi nagpadala si Candy sa kasungitan ng isang Mhorric Soliven. Bukod sa misyon niya na tulungan itong gumaling mula sa sakit nito ay isa rin sa pinursige niya na maibalik sa labi nito ang mga ngiti na nakalimutan na yata nitong gawin.
Nagtagumpay naman siya na ibalik ang ngiti sa mukha nito. Pero mukhang ang puso naman niya ang nalagay sa alanganin ng dahil dito. At bago pa niya makalimutan na isang suntok sa buwan na ibigin ang isang Bilyonaryo na katulad ni Mhorric, masakit man ay pinutol na rin niya ang koneksiyon sa pamilya nito matapos ang misyon niya.
Ngunit sadya nga talaga yatang mapaglaro ang tadhana dahil muli silang pinagtago sa alanganing sitwasyon…
AUTHOR NOTES: Available na po ang SHE'S KIDDING, I'M NOT sa Shopee at Lazada. Check out niyo na po. Super mura lang 185.00 po. Siguradong mas magugustuhan ninyo ang book version dahil sa mga ADDED SCENE.
THANK YOU.
___________________________________________
Wala sa hinagap ni Shea na darating sa punto na magpapanggap siyang "girlfriend" ni Eldridge Hedalgo, ang lalaking halos kabaliwan sa kanilang eskuwelahan. Wala iyon sa plano niya. Kung hindi dahil sa tuso niyang kaklase ay tiyak na wala siya sa ganoong sitwasyon.
Dumagdag pa si Eldridge na pinalala ang sitwasyong madali sana niyang malalabasan. Hindi sana siya magpapaapekto sa karisma na tinataglay ng binata, pero ang loko, sobrang sweet. Pati mga tao sa paligid nila ay paniwalang-paniwala sa peke nilang relasyon.
At maging siya ay piping hiniling na sana ay totoo na lang din ang lahat.
Nami was kidnapped... by a dashingly-gorgeous guy, Twix Madrigal, a billionaire since born.
He brought her in a rest house that is far from the City. The reason for kidnapping her? Just to know her even more before their wedding.
Wedding?!
That's the time when Nami Jane realized that Twix Madrigal, thought that she is Kira Jane. Her identical twin sister who escaped on their engagement party. What a small world, she thought.
Nami explained that she is not Kira Jane, but he didn't listen to her. He refused to believe her. In the end, she was tired of explaining her side. All she can do is to make him believe of what he is believing. That she is Kira Jane, even if, she hates that idea.
In five days being with him in the rest house, Nami can't deny the fact that she is already fall for him. Twix Madrigal is such a good guy. No one can deny that fact. But she need to stop that feelings towards him. Because once they are back in their real world, where her twin sister is there, she need to wake up on her illusion.
Because this man... is set to be married on her twin sister.
RATED SPG
☆SECOND GENERATION of MARRIED TO A BILLIONAIRE
● SHE'S THE BILLIONAIRE'S DAUGHTER
At the age of twenty-one, Tamara Mie 'Tami' Samarro, was married to Kedric Gabrielle 'KG' Ladjasali. One of the hotties bachelor in town. Only to find out the real reason behind the grandness wedding a woman could wish for.
Huli na nang mapagtanto ni Tami na isang malaking palabas lang pala ang kasal nila ni KG. Na para kay Tami ay isang malakas na sampal.
KG was a good provider. Wala siyang masasabi sa bagay na iyon. Ibinigay nito lahat ng luho at pangangailangan ni Tami. Pero may isang bagay ang tila hindi nito kayang ibigay sa asawa. His love. Na mukhang nakalaan para sa iba.
Kaya naman ginawa ni Tami ang lahat para lang makuha ang atensiyon ng asawa. She even seduced her own husband for pete’s sake.
"Stop it, Tami. Because you'll never be your Ate Shantal."
Sa sinabing iyon ni KG, iyon ang naging dahilan para unti-unting mabalot ng yelo ang puso ni Tami na matagal ng may pagtingin sa asawa. Pakiramdam niya kahit na anong mangyari ay hinding-hindi mababaling ang atensiyon sa kaniya ng asawa. Kaya isang desisyon ang kanyang nabuo… Iniwan niya si KG.
Si Kirst na yata ang pinakaguwapong construction worker na nakilala ni Chrislynn Rose. Simula nang makita niya ito ay nabuhay ang curiosity niya pagdating sa katauhan ng binata. Pakiramdam niya ay may iba sa katauhan nito.
At ang puso niyang normal ang tibok for the past twenty-eight years ay kung ilang beses na naghurumintado dahil sa binata. Lalo pang nahulog ang puso niya rito dahil sa kung ilang beses na pagtulong nito sa kanya with or without asking any help. Sino ba siya para pigilan ang puso na tumibok dito?
Tulad ng marami, tila hanggang pangarap na lang talaga siya sa binata. Noong makita niya ang tunay nitong katauhan ay animo unti-unting gumuho ang malabundok niyang lihim na pagtingin dito.
Wala na yatang mas bubwisit pa sa buhay ni Johairah mula nang makilala niya si Kienlee Scott. Bukod sa sikat ang ubod ng guwapong binata ay kilala rin ito bilang isang playboy.
Wala rin itong ginawa kundi ang asarin siya lalo na kung may pagkakataon ito. Kaya hindi maiwasan na mag-init pati bunbunan niya dahil sa pagka-asar dito.
Nagbago lang ang lahat nang hindi sinasadyang maiwala niya ang ibinigay nitong bracelet. Naging malamig ang pakikitungo nito sa kanya ng malaman nitong nawawala iyon.
Bagay na naging dahilan upang magpursige siya na makita ang bracelet. Kahit na malagay pa sa piligro ang buhay niya.
Ang mundo ni Elena ay halos umiikot sa pagmomodelo. Hanggang isang araw ay gimbalin siya ng balitang nakatakda siyang ikasal dahil tinanggihan ng pinsan niya ang fix marriage na dapat ay ito ang mamomroblema.
Pakiramdam niya ay siya na ang pinakamalas na babae sa balat ng lupa. Dumagdag pa sa sakit ng ulo niya nang makaharap ang ubod ng sungit na si Sire. Hindi sinasadyang nagasgasan niya ang bagong-bagong Ferrari Car nito ng dalawang beses sa magkaibang pagkakataon.
Hindi pa nakontento ang binata at siningil pa siya ng isang milyong piso. Pero ang mas ikinagimbal niya ay noong singilin siya nito ng halik kapalit ng utang di umano niya rito. Paano ba kalimutan ang isang katulad ni Sire kung pati tadhana ay pilit silang pinaglalapit sa kabila ng katotohanang nakatakda na siyang ikasal?
Walang pagdadalawang isip na umuwi sa Pilipinas si Joanna para isakatuparan ang kahilingan ng pinakamatalik na kaibigan. Iyon ay ang paghigantihan ang panganay na anak ng mag-asawang Villa Franca.
Pagdating sa San Andres kung saan matatagpuan ang Hacienda Villa Franca ay nanatili muna siya ng ilang gabi sa isang resort. Mukhang nakikiayon ang pagkakataon dahil naroon ang magkapatid na Villa Franca. Ang problema, hindi niya literal na kilala kung sino sa dalawang guwapong nilalang ang nanakit sa kaibigan. Ni walang pangalan na nabanggit ang kaibigang si Ivy bago ito tuluyang nawala sa mundo.
Kaya nakiramdam si Joanna at lihim na nagmatyag. Hanggang sa tawaging 'Kuya' ng mukhang pilyo na lalaki ang kapatid nitong hindi mabanat ang labi para sa isang ngiti. The one with the dangerous look, yet so damn gorgeous and hot. Nash Villa Franca.
Walang patumpik-tumpik na isinagawa ni Joanna ang plano... Magtagumpay kaya siya?
Lahat ng kaibigan ni Zhang ay pawang mga pamilyado na, may mga anak na. Siya na lang ang bukod tanging wala. Hindi naman siya napi-pressure. Pero sa tuwina kapag nagkikita-kita sila ay laging tungkol sa pamilya ng mga ito ang usapan, hindi siya maka-relate.
Kaya naman bigla na lang pumasok sa isip niya na bakit hindi na lang siya mag-anak? Pero paano? Wala siyang karelasyon. Malapit ng mabura sa kalendaryo ang kanyang edad ngunit virgin pa siya.
Dahil sa frustration at pagkadesperada, humanap siya ng lalaki na swak sa panlasa niya para makakuha ng sperm at ng mabuntis siya. Nakakita naman siya, sigurado siyang magandang lahi ang ibibigay sa kanya ng lalaking natipuhan niya minsang mag cruise siya sa America. Nilunok niya ang pride at inakit ang lalaki sa pamamagitan ng matamis niyang ngiti at kaakit-akit na kasuotan. Hindi naman siya nabigo dahil mabilis itong bumigay sa kanya.
Hindi pa sila lasing pero nag-aya agad ito sa cabin nito... mukhang ito na ang sagot sa matagal na niyang inaasam.
Para maoperahan ang tatay niya, iyon ang rason ni Khlaryzel kaya pinatulan niya ang inalok na trabaho sa kanya ng baklang nagmagandang loob na tulungan siya. Kapit man sa patalim ay pikit matang tinanggap niya ang trabaho sa Pleasure Club. Iyon ay ang magbigay aliw sa lalaking magiging customer niya sa loob ng dalawang oras. Lalaking ni sa hinagap ay hindi pa niya nakikita.
Nang makontento sa malaking offer ng lalaking gagamit ng Game Room, kung saan siya naghihintay, ay halos tumigil ang mundo niya nang makita ito ng tuluyan. Sa hinagap ay hindi niya inaasahan na ganoon ka-guwapo ang lalaking tatangay ng iniingatan niya.
Ngunit ang gabing akala niya ay maisusuko niya ang bataan ay hindi nangyari. Nawalan siya ng malay dahil sa sobrang kaba. Dahilan upang mapornada ang pakikipagniig niya sa lalaking estranghero sa kanya.
Sa kabila ng nangyari ay ibinigay pa rin nito sa kanya ang perang offer nito na ikinagulat niya. Pero hindi pala doon magtatapos ang lahat sa kanila dahil sa sinabi nito...
"Don't bother to say thank you. Dahil maniningil pa ako sa iyo. Kaya ingatan mo 'yang virginity mo. Bayad ko na 'yan at walang ibang kukuha niyan kundi ako lang."
Mukhang kailangan niyang ihanda ang sarili para sa muli nilang paghaharap ng binata na alam niyang nabitin sa nasimulan nito.
Isa lang ang pangarap ni Justine sa buhay, iyon ay ang magkaroon ng magandang buhay kasama ang kanyang ina at kapatid. Hindi niya inakala na darating din sa puntong magugulo iyon dahil sa nagawa niyang kasalanan sa kanyang abuela.
Bilang kabayaran ay inutusan siya nito na papirmahan ang isang kontrata para sa kumpanya nito sa ika nito ay 'Big Fish' na si Privado Mondragon.
Akala niya ay wala ng mas gugulo pa sa kasalanang nagawa niya sa kanyang Lola Corazon. She was wrong. So wrong. Dahil nang makaharap niya ang 'Big Fish' na tinutukoy ng kanyang lola ay parang gusto na niyang mag-backout.
Handa ba kayong masaktan, umiyak, mapahiya, maging stalker at magpakabaliw para sa UHB men? Ang sikat na grupo ng mga kalalakihan sa Mori High University?
Well, Paige Eseguel was not one of those crazy girls na handang gawin ang lahat ng iyon para sa kahit na sinong UHB men. Para sa kanya ay END OF THE WORLD na kapag nangyari iyon.
But, what if, magbiro ang tadhana? Things will change not according to her plan? Na ang lahat ng iyon ay kailangan niyang maranasan sa kamay pa mismo ni Keigo Mori? Ang cold hearted sa grupo?
Does heartbreak from yesterday, will heal fast?
A young love that will change everything...
from their present to the future.
Tunghayan ang kuwento ng dalawang kabataan kung saan hahantong ang batang pag-ibig nila. Will it end up a happy ending or not?