bc

A Billionaire In Disguise

book_age16+
51.1K
FOLLOW
661.8K
READ
billionaire
family
fated
independent
inspirational
CEO
drama
sweet
bxg
city
like
intro-logo
Blurb

Si Kirst na yata ang pinakaguwapong construction worker na nakilala ni Chrislynn Rose. Simula nang makita niya ito ay nabuhay ang curiosity niya pagdating sa katauhan ng binata. Pakiramdam niya ay may iba sa katauhan nito.

At ang puso niyang normal ang t***k for the past twenty-eight years ay kung ilang beses na naghurumintado dahil sa binata. Lalo pang nahulog ang puso niya rito dahil sa kung ilang beses na pagtulong nito sa kanya with or without asking any help. Sino ba siya para pigilan ang puso na tumibok dito?

Tulad ng marami, tila hanggang pangarap na lang talaga siya sa binata. Noong makita niya ang tunay nitong katauhan ay animo unti-unting gumuho ang malabundok niyang lihim na pagtingin dito.

chap-preview
Free preview
Chapter 01
MAINGAT na inilapag ni Kirst sa harap ng ina ang isang paper bag. Abala ito sa pagbabasa ng isang magazine. Nang mag-angat ito ng tingin ay nasurpresa pa ito nang makita siya. "Kirst, anak." Mabilis nitong binitiwan ang binabasa at tumayo para yakapin siya ng mahigpit. "Bakit hindi mo sinabing darating ka ngayon? Napaayos ko sana ang kuwarto mo." Nginitian niya ang ina. "I want to surprise you, 'Ma," aniya na ginantihan ito ng mahigpit ding yakap. Sa Cebu siya ngayon naka-base kung saan pinamamahalaan niya ang malaking negosyo roon ng kanyang ama. Ang Monzerate Ceramic Inc. Dahil nagkaroon ng business trip sa Manila kaya dumaan na rin siya sa bahay ng mga magulang niya, bahay kung saan din siya lumaki at nagkaisip. "Ano naman ito, hijo?" Tukoy ng kanyang inang si Feliciana Monzerate sa dala niyang paper bag. His fifty five years old mother. Napakabata pa rin nitong tingnan despite of her real age. Bukod sa likas na masayahin at positive thinker ang kanyang ina ay alaga rin nito ang sarili. Hinalikan muna niya ang ina sa pisngi matapos magmano rito bago nagsalita. "Open it, 'Ma," nakangiti niyang susog. Nakamasid lang siya sa ina habang inuusisa ang laman ng paper bag. Katulad ng kanyang inaasahan ay ganoon na nga lang ang sayang lumarawan sa ina niya nang makita ang laman ng paper bag. "My God! Mga bagong release na novel ni Steffi. Salamat, anak," agad itong humarap sa kanya at ginawaran siya ng mahigpit na yakap at mainit na halik sa pisngi. "You really make my day, hijo. Thank you." "You're always welcome, 'Ma." Alam niyang iyon ang paboritong manunulat ng kanyang ina dahil madalas niya itong makita na nagbabasa ng mga Tagalog Romance pocketbook, at karamihan sa collection nito ay ang nasabing manunulat ang lumikha. "Nakakatuwa na alam mo kung sino ang paborito kong Author." "I wonder kung bakit hook na hook kayo sa mga story niya?" Nakangiting naupong muli ang kanyang ina. "Dalang-dala ako sa emosyon na nakapaloob sa mga bida niya. Minsan ay subukan mo ring magbasa ng libro niya. I'm sure magugustuhan mo, hijo. Napakagaling niyang manunulat." Umiling siya. Mahilig siyang magbasa. Pero ang mga babasahing romansa ay wala sa karakter niya. Sa business world umiikot ang mundo niya kaya tanging related sa trabaho lang din ang mga binabasa niya. "Hay, naku, kaya wala kang nagiging girlfriend dahil wala kang karoma-romansa sa katawan, Kirst, hijo." Umiling-iling pa ang kanyang ina. "Kaunti na lang at wala na sa kalendaryo ang edad mo. Kailan mo pa balak mag-asawa? Marami akong puwedeng ireto sa iyo para maka-date. Pero palagi mong tinatanggihan. Wala ka ba talagang balak na bigyan kami ng ama mo ng magiging apo? Mamamatay na lang yata ako at lahat ay wala ka pa ring balak," pagpaparinig pa nito. "Mama," mabilis niyang sawata sa paglilitanya nito. Kapag umuuwi siya sa kanilang bahay ay palaging iyon ang naririnig niya sa kanyang ina. "Darating din tayo riyan. Sa tamang panahon. Hindi naman kailangang magmadali. You’re still healthy and young." "Dumating na lang at lahat ang tamang panahon nina Yaya Dub at Alden ay inaamag pa rin 'yang sa iyo. Naiinip na ako sa sinasabi mong tamang panahon mo." Napakamot siya sa kanyang batok kahit hindi naman makati. "You're still young, 'Ma,” ulit niya. “Sigurado akong batang-bata ka pa ring tingnan kapag dumating ang tamang panahon ko." "'Wag mo akong hintaying mainip, hijo. Dahil baka dumating ang araw na magising ka na lang na nasa harap ng altar at kinakasal sa isang babae." Pinanlakihan pa siya nito ng mata. Alam niyang kayang gawin iyon ng ina. "Just wait." "Narito ka pala, hijo." Nalingunan niya ang kanyang amang si Manuel Monzerate. Ito ang namamahala sa iba nitong negosyo na nasa parteng Luzon. "Papa," aniya na agad na nagmano rito. "Kaawaan ka ng Diyos." Tinapik pa siya ng ama sa balikat. Bumuntong-hininga ito kapag kuwan. "May problema po ba?" aniya dahil sa klase ng pinakawalan nitong buntong-hininga. Kilala niya ang ama, ganoon ito kapag may dinadalang problema. "Not really a big problem, son." Tinantiya niya ang sagot ng ama bago umiling. "May nangyari ba sa kompanya?" Naupo muna ito sa tabi ng asawa bago siya muling binalingan. "Tungkol sa isa sa Subdivision natin sa Sto. Tomas, Batangas." "Towns Ville o Le Moubreza?" He guess. Dalawa lang naman ang subdivision na pag-aari ng kanilang pamilya roon. "Sa Le Moubreza." Minabuti na rin muna niyang maupo sa katapat na upuan ng ama para makapag-usap sila ng maayos. Ang ina naman niyang si Feliciana ay pumunta muna sa kusina para maipaghanda sila ng kape, which is paborito nila ng ama kapag nag-uusap. Lalo na at tungkol sa business ng pamilya ang topic. "Napag-alaman kong nagkaroon ng sabotahe sa paggawa ng mga bahay roon. 'Yong mga raw houses sa Block Fourteen to Eighteen. Kaya ang mga pamilyang lumipat doon ay puro reklamo. Ang report sa akin ay hindi raw dati pinapasahod ng contractor ang mga kinuha niyang tauhan noon kaya naman binasta-basta nila ang ginagawang bahay. Kung nalaman ko lang ito ng mas maaga..." Muli, isang mabigat na buntong-hininga ang pinakawalan nito. "Kaya pala binitiwan na ng contractor ang nasabing project dahil sa anumalya niyang ginawa. Pati tauhan niya ay mga nag-alisan na hindi man lang tinapos ang pagbububong sa Block Fifteen." Nakaramdam siya ng awa para sa ama. He want to do something para mabawasan ang dinadala nito. Le Moubreza was not an exclusive subdivision. Unlike Towns Ville na isa sa mga exclusive Village na pag-aari ng kanyang pamilya na nasa parteng Batangas din at kalapit lang halos ng Le Moubreza. Kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan ang kanyang secretary. "Cancel all my appointment this month. Hindi ako makakauwi sa Cebu this week." "Kirst," takang sambit ng kanyang ama sa pangalan niya. Matapos makausap ang secretary niya ay binalingan niya ang ama. "I'll check the site." Sa pagkakaalam niya ay dini-develope pa rin ang halos kalahating parte ng naturang subdivision. "Hijo, hindi mo naman kailangang i-cancel ang lahat ng appointment mo ngayong buwan." "'Pa, titingnan ko kung ano'ng maitutulong ko sa Le Moubreza. Ako na ang bahala." Pagtatapos niya sa usaping iyon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Billionaire's Innocent Seductress

read
430.0K
bc

Worth The Wait

read
198.1K
bc

Married To A Billionaire

read
1.0M
bc

Mhorric Soliven: The Billionaire's Maid

read
446.9K
bc

A Kiss From The Billionaire's Son

read
2.3M
bc

In Love With A Witch

read
256.7K
bc

Billionaire's Secret Affection (Tagalog)

read
261.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook