Chapter 1
"Shemaia! Gising na anak! Tulog mantika ka na namang bata ka!" na alimpungatan ako dahil sa sigaw ni nanay galing siguro ng kusina o labas ng bahay.
Medyo gising na ang diwa ko pero ayaw ko munang sagutin si nanay, ito pa naman ang ayaw ko sa lahat na ginigising ako, gusto ko kasi na ako mismo ang kusang bumabangon sa higaan na walang gumigising sa akin.
Nababad mood agad ang umaga ko kapag ganyan, ewan ko ba kung bakit, dahil ayaw ko pang bumangon kasi inaantok pa ako, hindi kasi ako yung tipong early bird o dahil nasa kalagitnaan ako ng magandang panaginip. Minsan pa naman ang ganda ng panaginip ko pero agad namang naputol dahil may naririnig ka na ng mga kalampag hudyat na umaga na.
Hudyat na kailangan mo ng bumangon para sa bagong araw.
"Shemaia Rey Ocampo! Limang beses na kitang ginigising ha, sabi mo sa akin kagabi na gigisingin kita bandang five-thirty ng umaga dahil maaga kang pupunta sa paaralan nyo! Anong oras na oh malapit na mag-sisix thirty!" Tinatapik na ni nanay ang balikat ko para magising lamang. Nasa loob na pala siya ng kwarto.
Ginalaw ko lang ng bahagya ang katawan ko pero ayaw ko pa idilat ang mga mata ko dahil sa ayaw ko pang bumangon.
"15 minutes mama, please..." tinabunan ko ng kumot ang buong mukha ko at kalahating katawan. Inaantok pa talaga ako.
"Bahala kang bata ka, hindi na kita gigisingin ha dahil pupunta na ako ng bayan para mamalengke, pakilock mo na lang ang pinto kapag aalis kana," paalala ni nanay.
"Hmmm, k... nay, ingat palagi at 'wag kalimutan ang pasalubong ko, okay?" inaantok ko pa na sabi.
"Bahala ka ngang bata ka! Bakit ba kasi gabi ka ng natulog? Yan tuloy at ayaw mo pang bumangon. Na hala! aalis na ako. Kumain ka rin bago umalis nakahanda na ang pang-almusal mo," sabi ni mama pero hindi na ako sumagot.
Narinig ko ang pagsarado ng pinto sa loob ng kwarto namin. Simpleng bahay, at simpleng buhay lang meron kami pero nagsusumikap ako sa pag-aaral para naman kapag nakapagtrabaho na ako lumevel-up naman ang istado ng buhay namin. Wala na akong tatay kasi maaga daw itong namatay dahil sa sakit sa puso kaya dalawa na lang kami ng nanay..
Wala rin akong mga kapatid, sayang nga pangarap ko pa naman na magkaroon ng kapatid, ang sarap kaya sa feeling na may tatawagin ka na ate, kuya o di kaya bunso. Kaso wala eh, only child lang talaga ako kung hindi siguro maagang namatay si tatay malamang meron nga akong kapatid.
Hindi narin nakapag-asawa ang nanay dahil nandito naman ako, sapat na daw ako sa buhay niya. Kaya ako bilang anak ginagawa ko ang lahat na makakaya ko para hindi maging boring ang buhay namin. Susuklian ko ng mas maganda ang buhay namin pagdating ng panahon.
Pinangako ko rin sa sarili ko at kay nanay na tatapusin ko talaga ang pag-aaral ko para makahanap ng magandang trabaho at mabigyan siya ng magandang kinabukasan. Kapag may sahod na ako itetreat ko si nanay sa mahal na restaurant at magbabakasyon kami kahit dito lang muna sa Pilipinas. Sa next sahod ko naman ay papagawa ko itong bahay, papalakihin ko o di kaya kahit ganito lang kasi kami lang dalawa ang nakatira pwede naman dagdagan at pagagandahin ko ang ayos at bibili ng maraming kagamitan.
Nagtatrabaho si nanay bilang labandera at tagalinis dito lang malapit sa baryo namin, umaalis siya tuwing Lunes at Sabado, or depende kung may pinapalinis kung wala naman dito lang s'ya sa bahay, stay-out at umuuwi bandang hapon pero kapag may handaan sa mansion, kinabukasan na siya makakauwi.
Doon na natutulog kaya minsan ako lang mag-isa sa bahay-kubo namin, hindi naman ako matakutin at lagi namang nakalock ang pinto namin bago matulog.
Nagsisilbi si nanay sa pamilyang Valentino, mahigit sampung taon narin kaya hanggang ngayon nakakapag-aral parin ako, doon sa kita ni mama kinukuha ang panggastos namin at pagkain sa araw-araw at nasa third year high school na ako sa taong ito. Ilang kembot na lang fourth year na, mabilis lang matapos ang taon, tiwala lang at makapagtapos din sa huli, pag-isipan ko pa kung saan ako magka college dapat scholar ang kukunin ko para less gastos kailangan ko lang i maintain ang grado ko para makapasa.
Kagaya ko, isa lang din ang anak ng mga Valentino. Si Devi Cloud Valentino na fourth year high school na ngayon, graduating at higit sa lahat boyfriend ko.
"Boyfriend ko..boyfriend ko?" What the hell? Bigla kong idinilat ang dalawa kong mga mata dahil sa may biglang naalala.
"s**t! oh my gulay!" Napabangon agad ako sa aking higaan, natataranta na ako kung saan ang uunahin ko ang maliligo na ba o magligpit ng higaan.
Of course, mas pinili ko yung nararapat at hindi makarinig ng sermon at ito ang ayusin muna ang tinutulugan namin ni nanay, magkatabi kaming natutulog dito sa sahig, may banig naman kaming nilalatag, may kumot at mga unan, dalawang unan kay nanay at lima naman sa akin.
Ewan ko ba, hindi ako makakatulog kapag isang unan lang, bale isa sa uluhan, isa naman sa right side, isa naman sa left side at dalawa sa paahan ko. Oo ang swerte naman ng mga paa ko, nakaunan din.
Matapos kong mailigpit dali-dali kong hinablot ang tuwalya na nakasabit sa sampayan malapit sa bintana at mabilis ang kilos na lumabas ng kwarto para maligo, tiningnan ko ang orasan na nakasabit sa dingding ng bahay malapit sa kusina. "Oh no, malapit na ngang mag six-thirty baka hinihintay na ako ni Cloud sa lagi naming tagpuan para sabay na kaming pumunta ng school.
Binuksan ko na agad ang pinto papuntang labas ng bahay, nasa likod kasi ng bahay ang palikuran namin at doon na rin ako maliligo, dalaga na ako kaya hindi na pwede na dito ako sa labas ng poso maligo kung saan kami naglalaba ni nanay. Malayo naman kami sa mga kapitbahay pero minsan may napapadaan dito sa area namin kaya mabuti na yung maingat.
Di ko naman matetext o matawagan si Cloud kasi wala pa akong cellphone sa ngayon, kaya bago mag-uwian, nag-uusap na kami kung paano niya ako masusundo at maihahatid na di alam ni nanay.
Ayaw ko pa kasing ipaalam na may boyfriend na ako lalo na at ang boyfriend ko ay ang anak kung saan siya nagtatrabaho. May takot ako na baka magalit si nanay kasi ang pangako ko pa naman sa kanya na tatapusin ko muna ang pag-aaral ng high school bago tumanggap ng manililigaw kung meron man at isa pa bata pa ako at sabi ni inay baka iiwan lang daw ako kapag nakuha na ang gustong makuha sa akin. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ni nanay pero anong ginagawa ko ngayon lalo at kilalang-tao ang pamilya ni Cloud.
Magdadalawang taon na kaming magkasintahan, sinubukan ko lang naman, nangungulit kasi, dami pakulo sa school at isa pa crush ko na talaga sya dati pa pero dahil may pagkasuplado ang awra nya kaya kapag nagkakasalubong landas namin takot ako sa kanya kapag pumupunta ako sa bahay nila para tulungan si nanay. Makita ko lang siya dati kumukulo na ang dugo ko dahil sa ginawa niya nung bata pa ako, nagsusuplado s'ya sa akin ganun din ako sa kanya. Kanya-kanya kaming irap sa hangin.
Pero nung bigla niya akong kausapin habang nagtatanim ng bulaklak sa garden nila naging friend kami hanggang sa sobrang close na, minsan tinutulungan nya akong kumuha ng mga dahon para gawing pera at kunwari bibili kami, minsan naman naghahabulan kami sa kanilang garden, kami lang kasi ang bata sa mansion nila. Hanggang halos sabay na kaming lumaki at naging comfortable na sa isa't-isa isa kaya minsan inaasar nya na ako, naging aso't-pusa kami kaya ayun nagulat ako na pinagtapat niya sa akin na gusto nya ako nung nagtransfer s'ya ng pag-aaral nung second year high school sa Manila kasi siya nag-aaral ng elementary at nung naging kami yun ang isang dahilan kung bakit lagi nya akong inaasar kasi yun lang daw ang way para kausapin ko sya kahit na magkasundo naman kami nung hindi pa kami nag-aaral, ako kasi yung tipong tao na tahimik lang kung maari. Kung ayaw akong pansinin o kung ayaw nang isang tao sa akin, hindi ko pinipilit ang sarili ko na magustuhan nila.
At ito na nga, naging kami na ni ulap, hulog na hulog at sa awa ng Diyos hindi naman naapektohan ang pag-aaral ko o naming dalawa pala, kung baga nagkakasundo kami ginagabayan nya ako sa mga bagay na di ko maiintindihan lalo na sa mga subject na nahihirapan ako lalo kapag Mathematics, jusko Lord sumasakit ang ulo ko kapag numbers na ang topic ng teacher namin sa math pero who you yang numbers na yan kapag pera na ang pinag-uusapan.
Tinutulungan ako ni Cloud hindi man sa tamang sagot agad-agad kundi step by step kung paano ko masasagot ang mahihirap na subject para maiintindihan ko, napagdaanan niya na kasi kaya sisiw na lang yun sa kanya at sa pagkakakilala ko sa kanya matalino ang boyfriend ko, o diba? All in one na, nasa kanya na lahat.
Hiwalayan ko kaya ay joke lang di ko yata kaya yun. Kaya kung double hulog ako sa kanya dati ngayon parang billion times na ata pagkainlababo ko sa kanya.
Yung dating bad boy o baka bansag lang yun sa kanya dahil nga sa awra nya na parang bad boy lalo na yung buhok niyang parang si naruto at tapos kapag titigan mo parang ang daming kaaway sa mundo, suplado pa pero ngayon sa akin lang pala titiklop.
Sa dami kong iniisip,di ko namalayan na natapos na akong maligo, di ko maalala kung nakapagkuskos ba ako ng maayos sa aking katawan ay basta pahid lang ng sabon sa katawan ok na at konting shampoo sa buhok kong maitim at medyo curly sa dulo at hanggang balikat ko lamang.
Pagkatapos kong mag toothbrush dali-dali kong pinunasan ang katawan ng malinis na tuwalya, tinakpan ko na lang muna ng tuwalya ang aking hubad na katawan at sa loob na ako ng bahay magbibihis, medyo may kalayuan ang mga bahay dito sa amin kaya walang makakita sa akin kung lakad-takbo akong papasok ng bahay, pero yun nga double ingat baka may makapadaan.
Pagkasuot ko ng uniform ko na kulay white ang pang-itaas at green naman ang palda. Lumapit ako sa cabinet na gawang kahoy kung saan nakalagay ang mga damit namin ni nanay ko. Sa ibabaw nito dito nakalagay ang mga suklay, salamim at iba pang pampapahid sa mukha.
Nang makapagsuklay na ako ng buhok, naglagay narin ako ng konting baby cologne at pulbos para naman kahit papano baby parin ang amoy ko lalo ngayon mahilig humalik ang boyfriend ko sa may balikat ko kapag may pagkakataon.
Syempre bawal pa kiss sa lips, baka after graduation nya o ako, doon pwede na ata.I giggle with that thought."Gosh," nilagay ko ang dalawa kong mga palad sa'king pisngi, feeling ko tuloy lalagnatin ako dahil sa mga iniisip ko, imagine Devi Cloud kissing me "oh my goodness, gulay baka mahimatay ako lalo kapag magsasalita siya, minsan pa naman akong nakatitig sa mga labi nya at mukha ang ganda kasi panuorin para s'yang young version na actor ni Raoul Bova ang sarap ibulsa palagi.
