bc

Karzon Montejero: The Cold Husband

book_age16+
186.1K
FOLLOW
2.1M
READ
billionaire
love after marriage
second chance
arranged marriage
arrogant
drama
city
weak to strong
wife
husband
like
intro-logo
Blurb

#SummerUpdateProgram

* PRIX MONTEJERO: THE FORMER PLAYBOY

* SEPHANY MONTEJERO: THE MARRIAGE CONTRACT

* PRINCE MONTEJERO: THE BILLIONAIRE'S SON

* THEO BALLMER: THE ARROGANT BILLIONAIRE

( Mababasa rin po ito rito sa libro ni Karzon Montejero. Scroll down ka lang po pababa sa last chapters.)

Dahil sa pabagsak na negosyo ng pamilya ni Natanya Silvila o mas kilala bilang Tanya, kaya naman ginamit na ng kaniyang ama ang huli nitong alas para lamang maisalba ang kanilang kabuhayan. Bilang panganay na anak ni Concio Silvila ay kailangan niyang magpakasal sa kapatid ng business partner nito na sa hinagap ay hindi pa niya nakikita ng personal. An arrange marriage.

At base sa edad ng business partner ng kaniyang ama na puro puti na ang buhok ay itinatak niya sa kaniyang isipan na matanda na rin ang lalaking nakatakda niyang pakasalan.

Simpleng kasalan lamang ang nangyari. At sa mismong araw din ng kasal nilang iyon nakita ni Tanya ang lalaking pakakasalan niya na halos magpapigil sa kaniyang paghinga dahil mas bata iyon sa kaniyang inaasahan. Matipuno, itim na itim ang buhok, makalaglag panga ang kaguwapuhan at higit sa lahat ay nakakatunaw kung makatitig. Tiyak niya na maraming babae ang iiyak dahil itinali nito ang sarili sa kaniya.

Ang suwerte raw niya sa napangasawa niya, iyan ang palagi niyang naririnig. Ngunit taliwas doon ang katotohanan. Dahil malamig pa sa yelo ang kaniyang asawa…

chap-preview
Free preview
Chapter 01
TAHIMIK lang na naghihintay si Tanya sa loob ng isang pribadong opisina ng isang Huwes. Kasama niya roon ang kaniyang ama’t ina at tatlong nakababatang kapatid na sina Nhiel, Sebastian at Sofia. Naroon din ang tumatayong witness na malapit na kaibigan ng kaniyang amang si Concio Silvila na hindi ito tinalikuran sa kabila ng pinagdaraanan. Iyon ang araw na nakatakda siyang ikasal sa isang lalaki na sa hinagap ay hindi pa niya nakikita sa personal. Paano nga ba siyang napunta sa ganoong uri ng sitwasyon? Hindi naman siya nabuntis ng maaga o ano pa man. Ngunit iyon lang ang tanging paraan para isalba ang negosyo ng kanilang pamilya. Kailangan niyang magpakasal sa isang Karzon Montejero… “Dad,” ani Tanya sa kaniyang ama na agad kinuha rito ang hawak nitong baso na sinalinan nito ng alak. Umiinom na naman ito sa may mini bar ng kanilang bahay ng dis oras ng gabi. At iyon ang pangalawang beses na nakita niyang ganoon ang kaniyang ama. Mukhang devastated ito. “Bakit ka po nag-iinom? Hindi mo po ito gagawin kung wala kang problema.” Kilala ni Tanya ang kaniyang ama, hindi ito basta-basta umiinom ng walang malalim na dahilan. Naupo si Tanya sa karatig na high stool chair na kinauupuan ng kaniyang ama at pumihit paharap dito. “Ano po ba’ng nangyari? Tell me, dad.” Marahas itong bumuntong-hininga. Pagkuwan ay malungkot na inilibot ang tingin sa paligid ng malaki nilang bahay. “Napakalaki ng problema ko anak,” anito na muling ibinalik ang tingin sa bote ng alak sa harapan nito. “Ang kompanya at ang bahay na ito, anumang sandali ay maaaring mawala sa atin ng tuluyan.” Umawang ang labi niya. Gusto niyang isipin na nagbibiro lang ang kaniyang ama. Lumunok siya upang alisin ang tila bara sa kaniyang lalamunan. Sinikap niya ang ngumiti at hindi magpadala sa emosyon. May takot sa puso niya at hindi niya iyon ikakaila. Kung mawawawala ang bahay nila at ang kompanya ng kaniyang ama, saan sila pupulutin? “D-Dad, bakit niyo naman po nasabing mawawala ang bahay natin at ang kompanya ninyo?” Sa pagkakaalam naman niya ay hindi basta-basta babagsak ang kanilang kompanya ng basta na lamang. Imposible iyon. “Nito ko lang nalaman na noong mag-take ng vacation leave ang pinagkakatiwalaan kong accountant ay kasama niyang nawala ang lahat ng pera ng kompanya. Kasama ang traydor kong assistant. At wala na silang balak na bumalik sa kompanya. Excuse lang nila ‘yong vacation leave para hindi sila paghinalaan na wala ng balak na bumalik pa. Wala na rin sila sa dati nilang tinitirhan.” “Dad, puwede natin silang ipahanap sa mga NBI o detective. Tell me, ano’ng dapat kong gawin para makatulong sa paghahanap sa kanila?” “Kung sana ay ganoon nga kadali, anak. Na-report na namin ‘yan. At ang masaklap na resulta, mga peke ang dokumento na mayroon sila. Ang pangalan nilang ni-represent sa company ay peke. Hindi nila mga totoong pangalan. Magaling silang manloko. Mukhang ‘yon talaga ang forte nila. Sigurado ako na nakapagpalit na rin sila ng pangalan ngayon at nagtatago kung saan mang panig ng mundo. Nakakapanghina, anak. Ayaw kong ipakita sa inyo na ganito ako ngayon. Nasa point na hindi na alam ang gagawin para maisalba ang kompanya natin.” Mariin itong pumikit. Kasabay niyon ay ang pagpatak ng luha nito sa mga mata. “D-Dad,” aniya na yumakap dito. “Magiging okay rin ang lahat, dad.” Umiling-iling ito. “Delay na ang sahod ng mga trabahador natin. May mga nag-resign na rin. Hindi ko na alam…” Parang dinudurog ang puso niya. Ramdam niya ang paghihirap ng kalooban ng kaniyang ama. “Hindi ko alam kung saan pa ako kukuha ng ipapasahod sa mga tauhan natin. Nailabas ko na rin ang sarili nating savings. May mga loans na lumabas na nakapangalan sa kompanya natin. Multi-millions. Tayo lahat ang magbabayad noon.” Kumuyom ang palad niya. Masama ang loob para sa mga taong pinagkatiwalaan ng kaniyang ama. Pero sa huli, gumawa ng anumalya. At hindi niya kayang makitang ganoon ang ama niya. “Dad, baka may option pa para maisalba ang kompanya.” Buti siya, nakatapos na sa kolehiyo. Pero paano ang tatlo pa niyang nakababatang mga kapatid na nag-aaral pa lang sa college at high school? “Cheer up, dad. Don’t look at the dark side. Sigurado po ako na may sulusyon pa rin sa problemang kinahaharap natin. ‘Wag kayong basta sumuko. Hmmm?” Mabilis niyang pinahid ang luhang kumuwala sa kaniyang mga mata. Kumalas siya sa kaniyang ama mula sa pagkakayakap dito pero nanatili ang kaniyang isang kamay sa paghagod sa likuran nito. “Wala ng gustong tumulong sa atin dahil alam nila na wala na rin tayong pagkukuhanan pang iba para makabayad ng utang sa kanila. Walang gustong sumugal dahil matatagalan bago tayo makaahon ulit.” “Nagawa ka pong talikuran ng mga kaibigan mo?” Umawang ang labi niya nang tumango ito. “Ano ‘yon, dad, kaibigan ka lang nila kapag may pera ka?” Gustong sumama lalo ng loob niya. Kaya pala pansin niya rin nitong mga nakaraan ang pananamlay ng kaniyang ina. May pinagdaraanan palang mabigat ang pamilya nila. Ni wala namang sinasabi ang mga ito sa kanila. Kung hindi pa niya tatanungin ang kaniyang ama ay baka malalaman lang niya ang problema kapag pinalayas na sila sa bahay nilang iyon. “May isa akong kaibigan na gustong bilhin ang bahay natin kasama ang lahat ng gamit, pero halos baratin ako…” “Dad, ‘wag kayong papayag. Isipin ninyo kung may iba pang sulusyon.” Natatakot siyang isang araw ay malaman na lang niya na pati ang kaniyang ama ay nag-give up na. Ipinilig niya ang kaniyang ulo nang maalala ang mga napapanood sa movie na sa sobrang depression na nararamdaman ng isang taong nawala ang lahat ng pinaghirapan ay nauwi sa pagpapakamatay. Muli niyang niyakap ang kaniyang ama. Ayaw niyang mauuwi sa ganoon ang kaniyang ama. Hindi maaari. “‘Wag na ‘wag din ninyong lalapitan ang alak, dad. Hindi po ‘yan makakatulong para makapag-isip ka ng maayos. Sa masama ka niyan dadalhin, eh.” “Iniisip ko nga anak, what if, mang-holdap na lang ako ng bangko?” “Dad! Hindi mo gagawin ‘yan,” apila niya. Hindi niya alam kung nagbibiro lang ba ito o hindi. Pero seryoso ang mukha nito. “Ang mommy mo, baka layasan na lang ako dahil naghirap na ako.” “Hindi ‘yon gagawin ni mommy sa iyo, dad. Mahal na mahal ka ni mommy.” Pero hindi tumugon ang kaniyang ama sa kaniyang sinabi. May hindi na ba pagkakaunawaan sa pagitan ng kaniyang ama at ina? Hindi niya ma-imagine na magiging broken family sila. Parang lalong dinurog ang puso niya sa isiping iyon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
141.6K
bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
186.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
82.5K
bc

His Obsession

read
92.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook