PROLOGUE
PROLOGUE:
WHEN MAFIA's Son FALL IN LOVE
Nakagisnan na ni Chevika Costamina na lumaki siya na nagtatrabaho sa club bilang waitress para matustusan ang pangangailangan ng kanyang kapatid na may sakit sa puso.
Ulila sa mga magulang dahil sa edad na dose anyos ay inambush ang sasakyan ng kanyang mga magulang.
Dati kasing isang pulis ang ama niya at tutol sa mga masasamang gawain, kaya ang mga taong gumawa nito sa kanila ay may galit kaya sa isang iglap, nagplano at ang tanging paraan ay ang paulanan ng bala ang sinasakyan ng mga mahal niya sa buhay.
Hindi man lang nakapaghanda ang papa ko dahil sa pag-aakala na tahimik na ang buhay namin lalo at kakaretired lang ni papa sa pagiging pulis at wala naman kaming nakita na death threat sa pamilya.
Yun pala, sinusundan pa rin kami ng mga masasamang demonyo, walang iba kundi ang sindikato.
Huli na nung dumating ang tulong. Naabutan na lang nila na naliligo na sa sariling dugo ang kanyang mommy at daddy.
Nasa paaralan ako ng mga oras na yun at susunduin na sana ako na mangyari ang karumaldumal ng mga plano ng sindikato.
Ang tanging nakaligtas lang ay ang aking kapatid na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakapagsalita simula na mangyari ang araw ng insidente. Hindi ko maisip kung ano ang kalagayan ng mga magulang ko habang itinatago nila ang kapatid ko para lang hindi tamaan ng bala. Hindi ko alam kung paano matanggap ng kapatid ko na siyam na taong gulang palang ay naranasan niya na ang ganoong pangyayari.
Kaya lahat ng ari-arian namin ay naibenta ko na dahil sa mga kailanganin namin sa pagpapalibing ng mga magulang ko at sa mga gamot ng kapatid ko. Lalo ngayon na nalaman ko na may sakit sa puso ang kapatid ko, kaya ginagawa ko ang lahat para lang matustusan ang pangangailan niya sa gamot man at pagkain kahit wala na ako. Kaya ko namang magtiis na asin o gatas lang ang ulam sa kanin.
Yung dating prinsesa na nakukuha ang lahat-lahat na gusto, makakain man yan o mga gamit ay isang sabi ko lang sa mga magulang ko ay nasa harapan ko na pero ngayon, biglang nagbago ang lahat at sa isang iglap naging story na ni Cinderella.
Hindi ko nga lang alam kung may happy ending pa itong story ng buhay ko.
Dahil sa nangyari sa amin ay wala man lang kumupkop na kamag-anak, kung meron man ay ako lang o di kaya ang kapatid ko, ang kapatid ko na lang ang meron ako kaya hindi ako pumayag sa mga gusto nila lalo sa sitwasyon ng kapatid ko na si Chareleene. Ito rin ang sinabi ng mga magulang ko na alagaan at mahalin ko ang kapatid ko at kahit anong mangyari ay hindi ko dapat siya pababayaan, kaya doon ako kumakapit na kahit naghihirap man kami basta kasama ko ang kapatid ko ay ayos lang.
Naibenta ko na rin ang malaking bahay namin kaya tanging apartment na lang kami naninirahan sa Maynila. Mababait naman ang mga tao rito kaya may tiwala ako kahit papano na iwan muna ang kapatid ko sa kanila, lalo na sa landlady na si nanay Dora.
Nung nakaipon ng malaki-laki ay bumili ako ng cctv na pwede sa cellphone para kahit papano ay mababantayan ko pa rin ang kapatid ko.
"Table six beshy, ito ang order para hindi ka malito, cr muna ako. Ihing-ihi na talaga amega." ani ni Helen sa akin. Kinuha ko sa palad niya ang maliit na papel at ibinigay kay Darius the bartender para maihanda ang orders. Mabait naman ang manager at mga kasamahan ko kaya nagtagal ako dito ng limang taon.
Nagsimula akong nagtrabaho dito nung malapit na talaga kami na maubusan ng makakain. Pumayag ako kahit labag sa loob ko dahilan ang tanging naiisip ko na lang ay para ito sa kapatid ko na may sakit sa puso. Mabuti na lang at nakasurvive din ng ilang taon. Wala na akong pakialam kung ano na lang iisipin ng mga kamag-anak ko kapag nakita nila na nasa club ang isang tulad ko.
"Thank you," nagpasalamat ako pagkabigay ni Darius ng mga drinks at naglalakad papunta sa table six. Dahil lima itong inorder na nakalagay sa tray kaya maingat ko itong dinala at baka bigla na lang tumilapon lalo at may naglalakad na mga tao, basta ganitong oras ng nine ng gabi ay dumarami ang mga customers dito sa club.
"Excuse me, ito na po ang mga orders niyo madam and sir!" saad ko sa limang tao na nandoon sa table six. May tatlong lalaki at dalawang babae. Dahil sa matagal na ako sa trabaho na ganito ay hindi na bago sa akin ang mga eksena na ganito na naghahalikan ang mga magshuta o hindi ko sure kung talagang magjowa nga sila.
May isa lang akong napansin na lalaki na nakaupo at naka kulay black na suot na naka turtle neck o talagang sinadya niya lang na iangat ang sinusuot niya para matabunan ang kalahating mukha? Hindi ko rin makita ang klarong mukha o mata, kasi nasa madilim siya na parte nakaupo.
Binalik ko ang attention ko sa pag seserve ng mga alak nila at pagkatapos nagpasalamat at iniwan sila.
"Ano? May tip na ibinigay?" Napailing agad ako sa tanong ni Helen sa akin.
"Wala eh, ayos lang, baka sa iba ay meron." ani ko.
"Kaya nga kung ano lang ang meron ay yun lang muna dahil minsan nakakahanap rin naman tayo ng totoong customers na nagbibigay talaga ng lagay sa mga bulsa natin. Kung hindi swertehin ngayong gabi baka bukas, bukas, bukas o kailan bukas pa yan," natatawa na lang ako dahil sa mga sinasabi ng kaibigan.
"Kaya nga…malay natin mamaya pag-uwian." paniguro ko kahit hindi naman talaga sure.
Mamayang alas dos pa ang out namin, magkasama kaming dalawa kasi magkapitbahay lang naman kami ni Helen kaya hindi na ako takot na bumiyahe kapag madaling araw.
Pero kailangan ko pa ring maghanap ng trabaho para sure na talaga ako may kikitain ako, bahala na. Dahil hindi naman gabi-gabi maganda ang kita ko sa club. Try ko kayang nag-apply ng secretary? Pinangarap ko rin yan eh pero hindi lang ako sure kung matatanggap ba ako lalo at hanggang second year college lang ang natapos ko at online class pa 'yon.
Nagkasakit kasi ang kapatid ko noong kasagsagan ng enrollment para sa third year kaya huminto na rin muna ako sa pag-aaral ng college kaysa ganito na pagsabayin ko lahat.
Dahil break time ko sa bar ng sampung minuto kaya pupunta lang ako ng comfort room.
Habang papalakad sa maliit na pasilyo papuntang cr ay hindi ko mapigilan na sumulyap sa itaas, ang first floor kasi ay kung saan ang nag-iinuman o di kaya nagsasayawan.
Hindi pa ako minsan nakaakyat sa pangalawang palapag dahil pinagbabawal. May nagse-serve naman daw doon. Kaya kung saan ka nakatuka ay doon ka lang at hindi ka na lalampas sa batas na meron dito sa bar na tinatawag na The Dark Club dahil may parusa.
Sa tingin ko ang may-ari ng bar na'to ay mahilig sa itim dahil kita naman sa pintura ng buong bar kung hindi gray ay kulay black naman kahit sa mga kagamitan, wala kang makikita na kulay puti kundi ang mga dark lang talaga na kulay.
Pagkatapos kung mag banyo ay lumabas na ako ng cubicle at pumunta sa gripo para maghugas.
Paglabas ko sa restroom ay nag palinga-linga pa ako. Maglalakad na sana ako pabalik sa loob ng bar na mahagip ko ang pinto na may nakalagay na Do Not Enter at may maliit na nakasulat sa ibaba na Just Enter? Huh? Ang weird naman kung sino ang sumulat nito.
Meron pa akong limang minuto at dahil may napansin ako na pumasok doon ay sinundan ko yun. Baka maganda pala sa itaas at mas malaki silang magbigay ng tip. Feeling ko na mas mayaman ang nandoon na mga tao at baka mga businessman na malalaki na ranggo sa second floor kaysa sa first floor o yung pwede lang sa itaas ay yung tinatawag na VIP. So? Mayaman nga.
Binuksan ko ang pintuan na Do Not Enter. Sisilipin ko lang at kapag makuntento na ay saka ako babalik sa baba para ituon ang sarili sa trabaho.
Matagal ng habilin sa amin na bawal talaga kami rito sa itaas pero ano itong ginagawa ko? Pagkasarado ko ng pintuan ay parang umurong ang mga paa ko dahil medyo madilim nga sa loob. "Anong klaseng entrance ba ito at nagtitipid sa kuryente at wala man lang ilaw? Ayos naman sana kahit flashlight na lang ang ilagay kung gusto ng dim para naman romantic, " kausap ko sa sarili ko.
"Ohh yes babe, ganyan nga," bigla kung natutop ang kamay ko sa bibig na may narinig na umiiyak na babae?
Wait, wag mong sabihin na may multo dito?
"s**t! Just do it faster babe, ahh.. ang sarap mo talaga babe! Ohh..ohh ibaon mo pa " ungol ng babae ang naririnig ko sa may pasilyo. Ungol?
"Holy cow!" sambit ko dahil sa gulat. Na gets ko na kung ano ang ginagawa nila. Confirm may multo nga dito.
Oh noh!
Dali-dali akong nagtungo sa pinto kahit hindi ko na alam kung nasaan yon, dahil hindi ko dala ang cellphone ko ay kinapa ko na lang ang mga dingding na nakakapa ko at diretso ang lakad dahil natatandaan ko kanina na hindi ako lumiko kaya sana tama itong nilalakaran ko.
Naririnig ko pa rin ang ungol ng babae na hindi ko alam kung nasasarapan ba o kinakatay na dahil sa sobrang ingay. Hindi ba siya maririnig sa baba o sa third floor?
Nakapikit ako dahil sa takot na kapag binuksan ko ang mata ko ay nasa harapan ko na ang babae. Kaya sa kakapa ko ng dingding habang nakapikit ay may nakapa ako na matigas na bagay.
Kailan pa nag-eenhale at exhale ang dingding?
Hindi ko pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad at thank you Lord na sa wakas nakapa ko rin ang doorknob.
Bubuksan ko na sana na may humawak sa braso ko. Sisigaw na sana ako na agad naman niyang tinakpan ang bibig ko gamit ang kanyang kamay.
"Shout and you will die! Next time, you will step your beautiful legs here again, something might happen to you lady." bigla yata akong naiihi ulit dahil sa bulong ng estrangherong lalaki na naririnig ko ngayon.
Tumango ako dahil sa takot na baka sasaktan niya ako.
Confirm…..
May multo nga sa 2nd floor!