"Hay naku Rey ang bata mo pa sa mga bagay na yan, mag-aral ka muna at isa pa late ka ng bruha ka baka nilalangaw na yung love of your life sa puno ng santol," maktol ko sa sarili. Bitbit ang bag at libro lumabas na ako ng kwarto at nagtungo sa kusina, binuksan ko ang pinangtakip ng ulam, dahil sa nagmamadali na ako ay babaonin ko na lang itong inihanda ni inay sa akin, late na ako hindi sa klase kundi sa oras namin ni Cloud. Naiinip na ata yun sa kahihintay sa akin. Baka mamaya pinagsusuntok na nya ang santol o di kaya kinakausap na nya ng mag- isa. Natatawa ako sa mga naiisip ko.
Ganito kasi ang routine naming dalawa kapag nagkikita kami, bago pumasok sa klase. Dinodouble check nya kasi kung may assignment akong hindi nagawa o hindi tama. Kapag mali kasi tinuturuan nya ako pero hindi ang tamang sagot kundi step by step paano makuha ang tamang sagot like mathematics,pero kung mga English naman tinatama nya ang grammar ko, pinapaintindi nya sa akin ang mga kaibahan like example paano gamitin ang past, present at past tense,kahit sa science may pa sign language pa yan, kung hindi ko parin maiintindihan tatambakan nya ako ng maraming libro para hanapin ang ibig sabihin ng assignment ko. Eh paano naman kasi iyak na iyak ako sa harapan nya nung nagkita kami dahil out of 50 ay 35 lang score ko kaya doon nagsimula na tinuturuan na nya ako. Nagtitiyaga talaga siyang turuan ako para hindi na maging birnes santo ang mukha ko.
Kahit minsan naiinis ako, pwede naman nya sabihin na agad kung ano ang tamang sagot, pero ano sabi nya, ''Paano ka matututo kung ako ang sasagot?" See!ang talino talaga bakit hindi na lang sabihin na gusto nya lang talagang makasama ako ng matagal, tsk.
Well..well sa bagay tama naman s'ya. Kung gusto mong umunlad ang buhay mo, dapat pinagsipagan mo iyong kunin na hindi umaasa sa iba.
Kung alam mong may mali at may taong gumagabay sa'yo be thankful kasi minsan lang sa buhay natin na may tao tayong matatakbohan.
Kaya love na love ko ang Cloudy ko eh. Pagkatapos kong kunin ang lunch box sa cabinet at mailagay ang mga inihanda ni inay na pagkain para sa'kin nilagay ko na ito sa paper bag. Doon ko na lang to kakainin sa school kasama si Cloud, share kami kapag hindi pa sya nakapag-almusal.
Mabilisan ang kilos ko sa paghuhugas ng mga pinaglagyan ng mga ulam, for sure kumain na si inay bago umalis. Ayoko ko kasing umaalis na hindi ko to mahuhugasan baka makarinig na naman ako ng sermon mamaya.
Masinop si nanay ayaw nyang makalat ang bahay. Kahit lamok at langaw tinataboy nya paalis ng bahay, hindi daw sila welcome dito sa loob.
Dino-double check ko muna ang lahat dito sa loob ng bahay kung nakapatay na ba ang apoy sa kahoy, ito kasi ang ginagamit namin na panggatong kapag nagluluto. Sinarado ng maigi ang dalawang bintana at kung nakapatay na ang ilaw. Nang makita na ok na ang lahat, kinuha ko na ang bag at ang baonan ko.
Bago ko buksan ang pinto, kumuha muna ako ng maliit na papel at ballpen para sulatan si nanay ko. "Nay umalis na po ako, mag-iingat po kayo sa lakad nyo mamaya. I love you always. The best ka nanay ko, mwah mwah."Ganito ang lagi kong ginagawa kapag umaalis ng bahay kapag nauna nang umalis si nanay, dahil pareho kaming walang cellphone, meron naman kaming keypad dati kaso nasira narin dahil sa matagal na ring ginagamit. Pinag-iponan pa namin para makabili ng bago kung sakali.
After kong isulat ang mga mensahe ko kay nanay kumuha ako ng scratch tape at dinikit ko ang maliit na papel malapit sa door knob para madaling mabasa ni nanay. Pagkasarado ng pinto at mailock ang kandado, tinago ko ang susi namin sa malapit na pasong may halaman, sa ilalim nito para makapasok si nanay pagkauwi nya ng bahay. Nawala ko kasi yung pinag duplicate ni nanay kaya ito na lang ang ginagawa namin.
Lakad takbo ang ginawa ko para mapabilis, mahigit sampong minuto pa ang lalakarin ko papunta sa tagpuan namin sa may puno ng santol depende sa paglalakad o pagtakbo ko.
May dalawang daanan papunta sa amin doon sa kabilang kalsada dumaan si inay kasi nandoon ang sakayan ng mga tricycle papuntang palengke sa bayan. May pasok ako kaya hindi ko masamahan si inay.
Pero minsan hindi nya talaga ako isinasama kapag pupunta ng bayan kahit wala akong pasok kasi panay turo ko ng mga damit, sapatos o kahit ano-ano na lang makikita ko sa mga stall, kapag hindi ako binilhan kunwari iiyak na ako nyan. Kaya alam ko na kung bakit nag-iisa lang ako na anak kasi may pagkabrat ata ako.
Pero dati yun, ngayon malaki na ako at alam ko na hindi ka dapat nagsasayang ng pera lalo at hindi naman ito kailangan at hindi mo rin pinaghirapan. Lalo kapag ang pera mo ay galing sa pawis at sakit ng katawan, kaya dapat pahalagahan din ang pera sa tamang paraan, baka sa kakagastos mo di mo namamalayan nagkakasakit kana at wala ka ni piso na saving, masaklap yun. Kaya ako imbis na binibili ko ng mga anik-anik na hindi naman talaga kailangan, hinuhulog ko na lang ang mga barya ko sa maliit ko na alkansya.
Sa awa naman malapit na mapuno yung isang 1.5L ng soft drink na wala ng laman. Minsan kung wala kaming makain doon na ako kumukuha at nung nalaman ni nanay na nag-iipon ako syempre proud s'ya sa akin kaya kapag may extra siya ay nilalagyan nya rin ang alkansya ko.
Walang impossible sa mundo Alam ko balang araw magbabago din ang buhay namin ni inay, magtatrabaho ako at kapag kumikita na bibili ako ng lupa at magpapatayo ako ng bahay, gusto ko rin na patigilin na si nanay sa pagtatrabaho lalo ngayon tumatanda na sya at kahit hindi nya man sinasabi nakikita ko, nahihirapan narin sya, napapagod din kaya minsan tumutulong ako sa paglilinis sa bahay nina Cloud para magkapera din.
Masaya din kapag nan'don ang mommy ni Cloudy ko at nakikita nya na nagtatrabaho ako inaabotan nya ako ng pera lalo at nag-aaral ako, ang bait nya sa akin at sino ba naman ako para tanggihan ang grasya, pagka-abot pasok agad sa bulsa baka babawiin pa lang.
Kahit maliit lang to na halaga ,may mabibili ka na ng mga gamit sa school o di kaya pangmerienda na rin, may kasabihan pa naman ako na "No money, I'm hungry," haizt bakit ko ba iniisip ang pagkain, nagugutom tuloy ako, hindi pa naman ako nakapag-almusal.
Medyo malubak tong dinadaanan ko ngayon pero keri lang basta ang importante ang mahalaga dahan-dahan lang sa paglalakad, slowly but surely na makakarating din sa paruruonan, ayoko namang puro sugat tong katawan ko, lalo pang nakakahiya kapag nalaman ng iba nakipagbugbugan ako sa lubak na daan.
Konting kembot na lang malapit na ako sa puno ng santol, tanaw ko na dito ang puno.
Mga pamilyang Valentino din kasi ang may ari nitong lupain na'to. Kapatid sa asawa ni ma'am Lourdes. Halos pananim na lang makikita mo dito walang kabahayan kasi halos pamilya nila nasa syudad nakatira o di kaya abroad.
Tanaw ko dito sa hindi kalayuan ang bulto ng isang lalaki na malamang sa alamang kanina pa naghihintay sa akin. Wearing his school uniform na polo white short-sleeved pair with black pants at black shoes.
My gosh dalawang kulay lang kahit dito sa medyo malayo pa sa kanya, ang astig tingnan ng boyfriend kong ito, parang ginto kumikinang sinalo na lahat ng pinanganak ito for sure.
Nakahilig ito sa kanyang motor habang nagbabasa ng libro, katulad ko mahilig din magbasa ng libro si Cloud and all about business at science ang hilig n'yang basahin. May opisina sila sa bahay nila at maraming mga librong nakapaligid doon sarap sa mata habang iniikot mo ang mga mata mo doon at tingnan . Sa bagay sa laki ba naman ng negosyo nila, dito sa Pilipinas at labas ng bansa at nag-iisa lang s'yang tagapagmana kaya double ang pag-aaral nya.
Feeling ko sobrang layo ko pa sa kanya kaya "My Cloudy baby!" sigaw ko sa kanya, di na ako nakatiis, tinakbo ko na ang pagitan naming dalawa.Tumayo siya ng tuwid pagkahilig sa motor nung nakita ako.
"Be careful..do not run!" he shouted back. Hindi ko siya pinakinggan, tumakbo parin ako. With his wide open arms, sinalubong nya ako ng mahigpit na yakap pagkalapit ko sa kanya.
"Late na naman ang baby ko, but it's okay, finally you're here'. I miss you so much, "bulong nya malapit sa tenga ko habang yakap ko sya. Kinikiliti ako sa bawat salitang binibitawan nya para siyang musika na kahit boses nya lang ang paulit-ulit kong ipiplay sa playlist ko hindi ako magsasawa.
Niyakap ko din siya ng pabalik, wala akong pakialam kung medyo naiipit ako, paano naman kasi sa edad niyang labing-walo, matipuno na ang katawan, matangkad din siya na hanggang balikat lang ako sa kanya. Paano na lang kaya kapag nasa twenties na ang edad nito.
Inangat ko ang ulo ko habang nakayakap parin ang mga braso ko sa bewang nya, tinitigan ko siya sa mukha."Good morning Cloudy! I miss you so much, don't you know that?" I heard him chuckled habang nakadungaw nya akong tinititigan sa mga mata.
"I know! na miss din kita agad kahit kahapon lang tayo nagkita, I miss you Shemaia Rey Ocampo."
Pinapatakan niya ng halik ang aking noo, ilong, magkabilang pisngi ko, ganito ang lagi niyang ginagawa to welcome me kapag nagkikita kaming dalawa.
Kiss sa lips? Saka na daw kapag pwede na maybe after graduation o 18th birthday ko para daw special. Hala..bakit ko ba iniisip ang kiss na yan. Gutom lang siguro ito.
I kissed him back. Sa noo at panga, this is one of my favorites to welcome him. I carass his jaw gently habang tinititigan ang kanyang mga mata.
Nakatitig din ito sa akin na may sumisilay na ngiti ang mga labi. "Ano ang nasa isip ng baby ko, hmm care to share?" Hindi ko alam kung mukhang kamatis na ba itong mukha ko dahil sa mga naiisip kanina lamang.
"Ang ano, uhm..ano...bakit ang gwapo mo sa mga mata ko?" Gusto kong iuntog ang ulo ko sa matigas niyang dibdib dahil sa daming pwedeng itanong yun pa talaga ang lumalabas sa bibig ko.
Sumisilay ang pilyong ngiti sa mga labi nya."To answer that beautiful question, well maybe, meant to be talaga sa isa't isa ang mga magulang ko at sa tingin ko sarap na sarap sila habang ginag--aw, ouch, no baby! Why?" Reklamo nito habang kinukurot ko ang tagiliran nya.
Sinamangutan ko s'ya alam ko ang idudugtong niya, "kasi ang halay mo, dinu dumihan mo ang inosenting utak ko," sabi ko sabay himas sa kinurot ko.
"What? Anong mahalay? Saan banda?D'yan naman tayo pupunta pagnagkaasa--aw," Kinukurot ko siya ulit.
"Hinahalay mo talaga ang utak ko, hindi na ito inosente, sana pala hindi na ako nagtanong kung bakit ka gwapo," ngiti kong sabi kahit gusto ko ng matawa.
"Ano? Di na tayo aalis? Malapit na mag-eight ng umaga Cloudy' At saka gutom na ako di pa ako nag-aagahan eh," sabay turo ko sa'king tiyan ng makawala sa yakap nya.
Tinaasan nya ako ng kilay, mang-aasar naman ata. "Alright, hindi rin kasi ako nakapag-breakfast kasi may hint na ako na di ka pa kumakain dahil sa tulog mantika ka minsan," natatawa ito habang palapit kami sa kanyang motor, kinuha nya ang extra helmet na kulay pink na nasa top box ng kanyang motor.
Pagkatapos mailagay ang helmet sa aking ulo, kinuha nya ang paper bag na bitbit ko para mailagay sa harap ng motor kung saan may maliit na basket, nilagyan nya ito kahit hindi bagay sa motor nya para daw makahawak ako ng mahigpit sa kanya at hindi matapon ang dinadala ko.
"Yeah! parang ayaw ko ngang bumangon eh, kasi inaantok pa ako. May tinapos pa kasi ako na assignment para double check mo na lang mamaya kung may tama ba ako."
Tumaas lang ang kaliwang kilay nya."Ok, Eh double check ko yan mamaya." Sumampa na siya sa motor nya at sumunod naman akong umangkas, ayokong umalalay pa siya, malaki na ako at abot ko naman kahit papano.
Kinuha nya ang dalawang kamay ko at pinulupot niya ito sa kanyang bewang. "Hold on tight baby, baka mamaya mahulog ka na lang bigla," Sinunod ko ang sabi nya, amoy na amoy ko ang bango ng kanyang suot at shower gel at natural niyang amoy.
Hinilig ko ang aking ulo sa kanyang balikat parang ang sarap matulog habang kayakap ko tong boyfriend ko ah.
Lalo ngayon habang binabagtas namin ang daan papuntang school, sariwang pang-umagang hangin ang nalalanghap ko. Wala kang makikitang usok ng sasakyan kasi madalang lang ang sasakyan dito, kaya maganda langhapin ang sariwang hangin dito sa bundok kaysa sa city.
Maya't-maya ang pagtatanong ni Cloud kung ok lang ba ako sa likod.Tanging oo lang naman ang sagot ko dahil yun naman talaga ang isasagot ko.
Mabuti na lang at may motor si Cloud, meron namang sariling sasakyan at may driver license narin siya pero mas prefer niyang gamitin ang motor nya kaysa sa car nya, unless kung umuulan o di kaya may event sa school at magdadala ng maraming gamit saka pa siya magda drive papuntang ng paaralan.
Wala namang problema sa akin kung maglalakad ako papunta sa school at pauwi sa bahay, sanay naman akong maglakad ng malayo pero sa katulad ko na matagal gumising need talaga may transportation, nakakapagod din kaya ang thirty minutes na paglalakad.
Kapag nakasakay ka ng motorcycle o di kaya tricycle five minute to ten minutes nakarating kana sa paruruonan mo. Hinigpitan ko pa ang pagkawahak sa kanyang bewang para sure na hindi mahulog.
"Gusto mo kantahan kita Cloudy ko? May bago akong kanta eh," tanong ko sa kanya, eh sa feel kong kumanta habang binabagtas namin tong kalsada. Natawa lang itong kayakap ko, pareho kasi naming alam kong bakit pero tumango lang s'ya para magpaubaya.
"Ok, sisimulan ko na at bago ko pala simulan, I dedicated this song to my favorite man on earth Devi Cloud Valentino!" umaaksyon pa akong puma palakpak pero dahil ayaw kong bitawan ang kamay kong nakayakap sa kanya ay tinapik-tapik ko na lang ang kanyang abs oh wow hello abs nice touching you again. Natatawa na lang talaga tong Cloud na'to sa pinaggagawa ko.
Tumikhim muna ako para swabe ang intro natin baka mamaya kusa na akong ihulog ni Cloud sa motor.
Take me to your heart by MLTR
Natatanaw ko na ang paaralan namin wala akong pakialam kaya pinagpatuloy ko ang pagkanta ko kahit nakikita ko na may mga estudyante naring nakikita na naglalakad sa kalsada para pumasok.
Patuloy parin sa pagkakanta kahit nahihirapan na dahil sa helmet ko pero dahil parang hyper tayo ngayon kaya wala na akong pakialam kung pinagtatawanan ako ni Cloud dahil nga we know. Kumakanta pa rin ako.
"We're here," napa-ayos ako ng upo, palinga-linga ako sa paligid and yes nandito na nga kami sa school, sobrang bilis lang ata gusto ko pang kumanta eh.
Pagkababa ni Cloud, tinutulungan nga akong makababa para hindi daw umangat ang palda ko.Tinulungan nya rin akong alisin ang helmet ko at ng makuha na binalik nya ito sa tool box. Sinuklay nya ang buhok ko gamit ang kanyang mga daliri, medyo basa pa ang buhok dahil sa bagong paligo.
"Kailan mo pa na memorize yang kanta na yan? Bakit yan ang napili mong kantahin para sa akin?" tanong nito sa akin.
"Dalawang linggo ko na siyang minomemorized naririnig ko kasi sa radyo yang kanta palagi kaya yan ang napili ko para sa araw na ito." Nakangiti kong sabi sa kanya.
"Nice choice of song baby, I'm glad you sing that for me don't worry next time ako naman kakanta para sa'yo," nagkatitigan kami dahil sa sinabi niya at bigla na lang na tawa dahil nga di ba we know.
"Challenge accepted Cloud dapat yung kantang pipiliin mo ay yung sobrang na ma touch ako, ok ba Devi Cloud?" Pinagtawanan na lang namin ang mga kalokohan namin ngayong araw buti na lang at hindi dumilim ang langit kanina habang kumakanta ako bagkos lalo pang naging clear ang kalangitan sa umagang ito.
Kinuha nya na ang paper bag na laman ng food namin for breakfast. "Saan mo gustong kumain, sa canteen, uncle's office, tita's office or bench malapit sa puno ng mangga sa may field?" Ayaw ko sa opisina ng uncle at tita nya baka anong isipin nun.
"Hmm, Sa may bench na lang Cloud, natapos ko narin ang assignment ko for sure tama yun, nag study narin kaya ako kagabi pero check mo na lang din mamaya, ok?" sabi ko sa kanya.
"Alright..after we eat, check ko ang assignment ng baby ko," si Cloud.
Nasa left side ng kanyang kamay ang paper bag at ang kanang kamay naman nya ang nakahawak sa aking kamay para sabay na kaming makapasok sa gate ng school.
Maraming estudyante narin ang pumapasok sa school, ang iba nagmamadali ang iba naman ay tamang lakad lang habang may mga kausap.
Tinagilid ko ang aking ulo para makita si Cloud, nakatingin din pala ito sa akin, itinaasan ko sya ng kilay. Ang gwapo talaga ang nilalang na'to.
Days from now magdadalawang taon na kami parang kelan lang nangyari at ito kami masaya parin. Mga bata pa kami, marami pang pwedeng mangyari alam ko yun dahil yun ang sabi ni mama ko na jindi madali ang buhay kailangan lang talaga ng dasal at tiwala sa sarili.
Dahil sa maaga ang relasyon namin alam kung marami pa kaming pagdadaanan pero hangga't masaya pa ako ngayon susulitin ko muna. Habang naglalakad pinagpatuloy ko ang hindi pa natapos na kanta.
Tinagilid ko ang ulo ko para makita ang mukha ni Cloudy ko. Nagpipigil ng tawa ang half Italianong ito inirapan ko sya at pinagpatuloy ang pagkakanta habang papasok sa school.
Bibirit pa sana ako kaso naalala ko nasa school na kami baka ano na lang isipin ng mga estudyante sa akin na may kasamang baliw tong gwapong katabi ko
Wala na talaga akong pakialam kung naririnig ako ng mga estudyante minsan may napapalingon sa banda namin kinawayan ko lang habang si Cloud natatawa na lang sa akin.
Habang magkahawak kamay kami winawagayway ko ito tapos ipapaikot n'ya ako habang nasa taas ang dalawa naming kamay tapos spread para kaming nag Cha-Cha nito eh.
Ang saya ng puso na katabi mo ang taong nagpapasaya sa iyo.
Magkahawak-kamay kayo sa taong mamahalin mo habang buhay.