Uno Montejero: The Billionaire's Son

Uno Montejero: The Billionaire's Son

book_age16+
2.7K
FOLLOW
6.6K
READ
billionaire
contract marriage
one-night stand
family
second chance
arranged marriage
playboy
CEO
drama
bxg
like
intro-logo
Blurb

Nang malaman ni Niana ang masamang balak ng kaniyang madrasta, na ibenta siya sa isang mayamang matandang Chinese, tumakas siya sa poder nito.

Buong akala niya, ligtas na siya. Pero hindi pa rin pala. Muntik na siyang mapagsamantalahan kung hindi lang siya iniligtas ng isang guwapong estranghero mula sa tatlong lalaking pilit siyang isinasakay sa isang kotse.

Hindi man niya nalaman ang pangalan niyon, pero utang niya rito ang buhay niya.

Hanggang sa makalipas lamang ang isang linggo ay muling nagtatagpo ang landas nila ng lalaking nagligtas sa kaniya.

Ngunit mukhang kailangan na niyang putulin ang ano mang paghanga para dito dahil hindi pala biro ang estado nito sa buhay. Sobrang nakakalula. Lalo na at isa na lamang siyang hamak na katulong sa mga mata ni Uno Montejero.

chap-preview
Free preview
Chapter 01
“KUNG may lakad ka man sa darating na Sabado, i-cancel mo na.” Buhat sa pagwawalis ng sahig, sa may munti nilang salas ay nag-angat ng tingin si Niana sa kaniyang madrasta na si Mariefe. “Wala naman po akong raket sa Sabado,” tugon niya bago nagpatuloy sa kaniyang ginagawa. Hanggang sa Linggo ay wala siyang lakad. Sa Lunes pa ang nakatakdang araw para sa pag-a-apply niya ng bagong trabaho. Sobrang ilap sa kaniya ngayon ng suwerte. Nakakahiya rin kasi sa kaniyang madrasta na wala man lamang siyang maiambag sa pagkain at bayaring bills sa bahay nilang iyon ngayon. Kapag kasi ganitong tambay lamang siya sa bahay at walang trabaho, grabe rin ito kung magparinig na akala mo, wala siyang ambag para makakain sila. Samantalang kapag may trabaho siya, halos kunin nito ang lahat ng kita niya. At hanggang ngayon, wala siyang lakas ng loob para magmatapang dahil wala rin naman siyang ibang pupuntahan kung sakali man. Patay na ang ama niya na kinasama nito ng halos siyam na taon sa bahay nilang iyon. Dalawang taon na rin simula nang mamatay ang kaniyang ama dahil sa atake sa puso. Dahil mahirap lang naman ang pamumuhay nila roon, hindi siya puwedeng humilata lang dahil tiyak na magugutom siya at ang nakababata niyang kapatid sa ama na si Nicah. Anak ni Mariefe at ng kaniyang ama. Gusto niyang isipin na anak nga talaga ng kaniyang ama si Nicah, kahit na ang sabi-sabi na naririnig niya ay anak ni Mariefe sa ibang lalaki si Nicah. Mabait naman kasi si Nicah at kasundo niya. Labing-isang taon na ito at ito ang dahilan kaya nagsama ang kaniyang amang si Rodrigo at Mariefe noon. Dahil buntis si Mariefe at ang ama niya ang tinuturong nakabuntis dito. Sa pagkakatanda pa niya noon, wala naman sanang balak na patirahin ng kaniyang ama si Mariefe sa bahay na iyon. Dangan nga lamang at buntis ito at walang ibang pupuntahan dahil pinalayas daw ng pamilya nito. At wala na rin siyang nagawa noon, dahil bata pa siya, kung ‘di ang tanggapin doon si Mariefe at ang ipinagbubuntis nito. At kahit hanggang ngayon naman, para bang wala siyang karapatang magreklamo. “Magpa-manicure at pedicure ka rin sa Sabado.” “Ano pong mayroon?” taka pa niyang tanong na muling itinigil ang ginagawang pagwawalis. “Basta,” anito na naglakad na papuntang kusina. Nasundan na lamang ni Niana ng tingin ang kaniyang madrasta. Hindi maikakaila ang pagtataka sa mukha niya. Hindi rin siya nito sininggahan. Bagay na isa sa kataka-taka. Makita pa lang kasi siya nito na nasa bahay ay animo Armalite na kaagad ang bunganga nito dahil ang daming sinasabi. Kahit siya ang gumagawa ng gawaing bahay, ang dami pa rin nitong sinasabi. “Ate Niana, nagugutom na po ako,” ungot ni Nicah kay Niana nang lapitan siya nito. Nakahawak ito sa tiyan nito. Ginulo niya ang buhok ni Nicah. Sa kabila ng edad nitong labing-isa ay maliit pa rin ito. “Sandali lang,” aniya sa kapatid bago hinayon ang kusina. “Tita, nagugutom na raw po si Nicah. Baka po may pera kayo kahit pambili lang ng kalahating kilong bigas? Babayaran ko ho kapag may trabaho na po ako,” pangako pa niya. Inihanda na ni Niana ang kaniyang sarili para sa pagtatalak ni Mariefe oras na lingunin siya nito. Pero laking gulat niya nang may iabot ito sa kaniya na buong isang libong piso. Natigilan siya dahil doon. Hindi niya inaasahan na aabutan siya nito ng buong isang libong piso. “Pumunta ka sa talipapa at bumili ng tinapay, bigas, lutong ulam at isda na puwedeng pang-ulam mamayang gabi. Bilisan mo,” sa halip ay wika nito bago nagsindi ng sigarilyo at naghithit niyon. “S-sige po.” Open ang kusina sa likod-bahay nila. At hindi na bago sa kaniya ang bisyo nitong paninigarilyo. Bago pa masinghot ni Niana ang usok mula sa sigarilyo ni Mariefe ay minabuti na niyang umalis. Sumama pa sa kaniya si Nicah na uminom muna ng tubig bago sila umalis. Dahil solong anak lamang siya ng kaniyang ama’t ina, kaya naman sabik talaga siya sa kapatid. At nang dumating si Nicah, hindi talaga niya ito inaway kahit na minsan. Minahal niya ito na para bang isang buong kapatid. At ganoon din ito sa kaniya. “Niana, mag-ingat-ingat ka sa inyo.” Napahinto sa paglalakad si Niana nang makasalubong nila si Menggay sa paglalakad. “H-ha?” “Ate Niana, pupuntahan ko lang po si Sharon,” paalam pa sa kaniya ni Nicah nang makita ang kaibigan nito. “Sige,” aniya sa kapatid. Kapagkuwan ay muling tiningnan ang kapitbahay na si Menggay. “Ano’ng ibig mong sabihin?” tanong niya na sapat lamang upang marinig nito. Ang seryoso ng mukha nito kaya naman ramdam niyang may kakaiba nga. Lumapit nang husto sa kaniya si Menggay. “Nasa drug watchlist pala si Inang Mariefe.” Lalong natigilan si Niana sa kaniyang narinig. “Menggay—” “Totoo ‘yong sinabi ko at hindi para manira lang. Nakuwento lang din sa akin na nagtutulak si Inang Mariefe at gumagamit. Ang akin lang, mag-ingat kayo ng kapatid mo at baka biglang magkabiglaan at sumugod dito ang mga taga-PDEA. Baka madamay ka kahit na alam mo sa sarili mong inosente ka.” “At alam din ninyo na hindi ako para kumapit sa ganoon kahit ang hirap ng buhay rito sa atin.” “Alam ko. Basta mag-ingat kayo ng kapatid mo. At ‘wag na ‘wag mong uulitin kay Inang Mariefe na ako ang nagbabala sa iyo. Mas mabuti rin na sarilihin mo na muna. Pero maging mapagmatyag ka. Mahirap na. Sige at magsasaing pa ako,” paalam na sa kaniya ni Menggay na may dalang isang kilong bigas na pangsaing. Napalunok si Niana. Hindi niya lubos maisip na posibleng magtulak at gumamit ang kaniyang madrasta ng bawal na gamot. Samantalang noon, kung makapagsalita ito ng masasama sa mga taga roon na nasangkot din sa ilegal na gawain. Tapos ngayon, isa na ito sa gumagawa niyon. Napatingin si Niana sa perang hawak niya. Ang buong isang libong piso. Paano kung galing iyon sa masama? Iyon pa naman ang ayaw niya. Ang kumain ng galing sa masama. “Isa pa nga pala, Niana,” ani Menggay na bumalik sa kaniyang tabi at muling may ibinulong. “Alam mo na rin ba na may bago ng lalaki sa buhay ng madrasta mo? ‘Yon ang nag-impluwensiya sa kaniya na pasukin ang droga. Pumupunta ‘yong lalaki niya sa bahay ninyo kapag wala kayo ng kapatid mo. Mag-ingat ka,” muli ay paalala ni Menggay bago tuluyang nagpaalam. Hindi makapaniwala si Niana sa kaniyang mga nalaman. Para bang biglang sumikip ang dibdib niya. Paanong… “Ate!” nakangiti pang tawag sa kaniya ni Nicah. Saka lang nagawang kumurap ni Niana. Kapagkuwan ay napatingin siya kay Nicah. Nagugutom na ang kapatid niya. Humigpit ang pagkakakapit ni Niana sa hawak niyang pera. Lord, ano pong gagawin ko? piping wika niya sa kaniyang isipan. Tumakbo na si Nicah palapit kay Niana at humawak sa kaniyang kamay. “Tara na po, Ate. Nagugutom na ako.” Ikinurap-kurap ni Niana ang mga matang nag-iinit ang bawat sulok. Pero sa ganitong sitwasyon, ano ang magagawa niya? Gutom na si Nicah. Tang-ina! sa isip ay naiiyak niyang mura. “Tara na,” aniya sa kapatid na gumanti ng hawak sa kamay nito. Parang may kutsilyong sumasaksak sa kaniyang dibdib dahil ang kakainin nila ng kapatid niya ay galing sa masama. Kaya ba hindi nagagalit ang madrasta niya ay dahil marami itong hawak na pera? Patunay na ang isang libo na dala niya na walang maraming pagbubunganga na ibinigay sa kaniya ni Mariefe para pambili nila ng pagkain. Samantalang noon, kahit piso, ang dami nitong sinasabi bago ibigay.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
153.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
97.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
90.0K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
16.6K
bc

The Cold Billionaire

read
17.8M
bc

Ang Mainit na Gabi sa Piling ni Ginoong Wild

read
6.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook