bc

Married To A Mafia Boss

book_age16+
28.4K
FOLLOW
217.9K
READ
dark
HE
age gap
heir/heiress
addiction
like
intro-logo
Blurb

My Dangerous Lovers - MAFIA WRITING CONTEST #MyDangerousLovers

#SummerUpdateProgram

Pagka-graduate na pagka-graduate pa lamang ni Karizza sa college, alam na niya kung ano ang susunod. Iyon ay ang magpakasal sa isang mayamang lalaki na pinagkakautangan ng kaniyang ama.

At ang utang na iyon, siya ang kabayaran. Nilunok ni Karizza ang lahat ng sama ng loob dahil alam niya, siya ang dahilan kung bakit hanggang ng mga sandaling iyon ay malakas at buhay ang kaniyang ina. Iyon na lamang ang ginagawa niyang dahilan kung bakit hindi siya puwedeng sumaway sa kaniyang ama.

Buong akala niya, matanda na ang tinatawag na Boss Zi ng kaniyang ama. Kaya sa araw ng kanilang kasal ay laking gulat niya nang makitang batang-bata pa ang kaniyang mapapangasawa.

Ang lalaking minsan na rin niyang nakaengkuwentro at nasampal ng dalawang beses sa harap ng maraming tao!

Bigla, para bang gusto niyang maglaho na parang bula nang magkaharap silang dalawa ni Kenzie 'Zi' Castellano. Ang lalaking makalaglag panga ang kaguwapuhan at ang lalaking pakakasalan niya.

chap-preview
Free preview
Chapter 01
HABANG papalapit nang papalapit ang sandaling hinihintay ni Karizza para bumaba sa kotseng kinasasakyan, pakiramdam niya, para naman siyang bibitayin. Pero hindi siya nagpahalata. Dahil noon pa man, tanggap na niya ang kahihinatnan ng kaniyang buhay. Dahil matapos niyang magtapos sa kolehiyo. Kailangan niyang magpakasal sa isang lalaki na kahit minsan, hindi pa niya nakikilala o nakikita. Boss Zi, iyon lang ang pagkakakilala niya sa kaniyang mapapangasawa. Ang nabuo nga niyang imahe sa kaniyang isipan ay mas matanda pa sa kaniyang ama ang tinatawag nitong Boss Zi na matagal na nitong pinaglilingkuran. Hindi nga lang niya alam kung sino iyon dahil hindi naman siya nangingialam sa trabaho ng kaniyang ama. Basta ang alam lang niya, naglilingkod ito sa isang mayamang pamilya. Bilang isang family driver. Tatlong taon na ang nakalilipas nang magkaroon ng malubhang sakit ang kaniyang ina. Kinailangan nitong operahan dahil kung hindi, maaari itong mawala sa kanila. Masyadong malaki ang perang kinakailangan at iyon ang isa sa ikina-stress ng kaniyang ama noon dahil walang-wala sila. Hanggang sa may mag-alok dito ng tulong. Tulong na hindi basta-basta dahil mayroong kapalit. At ang kapalit na iyon? Walang iba kung ‘di siya. Hinintay lang talaga siyang makatapos sa kolehiyo para maisagawa ang naturang kasal. “Patawad, anak,” yukong-yuko ang ulo ng ama ni Karizza na si Abel Melendrez. “Patawad kung ikaw ang hinihinging kapalit ng taong magbibigay ng malaking halaga para maoperahan ang mama mo.” Iniyakan iyon ni Karizza. Ngunit mahal na mahal din niya ang kaniyang ina. At handa siyang tiisin ang lahat makita lang itong magaling at walang sakit. Kaya naman pikit mata niyang tinanggap ang kasunduang iyon. Ang makasal siya sa boss ng kaniyang ama sa edad niyang twenty-two. “Ma’am Karizza, maaari na po kayong bumaba,” anang wedding coordinator na nagbukas ng pinto sa gilid ng kotseng kinasasakyan ni Karizza. Saka lang animo nagising mula sa isang malalim na pagkakatulog si Karizza. Napakurap pa siya. “S-sige. Bababa na ako,” aniya. Inalalayan pa siya niyon sa pagbaba sa kinasasakyan niyang bridal car. Ang araw na iyon ay ang araw ng kasal niya. Kasal sa lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita. Huminga nang malalim si Karizza nang makalapit siya sa malaking pinto ng St. James The Great Parish, ang pamosong simbahan sa loob ng Ayala Alabang Village. Inihanda niya ang kaniyang sarili matapos bigyan ng instruction ng wedding coordinator kung ano ang mga dapat niyang gawin. Oras na bumukas ang pinto ng simbahan ay saka lang siya papasok sa loob niyon. Ano ba ang dapat niyang maging reaksiyon? Dapat ba siyang ngumiti at ipakitang masaya siya kahit na ang totoo ay hindi? Gusto niyang umiyak. Pero alam niya, wala naman siyang magagawa. Ang kasal na iyon ay isa sa simbolo ng patuloy na buhay ng kaniyang pinakamamahal na ina. Ipinikit ni Karizza ang mga mata habang hawak nang mahigpit ang kaniyang wedding bouquet. Hindi naman kaila sa kaniya na sobrang yaman ng kaniyang mapapangasawa. Siguro dahil sa tagal na niyon sa mundo kaya marami talagang naipundar. Lalo na at isa raw sa pinakamalaking bahay sa loob ng Ayala Alabang Village ang tinitirhan niyon ayon na rin sa kaniyang ama. Malapalasyo kung i-describe ng kaniyang ama. Unti-unting iminulat ni Karizza ang kaniyang mga mata nang maramdaman ang pagbukas ng malaking pintuan ng simbahan. Agad na sumalubong sa kaniya ang malamig na hangin na galing sa loob. Air-conditioned ang naturang simbahan. Isang sikat na orchestra ang tumutugtog. Napakaganda ng ayos ng loob ng simbahan. Wala siyang masabing hindi maganda. Tipong iisipin ng ibang tao na talagang pinag-isipan at pinaghandaan ang kasal na iyon. Buhat sa kaniyang kinaroroonan ay natanawan niya ang isang bulto sa unahan ng simbahan. Nakatalikod. Sa sobrang layo niyon ay hindi rin niya maaninag. Kalapit ng bultong iyon ang animo naghihintay sa kaniya na matanda. Ang matanda ba na iyon ang kaniyang mapapangasawa? May kilabot siyang naramdaman. Humakbang na si Karizza papasok sa loob ng simbahan. Paghakbang na ang ibig sabihin, papasukin na niya ang bagong mundo na siguro nga ay nakatakda na sa kaniyang mangyari. Kahit na pekeng ngiti ay hindi na niya ipinagdamot pa. Tinitigan na lamang niya ang kaniyang ama’t ina na naghihintay sa kaniya sa gitnang bahagi ng simbahan. “Mama, hindi mo kailangang malungkot para sa akin. Ang importante po sa akin, may nagawa ako para mapagaling po kayo. Mahal na mahal po kita, Mama Sol. Kayo ni Papa Abel. At kung maibabalik man ang kahapon, sasang-ayunan ko pa rin po si Papa para lamang madugtungan ang buhay ninyo. Mas hindi ko po kaya na mawala kayo sa amin ni Papa Abel. Kayo lang po ang mayroon kami, Mama. At ayaw ko rin po na magkukulang tayong tatlo.” “Patawad, anak. Hindi ko rin naman kagustuhan na magkaroon ng malubhang sakit noon.” “Katulad po ni Papa Abel, gagawin ko rin po ang lahat para sa inyo, Mama.” Nag-iisa lamang siyang anak at hindi niya lubos maisip na magkukulang pa silang tatlo. “Handa ka na ba, anak? Ikakasal ka na bukas,” nag-aalangan pang tanong sa kaniya ng kaniyang ina. “Mama, ang totoo po niyan, natatakot ako na hindi ko maintindihan. Siguro po, dahil na rin, hindi ko pa nakikita ang lalaking mapapangasawa ko.” “Palaging sinasabi ng ama mo na mabait naman ang boss niya. Sana nga, maging maayos ang pagsasama ninyo...” Hindi niya masabi sa ina na natatakot siya dahil siguradong doble ng edad niya ang lalaking pakakasalan niya. Hindi niya alam kung paano ba niyang sisikmurain iyon. O baka nga lolo na niya halos ang lalaking iyon? Maging ang ama kasi niya ay ayaw siyang bigyan ng description ng hitsura ng boss nito. Pigil-pigil ni Karizza ang maiyak nang tuluyan siyang makalapit sa kaniyang ama’t ina. Mahigpit pa siyang niyakap ng kaniyang Mama Sol. Alam niya na deep inside ay hindi nito gusto ang maikasal siya sa hindi naman niya napupusuan, ngunit wala rin naman itong magagawa. Nang ihatid siya ng kaniyang mga magulang palapit sa harap ng altar. Napatingin pa siya sa isang lalaking matanda na nasa tabi ng lalaking nakatalikod. Gusto niyang isipin na siguro ay best man ng matandang lalaki ang nakatalikod na iyon. At ang groom niya, iyong matandang lalaki na mukhang paboritong humithit ng tabaco. Gusto niyang himatayin para hindi matuloy ang kasal na iyon. Ngunit animo huminto sa pag-inog ang mundo ni Karizza nang pumihit paharap sa kaniyang kinaroroonan ang lalaking nakatalikod na kanina pa niya napapansin. Bigla, para bang nalulon niya ang kaniyang dila dahil wala siyang maapuhap na sasabihin. Idagdag pa na makalaglag panga ang kaguwuhan ng lalaking animo Prinsipe na nakatayo sa hindi kalayuan sa kaniya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
180.7K
bc

His Obsession

read
89.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.8K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook