bc

A Kiss From The Billionaire's Son

book_age16+
174.1K
FOLLOW
2.3M
READ
billionaire
possessive
family
fated
arrogant
independent
CEO
sweet
city
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Because of a five-peso coin, Maryey almost got into an accident while picking it up from the road. The furious driver of the car looked like he was ready to crush her on the spot.

He kept scolding her, but when Maryey glanced at his face again, her brain stopped processing his words. She couldn’t help but stare—he was unbelievably handsome. The man grew even angrier when she accidentally spilled her Zagu (a Filipino pearl milk tea) on his spotless white pants.

As if bad luck wasn’t done with her yet, that same man turned out to be the acting manager at her workplace. Worse, he constantly singled her out because she owed him and made her workdays miserable.

Then, one day, out of nowhere, he kissed her on the side of the highway. The kiss completely threw Maryey off balance, leaving her wide awake all night.

Was she foolish to hope he felt something for her, too? Or was she just another girl he’d leave hanging?

chap-preview
Free preview
Chapter 01
“CHEERS!” Itinaas pa ni Irene ang kamay na may hawak na ladies drink. Napailing-iling naman si Maryey sa kaibigan. “Irene, hindi pa ba tayo uuwi?” “Ano ka ba, Maryey? Minsan na nga lang tayo mag-jamming nagpapaka-KJ ka na naman. Look, ang daming fafables dito sa bar kaya ‘wag kang KJ.” Wala naman talaga siyang balak na sumamang mag-bar dito, dangan nga lamang at sobrang mapilit nito na lumabas naman daw sila. Ipinagpaalam pa siya nito sa mga magulang niya na mag-ge-get together silang dalawa para wala siyang tanggi. Masyado itong happy-go-lucky dahil walang iniintindi kundi ang sarili lang, palibhasa galing din sa may sinasabing pamilya at hindi namomroblema sa perang gagastusin. Inikot-ikot ni Maryey ang straw sa hawak na ladies drink. Masyadong maingay ang tugtog sa loob ng Night Out Bar, ang ibang tao ay abala naman sa may dance floor. Inirapan niya si Irene nang magpaalam ito na pupunta lang sa dance floor. Inaya pa siya na mariin naman niyang tinanggihan. Makikipagharutan lang naman ito roon. Hindi pa nangangalahati ang laman ng baso niya nang ipasya niyang tumayo. Isinukbit niya sa balikat ang dalang shoulder bag at mabilis na hinayon ang CR. Hindi rin naman siya nagtagal doon. Dumaan muna siya sa may bar counter at um-order ng Ice Tea dahil hindi niya trip ang lasa ng ladies drink. Hindi pa siya natatagalan doon ng may maupong lalaki sa high stool chair sa may tabi niya. Wala sa sarili na napabaling siya sa gawi niyon. Only to freeze for a moment. Gusto niyang kurutin ang sarili kung aparisyon lang ba niya iyong lalaki sa tabi niya o totoo ito? Hindi niya mapigilan ang sarili na hindi ma-star-struck sa kaguwapuhan nitong taglay. Siguro kung si Irene siya, baka ora mismo ay nagpapansin na siya rito. Hindi niya alam kung saan papaling nang balingan siya nito. He has an expressive dark brown eyes, pointed nose and damn kissable lips. Iyong tipo ng labi na madamot sa ngiti, pero sa kabila niyon ay parang masarap humalik. May pagka-missy hair ang ayos ng buhok nito pero hindi iyon nakabawas sa malakas nitong dating, lalo pa nga iyong nakadagdag. Eye catcher, iyon ito. Iyong tipong lilingunin talaga ng kahit na sinong babae. “Why?” anang baritonong boses nito. Ni hindi ngumingiti bagaman at nakatitig sa kanya. Napakurap-kurap siya, pagkuwan ay napapahiyang nagbawi siya ng tingin at hindi sinagot ang tanong nito. Pasimple pa siyang napapikit ng mariin. Admitted na pati boses nito ay pak na pak ang dating sa kanyang pandinig, buong-buo. Lalaking-lalaki. Geez, ano bang pinag-iiisip niya? Damn this gorgeous guy. Maryey, why on earth, lantaran ka kung tumingin sa lalaki? saway pa ng isip niya sa kanya. “Hi, handsome,” narinig pa niyang sabi ng isang maharot na babae. Hindi niya napigilan ang sarili na muling bumaling sa kinaroroonan nito. Deretso lang ang tingin nito sa unahan at ni hindi pinansin ang papansin na babae. “Miss, order mo.” Saka lang siya muling nagbawi ng tingin. “Thank you,” aniya sa bartender bago kinuha ang order. Ayaw pa sana niyang umalis pero ayaw rin niyang magpaka-obvious na attracted siya sa kaguwapuhan nito. Sinulyapan na lang niya ito ng isa pa bago siya bumalik sa table nila ng kaibigan. Mula sa kinauupuan ay napangiti pa siya nang matanawan buhat doon ang nakatalikod na lalaki. Hindi niya namalayan na naubos na pala niya ang laman ng baso katititig sa likod nito. Nainip na rin siya dahil hindi pa bumabalik ang kaibigang si Irene. Sa dami ng tao sa dance floor ay hindi niya ito matanawan. Wala sa wisyong inubos niya ang natitira niyang ladies drink sa baso. Nang mainip sa pagbalik ni Irene kaya nag-text na lang siya rito na uuwi na siya. Hindi na niya hinintay pa na mag-reply ito. Sukbit ang bag sa balikat na hinayon niya ang palabas ng bar. Saktong paglabas niya nang bigla siyang makaramdam ng pagkahilo. Nasapo niya ang noo. Hindi naman hard drinks ang ininom niya pero bakit daig pa niya ang nakainom ng hard? Hinilot-hilot niya ang noo pero lalong lumalala ang pagkahilong nararamdaman. “Miss, are you okay?” naulanigan pa ni Maryey na tanong ng isang lalaki na lumapit sa kanya. “Tulungan ka na namin,” sabi pa ng kasama nito. Itinulak niya ang lalaking humawak sa braso niya. Ayaw niya iyong hinahawakan siya basta-basta ng kung sino lang na lalaki. “H-Hindi ko kailangan ang tulong ninyo,” tinabig niya ang kamay ng lalaking muling humawak sa braso niya. “s**t,” daing niya nang magdoble na ang paningin niya. Pakiramdam niya ay umiikot na ang paligid niya. Paanong nangyari iyon? “Kahit naman anong tanggi mo, Miss, sa amin pa rin ang bagsak mo,” ngumisi pa ang lalaking malagkit na ang tingin sa kanya. Animo handa na siyang kainin ng buhay. “H-Huwag niyo akong hawakan!” Nakaramdam siya ng matinding takot dahil sa dalawang lalaking mukhang may masamang balak sa kanya, pero ilang segundo pa ang lumipas ay tuluyan ng nagdilim ang lahat sa kanya. Wala na siyang nagawa lalo na ng pangkuhin na siya ng lalaking may ngising aso sa labi.   HINDI pa halos napapangalahati ni Sergio Delavin ang hawak na stick ng sigarilyo nang maagaw ng tatlong tao ang kanyang atensiyon. Ang dalawang lalaki ay panay ang hawak sa isang babae, habang ang babae naman ay panay ang palag. Hindi sana niya pagtutuunan pa ng pansin ang mga ito nang marinig naman niya ang sinabi ng isang lalaki kaya muli siya roong napatingin. “Kahit naman anong tanggi mo, Miss, sa amin pa rin ang bagsak mo.” “H-Huwag niyo akong hawakan!” Nagsalubong ang kilay niya. ‘Di yata’t pinipilit ng dalawang lalaking iyon na isama ang babae? Lalong lumakas ang kutob niya nang mayamaya pa ay mapansing wala ng malay ang babae. Pinangko iyon ng lalaking parang sabog sa droga ang hitsura. Ngumisi pa ito at inamoy ang walang malay na babae. “Buksan mo na agad ‘yong kotse mo, Arman. Jackpot tayo sa magandang ito. f**k ang bango!” Basta na lang niya tinapon sa semento ang sigarilyo at tinapakan ang baga niyon. Animo may sariling isip ang mga paa niya na naglakad palapit sa mga ito at bago pa maisakay ng lalaki ang walang malay na babae sa kotse ay agad niyang pinigilan ang balikat nito. “Bitiwan mo siya,” maawtoridad niyang utos sa lalaking sumama ang timplada ng mukha nang makita siya. “At sino ka naman para sundin ko?” Inilayo pa nito ang babae sa kanya. “Do it, bago pa ako tumawag ng guard, bouncer at police.” Mas matangkad siya rito kaya halos tingalain siya nito. “Buwisit, tara na Jonard bago pa tayo madali rito,” anang kasama nito na mabilis sumakay sa may driver side. Halatang natakot sa sinabi niya. Nakipagtagisan pa sa kanya ng tingin ang lalaking may pangko sa babae. “May araw ka rin. Tatandaan ko ‘yang pagmumukha mo,” banta pa nito bago ibinaba ang babae. Mabilis naman niya iyong kinuha bago pa matumba sa semento. “Damn,” sa isip ay namura pa niya ang lalaking pinanlisikan pa siya ng namumula nitong mga mata bago sumakay sa kotse. Mabilis naman iyong pinaharurot ng kasama nito. Nang tuluyang makalayo ang mga mukhang adik na lalaki ay saka niya pa lamang natitigan sa mukha ang babaeng walang malay. Medyo nagsalubong ang kilay niya. Parang nakita na niya ito. Nang maalala ang babaeng titig na titig sa kanya kanina sa may harap ng bar counter ay saka pa lang luminaw sa kanya kung saan niya nakita ang mukha nito. Sa pagkakatanda ni Sergio ay Iced Tea lang naman ang binili nitong inumin. Pero bakit wala na itong malay ngayon? At kung bakit madali itong nalasing ay isa pa ring katanungan sa kanya. Para siyang nagising mula sa malalim na pag-iisip nang maramdaman ang panaka-nakang pagpatak ng ulan sa kanyang balat. Napabuntong-hininga siya nang mapasulyap muli sa pangko na babae. “At saan naman kita ihahatid?” napailing pa siya. Ngayon heto at kargo niya ang kapakanan ng babae na ito. Bago pa lumakas ang patak ng ulan ay hinayon na niya ang papunta sa nakaparada niyang kotse. Pagkabukas sa pinto sa may passenger side ay mabilis niyang isinakay roon ang babae. Pagkakabit naman dito ng seatbelt ay sumakay na rin siya sa kotse. Isang sulyap pa sa maganda nitong mukha bago niya pinasibad ang kotse niya. MABILIS na napabangon buhat sa pagkakahiga si Maryey nang dalawin siya ng masamang panaginip. Habol pa niya ang paghinga ng yakapin ang sarili. May mga lalaki raw na bumababoy sa katawan niya. Napalunok siya ng makita ang silid na kinaroroonan. Inilibot niya ang paningin. Kung hindi siya nagkakamali ay nasa loob siya ng isang hotel suite. Kabadong inalis niya ang nakatakip na kumot sa katawan niya. Para siyang nabunutan ng sandamakmak na tinik nang makitang suot pa rin niya ang kasuutan niya. Wala rin siyang nararamdaman na kakaiba sa katawan niya bukod sa medyo nananakit na ulo niya. Nasapo niya ang noo. Isang katanungan sa kanya kung paano siya nakarating doon? Pumikit siya at pilit inalala ang nangyari bago siya mawalan ng malay. Sa pagkakatanda niya ay may dalawang lalaki na lumapit sa kanya noong tumitindi na ang pagkahilo niya at pilit siyang hinahawakan para alalayan. Pagkatapos niyon ay naging blanko na sa kanya ang lahat. Wala na siyang maalala. Napasandal si Maryey sa may headboard ng kama. Ramdam niya sa katawan niya na walang nangyaring masama sa kanya. Pero paanong nakarating siya sa hotel suite na iyon? “Parang ang imposible naman kung ang mga lalaking ‘yon ang nagdala sa akin dito. Mas mukha pa nga silang may masamang balak sa akin.” Napabuntong-hininga siya. Nang ipasya niyang umuwi na ay tinanong pa niya ang receptionist sa kinaroroonang hotel kung kanino nakapangalan ang hotel suite na inukupa niya. “Pasensiya na po, Ma’am, kasi hindi na pinalagay ni Sir ‘yong pangalan nya. Basta binayaran niya ‘yong hotel suite na ukupado ninyo.” “May kasama pa bang ibang lalaki ‘yong nagdala sa akin dito? I’m sorry kung matanong ako, nawalan kasi ako ng malay kanina at paggising ko ay narito na ako. At hindi ko alam kung sino ang nagdala sa akin dito.” Nakakaunawang tumango ito. “Mag-isa lang po ‘yong kasama niyo.” “A-Ano’ng itsura?” Hindi nakalampas sa paningin ni Maryey ang tila kinikilig na ngiti nito. “Guwapo, Ma’am. Matangkad din. Akala ko nga po boyfriend ninyo kaso ‘di rin naman nagtagal at umalis din pagkahatid sa inyo sa suite na kinuha niya para sa inyo.” Guwapo tapos matangkad? Sino naman kaya iyon? Baon pa rin niya ang katanungang iyon habang pauwi siya sa kanila sakay ng taxi. Saka lang niya napansin ang napakaraming text messages ni Irene at missed call ng tingnan niya ang kanyang cellphone.          

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mister Billionaire's Secret Wife [Tagalog/Filipino]

read
5.1M
bc

Mhorric Soliven: The Billionaire's Maid

read
446.3K
bc

Mysterious Heart (Tagalog/Filipino)

read
893.1K
bc

Scandalous Affair (Tagalog/Filipino)

read
1.5M
bc

Married To A Billionaire

read
1.0M
bc

The CEO's First Romance | Completed

read
1.4M
bc

The Innocent Wife

read
3.4M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook