bc

Marrying My Fiancee

book_age16+
71.4K
FOLLOW
462.4K
READ
billionaire
possessive
second chance
arranged marriage
arrogant
manipulative
powerful
CEO
billionairess
drama
like
intro-logo
Blurb

Ang mundo ni Elena ay halos umiikot sa pagmomodelo. Hanggang isang araw ay gimbalin siya ng balitang nakatakda siyang ikasal dahil tinanggihan ng pinsan niya ang fix marriage na dapat ay ito ang mamomroblema.

Pakiramdam niya ay siya na ang pinakamalas na babae sa balat ng lupa. Dumagdag pa sa sakit ng ulo niya nang makaharap ang ubod ng sungit na si Sire. Hindi sinasadyang nagasgasan niya ang bagong-bagong Ferrari Car nito ng dalawang beses sa magkaibang pagkakataon.

Hindi pa nakontento ang binata at siningil pa siya ng isang milyong piso. Pero ang mas ikinagimbal niya ay noong singilin siya nito ng halik kapalit ng utang di umano niya rito. Paano ba kalimutan ang isang katulad ni Sire kung pati tadhana ay pilit silang pinaglalapit sa kabila ng katotohanang nakatakda na siyang ikasal?

chap-preview
Free preview
Chapter 01
PAGKALANGHAP ni Elena sa malamig na simoy ng hanging Tagaytay pakiramdam niya ay medyo gumaan ang namimigat niyang dibdib. Huminga uli siya ng malalim bago nagpatuloy sa paglalakad. Matapos niyang kumain ng mga bawal, like sweets and heavy meals ay napagpasyahan niyang maglakad-lakad sa ‘di kalayuan sa restaurant na kinainan. May kadiliman na ngunit hindi naman niya iyon alintana dahil sa mga nagkalat na post light. May mga tao rin namang naglalakad-lakad doon and worst puro magkakapareha ang magkasama. “Eh, 'di kayo na ang masaya sa love life niyo. Kayo na ang nakapili ng taong makakasama ninyo. At ako na ang hindi,” inis niyang bulong. Naalala na naman niya ang sinabi sa kanya ng kanyang pinsan na si Eldridge ng makausap ito kanina... "So, what's the serious matter this time?" Tanong niya ng mailapag ng crew ang order nila. Kahit may kainitan pa ay nag-sip agad siya sa kanyang tasa. Nasa isang Café sila nang mga sandaling iyon. "Hella serious matter Elena. Tinanggihan ni Kuya Dridgen ang fix marriage." Sandali siyang natigilan at pilit na in-absorb ang sinabi ng kanyang pinsan. Maingat na inilapag niya sa platito ang tasa kapag kuwan.. "Ano namang kinalaman ko roon?" Bumuntong hininga si Eldridge. "Malaki." "Speak it out." “Lola Paula choose you after Kuya Dridgen refuse the fix marriage. I'm sorry, Elena. Kahit kasi ano’ng gawin kong pilit kay Kuya ay wala rin akong nagawa. Expect lola and your parents talk to you about this matter. Binigyan lang kita ng idea tungkol sa bagay na ito kaya pinilit kong makipag meet sa iyo. I’m sorry.” Tulala lang siya matapos marinig ang sinabi ng pinsan. Matagal bago siya makahuma. Hindi kasi matanggap ng kanyang sistema ang mga narinig mula rito. Oo nga at nasa pamilya nila ang pumapasok sa isang fix or arrange marriage pero hindi niya inaasahan na siya ang mapipili ng kanilang abuela matapos na mariin na tanggihan ng pinsan na si Dridgen ang fix marriage na iyon. “’W-Wag mo akong biruin ng ganyan, Kuya Eldridge. You know I’m not into that thing. At isa pa, hindi pa ako handing lumagay sa tahimik.” Tahimik nga bang matatawag ang maikasal sa taong ni hindi pa naman niya nakikita at nakikilala? “I’m not kidding you.” Napatawa siya ng pagak. “Sana nga nagbibiro ka na lang, eh, para kung magso-sorry ka madali kong matatanggap. But not like this.” Hinawakan nito ang kamay niya na nakapatong sa may lamesa at mariing pinisil. “I’m sorry. Kahit ako wala ring nagawa para pigilan sila sa desisyon na ito. Buo na ang desisyon ni Lola Paula na may maikasal sa mga apo niya ngayong taon.” Sa puntong iyon ay parang gusto na niyang magwala. Hindi nga nagbibiro si Eldridge. Mukhang dumating na iyong kinatatakutan niyang mangyari. Ang manipulahin ng pamilya niya ang buhay niya. Napatingala siya dahil ano mang oras ay tutulo na ang luhang mabilis na nangilid sa mga mata niya. “C-Can I go now? Gusto kong mapag-isa,” aniya na hinila na ang kamay mula rito. Pinalis din niya ang luhang nag-aambang tumulo. Nawala na ang masayang aura na pumapalibot sa kanya. Pati kulay ng paligid niya ay animo nagkulay abo. Marahang tumango si Eldridge. “Sige. Pero siguraduhin mong hindi ka gagawa ng bagay na ikakasakit mo,” mariin nitong bilin. Tumango siya. Manhid ang pakiramdam niya pero hindi niya maiisip na saktan ang sarili. “Oo.” Tumayo na siya at matapos halikan sa pisngi ang pinsan ay umalis na rin siya. Nang makasakay sa kanyang kotse ay hungkag pa rin ang kanyang pakiramdam. Nang makarating naman sa kanilang bahay si Elena ay ang ina agad ang hinanap niya. Sa malas ay wala ito. Para tuloy sasabog ang dibdib niya nang makarating sa kanyang silid. Doon ay malayang napatili siya. Sobrang sama ng loob niya. She cried a lot knowing na hindi na pala niya hawak ang kaligayahan ngayon. Kontrolado na iyon ng iba. "Why so pathetic, Elena?!" Wala namang magagawa ang pag-iyak niya kaya pinilit niyang tumahan na. She wanted to go somewhere. Tumingin siya sa wall clock. Mag-aalas-kuwatro pa lang ng hapon. Huminga muna siya nang malalim bago tumayo at naligo. Matapos ayusin ang sarili ay lumabas na siya ng kanyang silid. Tanging skiny jeans at white printed shirt lang ang suot niya. Flat shoes na kulay itim naman sa paa. Sobrang simpleng get up. Sigurado na sasabihin ng mga kasama niya sa modeling industry ay na 'not her thing'. Dumiretso lang siya sa may garahe at agad ring sumakay sa kanyang Porsche. "Where to go?" Anas niya ng habang daan. Sumasakit lang lalo ang ulo niya sa pag-iisip kung saan pupunta kaya nag-drive na lang siya nang nag drive. Hanggang sa makarating siya sa Tagaytay. Pinili niyang pumunta sa hindi crowded na lugar. Nakakita naman siya ng matatambayan kaya nag-park agad siya sa harap ng isang restaurant. Bigla rin siyang nakaramdam ng gutom. Para sa tiyan niya kaya walang puwang ang kakuriputan. Nang maalala ang palaging sinasabi ng kanilang manager na si Emjhaye Angeles na huwag masyadong kumain nang kumain ng marami dahil baka makasama sa kanilang figure ay isinantabi na muna niya iyon. Sa tingin ni Elena ay pagkain lang ang tangi niyang masasandalan ngayon at wala ng iba… Nasipa pa ni Elena ang bato na nadaanan matapos maalala ang pag-uusap nilang iyon ng kanyang pinsan. Hindi naman niya inaasahan na magiging grabe ang pagsipa niya dahil nakita niyang tumama iyon sa mukhang bagong-bagong sports car na Ferrari na kulay pula. Sa may pinto ng driver side iyon tumama at kitang-kita niya ng may maiwang gasgas doon. “Oh, no,” tulalang anas niya. Tiyak na masasakal siya ng kung sino mang may-ari niyon. Hindi tuloy siya makagalaw sa kinatatayuan habang nakatingin sa may kotse partikular na sa bahaging may gasgas. May lumapit doong matangkad na lalaki. Well-built ang katawan, at bakas na bakas ang kakisigan. Nakatalikod iyon dahil nagmula ang lalaki sa likuran niya kaya hindi niya nakita ang mukha. Likod pa lang guwapo ng tingnan what more kung haharap ito? He has a nice butt, legs and... Stop praising him Elena! May kasalanan ka kaya lagot ka sa kanya! Sigaw ng munting tinig sa kanyang isip. Napalunok tuloy siya. Hindi niya alam kung dederetso na ba siya sa paglalakad as if nothing happened or tatakbo ng mabilis pabalik sa restaurant kung saan naka-park ang kotse niya at papaharurutin iyon palayo sa lugar na iyon? What now? Pinili niya ang naunang naisip. Pero sa pagkadismaya niya ay nag-squat ang lalaki sa may driver side at sinuri ang pinto niyon. Pinunasan pa ng kamay nito ang gasgas na kagagawan niya ngunit hindi naman nawala. Nanatili siya roon dahil maging ang mga paa niya ay ayaw makisama sa kanya. Hanggang sa lingunin siya ng lalaki. Para tuloy gustong tumulo ng laway niya ng makita ang mukha nito. Sobrang guwapo. Walang binatbat ang mga male model na nakakasama niya sa industriyang kinabibilangan. ‘Yung tipong kahit si Sean O’pry ay walang binatbat. Isa siyang modelo na nakabase sa France at kasalukuyang nasa Pilipinas ngayon dahil sa katatapos lang na photo shoot sa isang malaking clothing line company kung saan kinuha siya bilang female endorser. Nang makatapos siya noon sa college, imbes na sa kompanya ng kanyang ama siya magtrabaho ay mas pinili niyang pasukin ang mundo ng pagmomodelo. Bagay na sinuportahan naman ng kanyang pamilya dahil naroon ang puso niya. Alam ng mga ito kung gaano niya kamahal ang modeling. Sa loob ng pitong taon ay doon na umiikot ang mundo niya. Kaya hindi niya matanggap ang nalamang balita mula sa kanyang pinsan. Hindi pa siya handang lumagay sa tahimik kahit na twenty-seven na siya. Pakiramdam niya ay hindi pa napapanahon para lumagay siya sa tahimik na buhay. Napalunok siya ng tuluyang makalapit sa kanya ang isang biyaya ng Diyos na hindi mabanat kahit ng isang pilit na ngiti ang labi. Masyadong seryoso ang guwapong mukha. Napigil pa niya ang paghinga habang patuloy na pinagsasawa ang kanyang mga mata sa magandang tanawin na iyon. Nginitian pa niya ito ng makalapit. Ngiting hindi nito nagustuhan. “Nakuha mo pang magpa-cute matapos ng ginawa mo sa kotse ko?” Salubong ang kilay na sita nito. Napakurap-kurap siya. Napalis tuloy ang ngiti sa labi niya. Oo nga pala, siya ang may kasalanan kung bakit may gasgas ang kotse nito. Muntik na niyang makalimutan dahil sa nakaka-distract nitong kaguwapuhan. Pero hindi naman dahil ngumiti siya ay nagpapa-cute na siya. Wala lang siyang maisip na gawin ng makalapit ito. “H-Hindi ko naman inaasahan na tatamaan ‘yung kotse mo. I’m sorry,” aniya ng makabawi. Napalunok pa siya. Kahit mukhang galit ito ay ang guwapo pa rin nitong tingnan. Hindi niya mapigilan ang sarili na hindi ma-attract ditto ng ganoon kabilis. Ito ang unang pagkakataon na naagaw ng isang lalaki ang buo niyang atensiyon. Para itong isang Greek God na bumaba sa lupa mula sa langit. As in literal na ganoon. ‘Yung klase ng kaguwapuhan nito ay tipong hindi basta-basta makikita sa mga ordinaryong lugar. “Sorry?” iritado nitong gagad sa sinabi niya. “Miss, hindi matatanggal ng sorry mo ‘yung gasgas sa kotse ko. Godness sake, latest model ‘yan ng Ferrari! At para sa kaalaman mo, kakagamit ko pa lang niyan ngayon tapos bibinyagan mo agad? Okay lang sana kung mumurahin lang iyan, kaso hindi.” Napaatras siya ng lapitan siya nitong lalo. Aatras sana siyang muli ang kaso ay mabilis nitong nahawakan ang pobre niyang braso. Halos magdikit tuloy sila ng lalaki. “Nag-sorry na ako. At saka hindi ko naman sinasadya na matamaan ang kotse mo.” “Sa tingin mo maniniwala ako? Maraming gumagawa ng paraan mapansin lang. And now you got my attention. Happy now?” Napaawang ang labi niya sa sinabi nito. Nang makabawi ay pinilit niyang makawala rito. Nakawala naman siya. Mukha ba siyang nagpapansin dito? Masyado nitong na-misunderstood ang pagngiti niya rito kanina. “M-Malay ko ba na sa iyo pala ang kotse na ‘yan. At isa pa hindi ako nagpapapansin. Hindi ka naman siguro artista para maging sikat.,” mahina pa niyang bulong na hindi nakaligtas sa pandinig nito. “Tss. Magdahilan ka pa.” Kung makapagsalita naman ito akala mo, eh, hindi babae ang kausap, yamot na sabi niya sa isip. Kasalanan mo kasi Elena dahil ginasgasan mo ang sports car niya kaya natural na magalit ‘yan, kontra naman ng kabilang isip niya. Sa isip ay napairap siya. Umisip siya ng paraan para makawala na sa paningin nito. Kung magtatagal pa kasi siya roon ay baka igisa pa siya nito ng husto. Wala siyang dalang pera para mabayaran ang gasgas na siya mismo ang may kagagawan. “Sorry talaga. Kung ipapaayos naman ang kotse mo wala akong pera. Wala kang mahihita sa akin. W-Waitres lang ako sa isang restaurant kaya maiintindihan mo na wala akong pera na pampaayos diyan.” Dahilan niya. Buti na lang at napakasimple ng ayos niya. Wala rin siyang ka-makeup-makeup sa mukha. Maniwala sana ito sa drama niya. Kapag kasi wala siya sa trabaho ay ipinapahinga rin niya ang kanyang mukha sa makeup. Inilahad pa rin nito ang isa nitong kamay sa harapan niya. “Give me your phone.” Napamaang siya. “H-Ha?” Pati ba naman cellphone niya ay hindi nito palalampasin? Marami siyang picture sa cellphone at baka malaman nito na nagsisinungaling lang siya. “Pati ba naman ‘yon? China phone lang po ang gamit kong cellphone, Kuya, kaya ‘wag mo ng pagdiskitahan.” Tumawa pa siya na mabilis nabitin sa ere nang gumala ang tingin nito mula sa mukha niya pababa sa katawan niya. Iyong tipong sinusuri siya. Nakaramdam siya ng pagkaasiwa lalo na ng ibalik nito sa mukha niya ang tingin nito. May something sa titig nito na dagling humigop sa lakas niya. Tumikhim siya para iwasan iyon. “Bili lang sa ukay-ukay itong suot ko kaya mukhang original. Don’t tell me... a-ang ibig kong sabihin," mabilis niyang bawi sa pag-i-Ingles niya. “Pati ba naman suot ko ay pagdidiskitahan mo rin? Mahirap lang ako kaya wala akong pambayad sa gasgas ng kotse mo.” ‘Wag sana siyang tamaan ng kidlat. Lord, patawad… “Magkano ang sahod mo per month?” sa halip ay tanong nito. “Puwede bang sorry na lang ‘yung bayad?” Gusto na niyang umuwi sa kanila. “No. Ikaw na nga ‘yung dahilan ng gasgas sa kotse ko tapos ako pa rin ‘yung magpapaayos?” Sumasakit tuloy ang kilay niya sa pagmamatigas nito. Hindi man lang ito madaan sa ganda niya. Baka naman katawan pa niya ang hingin nitong kapalit. Nahumindig siya sa naisip. Hindi naman siguro, dahil wala sa hilatsa ng masungit nitong mukha na flirt ito. “Wala nga ho akong pera. Ano’ng gusto mong gawin ko? Lumuhod sa harap mo?” Umatras ito ng isa. “No. Hindi mapapaayos ng pagluhod mo lang ang gasgas sa kotse ko.” Magsasalita sana siya kaso tumunog ang cellphone nito kaya itinikom niyang muli ang bibig niya. Palagay ni Elena ay pagkakataon na niya iyon para takasan ito ang kaso ay napakasigurista nito at mabilis na hinawakan ang braso niya bago sinagot ang naturang tawag. Ayaw talaga siyang makawala. Napatitig siya sa makinis nitong kamay na nakahawak sa braso niya. Mukhang hindi ito basta-bastang tao. Hindi rin modelo. Mukhang businessman ang isang ito. Napangiti pa siya ng lihim nang maalala si Christian Grey ng Fifty Shades. “I just want to remind you, MJ, na walang tayo. So stop calling me. Oh, stop that crap. I’m not that crazy para buntisin ka. Puwede ‘yung ama na lang ng pinagdadala mo ang tawagan mo? Stop pissing me off.” Napabuga ng hangin si Elena sa narinig. “Tigilan mo na ako. Kasama ko ang girlfriend ko ngayon at hindi niya gusto na tatawagan mo pa ako.” Nagulat siya ng biglang ilahad ng lalaki ang cellphone nito sa harapan niya. Tinakpan pa nito ang mouth piece at bumulong sa kanya. “Pretend as my girlfriend. Tell her not to call me anymore.” Mabilis na gumana ang utak niya. “Sa isang kondisyon,” ganting bulong niya. “Bayad na ako sa atraso ko sa iyo.” Kumunot ang noo nito ng tingnan ang mukha ni Elena. Maging ang dalaga ay hindi napigilang sandaling mapatitig din sa guwapong mukha ng binata. May something talaga dito na sobrang lakas ng impact sa kanya. Kung bakit ganoon ang epekto sa kaya ay hindi niya alam. Bago pa niya ito mahalikan dahil sa nakakapigil nitong labi ay nag-iwas na siya ng tingin. Unang pagkakataon din na makaramdam siya ng kakaibang kiliti sa puso niya dahil sa pagkakalapit nilang iyon ng lalaki. Tumikhim ang lalaki ng tila makabawi sa titigan nilang iyon. “No way.” “Bahala ka. Hindi naman ako ang guguluhin niyan kundi ikaw,” nakalabi pa niyang sabi. Nakaisa rin siya rito. Nauubusan ng pasensiya na tumango ito. “Whatever.” Nangingiting kinuha niya ang cellphone nito. “Hello,” aniya. “f**k you! Whoever you are pagsasawaan ka rin ni Sire. Hindi ka tatagal sa kanya. Tandaan mo ‘yan! Akala mo naman mahal ka niya? Silly you. Kaya ‘wag kang magsaya na nasa iyo siya ngayon dahil para ka lang laruan na matapos pagsawaan ay parang basahan lang na itatapon.” Ang harsh naman ni Ateng, aniya sa isip. Tumikhim siya. “Tapos ka na? Sorry pero kung bitter ka ngayon hindi ko na kasalanan kung iniwan ka ni...” Napasulyap siya sa lalaki at pilit inalala ang pangalang binanggit ng babae. “S-Sar. Kain ka na lang ng sweets para makapag-move on ka at para hindi ka bitter. Dahil hindi na siya babalik sa iyo. Bye!” Bago pa siya masigawan at mamura nito ng katakot-takot ay mabilis na ibinalik niya sa lalaki ang cellphone nito. Imbes na sagutin pa iyon ay ini-off na nito ang phone nito. “Okay na? Bayad na ako,” nakangiti pa niyang sabi. Mukhang may gusto pa itong sabihin ngunit nilapitan na ito ng isa pang lalaki. Kasama siguro nito. “Kailangan na nating umalis para makauwi tayo on time," anang lalaki na sumakay na rin agad sa isa pang kotse na nasa unahan ng kotse ng lalaking kaharap niya matapos siyang tapunan ng mabilis na tingin. “Okay.” Bago ito umalis ay hinarap pa siya. “Next time matuto kang tumingin sa daraanan mo at ‘wag sipa nang sipa ng walang nadidisgrasya. And its Sire not Sar.” Iyon lang at lumapit na rin ito sa kotse nito. Sinulyapan pa siya nito bago tuluyang sumakay sa loob niyon. “Sire,” mahina niyang bigkas sa pangalan nito. Napangiti siya sa binanggit na pangalan nito kanina. Hinatid na lang niya ng tanaw ang papalayong sasakyan ni Sire ng umandar na iyon. Napangiti pa siyang lalo bago nagpasya ng bumalik sa may restaurant para kunin ang kanyang kotse. Mamahalin rin naman ang kanyang kotse dahil Porsche iyon. Natawa pa siya ng maalala ang kasinungalingang sinabi kay Sire kanina. Makikita pa kaya niya ito? Piping hiling niya ay oo. DALAWANG araw ng pinakikiramdaman ni Elena ang kanyang Mommy Elvira at Daddy Jhun na magsalita tungkol sa fix marriage ngunit ni isa sa mga ito ay walang nagbabanggit. Naiinis tuloy siyang lalo. Malungkot na tumingala si Elena sa kalangitan. Kahit gabi na ay nasa may pool side pa rin siya. Hindi siya makatulog kaya naisipan niyang tumambay muna roon. Makalipas pa ang ilang sandali ay ipinasya na niyang pumasok sa loob ng bahay. Quarter to ten na at nagulat pa siya ng makitang gising pa ang kanyang ama. Nadaanan niya ito sa may mini bar at umiinom ng on the rock. “Dad,” puna niya rito. “Gabi na. Bakit gising pa po kayo?” Nasa mid-fifties pa lang ang ama niya ngunit hindi rito bakas ang katandaan dahil na rin sa matikas nitong pangangatawan. “You either,” balik nito sa sinabi niya. “Bukas ay ‘wag kang aalis. Kung may lakad ka or any appointment then canceled it. Inaasahan tayo ng Lola Paula mo.” Hindi niya magawang magsalita. Iyon na siguro ang inaabangan niyang komprontasyon sa pagitan ng magulang at ng kanyang lola. Walang imik na tumango siya. “Matulog ka na anak.” Kay ganda sana sa pandinig ngunit nagtatampo pa rin siya. “Good night, Dad,” sabi na lang niya. Humalik muna siya sa pisngi nito bago ito iniwan sa mini bar. Malapit na siya sa may grand staircase ng muling lingunin ang ama. “Dad, after that shot matulog ka na rin po.” Tumango ito. “I will.” Tumuloy na siya sa pag-akyat sa hagdanan. Ang dami niyang gustong gawin sana bukas. Katulad ng mag-gym dahil sa makalawa ay may event siyang dadaluhan. Kailangang fit ang katawan niya kapag dumating ang araw na iyon. Pero dahil may importanteng appointment sa bahay ng abuela niya kaya kailangan muna niya iyong ipagpaliban. Kahit kasi doon sila magdi-dinner ay kailangan after lunch pa lang ay nabyahe na sila dahil sa probinsiya pa ang bahay ng lola niya, which is, ina ng Mommy Elvira niya. Doña Paula Hedalgo, tunog pa lang sa pangalan ng kanyang lola ay parang kay sarap ng iwasan. Yes, ganoon nga ito. Kahit sa edad nitong seventy-eight ay puno pa rin ng awtoridad ang bawat kilos at ano mang sabihin nito. Sa kabila ng edad nito ay healthy pa rin ang pangangatawan nito. Kinabukasan nga ng umaga ay maagang bumangon si Elena para ayusin ang kanyang mga gamit na dadalhin. Sigurado kasi na kinabukasan pa sila makakauwi kaya kailangan niyang magdala ng mga extra na damit and personal usage. Alas dose y media ng umalis sila sa Alabang. Hindi naman ganoon kalayo ang Sariaya, Quezon sa Alabang. Wala pa ngang tatlong oras at kalahati ay nakarating na rin sila sa Ancestral House ng lola niya. Pina-renovate na iyon kaya modern na ang design. Ilang kawaksi rin ang sumalubong sa kanila sa may garahe. “Magandang hapon po, Ma’am Elvira, Sir Jhun, Ma’am Elena.” Bati pa ng mga ito sa kanila. Dahil para siyang bibitayin kaya tumango lang siya. Hindi niya dinala ang Porsche niya sa kagustuhan na rin ng kanyang Daddy. How she wished she had a sibling too para may paglabasan ng sama ng loob. Sa malas ay mag-isa lang siyang anak. Pagtingin niya sa may entrada ay naroon ang kanyang Lola Paula. Kabastusan naman kung hindi niya ito lalapitan agad. Ang mga magulang naman niya ay abala pa sa pagkuha ng mga dalang gamit at pasalubong sa sasakyan. “Kumusta po, Lola Paula?” aniya na pagkamano rito ay agad itong hinalikan sa pisngi. “Still healthy,” anito na mataman siyang pinagmasdan. “May idea ka na ba Elena tungkol sa rason ng pagpapatawag ko sa inyo?” Umiling siya kahit na ang totoo ay meron. “Wala po.” “Pag-uusapan natin ‘yan pagkatapos ng hapunan.” Marahan siyang tumango. “Pasok na po muna ako sa loob, Lola.” Sa madalas na gamiting silid siya namalagi. Gusto niyang mag-ipon ng lakas ng loob. Para pagharap niya sa lola niya mamaya ay kaya niyang ipaglaban ang sariling karapatan para mamili ng lalaking pakakasalan. Kung posible ba iyon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Game of Pleasure: Triv Sauler

read
672.1K
bc

Worth The Wait

read
198.1K
bc

A Billionaire In Disguise

read
661.8K
bc

Married To A Billionaire

read
1.0M
bc

A Kiss From The Billionaire's Son

read
2.3M
bc

The Billionaire's Innocent Seductress

read
430.0K
bc

Sin With Me ( SPG )

read
1.6M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook