Hi dear readers ?
Maraming salamat sa pagtangkilik ng aking akda. Bilang mambabasa pinagbabawal po ang pagkuha ng story na walang pahintulot sa writer. Always remember that Plagiarism is a crime.
Anyway here\'s my completed book:
ptr/free while ongoing
?STAND ALONE STORIES
- You\'re Still The One
-The Last Petal
- The Billionaire\'s Kidnapper
- When Mafia\'s Son Fall In Love
-The Man Who Breaks My Heart
❤️ THE COLD BILLIONAIRE SERIES
- YOU CAN HIDE BUT YOU CAN\'T ESCAPE
- Ang Bilyonaryong Kargador
- Seducing The Cold Bodyguard
? SOON TO BE PUBLISH/ONGOING
- The Cold Billionaire Series 5-10
- Call Me, Kuya!
-Paglaya Sa Kahapon
- Gorgeous Men Series Collab
- El Casa Mafia Collab
- The Elizcalde Band
- Spy Agent Series
at marami pang stand alone series ?
social media account
Roselie Navarro/ ROSENAV91
Lumaki si Lingling na buhay prinsesa sa kanilang probinsya. Ngunit dahil sa nangyari sa kanya ay lumuwas siya ng siyudad para doon na muna manirahan. At dahil gipit sa pera kaya naisip niya na maghanap ng trabaho, humingi ng sign at hindi nagtagal ay may naghahanap na nang trabaho bilang isang private nurse ngunit hindi niya na ito tinanggap dahil nalaman niya na mas matanda pa sa kanya ang aalagaan niya at hindi naman siya maalam sa pagiging nurse. Hanggang sa may kaibigan ang kanyang ina na naghahanap din na gustong pumasok ng trabaho bilang isang Yaya kaya sa dalawang pagpipilian niya na trabaho ay pinili niya ang magiging Yaya. Ngunit nagulat si Lingling pagkarating sa bahay kung saan siya magtatrabaho na kung sino ang magiging amo niya. Magawa niya pa kayang tumakas gayong may kasalan siya rito? Ano kaya ang magiging kapalaran niya sa dalawang makulit na anak ng kanyang bilyonaryong amo? Paano kung may kahilingan ang mga ito sa kanya, kaya niya bang panindigan kung unti-unti ay napapamahal na ito sa kanya?
Sabi nila. The more you hate, the more you love. Paano kung baliktad? Paano kung the more you love pero the more you hate ang turingan niyong dalawa? Galit ka sa kanya pero siya pa rin ang hanap ng iyong mga mata?
Para makuha ang cash worth 2 million ay pinatulan ni Jazielyn Madden ang isang dare ng kanyang mga kaibigan . Simple lang naman ang ipapagawa sa kanya. Akitin ang bodyguard ng kanyang ama. Sa loob lamang ng isang buwan ay mapaibig niya na ang binata. Sa pag-aakala ni Jazielyn na madali lamang ang dare sa kanya ay hindi pala dahil mas malamig pa pala sa yelo ang bodyguard ng kanyang papa. Kailangan niya pang magpapapansin o maghabol para lamang mahalin siya ni Jackson Santos sa loob lamang ng isang buwan. Hanggang saan ang kaya gawin ni Jazielyn Madden sa halagang 2 million pesos? Magtagumpay kaya siya o may madidiskubre siya sa katauhan ng kanyang ama at sa bodyguard.
Para mailayo sa kapahamakan ang kaisa-isahang apo ng gobernador ay napagdesisyonan ng lolo ni Sunny Flor Vasquez na sa probinsya siya ng Mindanao maninirahan ng pansamantala. Ayaw pumayag ni Sunny sa kadahilanan na hindi niya na mabibili ang mga luho na pinapangarap niya.
Sa pananatili niya sa probinsya ay unti-unti na siyang napamahal sa pangalawang tahanan niya pero paano kung sa minahal niya na lugar ay unti-unting nabubuksan ang buong pagkatao niya, kaya niya bang tanggapin ang mga masasakit na kahapon?
Sa pag-aakala niya na magkaroon siya ng peace of mind sa bagong tahanan ay nakatagpo siya ng isang masungit na Kargador?
DESCLAIMER: Ang akda na mababasa niyo ay hindi bagay sa mga mababait na readers. Mature content at disiplina ang kailangan. Read at your own risk!
Dahil naging breadwinner na si Unique sa kanyang pamilya kaya bukod sa pagtitinda ng balut sa gabi ay naisip niya na magtrabaho bilang secretary sa malaking building na madadaanan niya, dahil confidence siya na matatanggap siya sa trabaho dahil nakapagtapos naman siya ng highschool.Pero sa pag-apply niya ng trabaho at sa pag-aakala ni Unique na natanggap ito bilang sekretarya ang maging trabaho niya iyon pala ay magpanggap si Unique na anak sa nagmamay-ari ng building na tinatrabahuan niya.Kaya niya bang tanggapin ang alok nito kapalit ng malaking halaga? Hanggang kailan ang kaya niyang magpanggap kung sa kabila ng lahat may nararamdaman na siya na pag-ibig sa anak ng kanyang tinuturing na magulang?
Hindi mapupunta kay Shanna Cole ang lahat ng mana na iniwan ng kanyang mga magulang bago sila mamatay at mana ng kanyang lolo at lola kundi mapupunta lang ito sa kanyang step mother o charity kung hindi siya magpapakasal.Hindi man makatarungan na dahilan kaya walang magawa si Shanna Cole kundi ang maghanap ng lalaking magpapakasal sa kanya.Sa sobrang crush niya kay Xyvielle Mornett, kaya niligawan niya ito pero walang epekto sa kanya ang lalaki kaya sa sobrang despirada na makuha ang mana, kaya isa lang ang tamang paraan ang naisip niya. Ito ay kidnapin ang crush n'yang si Mornett para siya ay paibigin at pakasalan. Magtagumpay kaya si Shanna Cole kung 60 days lang ang palugit ng kanyang lola para mahanap ang mapapangasawa niya? Paano kung pumayag ang lalaki na magpakasal sa kanya pero natuklasan niya na maling tao pala ang kinidnap niya. Handa na ba siyang mawalan ng mana o ipagpatuloy niya ang plano kahit ikakasal na sa iba ang taong natutunan na niyang mahalin?
Sa kagustuha na makaraos sa pang araw-araw na pangangailan ay kailangang magtrabaho ni Aubree Lyn Corpez sa isang company na mataas magpasahod ngunit malayo naman sa kanyang mga anak na kambal na nasa edad five years old. Ngunit sa hindi inaasahan na pagkakataon ay ang magiging boss niya ay ang dating kasintahan na kung saan pilit niya na itong kinalimutan ng ilang taon dahil sa isang pagkakamali na relasyon at dahilan kung bakit inilayo niya ang kanyang mga anak sa tunay nitong ama.Kaya niya bang panindigan na hindi na siya magbibigay ng second chance sa taong nananakit sa kanya kundi ang maghiganti? Ryker Matt Sullivaño ay kilalang ruthless, arrogant CEO/ boss ng isa sa kilalang real estate sa buong bansa. Sa muling pagkikita ng kanyang dating girlfriend, may pag-asa pa kayang maitama niya ang mali ng nakaraan? Paano kung huli na at may mahal na siyang iba?
Dahil ulila na sa mga magulang si Chevika Costamina ay nagtatrabaho siya bilang waitress sa isang club sa Makati City na tinatawag na The Dark X- Club tuwing gabi. Dahil hindi sapat ang kinikita niya para sa pang-araw-araw na gastusin at responsibilidad bilang ate sa kanyang bunsong kapatid na may sakit sa puso, kaya naghanap siya ng ibang pagkakakitaan at natanggap siya bilang receptionist slash secretary sa isang oil company.
CHEVIO DARK ROMANOZ ang anak ng mafia na handang pumatay at sundin ang utos ng kanyang ama kahit sa mga illegal na gawain. Ngunit sa kagustuhan na gawin ang batas ng kanyang ama ay pumunta siya ng Pilipinas para mamuhay ng marangal at doon nakilala niya ang dating kalaro. Naalala kaya siya nito?
Ano kaya ang magiging reaksyon ni Chevika kapag malaman niya na iisang-tao lang ang nagmamay-ari ng pinagtatrabahuhan niya? Paano niya matatanggap na isang anak ng mafia ang kanyang amo na may illegal na gawain at isa rin ito sa dahilan kung bakit namatay ang kanyang mga magulang?
Mas mananaig ba ang pagmamahal o paghihiganti?
Disclaimer: This story is not suitable for minors.
Warning: With Mature Content
Behind their smiles, behind his naughty sides and her serious looks. Behind his laughter and her smile. Behind those things that they did from the people they call family, no one knows they are wearing a secret mask for a decade. No one knows they are totally in pain.How can they make the rest of their lives memorable on earth? If the last petal was your last wish.
Paano mapa sayo ang puso ng taong mahal mo kung may mahal siyang iba?
"Minahal ko na lang siya sa malayo." Ganito inilarawan ni Michaella Gomeza ang pagmamahal niya sa kanyang kaklase na matagal na niyang gusto.
Ignacio John Baltimoore, gandang lalaki at kayamanan ay nasa kanya na lahat. Pero kahit nasa kanya na ang mga katangian ay hindi parin siya kayang mahalin ng babaeng nagugustuhan niya dahil may mahal na ito na iba.
Binaling ni Ignacio ang atensyon niya sa kanyang kaklase at ka seatmate na si Michaella hanggang they both agreed to pretend to be girlfriend and boyfriend.
Paano kaya sa hindi inaasahang pagkakataon ay pareho silang nagkasala at na balitaan ni Michaella na buntis siya.
Will she stay and tell or run away and hide?
Devi Cloud Valentino and Shemaia Rey Ocampo ay magkasintahan simula high school, inilihim nila ang kanilang relasyon dahil sa takot ni Shemaia na hindi ito payagan ng kanyang ina pero kabaliktaran ang nangyari dahil ang ina pala ni Devi ang hindi boto sa anak ng kanilang katulong.
Dahil sa isang trahedya ay napilitang pumili ni Shemaia kung sino ang pipiliin niya. Ang pera pero kapalit ay makipaghiwalay si Shemaia sa kanyang kasintahan na si Devi? O ipagpatuloy ang pag-ibig kahit may buhay na mawawala at yun ay ang kanyang ina?