bc

THE BILLIONAIRE'S KIDNAPPER

book_age18+
654
FOLLOW
9.0K
READ
billionaire
HE
heir/heiress
bxg
lighthearted
mystery
loser
campus
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Hindi mapupunta kay Shanna Cole ang lahat ng mana na iniwan ng kanyang mga magulang bago sila mamatay at mana ng kanyang lolo at lola kundi mapupunta lang ito sa kanyang step mother o charity kung hindi siya magpapakasal.Hindi man makatarungan na dahilan kaya walang magawa si Shanna Cole kundi ang maghanap ng lalaking magpapakasal sa kanya.Sa sobrang crush niya kay Xyvielle Mornett, kaya niligawan niya ito pero walang epekto sa kanya ang lalaki kaya sa sobrang despirada na makuha ang mana, kaya isa lang ang tamang paraan ang naisip niya. Ito ay kidnapin ang crush n'yang si Mornett para siya ay paibigin at pakasalan. Magtagumpay kaya si Shanna Cole kung 60 days lang ang palugit ng kanyang lola para mahanap ang mapapangasawa niya? Paano kung pumayag ang lalaki na magpakasal sa kanya pero natuklasan niya na maling tao pala ang kinidnap niya. Handa na ba siyang mawalan ng mana o ipagpatuloy niya ang plano kahit ikakasal na sa iba ang taong natutunan na niyang mahalin?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
PROLOGUE: The Billionaire's Kidnapper "Gagi! Shanna best… sure ka na ba sa mga pinaplano mo na yan, ha!?" natawa ako sa tanong ng kaibigan ko na ilang beses ko na ring sinasagot. Ang kulit-kulit talaga. Parang hindi nag grade two ah o talagang mahina lang sa pandinig o talagang naninigurado? Tsk. Nasa kilalang bar kami dito sa Makati na tinatawag na X Dark Club. Tumambay after ng long discussion about sa pinapagawa na bahay sa amin, somewhere naman sa BGC at ayon na nga, hindi na napigilan ng bibig ko at nasabi ko na rin sa kanya ang mga plano ko. "Kailan pa ba ako nagiging hindi sigurado sa mga plano ko… girl? Pinagpuyatan ko itong isipin kagabi pa lang kaya suportahan mo na lang ako, okay? Dahil you know, wala na akong oras at panahon pa para mag-isip, ito lang at ito lang talaga..." saad ko sa kaibigan ko since high school until now. Pagka-college naman ay the same kami na kinuha na kurso at yun ang pagiging architect, yun nga lang ako lang ang nag- extra na sumubok sa modeling, ayaw niya raw dahil ayaw niya ng maraming exposure pero dahil ako yung tao na hangga't naniniwala ako sa kakayahan ko na meron pa akong maipakita o magagawa sa buhay ay ika nga…always grab the opportunity kaysa magsisisi sa huli na hindi ko ginawa na kaya naman pala. At ang modelling, isa sa mga choice ko na gusto kong subukan and thanks God nakapasa naman. Wala akong sinayang na panahon kaya laging puno ang schedule ko sa pagiging architect at the same time modelling. Kahit may pera naman kami pero hindi ko pinalampas na umaasa lang sa pera ng ibang tao, lalo at hindi ko naman sariling pawis at sikap ang mga iyon. Kaya ako nagtatrabaho para may maipagmalaki ako sa sarili ko hindi sa ibang tao. Kaya ito, walang lovelife ever since. May hinihintay ako pero walang taste sa akin. Merong manliligaw dati pero hindi ko na pinatulan hanggang nasanay na rin at naging busy pa sa dalawang works. Pero iba nga lang ngayon. "Naloka na! Paano kung malaman ng mga pamilya niya ang gagawin natin? Hoy, girl! Ayoko pang makulong, marami pang mararating itong beauty ko." saad niya na mas nagpaikot ng mga mata ko, ito talagang babae na 'to. "Gagi! Bakit ipapaalam ko ba na isa ka sa kumuha o let's say kumidnap? Hindi naman ah. Sinabi ko lang sayo dahil you know, wala namang akong ibang mapagsabihan pa na iba kundi ikaw lang. 'Wag kang mag-alala, labas ka na sa kung sino ang gagawa, may na hire na ako na tauhan." paliwanag ko. "Ewan ko sa'yo best, sinasabi ko sa'yo kapag ikaw napalya at makatakas ang taong kikidnapin mo ay baka magsumbong sa mga kapulisan, remember masisira ang career na sinimulan mo kung nagreklamo sa'yo na ikaw ang kumidnap." dagdag pa niya. Bumuntonghininga ako at napasabunot na lang ng buhok ko. Maganda naman ako at may pera pero bakit parang malaki ang problema ko dahil sa request ng lola ko. Nangungulit kasi si lola Alma na bago niya ibigay sa akin ang mana niya at mana sa yumao kong mga magulang ay dapat may nahanap na ako na lalaking mapapangasawa. Saka pa lang niya ibibigay sa akin ang lahat ng kayamanan nila, dahil kung hindi ay ibibigay niya na lang ito lahat sa aking step mom at kapatid. Tsk. Umirap na lang ako sa kawalan kapag binabanggit ni lola ang bagay na yan. At oo, may step mom ako kasi naman habang may sakit ang mama ko sa puso ay may kumalabit sa ama ko kaya ayon, sumabit at naging kabit. Ang malala pa habang pinagbubuntis ako ni mommy ay nakabuntis pala si dad ng iba. Pero sa aming dalawa ng ate ko na maituturing ay ako ang dapat na mamahala sa yaman ng mga magulang ko kasi ako ang legal, nakisabit lang sila. Mabait naman ang ate ko kaya wala kaming problema sa isa't-isa pero sa mommy niya ay oo may problema at noong una ayoko sa ate ko pero kalaunan naging okay naman pala siyang kausap, at ngayon ay malapit na siyang ikasal sa kanyang boyfriend daw na nakilala niya lang online kaya one of this month ay uuwi sa Pilipinas ang guy para dito magpakasal, may lahi na pinoy ang kasintahan niya kaya dito raw gaganapin ang wedding day nila. Gusto mang ipakita ni ate sa akin ang mukha ng boyfriend niya pero nah..hindi ako chismosa para pakialaman ang meron ang iba. Dahil kuntento na ako na kahit sa malayo ko lang masusulyapan at matitigan ang crush ko ay ayos lang kahit nakakainis na dahil hindi namamansin in short malamig pa sa yelo ang turing niya sa akin, walang effect yung mga pa flowers at chocolate ko na binigay sa kanya. Dahil diyan na atat o nagmamadali na ang lola ko na magpakasal ako na kaisa-isa niyang apo kay mama kaya ito ang tanging paraan para maisakatuparan ang mga binabalak ko like duh gusto ni lola na magpapakasal ako sa gusto niya na lalaki in short gusto niya akong isali sa arrange marriage things na yan na kinalakihan na ng kanyang mga kanino-nunuan na sila ang maghanap ng mapapangasawa ng kanilang mga anak lalo at babae ka. Like what? No way! Paano kung hindi ko type ang guy, wag na lang, isa pa simula pa lang noong highschool ako, pangarap ko na ang crush ko. Isa yata sa dahilan na lumalim ang pagkagusto ko sa kanya nung highschool ako na binubully ako ng mga kaklase ko o ibang estudyante galing sa ibang section, hindi ko naman sila inaano tapos ng aano. Tsk At itong crush ko ang tagapagtanggol sa akin kaya simula noon, pinangarap ko na talaga siya, lalo ngayon na wala na raw itong kasintahan, meron dati pero nabalitaan lang na hiwalay na, hmmm oh diba hindi malabo na baka ako nga ang hinihintay at ako ang itinadhana para sa kanya kahit ang sungit niya sa akin. Kinagat ko ang dila ko dahil mas lalong nabubuhayan sa mga plano ko. Galing siya sa kilalang pamilya na kilala ngayon na pagawaan ng mga sapatos, hindi lang sa Pilipinas kundi sa ibang bansa. Kaya bilang architect at model ng ibang brands ng sapatos ay minsan nakikita ko siya sa mga events pero hindi ko lang akalain na after college ay parang naging masungit na siya sa akin. Like duh… hindi niya ba namukhaan ang mukhang ito. Ako lang naman ito si Shanna Cole. Kaya kung hindi ko man siya makuha sa santong dasalan eh di kukunin ko siya sa santong pusasan. Pakawalan ko lang siya kung papayag siya na pakasalan niya ako. 60 days lang naman, pwede sa isang taon naming pagsasama ay divorce na agad ang kapalit, basta makuha ko lang ang mana ko. "Paano kapag pilitin mo siyang pakasalan ka niya at baka magsisi ka sa huli dahil hindi ka nya minahal for the first please, tapos may nangyari sa inyo, hindi yan maiiwasan girl," saad ng kaibigan ko. Naputol ang pag-iisip ko sa crush ko dahil sa tanong ng kaibigan. Concern talaga ito sa akin. Kapag may problema ako ay ang matatakbuhan ko naman ay ang lola ko pero dahil siya ang topic o involved sa ngayon kaya sa kaibigan ako lumapit, dati isang go, no way ay nagkakaintindihan na kami pero ngayon, marami ng what if... what if ang kaibigan ko. Kanina pa kami dito sa bar at hanggang ngayon, ito pa rin ang topic namin. Nasa vip room kami ngayon at umiinom habang sinasabi ko ang problema ko kay Nathalia. Napabuntong-hininga na lang ako. Nagsalin ako ng wine at binuhos ko sa wine glass at agad nilagay sa bibig ko para inumin habang nag-iisip ng sagot sa tanong ng kaibigan, Maya-maya ay natawa na rin. "Simpleng lang, hindi ako magpabuntis sa kanya kung sakali man na tama nga ang nasa isip mo, girl." Sagot ko. "Grabe ka talaga mag-isip, okay lang sa'yo na kunin niya ang virginity mo na ikaw lang ang nagmamahal ng todo sa kanya! Dapat fair na yung tipong wag mo lang ibigay lahat ng pagkagusto o pagmamahal sa kanya. Magtira ka sa sarili mo. Crush mo siya, hindi malabong mas malalim pa ang maramdaman mo sa kanya at paano kung papayag siya na magpakasal nga kayo pero sa condition na ibibigay mo ang banal mo sa kanya pero ni singko wala siyang feeling sa'yo, feeling ko pangit yan best," walang preno niyang sabi na akala mo naman big deal na sa akin ang mga ganyan. We're talking about wealth here not the f*****g feelings. Kung marami na siyang natikman, hindi naman ibig sabihin na hahayaan ko lang ang sarili ko na kunin niya lahat sa akin at masaktan. Kung iyan man ang tanging paraan para magpakasal kaming dalawa and then go, at least sa crush ko siya inalay at higit sa lahat hindi naman ako mabubuntis dahil..., "Ayos lang basta condom is the key," ani ko na mas nagpagulat sa kaibigan ko kaya natawa na lang ako sa expression ng mukha niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
82.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
185.9K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
141.4K
bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K
bc

His Obsession

read
92.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook