CHAPTER 01
CHAPTER 01
SEDUCING THE COLD BODYGUARD
Madaling araw ang dating ko sa bahay namin sa Makati. For one year ay sa wakas na pauwi na rin ako ni daddy sa Pilipinas kahit ayoko pa sana dahil namalagi ako sa Singapore para sa isang photoshoot ng magazine cover. Ngayong taon kasi ay sa palagay ko ay malaking break ito sa akin bilang isang modelo.
Pero dahil gusto ko munang ipahinga ang sarili ko sa mga photoshoot na yan kaya ngayon ay magbabakasyon lang ako dito sa Pilipinas for two month or three and then lilipad na naman sa ibang bansa para sa trabaho ko, simula kasi na natanggap ako bilang model ng clothing brand especially underwear ay halos wala na akong time para magpahinga at magbakasyon.
Pinagbakasyon ko na rin ang P. A ko na Pinay din sa kanilang probinsya dahil wala naman akong nakaschedule na shoot sa bansang Pilipinas kundi ang mag-enjoy at makipagkita sa mga kaibigan ko.
Humikab ako dahil inaantok na at nasa airport pa ako naghihintay ng sundo ko, late ko na kasing tinawagan si daddy na magpapasundo ako sa kanya, sa panahon ngayon at gabi pa ay ayokong mag commute lalo at may dala ako na maleta at baka makatulog ako sa taxi, kaya delikado para sa akin na minsan na makakalimutin.
Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan ulit si daddy kung saan na siya. Siya na lang ang meron ako dahil sumakabilang bahay na ang ina ko two years ago, minahal siya ng tapat ni daddy pero hindi pa rin naging sapat sa kanya kaya naghanap siya ng iba.
Pagkarating sa bahay ay naabutan ko minsan galing sa school na sinasaktan ni mommy si daddy at ang daddy ko naman ay walang imik kundi ang magparaya.
Grabe! Iba magmahal si daddy o iba nga talaga gumalaw ang pag-ibig. Ako naman ay minsan na ring magmahal pero nagloko rin kaya imbes na masaktan at magmukmok sa tabi ay iniisip ko na lang na Ang ex ko na iyon ay isang experimento lamang.
Kaya ko naman pala maging masaya kahit wala munang ka partner.
May mga taong nagmamahal sa akin kaya doon ako nag stastay.
Of course kay daddy ako sumama dahil siya lang ang nagmamahal sa akin, si mommy kasi hindi ko alam kung may atraso ba ako sa kanya na kapag nakikita niya ako ay parang sinusumpa niya na ako buong buhay niya, di porket magkamukha kami ni daddy, baka isa iyan sa dahilan.
Humikab ulit ako, grabe na talaga ang antok ko.
"Hello dad, where are you na ba? I'm so sleepy na po. Kung hindi nyo po ako masusundo ngayong oras or papunta pa lang kayo, huwag na lang po kayong tumuloy at magtataxi na lang po ako. Nevermind na lang po." Kunwari pagtatampo ko.
"Sorry anak, nakatulog ako. Hindi pa ba dumating si Manong bodyguard diyan?" Inikot ko ang mga mata ko dahil sa tanong ni daddy.
"Dad, hindi ako tatawag sa inyo kung nandito na po."
"Sabi ko nga. Sige, don't worry baby. Itetext ko siya kung nasaan na siya, okay? Hindi na ako sumama dahil maraming ginawa si daddy sa office kaya sobrang pagod ako ngayon. Kaya yung isang bodyguard ko na lang ang pinapunta ko riyan para sunduin ka. Makapaghintay ba ang baby ko? I miss you so much." Kita mo, imbes na ako ang maunang magtampo kay dad kaso lagi naman niyang sinisingit na lambingin ako at gaano niya ako ka miss kaya agad nawala ang tampo ko.
Daddy's girl kasi ako eh.
"Okay dad, go back to sleep na po. Magkita na lang tayo bukas ng umaga kung gising na ako bago kayo pumasok sa office-"
"No no.. iha, take your time sa pagtulog pagdating mo, nasa bahay lang ako niyan. Hindi muna ako papasok sa office para makasama kita. Remember, one year nawalay sa akin ang favorite baby ko kaya bukas pag gising mo, asikasuhin ko ang prinsesa ko, lulutuin natin ang gusto mong pagkain na namimiss mo dito sa Pilipinas. Is that okay with you?" Napangiti ako dahil sa sinabi ni daddy. This is what I like about him, he's caring and loves me so much. Walang makakapantay ang pagmamahal niya.
"Yes daddy, thank you po. Go back to sleep na po at hihintayin ko na lang dito ang bodyguard mo. Bye daddy see you this morning. Mornight dad."
"You too, my baby. I love you." Pagkasabi niya ay pinatay na niya ang tawag at ako naman ay hihintayin ko na lang ang bodyguard hanggang sa kaya ko pang magtiis.
Kung iinit na itong pwet ko sa kakaupo ay baka uuwi na lang akong mag-isa. Marami namang taxi dito nakahilera sa labas ng airport. Bahala na kung magbabayad ako ng malaki kahit hindi naman tama ang price na binibigay ng ibang driver, minsan. Ang mahalaga mabait at walang gagawin sa akin na masama at makakauwi ako na safe sa bahay.
Sana walang barumbado.
Nasa waiting area lang ako at ang dala ko na maleta ay dalawa lang naman pero nandito kasi ang ibang mamahaling gamit ko kaya dapat mag-ingat talaga.
Inikot ko ang paningin ko at baka may sasakyan na hihinto sa waiting area pero wala pa naman.
Napahawak na lang ako sa sentido ko na hindi ko pala na itanong kay Daddy ang pangalan ng magsusundo sa akin na bodyguard niya. Pa iba-iba kasi ang bodyguard ni daddy minsan eh, ngayon naman daw ay may bago. Sa tingin ko natutulog na si dad ngayon kaya ayoko namang gisingin pa siya para lang sa ganyan. Sa tingin ko kilala na ako ng bodyguard niya for sure.
Kumukuha siya ng taga bantay sa kanya pero ka edaran niya pa. Ilang beses ko na sinisita si daddy tungkol diyan. Ang sabi naman niya well trained naman daw ang mga tauhan niya kaya ligtas pa rin siya. Sana lang.
Saan na ba si Manong bodyguard? Ang tagal naman yata. Ma traffic ba sa kalsada ngayon na madaling araw papuntang airport kaya wala pa siya?
Humalukipkip ako at pikit matang naghihintay sa taong wala pa rin. Kung hindi lang siya matanda ay baka lalabas na naman ang sungay ko.
"Miss Madden?" Narinig kong may tumawag sa last name ko. Ako kaya iyon? Hindi ko pa rin idinilat ang mga mata ko, inaantok na talaga ako. Probably, gising ang diwa ko pero hindi ang talukap ng mga mata ko.