bc

Remember Yestreday

book_age16+
16.4K
FOLLOW
109.9K
READ
pregnant
goodgirl
CEO
boss
student
single mother
drama
like
intro-logo
Blurb

Does heartbreak from yesterday, will heal fast?

A young love that will change everything...

from their present to the future.

Tunghayan ang kuwento ng dalawang kabataan kung saan hahantong ang batang pag-ibig nila. Will it end up a happy ending or not?

chap-preview
Free preview
Chapter 01
LUNCH time nina Bratinella ng tanghaling iyon at nagkataong wala rin silang klase sa first period sa hapon. Vacant sila kapag araw ng Miyerkules. Kaya naman nasa field siya ng mga oras na iyon. Doon na rin siya nagbabasa ng mga napag-aralan nila kahapon sa Science. Iyon ang next subject niya tuwing hapon. Transferee siya sa Santa Bernadita National High School, fourth year student. Kalilipat lang din kasi nila ng kanyang ina sa naturang bayan ng Santa Bernadita nitong nakalipas na bakasyon. Kasabayan din niya sa naturang paaralan ang pinsang si Sweet Summer na anak ng kanyang Tita Candy na kapatid ng kanyang Nanay Cassandra. Parehas silang magtatapos sa fourt year. Iyon nga lang hindi sila 'yung tipo ng mag-pinsan na super close sa isa't isa. Tama lang. Napasimangot siya nang lapitan siya ng tatlong kalalakihan na mga ka-batch din niya. Naaamoy na niya ang pakay ng mga ito sa kanya. "Hi, Bratinella," bati pa ng tatlo. "Ano na naman 'yon? Magpapalakad din kayo sa pinsan ko? O 'di kaya naman ay magtatanong ng favorite o dislike niya? Tapos idadagdag niyo na rin ang backround niya para may idea kayo?" Birada agad niya. Ganoon naman kasi ang karamihan sa mga lalaking lumalapit sa kanya. Lahat na lang ay gustong magpalakad sa pinsan niyang si Sweet Summer. Very popular kasi ang pinsan niyang iyon dahil maganda at sexy na kahit sino ay papangaraping maging girlfriend. As in display girlfriend. Simula ng malaman ng marami na pinsan niya si Sweet Summer ay dumagsa na ang mga lalaking lumalapit sa kanya para magpalakad. Mayroon ding mga college student na nilalapitan din siya, iisa lang din ang pakay sa kanya. Ang magpalakad sa kanyang pinsan. Magkalapit lang kasi ang Bernadita National High School at Meridette College sa Santa Bernadita. Private nga lang ang college doon. Bakod lang ang pagitan. Napakamot sa batok ang isa sa mga ito. "Puwede ba, Bratinella?" Tumayo siya at pinamayawangan ang mga ito. "Usung-uso na talaga ngayon ang mga torpeng lalaki 'no? Sa sobrang dami nila ay dinagdagan niyo pa. Para sabihin ko sa inyo, for one hundred times, na turn off siya sa mga lalaking kagaya ninyo na mga anak ng torpe! Kaya kung gusto niyong ligawan si Summer, mabuti pa na dumiretso na kayo sa kanya ngayon. Siya 'yung lapitan ninyo. Hindi 'yung binubulahaw ninyo ako sa pagri-review ko." Napailing ang isa na mas guwapo sa tatlo. "Kahit na kailan talaga ang sungit mo, Bratinella. Magkaibang-magkaiba kayo ng pinsan mo. Kaya natatakot sa iyo ang mga lalaki na manligaw, eh. Sayang ang ganda mo pa naman." Hindi niya agad magawang magsalita. Natameme siya sa sinabi nito na maganda raw siya. Hindi siya sanay na nakakarinig ng papuri. Tumikhim siya. "Tama na ang bola. Kung gusto ninyong pormahan si Summer, siya 'yung lapitan ninyo at hindi ako. Wala kayong mapapala sa akin," parungit pa rin niya. Isinukbit na niya ang bag sa balikat niya at kinipit ang tatlong libro. Maging ang binabasang notebook. Inayos din niya ang pagkakasuot ng sumbrelo sa kanyang ulo, nakaharap ang hood niyon sa kanyang likuran. Nakapuyod din ang mahaba niyang buhok na likas na tuwid, maitim at malambot. Kaya natatawag siyang tomboy dahil lagi siyang may suot na sumbrelo sa ulo. Nilingon muna niya ang tatlo. "Ayaw ni Summer ng torpeng lalaki," sabi pa niya bago tuluyang umalis. "Salamat, Bratinella!" Sumimangot lang siya. Malaki ang pagkakaiba nila ng kanyang pinsan na si Sweet Summer. Sa pananamit pa lang. Simple lang siya kung magsuot ng damit. Ang pinsan naman niya ay sunod sa uso. Mahilig din ito sa mga maiikling pananamit. Palaayos din ito, hindi niya katulad na tamang polbos at cologne lang ang kaartehan sa katawan. Pero maraming nagsasabi na bagaman at mataray ang dating niya ay mas 'di hamak na mas maganda siya kaysa sa pinsan niya kung mag-aayos lang din siya. Bagay na malayo niyang gawin. Pakiramdam niya ay kakatihin ang mukha niya kung maglalagay rin siya ng kolorete. Hindi rin niya ma-imagine ang sarili na may pulang-pulang lipstick sa labi. Naaalibadbarang binilisan niya ang paglalakad. Dumeretso siya sa may grandstand, sa may obal na nasa likod lang ng kanilang school. Isang malawak na open field na pinagdarausan ng mga laro. Malaya roong nakakapunta ang high school at mga college student. Prente siyang naupo sa isa sa mga bleacher na naroon. Napabuntong-hininga siya ng kumalam ang kanyang sikmura. Gutom na siya at hindi pa kumakain ng tanghalian. Biglaan kasi ang kanilang bayarin sa gagawing activity mamaya sa Science time. Kaya imbis na gastusin sa pagkain ang natitirang pera ay inilaan na lang niya iyon sa babayaran mamaya. Muli niyang binuklat ang notebook. "Miss, puwedeng magtanong?" Napapikit siya ng mariin. Hanggang doon ay sinusundan pa rin siya ng mga torpeng manliligaw ni Sweet Summer. "Puwede ba? Sawa na ako sa kasusunod ninyong mga lalaki kayo. Anak ng mga tinapa naman, oh. Ang totorpe niyo talaga. Puwede bang dumeretso na lang kayo kay Summer? Palagi niyo na lang akong iniistorbo! Kainis na kayo, ha!" "Ha?" nalilitong bulalas ng lalaking nagsalita sa likuran niya. Inis tuloy na nilingon niya kung sino ang nasa likuran niya. Muntik pa siyang mahulog sa kinauupuan ng masilayan ang isa na yata sa pinaka-guwapong nilalang ng Diyos sa mundo. Mabilis niyang binistaan ang hitsura nito. Matangkad ito, maputi, 'yung tipong kutis mayamanin, matangos ang ilong at mukhang likas na mapupula ang may kanipisang mga labi. Idagdag pa na kahit saan yatang anggulo ng mukha ay napakaguwapo nitong tingnan. Artistahin. Gusto niyang kumurap-kurap kung totoo ba ang nakikita niya sa harapan niya o isang aparisyon. Pero hindi naman ito naglaho sa harapan niya. Tinamaan siya bigla ng hiya ng magbawi siya ng tingin. College student ito base sa suot nitong itim na slacks at nag-aaral sa Meridette College. Kaki kasi ang kulay ng pambaba ng mga lalaki sa high school. Huminga muna siya ng malalim at lumunok bago muling nilingon ng bahagya ang lalaki sa likuran niya na nanatiling nakatayo. Animo poste ito sa tangkad. Bigla rin siyang nakaramdam ng kaba, ibang klase ng kaba na ngayon lang niya naramdaman. "A-Ano nga pala 'yung itatanong mo?" aniya na mahinahon na. "Sigurado ka bang hindi ka isa sa mga lumalapit sa akin para magpalakad sa pinsan kong si Sweet Summer? Kasi ngayon pa lang sinasabi ko na sa iyo na wala ka ring mapapala sa paglapit mo sa akin." May munting ngiti na gumuhit sa labi nito bago marahang umiling. Lihim siyang napalunok sa gesture nitong iyon dahil lalo itong gumwapo sa simpleng ngiti na iyon. Hindi niya inaasahan na may ganoong kaguwapong mag-aaral sa karatig na College school. "Hindi," tipid nitong wika. Ngayon niya napagtanto na maganda sa pandinig ang may kalamigan nitong boses. Animo boses ng isang vocalist sa isang banda. Tumikhim siya. "Puwede ka bang umupo kung may gusto kang itanong? Nangangawit na ang leeg ko katitingala sa iyo." "Okay," anito na naupo sa karatig niyang upuan na may dalawang bakante sa pagitan nila. Nasamyo pa niya ang mabango nitong amoy. Amoy mayaman. Nang titigan siya nito sa mukha ay mabilis siyang nag-iwas ng tingin. Hindi niya matagalan ang pagtitig sa maganda nitong mga mata. "Are you sure na pinsan mo si Sweet Summer?" Hindi niya nagustuhan ang sinabi nito. Para bang sinabi na rin nito na hindi ito makapaniwala na magiging pinsan siya ni Sweet Summer, eh, ang layo-layo ng histura niya sa kanyang pinsan. Bigla ang pag-asim ng mukha niya sa sinabi nito. "O, eh, ano naman kung pinsan ko siya? Problema mo?" Napangiti na naman ito sa kanya. "Bakit ba ang taray mo?" Inirapan lang niya ito. "Magkaiba kasi kayo ng pinsan mo," patuloy nito. Sa unang pagkakataon ay parang naiiyak siya dahil sa inis. Wala na bang katapusan ang pagkukumpara sa kanya sa pinsan niya? Parang gusto niyang pagsisihan ang pagpasok sa school na iyon kung saan naroon din ang pinsan niyang si Sweet Summer. "Bakit ba palagi niyo na lang kaming pinagkukumpara?" Masama na talaga ang loob na sabi niya rito. Kung may paghanga man siya rito ng makita ito kanina ay unti-unti na iyong naglalaho dahil sa nararamdamang inis. "I'm sorry kung na offend kita," anito ng mapansin ang inis na nakabalatay sa mukha niya. Tumikhim ito. "I'm just surprise na may pinsan pala siya na hindi niya kagaya." Tadyakan na kaya niya ito? "Oo na! Palaayos siya, ako hindi. Habulin siya, ako hindi. Dalagang-dalaga siyang kumilos, ako hindi. May gusto ka pa bang idagdag, ha?" Naniningkit ang mata niyang wika. "Pero kahit ganoon. Sa tingin ko ay mas maganda ka kaysa sa pinsan mo," seryoso nitong saad. Nakatikim tuloy ito ng irap sa kanya. Bagaman at nakaramdam ng munting kilig dahil sa sinabi nito ay sinarili na lang niya iyon at hindi ipinahalata rito. Pero ng maisip na baka nagpapalakas lang ito sa kanya para ilakad niya ito kay Sweet Summer ay may pagdududa na muli niya itong tiningnan. Nang magtama ang mga tingin nila ay nakita niya kung paanong tunawin siya sa pamamagitan lang ng pagtitig nitong iyon. Napalunok siya ng maramdaman ang pagbilis ng t***k ng kanyang puso. Bagay na ngayon lang din nangyari sa kanya. Weird. "H-Hindi mo ako makukuha sa pambobola mong iyan para lang mailakad kita sa pinsan ko. Luma na 'yang style mo." Muli niyang isinukbit ang bag at kinipit ang dalang libro at notebook. Gusto na niyang makalayo rito dahil hindi na biro ang mabilis na t***k ng kanyang puso. "Aalis ka na?" "Oo. Buwisit ka kasi." He sigh. "Hindi naman kasi tulad ng iniisip mo, Miss. May itatanong lang talaga ako," napasulyap pa ito sa kipit niyang libro. Tumaas ang isa niyang kilay. "Ano 'yon?" "Fourth year ka na 'di ba?" "Oo." "Dala mo 'yung Physics mo?" Ipinakita niya rito ang librong tinutukoy nito. "Oo, dala ko." "Puwede bang mahiram muna?" Tumaas lalo ang isa niyang kilay. "At bakit?" "Kailangan kasi ng kapatid ko na first year student dito sa school ninyo. Madali lang naman." "'Wag mo akong patawanin, Mister. Bakit ako 'yung hihiraman mo? Marami pa naman diyang iba at isa pa ay gagamitin ko ito mamayang second period namin." "Ibabalik ko rin naman. Sige na, wala na kasing oras. Nahihiya kasi 'yung kapatid ko na manghiram ng libro." Sa taglay nitong kaguwapuhan. Baka isang sabi lang nito sa iba ay dagsain pa ito ng magpapahiram dito ng libro na kailangan ng kapatid nito na naroon din sa school na pinapasukan niya. "Sino ka ba? Hindi kita kilala saka sawa na akong magpahiram ng libro. Noon kasi ay nakapagbayad pa ako ng libro dahil hindi ibinalik noong nanghiram sa akin." "Hindi naman ako katulad no'n. I'm Jayden Villaseñor," nakangiti pa nitong sabi bago inilahad ang kamay sa harapan niya. Napatingin lang siya sa kamay nito. Nahihiya siyang tanggapin iyon. Dahil hindi niya tinanggap ang kamay nito kaya isinuksok na lang nito iyon sa bulsa ng slacks nito. "Sige na. Ibabalik ko rin naman mamaya. Ano ba ang section mo at pangalan mo?" Pamimilit pa rin nito. "S-Sa Pilot section ako. Bratinella Andama ang pangalan ko." Napangiti na naman ito. "Ang unique ng pangalan mo, Bratinella." Kung dati ay ayaw niya sa pangalan niya dahil tunog spoiled brat. Ngunit ng banggitin nito iyon ay parang kay gandang pakinggan. Ayaw pa sana niyang umalis pero nangangati na ang paa niya, kaya tumayo na siya. Mabilis nitong kinuha ang cellphone nito sa bulsa nito at agad na inilahad sa harapan niya ng tumayo rin ito. Umabot lang siya sa dibdib nito. May pagtatakang tiningnan niya ang cellphone. "Ano naman ang gagawin ko riyan? Ipagbibili mo? Pasensiya na pero wala akong pera." Lalampasan na sana niya ito ng pigilan naman siya nito sa braso. "Sa iyo na muna itong cellphone ko bilang assurance na ibabalik ko nga ang libro sa iyo mamaya. Importante ito sa akin dahil regalo pa ito ng daddy ko." Muli niyang pinagmasdan ang bago nitong cellphone na tanging mapepera lang ang mayroon sa panahong iyon. "Wala akong paki riyan sa cellphone mo." Binawi na niya ang braso at tuluyan na itong nilampasan. Napatigil lang siya ng muli itong magsalita. "Hay, akala ko pa naman na mabait ka. Kaya ikaw ang nilapitan ko. Nagkamali ako." Napabuga siya ng hangin. Nangonsensiya pa ito. Akala raw nito ay mabait siya? Napaisip siya. Wala namang masama kung pahihiramin niya ito. Basta ibabalik lang nito sa kanya mamaya. Muli niya itong hinarap. "Nangonsensiya ka pa," aniya na nilapitan itong muli at idipinagduldulan sa dibdib nito ang libro niyang Physics. "O, ayan na, ha? Basta ibalik mo lang. Pero 'yung ID mo ang kapalit." Kung bakit kailangan ng kapatid nito ang libro niya, wala siyang ideya "Paano 'yon?" anito ng kunin ang libro. "Gamit ko ang ID ko. 'Di ba, No ID, No Entre? Ito na lang cellphone ko. Ibabalik ko rin naman mamaya. Ihahatid ko sa room mo para sure." Tinitigan muna niya ito sa mata. Seryoso naman ito. Pati mata nito ay nakakahipnotismo kung makatitig. "Sige. Pero siguraduhin mo lang na ibabalik mo agad bago mag-two o'clock dahil gamit ko 'yan." "Sure." Ito pa ang naglagay ng cellphone nito sa palad niya. Mabilis niya iyong inilagay sa bulsa ng palda niya. "Aasahan ko 'yang libro ko mamaya." Tumango ito. "Sige na at babalik na ako sa room namin." "Wait," pigil nitong muli sa kanya. Naglakad ito palapit sa kanya habang mataman siyang pinakatititigan sa mukha. "Bakit parang putla ka? Nag-lunch ka na ba?" Halata ba masyado na mahilo-hilo na siya dahil sa gutom? Pero hindi niya sinabi rito ang totoo. Sa halip ay... "Kumain na ako." Tatalikuran na sana niya ito ng pigilan siya nito sa balikat. "Ano na naman?" "Medicine ang course ko kaya alam ko kung nagsisinungaling ka." Magdo-doctor ito? Kaya pala ang linis-linis nitong tingnan. "Masama ang magpalipas ng gutom," naiiling nitong hinawakan ang kamay niya at hinila siya pababa sa grand stand. "T-Teka. Saan tayo pupunta?" Hindi nito sinagot ang tanong niya. Deretso lang sila sa paglalakad hanggang sa humantong sila sa canteen nila. Malaya itong nakapasok sa school nila dahil wala naman doong guard na maninita. Hindi katulad sa college kung saan kinakailangan ng ID. Nagpaiwan siya sa labas ng pumasok ito sa loob ng canteen. Dinig pa niya ang paghanga ng mga kapwa niya mag-aaral. Paglabas nito ay may dala na itong plastic na siguradong pagkain ang laman. Inilagay nito iyon sa kamay niya. "Bakit—" "Kainin mo 'yan. Sige, mamaya na lang uli tayo magkita. Dadalhin ko na lang ito sa room mo." Itinaas pa nito ang libro. "Sandali lang, Jayden." Pero nginitian lang siya nito bago nagmamadali na ring naglakad palayo. Nahabol na lang niya ito ng tingin. Pagkuwan ay nagbaba ng tingin sa plastic bag at inusisa ang laman niyon. Mayroon doong isang malaking C2 Apple, dalawang hamburger at dalawa ring sandwich. Napalunok siya. Hindi niya afford ang ganoon karami. "Ang bait niya." Napangiti pa siya na hindi na mapuknat-puknat habang naglalakad siya pabalik sa room nila. Doon na rin niya kinain ang biniling pagkain ni Jayden habang nagbabasa siya ng notes sa kanyang notebook.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Married To A Billionaire

read
1.0M
bc

A Billionaire In Disguise

read
661.3K
bc

A Kiss From The Billionaire's Son

read
2.3M
bc

Sin With Me ( SPG )

read
1.6M
bc

Game of Pleasure: Triv Sauler

read
672.0K
bc

Worth The Wait

read
197.9K
bc

Paid By The Billionaire (ZL Lounge Series 03)

read
240.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook