Dahlia Amarelle, twenty-three years old. Bata pa lamang ay lumaki na siya sa harap ng flash ng camera. Hindi siya artista na umaarte sa mga palabas, pero endorser siya ng mga bigating brand sa loob at labas ng bansa.
Matamis man ang ngiti niya sa harap ng camera, ngunit kabaligtaran niyon ang totoo. She wanted to scream and cry. Para kasing sa loob ng twenty years niya sa industriyang tinahak niya, bawal siyang magpahinga. Kaliwa’t kanan ang endorsement na palaging ibinibigay sa kaniya ng kaniyang ina na siyang tumatayong manager niya. Nakalimutan na yata nitong tao pa rin siya at hindi robot.
Hanggang sa mapuno na siya at takasan ang mundong ginagalawan. Nag-iwan siya ng sulat sa kaniyang ina na ‘wag muna siyang hahanapin at hayaang huminga.
At sa pag-alis niyang iyon, magtatagpo ang landas nila ng lalaking sa hinagap ay hindi niya lubos maiisip na makikilala. Ngunit ang problema, hindi pala nag-iisa ang mukha nito na muntik pa niyang ikalito!