bc

ANG BILYONARYONG KARGADOR (THE COLD BILLIONAIRE SERIES 02) (SPG)

book_age18+
1.0K
FOLLOW
27.2K
READ
billionaire
family
HE
age gap
opposites attract
arrogant
drama
bxg
like
intro-logo
Blurb

Para mailayo sa kapahamakan ang kaisa-isahang apo ng gobernador ay napagdesisyonan ng lolo ni Sunny Flor Vasquez na sa probinsya siya ng Mindanao maninirahan ng pansamantala. Ayaw pumayag ni Sunny sa kadahilanan na hindi niya na mabibili ang mga luho na pinapangarap niya.

Sa pananatili niya sa probinsya ay unti-unti na siyang napamahal sa pangalawang tahanan niya pero paano kung sa minahal niya na lugar ay unti-unting nabubuksan ang buong pagkatao niya, kaya niya bang tanggapin ang mga masasakit na kahapon?

Sa pag-aakala niya na magkaroon siya ng peace of mind sa bagong tahanan ay nakatagpo siya ng isang masungit na Kargador?

DESCLAIMER: Ang akda na mababasa niyo ay hindi bagay sa mga mababait na readers. Mature content at disiplina ang kailangan. Read at your own risk!

chap-preview
Free preview
CHAPTER 01
CHAPTER 01 ANG BILYONARYONG KARGADOR “What? No way grandpa, ayokong umalis dito sa Maynila. Ang masaklap pa ako lang mag-isa lolo, hindi ka kasama?" Kakarating ko lang galing sa paaralan tapos ito agad ang bumungad sa akin sa bahay. Tinawag ako ni lolo na pumunta sa office niya para sabihin lang ito. Na kailangan kong lumipat ng bahay at school para raw sa kaligtasan ko. “I told you iha, lahat ng ginagawa ko ay para lamang sa'yo. Sana makinig ka naman sa akin.” "Pero lolo… pwede naman yon basta kasama ka, pero hindi eh tapos sa probinsya pa mismo? Like wala akong kapamilya, kapuso o kadugo, kapatid doon. Wala ba kayong ibang pamilya na pwedeng kumupkop sa akin kundi sa pamilya na matagal niyo ng bodyguard? Lolo naman eh.. “ pagpapadyak ko ng paa habang sinasabi ko kay lolo ang mga hinaing ko. “Ito ang tanging paraan para maging safe ka, apo-" "Bakit ba kasi marami kayong kaaway?” Wala sa sarili ko na sabi sa kanya. Isang governor ang lolo ko sa lungsod ng Batangas at dahil may nagtatangka sa buhay namin kaya napilitan niya akong ilayo dito, nasa college na ako at kinuha ko na kurso ay it's all about business tapos ganito pa ang nangyari, magshishift na naman ko ng kurso para lang sa kaligtasan ko raw. Si lolo na lang ang meron ako, wala na akong mga magulang hindi ko alam kung nasaan na sila at hindi rin masabi ni lolo sa akin basta ang sabi na wala na sila, hindi ko lang matukoy kong nasa kabilang buhay na ba o sumakabilang bahay. Iniisip ko na lang na pagkatapos nila akong ipanganak ay agad iniwan kay lolo para siya na ang mag-alaga sa akin. Masakit iyon syempre sa part ko na lumayo sila para sa iba, paano naman ako? Mabuti na lang at spoiled na spoiled ako kay lolo, wala na siyang asawa dahil maagang namatay. Wala akong masyadong maalala during my childhood. Siguro ang naalala ko lang ay nasa edad kinse anyos na. “Kapag pumasok sa pulitika apo ay meron talagang ganyan. Hindi tumatanggap ng pagkatalo kaya gumagawa ng hindi maganda sa kapwa. Meron ding iba na imbes ituro mo ang tamang daan ay lumipat pa sila sa maling daan at kung sawayin mo naman ay ikaw pa ang mali sa mga mata nila. Kaya ginagawa ko itong bagay sayo dahil ayokong mapahamak ka, nakuha mo, apo?” malamang hindi ko gets dahil wala naman akong alam sa pulitika, si lolo lang naman eh hindi naman ako nangingialam. Bumuntonghininga ako. "Paano ka lolo?” malungkot ko na tanong sa kanya. "Paano naman ang kaligtasan mo? Ayokong pati ikaw mawalay sa akin, ikaw na lang ang nag-iisang meron ako tapos mawawala ka pa. Hindi ko matatanggap iyon, lolo. Sumama ka na lang kaya sa akin lo, wag namang ganito.” Naiiyak ko na pakiusap sa kanya. "I'm gonna be okay here, soon magkikita rin tayo ulit, kahit one year lang, apo. Kailangan mo lang munang lumayo sa ngayon, kahit one year lang at kung hindi mo na kaya doon then transfer ka ulit ng paaralan, dito sa Batangas o Maynila. Basta, ang isipin mo sa ngayon ay ginawa ko ito para sating dalawa. You have to trust me apo. Maging maayos din ang lahat. Hmm. Pero sa ngayon kaligtasan mo muna ang nakasalalay sa ngayon.” Mas lalo akong napa buga ng hangin dahil sa marami pang missing puzzle na kailangan para malaman kung sino ba talaga ako, ano ba ang nangyari ng kahapon ko at bakit ganito na lang ka protective ang lolo ko, may nagtangka ba sa buhay ko o kay lolo para hindi ako madamay kaya ilalayo niya ako? Ayaw naman niyang sabihin sa akin lahat para malaman ko. “How about my expensive belongings lolo, should I bring it all? Gosh, ayokong maiwan ang mga mamahaling kong gamit. Would that be okay?” Tanong ko. “Wala bang magnanakaw doon?” Wala pa nga, nagbibintang na ako. Well sa panahon ngayon ay kahit kadugo mo pa ay may gagawin talaga na hindi maganda sayo. I love expensive things. Kapag may nagustuhan ako lalo kapag limited edition ay pinapabili ko kay lolo at binibili naman niya ito para sa akin. I don't care kung ano ang sinasabi ng iba, minsan nga sinasabi nila na maririnig ko na lamang na may sugar daddy daw ako para bumili ng mga gamit ko like duh, lolo ko iyong may pera bakit pa ako hahanap ng iba? Like duh, inggit lang sila kaya pikit mata lang dapat, nakakairita eh. And then now, lilipat na naman ako ng ibang school, mag-aadjust na naman ako sa pagmumukha ng mga kaklase ko, iba na naman ang makikita ko. Hindi ako maarte, sadya lang hindi ako plastic, kapag ayaw ng tao sa akin, then mas ayaw ko rin sa kanila. “That's all yours and of course binili mo yan kaya dapat lang na gamitin mo." “Aww, thank you lolo for always there for me, thank you sa pag-iintindi mo sa akin. And of course for buying my wants and needs. Don't worry pag nakatapos ako ng pag-aaral at nakapagtrabaho, ako naman ang magbibigay sa'yo at dapat hindi kana nagwowork, okay?” Lumipat ako sa kanya para mayakap. Lolo ko siya sa side ng mama ko. Siya na lang ang meron ako. Ayoko man sa pinaplano ni lolo pero naniniwala ako na maganda ang intensyon niya para sa akin at sana tama ako. Ayoko namang, ligtas ako pero nasa bingwit naman ng kamatayan ang lolo ko. Pero naniwala naman ako sa mga bodyguard ng lolo ko, mahal niya ang trabaho niya kaya hanggang ngayon ay nandito pa rin siya sa position niya at maraming nagmamahal sa kanya kabilang na ako roon sa nagmamahal sa kanya. Sana lang talaga buo ko pa siyang makikita pagkatapos ng isang taon, siya pa rin ang lolo ko. “Payag na ako lolo, pero sana maayos niyo na po kung ano man ang ayaw kong malaman, naniniwala po ako sa inyo, basta pangako mo lang po sa akin na magkikita tayo muli, malayo pa po ang one year at sana kahit one month ay okay na po, tawagan niyo po ako palagi.” Sabi ko habang umiiyak. "Ikaw din apo, huwag kang mag-alala safe ka naman sa malilipatan mo na bahay. City pa rin naman iton pero hindi kagaya dito sa Maynila na mas maraming bahay kang makikita kaysa doon. May hacienda at maraming prutas doon na pananim at pwede mong pagsawaan kainin ang mga iyon. Di ba mahilig ka sa mga prutas? Ang habilin lang ni lolo na huwag kang sumama sa hindi mo kakilala, okay? Kahit mga kaklase mo pa yan lalo kapag lalaki, maging mapagmatyag ka palagi sa paligid mo. Ipakilala ka doon na apo sa nagbabantay sa bahay, ang bodyguard ko ay kasama ko may taga bantay naman doon kaya huwag kang mag-alala,” ani ni lolo. “Lolo! Wala pong bar doon?” "Sunny Flor!” "Joke lang lolo, nagtatanong lang eh,” sabi ko sabay peace sign kaya napailing siya. Minsan kasi nagkayayaan ang mga friends ko na magbar at nasa tamang edad naman ako kaso ayon na headline ako kinabukasan dahil nagwawala ba naman ako sa bar dahil sa kalasingan, that was three years ago at ayoko ng maulit muli lalo at reputation ni lolo ang nakataya, tanga lang talaga ako dahil hindi ko naman pala kaya ang alak pero sige pa rin ng sige. Tapos na paaway pa ako. Tapos ngayon? Gosh, wala na akong takas kundi sundin ang lolo dahil last week din ay napaaway ako sa school, hindi ako ang nanguna kaya sa unang pag-atake ng kabilang section sa akin ay agad naman akong nakaganti at akala ko nga mamamaalam na siya sa mundo, kaso hindi siya welcome kahit sa impyerno kaya binuhay. Pinagkalat ba naman na nilandi ko ang boyfriend no’n tapos binigyan daw ako ng mga alahas like duh, hindi ako tumatanggap na low-key lang na alahas lalo at hindi galing sa puso. Pagkatapos namin na mag hapunan ni lolo ay tinulungan ako ni Yaya Bebang na mag-impake at kasama siya sa akin, hindi naman pumayag si lolo na wala akong kasamang kasambahay lalo at wala akong alam sa gawaing bahay lalo na sa pagluluto at dahil matagal ko ng yaya si Manang kaya siya ang isasama ni lolo sa akin at pumayag naman si Yaya. Lahat na expensive ko na mga gamit from shoes to bags ay pinadala ko at dahil hindi ako mahilig sa alahas kaya kuntento na lang ako sa anong meron sa katawan ko like itong necklace na suot ko na minsan hindi ko siya tinatanggal. Baka regalo ito ni lolo dati sa akin, ewan dahil hindi ko matandaan. Shoes at bags lang talaga ako mahilig and of course dadalhin ko lahat ito hindi para ipagyabang kundi gagamitin ko sa school o ibang lakad, alangan naman na si lolo ang gagamit ng mga ‘yon. Eh, hindi naman siya mahilig sa ganyang mga gamit. Ngayon pa lang nag-ooverthink na ako kung ano ang maging buhay ko roon sa probinsya na sinasabi ni lolo. Bahala na lang talaga ito at sana mababait ang mga tao roon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
87.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
179.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
137.6K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook