CHAPTER 01
CHAPTER 01
CALL ME, KUYA!
“Sure ka na ba Budang na nasa folder na ang lahat na kailanganin ko mamaya?” Tanong ko sa kaibigan ko na si Budang. Nickname niya iyan hanggang nasanay na rin na ganyan ang tawag namin sa kanya, lalo na ako.
Maaga akong pumunta sa bahay nila para lang ayusan ako. Maalam kasi siya mga make-up, ako naman tamang suklay lang ng buhok at lagay ng baby powder ay ayos na sa akin, unlike now. Kailangan nasa tamang ayos ako at hindi mukhang losyang o tita.
Eh, paano kasi, ngayong araw ay magbabakasakali na ako na matanggap sa trabaho, and for the first time kasi mag-aapply ako ng trabaho sa building na nadadaanan ko minsan tuwing gabi at ayon nga sa karatula na nakalagay sa labas ng gate na naghahanap sila ng secretary. Isa iyon sa pangarap ko na maging secretary at ma inlove sa akin ang amo ko. Ay mali... mali pala...basta dream ko talaga siya.
At dahil magdadalawang buwan na yata na nakapaskil iyon sa labas at lagi kong nababasa kaya naisip ko na baka ako na nga ang hinahanap nila. Noong nagtanong ako sa guard na available pa ba at ang sabi oo raw, pero no’ng sinabi ko na ako ang mag-aapply, ay aba… sinabi ba naman na hindi ako matatanggap dahil para akong tita lalo na sa suot ko, bastos na kuya na iyon. May iba pa na nagsabi na hindi ako matanggap dahil bata pa ako. Ang sarap batukan eh, hindi niya ba alam na style ang tawag sa mga damit ko at ang mukha ko ay tama lang sa edad na twenty-one? Maliit man ako sa paningin ng iba, huwag ako dahil lalaban ako ng patas. Siga kaya ako sa kalsada dati hanggang ngayon.
“Oo nga, kulit naman nito. Nasa loob na ang mga kakailanganin mo kung hihingin sa iyo like bio data, birth certificate, school id, postal id, barangay clearance, at saka yung certificate kung kailan ka ni regla ay nakalagay na rin diyan.” Aniya kaya lumapad ang ngiti ko, maaasahan talaga ang kaibigan ko na ito na parang ate ko na.
Magkapitbahay kami at siya lang ang namumudtangi na naging kaibigan ko sa school simula elementarya at high school hanggang ngayon, ang turingan naming dalawa ay magkapatid kaso sa magkaibang nanay at tatay pero higit pa sa kaibigan ang turingan naming dalawa.
“Salamat Budang, at kung magtanong kung nasaan ang driver license ko, ang sasabihin ko lang, na wala akong sasakyan bakit ako magkaroon ng driver license na iyan? Tama?"
“Tama, Unique."
“At kung magtanong na kung saan ang passport ko ang sasabihin ko lang na, bakit kailangan pa ng passport na itong building na ito ang inaaplayan ko at hindi ibang bansa. Maniwala lang ako kung ang building na ito mismo ay ililipat sa ibang bansa at saka na ako kukuha ng passport para gawing id. Unless kung isama ako sa ibang bansa. Right Budang?” Tanong ko ulit sa kaibigan at baka may kulang na naman sa mga habilin niya at dapat hindi ako magkamali sa pagsabi kung sino man ang mag-interview sa akin mamaya.
Dapat ma impress ko siya o sila sa mga mabulaklakin ko na salita sa kanila para matanggap ako. Please dear God, ibigay mo na ang aking hiling. Amen.
Inayusan ulit ako ni Budang, pagkatapos n'yang kulutin ang aking buhok ay ngayon naman ay ang aking mukha ang nilagyan niya ng make-up. Pangarap kasi ni Budang ay maging make-up artist kaya ngayon nagpa-practice na siya. Nag-aaral siya ngayon ng college about business habang ako naman ay huminto muna pagkatapos ko ng highschool dahil hindi na ako kayang pag-aralin ng mga magulang ko lalo at napilay si tatay dahil sa isang aksidente dati na kung saan nakabanggan ang mga sasakyan at isa siya sa nakasama dahil nagmomotor siya pauwi ng bahay.
Mabuti na lang at hindi napuruhan ang papa ko, kaya kahit mahirap ay gumagawa ako ng paraan na matulungan sila. Kapag gabi naman ay naglalako ako ng balut dito sa street namin. Ilang beses na rin nanakawan kaya kapag may pera ako galing sa pagbebenta ng balut ay naglagay ako sa aking bra para safe at wala namang nakakaalam na may pera ako na itinago, minsan ang laman lang ng pera ko sa maliit na wallet sa benta ay fifty pesos o bente. Minsan, naglalagay ako ng laruan na ahas o di kaya ipis para kapag binuklat ng magnanakaw ang benta ko sa wallet ay kumarepas na sila ng takbo dahil sa takot.
Iyan ang tinatawag na mindset ba mindset.
"Iyan, mukhang expensive ka na at mukhang unique ka na dahil sa naayusan ka na." uminit ang pisngi ko dahil sa sinabi ng kaibigan.
"Syempre, nasa harapan ko na ang pinakamagaling sa lahat na make-up artist, walang iba kundi ikaw, ang Budang ko. Kaya sobra -sobrang thank you talaga sa pa libre na pampaganda sa mukha at di bale tulad ng pinangako ko sa iyo Budang, bukod sa pamilya ko ay ikaw ang unang ililibre ko, ayeeh." ani ko.
"Ewan ko sa iyo, Unique. Basta, galingan mo lang mamaya at sana makapasa ka sa interview ay masaya na ako sa iyo. Good luck and congratulations in advance." sambit niya.
" Ay hala, na pressure tuloy ako, joke only. Kaya natin ito ay ako lang pala at dahil hindi ka makapunta kahit sa labas ng building nila ay ipagdasal mo na lang ako. Thank you ulit sa iyo Budang." Saad ko bago ko siya hinalikan sa pisngi.
Pagkatapos akong ayusan ni Budang ay nagmamadali na akong nagpaalam sa kanya para maaga akong makatapos sa interview. Sana naman makapasa ako, dahil ito na lang ang pag-asa ko at para naman makaranas ako ng pang-opisina na trabaho na dati ko pang pinangarap pero hindi lang nagkatotoo dahil nga wala pang budget ang mga magulang ko para sa matrikula ko sa kolehiyo lalo at nagkasakit pa si papa.
“Isa na lang, isa na lang! Aalis na ang jeep. Ikaw ate, pasok! Pasok!" Ano ba yan ilang isa na lang kuya at bababa na kami rito sa jeep mo, halos wala na ngang maupuan tapos ayan na naman ang isa na lang.
"Kuya, malapit na pong uminit ang mga pwet namin sa kakaupo dahil kanina pa po kayo nagtatawag ng mga pasahero eh marami na po kami, para na nga kaming sardines dito.” ani ko.
"Pwede pa iyan, Miss. Kulang pa yan?” Aba! Nagmamadali ako tapos kulang pa.
“Anong gusto mo kuya, isa pa lang o magsisibabaan na lang kami sa jeep at maghanap ng iba? Kung totoong may space pa eh di sana hindi kami nagrereklamo.” Saad ko pa, kaya napakamot na lang ng ulo ang conductor mabuti naman at nakinig na sa akin, puno na raw at aalis na kami.
“Ang tapang mo, ineng. Sasabihin ko na sana kanina pero naunahan mo ako kaya salamat.” Sabi ng matandang babae. Ngumiti ako sa kanya.
“Kasi namimihasa Lola eh, nakakainis. Kanina pa malaglag ang pwet ko sa kakaupo dahil wala ng space. Matinding kapit na nga itong ginagawa ko." Wika ko.
“De bale iha, malapit na akong bumaba ng jeep para ikaw na naman ang makakaupo ng maayos kung saan ako, okay?” aniya kaya malapad ang ngiti ko.
"Okay Lola, maraming salamat po." Saad ko at sa kakahintay na bumaba si Lola ay akala ko malapit na ang babaan niya, mauna pa yata akong makababa sa kanya eh.
Huminto ang sasakyan na jeep at bumaba si Lola. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na sa wakas makakaupo na ako sa bakanteng upuan, paano ba naman kasi, sampong segundo na lang ang uupuin ko bago ako naman ang bababa sa jeep. Minamalas nga naman, ano.
Di bale, sana hindi ako mamalasin mamaya sa inaaplayan ko. Secretary man iyan o linis ng kanilang kisame ay papatulan ko, ayoko naman maging choosy pa ano. Basta trabaho na nasa tamang magpasahod ay game na game naman ako. Magaling naman ako sa mga gawaing bahay at wala naman akong ka arte-arte sa katawan kaya kahit ano basta matanggap lang ako sa trabaho.
Trabaho na yan, ang mahalaga na may sahod ako na hihintayin kaysa tumunganga na lang sa bahay at silipin ang mga tambay sa amin. Kapag ginawa ko iyon, palagay ko ay naging tamad at tambay na rin ako.
Mahirap ang buhay sa ngayon kaya dapat masipag ka sa lahat ng bagay, tulad ng iba hindi ako ipinanganak na ginto ang mga plato at kutsara sa hapag-kainan, simpleng sabaw lang ng malunggay na may tatlong isda ay masaya na ako, masaya na kami ng mga magulang ko.
Mapapasaan ba at baka kinabukasan ay bigyan ako ng magandang buhay ni Lord, gumaling lang ang papa ko ay sobrang saya ko na at walang iniinda na sakit ang mama ko bless na ako roon, masaya na ako.
Kaya pagbutihan ko pa lalo na umangat kami sa buhay. Gusto kong mabigyan sila ng magandang buhay ang mga magulang ko na nahpalaki sa kin. Sa ngayon muna, imbes na itatambay ko lang sa kwarto ko ay lahat na pwedeng pasukan na trabaho ay susubukan ko para kumita para pambili ng gamot at pang-araw-araw namin na pagkain.
And now, standing in front of this building ay susubukan ko na makapasok at mapabilang sa mga manggagawa nila rito.
Malay natin, maging bagong CEO pala ako rito, ay joke lang, lumipad lang sa kabilang dako ang pangarap ko dapat steady lang.
Magsisimula muna dapat sa pagiging low-key bago maging buhay prinsesa.