CHAPTER 01
CHAPTER 01
THE MAN WHO BREAKS MY HEART
"Mama!" naalimpungatan ako dahil sa mahinang tawag ni Freya Mae sa akin.
"Mama!" pati ang kanyang kambal na si Maynard ay tinawag din ako. Nasa limang taon na sila at hanggang ngayon ay katabi ko pa rin silang matulog sa kama.
"Hmmm… what's wrong with my two babies?" tanong ko kay Freya na malapit lang sa akin. Si Maynard kasi dahil sa sobrang likot matulog ay nasa paanan ko na nakatulog. Mabuti na lang at nasa sahig kami natutulog at dito lang nakalatag ang malapad na foam mattress.
"I love you, mama!" bigla akong na estatwa dahil sa sinabi ng anak ko. Lamp shade lang ang tanging ilaw kaya hindi ko maaninag ang mukha niya.
Kinapa ko ang cellphone ko na nasa maliit na box malapit sa uluhan ko para mabuksan ang flashlight at ng pinagmasdan ko ang anak ko ay nakapikit naman ito. Sa ilang segundo na paninitig sa kanya ay hindi ko namalayan na kusa na palang lumalabas ang mga luha ko sa mga mata.
They really love me that much na kahit sa panaginip, nandoon ako, "Oh my God, my baby! I love you too, I really love you both." saad ko habang hinahalikan ang pisngi ng anak ko na mahimbing pa rin ang tulog. Nanaginip lang siguro siya kanina.
Ang anak kong si Freya Mae na sobrang makulit at madaldal at walang takot na sabihin ang gusto niyang sabihin pero sobrang lambing pagdating sa amin. Hindi mawawala ang I love you and I'm sorry kapag nagkakamali, same sila ni Maynard pero my son ay masasabi kong tahimik lang at magsasalita lang kapag tinatanong mo o related sa pinag-uusapan.
They are my angels, sobrang proud ako sa sarili ko na bilang single mom ay nakaya ko silang palakihin, may mga mabait at mapagmahal ako na mga anak. Sila ang hangin at pahinga ko, sa araw-araw na pagsubok na ibinigay ng Makapal sa amin ay walang makakapantay kapag nakita ko na ang mga ngiti at tawa ng mga anak ko.
Sobrang saya basta makita sila na masigla at walang iniindang sakit. Hindi ko man maibigay ang lahat na materyales o luho na gusto nila ay binigay ko naman ng buong pagmamahal ko na walang halong kapalit.
Umupo ako para maayos kong mailagay pabalik si Maynard sa unan niya at katabi namin. May kabigatan na sila ngayon dahil ang hilig-hilig sa pagkain. Mabuti na lang at sa gulay at maganda sa katawan naman ang mga gusto nilang kainin at hindi panay junk food.
Hindi ko rin sila sinasanay sa mga gadgets kaya ang saya ko na makita sila na mahilig sa mga libro at pagsusulat ang mga kambal ko.
Ang mga magulang ko ang kasama ko sa pagpapalaki ng mga anak ko. Hindi man maganda ang nangyari sa nakaraan ay pilit namin itong kinalimutan at nag-focus sa pagpapalaki nina Freya at Maynard.
Nang makitang nasa maayos na higaan na ang mga anak ko ay kinukumutan ko sila pareho at saka pa ako bumalik sa pagtulog.
Dati, alarm clock ang nagpapagising sa akin lalo kapag pumasok sa school at kung may date kami ni…nevermind.
Pero ngayon, tawanan o di kaya tili ni Freya ang nagpapabalikwas sa akin sa mahimbing na pagtulog minsan dahil akala ko kung na pano na ang mga anak ko pero 'yon pala ang aga-aga naglalaro na ang mag lolo at lola. Ngayon lang ako nagising ng seven ng umaga dahil siguro sa pagod ko kahapon, naghahanap kasi ako sa ukay-ukay dyan lang sa pamilihan ng mga damit na pwedeng gamitin sa trabaho.
Nilabhan ko agad pagkarating sa bahay at for sure pwede na silang gamitin bukas.
Linggo ngayon at magsisimba kami ng second mass and then pagkatapos ipapasyal ko sila sa mall. Niligpit ko muna ang mga hinigaan namin para hindi makalat tingnan ang kwarto. Saka ang mga laruan at libro na hindi na ayos o nakalimutan na ibalik sa shelf o box niya. Minsan ay kusa na nilang nililigpit ang mga ginamit nila pero kapag alam nila na gising na ang kanilang lola at lolo ay lalabas na sila ng kwarto para makipaglaro.
Masaya ako ngayon dahil makakasama ko ang mga anak ko sa pamamasyal mamaya. Simula kasi bukas ay papasok na ako sa inaaplayan ko na trabaho na kung saan ako nakapasa. Naghahanap ng bagong secretary ang kakabukas lamang na building sa Mandaluyong at sa awa ng Diyos sa ilang araw na paghahanap ay nakahanap na rin ako ng trabaho.
Hindi kasi sapat ang kinikita namin sa tindahan, si mama ay tanging kinikita lang ay paglalaba, at si papa naman ay isang construction worker.
"Gising ka na pala anak, halika na sa hapag at sabayan muna ang mga bata na kumain, pumunta dito si Caloy at may dalang ulam kaya ayun na lang ang inihain ko."ani ni mama.
Ngumiti ako para magpasalamat, "salamat mama–"
"Mama! Mama! Good morning po, kiss kiss kiss Freya," masayang bati ng anak ko na babae habang patalon-talon pa para sa kanyang morning kiss, gusto niya kasi siya ang laging mauuna kaysa kanyang kapatid. Bitbit ni Freya ang kanyang brown teddy bear na binigay ni Caloy sa kanyang kaarawan at kay Maynard naman ay ang sasakyan ang natipuhan na bilhin na nagustuhan naman ng anak ko.
"Mwaahh… kabila po… mwahh…I love you mama ko." si Freya.
"I love you, mama!" sumunod si Maynard.
"Kanina pa yan sa labas at tinulungan nila ang papa mo na magdilig ng mga halaman kaya yan basang-basa, pinaliguan ko na at baka magkasakit at ikaw na lang magbibihis ng damit pang-alis para hindi madumihan," saad ni mama.
"Ganun po ba, salamat mama!" binalik ko ang tingin sa mga anak ko, kamukha ko si Freya samantalang si Maynard ay kuhang-kuha ng kanyang ama. Everytime, kung makikita ko ang mukha ng anak ko na lalaki, may galit ba ako? Wala. Para saan para magalit ako sa anak ko, carbon copy man siya pero kahit kailan tinanggap ko ang anak ko ng buo at walang pagsisisi, maybe I hate the father, but not my own son Maynard, never.
"Mama, ewan mo kambal bukas?" natigilan kami nina mama at papa dahil sa tanong ni Freya. Biglang sumikip ang dibdib ko dahil sa biglaang tanong niya.
Nilagyan ko ng bihon ang mga plato nila na dinala ni Caloy kanina, nagmamadali dahil may trabaho pa kaya ibinilin na lang na galing daw ito sa kanya, kaibigan ko siya simula nung lumipat kami dito sa Maynila.
"Uhmm, baby hindi ko naman kayo iiwan, aalis lang si mama pero babalik agad ng gabi, magwowork lang si mama pero nandito naman ako buong Saturday at Sunday then pasyal ulit tayo sa mall. Gusto niyo ba 'yon?" hindi kasi sila sanay na umaalis ako, kapag aalis man ay kasama ko sila, lagi kasi akong nasa bahay at nagbabantay na rin ng tindahan habang inaalagaan ko ang mga bata habang wala ang mga magulang ko, kung nasa bahay naman si mama ay ang ginagawa ko, naglalako ako ng mga paninda sa mga kapitbahay namin na mabait sa amin para pandagdag na rin sa kikitain gaya ng maruya, biko, banana o camote que.
"Hindi pwede sama po, baby? Behave po si baby Freya doon?" nangilid ang mga luha ko dahil sa nakikita kong lungkot sa mga mata ng anak ko, tahimik ko ring pinagmasdan si Maynard na sa tingin ko the same sila ng iniisip pero dahil mas madaldal si Freya kaya siya ang laging nangunguna sa pagsasalita.
"Kausapin ko muna ang may-ari kong pwede ang baby, at kung papayag ay ipapasyal ko kayong dalawa doo–"
" Yeheey!" hindi ko pa nga natapos ang sasabihin ko ay kanya-kanya na sila na palakpak dahil sa narinig na magandang balita. Hindi ko pa nga alam kung pwede ba ang mga bata doon. Bahala na. Magagawan naman siguro ng paraan kapag nag request ako na pwedeng mag tour ng mga anak ko.
"Mama's girl at boy talaga ang mga anak mo Lynn, ay naku parang kailan lang karga-karga kahit saan ang mga anak mo, tapos ngayon tingnan mo hindi lang madaldal ang lilikot pa pero wala akong reklamo dahil sa kanila ay talagang ang saya palagi ng bahay, pwera lang kung magkasakit sila ay naku kawawa ang tatay mo humahagulhol ng iyak dahil ang mga apo niya nasasaktan." kung napigilan ko pa kanina ang mga luha ko, pero dahil sa mga sinabi ng mga magulang ko ay nagbabagsakan na naman sila. Agad kong pinunasan ang pisngi para hindi mapansin ng mga anak ko na bumalik na sa pagkain at ganado dahil sa masayang sinabi ko.
Simula una na nalaman nila na buntis ako sa kambal ay sobrang saya nila, nanghihinayang man dahil sinira ko mismo ang mga pangarap ko para sa kanila pero ng dahil sa mga anak ko ay mas tumibay ang pagsasama ng mga magulang ko na dati, minsan maabutan ko sila galing ako sa school na nag-aaway, at ang pinag-aawayan nila na baka may iba si tatay at bakit maliit lang ang kita sa pagsasaka.
Pero nung lumipat kami sa Manila dahil sa nangyari sa akin ay sobrang pasalamat sila na sa wakas nakita nila at naranasan nila na mag-alaga ng apo. Hindi lang isa, kundi kambal pa, minsan kapag silang apat ang magkasama ay may nagsasabi na kapitbahay na anak nila ang kambal dahil hindi lumalayo ang itsura pwera nalang kay Maynard.
Nakakatuwa ngang isipin na kambal nga ang dalawa pero hindi masyadong magkamukha lalo na at titigan mo ng matagal dahil ako ang kamukha ni Freya at si Maynard naman ay sa kanyang ama, ama na walang isang salita at manloloko.
Kahit ganun pa man na nakikita ko talaga siya sa katauhan ni Maynard ay sobrang mahal ko ang anak ko, ang anak ko lang dahil matagal ko ng pinatay ang kanilang ama sa puso ko.
Kahit sinabi ni Donna na kaibigan ko na baka balang araw ay magkikita sila ng ama nila ay ano ba daw ang gagawin ko.
Isa lang naman ang gagawin ko, ay 'yon ang hindi na siya papansinin kailan man. Matagal ko na siyang tinanggal sa utak at puso ko, pwede ipakilala ko lang siya sa mga anak ko pero hindi at hindi ako papayag na kunin niya ang mga anghel ko sa akin. Hinding-hindi mangyayari 'yon.
"Yahoo! Mga tao! Andiyan po ba kayo?" narinig namin na may kumakatok sa pintuan namin, walang iba ang chismosa ko na kaibigan.
"Noona ganda!" tili naman ni Freya. "Mama! Mama Noona Ganda is here, yeheey!" Tinulungan ko siyang bumaba sa silya dahil gusto niya na kapag dadating sa bahay ang bruha ko na kaibigan ay si Freya ang magbubukas, kaya minsan alam ko na kung saan namana ng anak ko ang pagiging madaldal, Jusko 'wag naman sana.
"Be careful, apo!" paalala ni papa na ngayon ay tumayo na rin pagkatapos kumain ulit dahil sa pasalubong ni Caloy.
Pagbukas ko agad ng pintuan ay naghanda na ng dance number ang dalawa. Favorite kasi ni Donna ang mga girls group kaya pati ang anak ko ganyan ang tinuturo na sayaw everytime na magkikita sila.
Gee gee gee baby baby baby
Gee gee gee baby baby baby
Kahit si mama na kitang-kita kung ano ang sinasayaw ng dalawa ay nakitawa narin tulad ko. Napapailing na lang ako na laging bibong-bibo ng dalawang ito.
"Enough na baby, napagod na si Noona Ganda!" hinihingal na sambit ni Donna.
"Okay! Good morning po, pasok po kayo bahay Noona Ganda." hinawakan pa ni Freya ang braso ng kanyang bff para makapasok sa loob, sasama siyang magsimba at mamasyal dahil wala siyang trabaho ngayon sa palengke na kung saan sila nagbebenta ng mga gulay at karne.
Maingay ulit ang bahay dahil sa boses ng anak ko na babae at kaibigan mabuti na lang na nasanay na rin si Maynard hindi tulad dati na minsan nag-aaway sila dahil hindi nagkakaintindihan pero I explained to them to love and respect each other ay unti-unting natutunan nila.
Kaya bilang single mom, hindi ko kinakahiya na ganito ang nangyari sa akin, bagkos pinagpasalamatan ko pa dahil maaga akong nagising sa katotohanan. Katotohanan na hindi ko kayang magstay sa isang toxic na relationship.
Tumatayo ako bilang ama't ina ng mga kambal ko. Akala ko hindi ko kaya pero kayang-kaya naman pala. Dumaan man sa depression pero proud ako sa narating ng mga pangarap ko sa mga anak ko. Lumaban ako para sa kanila.
Kaya ko pala…
Tama ang kasabihan na after the rain has gone, you will see the sun come.
At ako, ang nag-iisang Aubree Lynn Corpez.