Grayson El was once a simple human being living on Earth who ended up killing himself at the age of thirty. He was sent to the magical world by a goddess. He didn’t waste the second chance to live that’s why he taught himself everything about Kasarag. It is a world he never knew existed before. As he stayed there, he couldn’t help also to think that if there’s a chance that he could go back to the world where he originally came from.
Naipit sa kaguluhang nangyari sa sansinukob ang binatilyong si Limong dahil siya lang naman ang nag-iisang anak ng namatay na alipin sa gigilid na pinasok ng kadiliman. Kasama siyang nagpunta ng babaylan kaya inakala ng lahat na maging siya ay nagpaalam na rin sa mundong ibabaw. Pinagtangkaan siyang patayin dahil lamang isa siyang alipin sa gigilid. Ang hindi alam ng nagtangka sa kaniya ay nabuhay pa siya. Sa paghahanap niya ng paraan para makabalik sa kanilang tahanan iba ang nahanap niya. Sa pananatili niya sa gubat nalaman niyang mayroong siyang layunin para mailigtas ang sansinukob sa kadiliman.
Nakilala niya ang mga espiritung bantay na siyang nagsabi kung ano ang dapat niyang gawin. Inutusan siya ng mga ito na hanapin ang mga perlas na piraso ng nawasak na anim na buwan, sinabi rin sa kaniya na mabubuhay niya ang kaniyang ama na si La-in gamit ang mga iyon. Sa simula ay kasinungalingan lamang na kaya ng mga perlas na bumuhay ng mga nagpaalam na dahil kailangang makaalis ng mga espiritung bantay sa islang nagsilbi nilang kulungan sa mahabang panahon, ngunit kalauna'y nalaman ng mga espiritung bantay na siya nga naman ang sugong kanilang hinihintay. Dahil doon kailangang ngang mauna silang ipunin ang mga perlas dahil kung hindi muling mabubuhay si Sungkayaw na isang mortal na minsang naging makapangyarihan sa tulong ng demonyong si Kalunglaon.
Wala ngang nagawa si Limong kundi ang maglayag. Liban pa sa naging layunin niya mahihirapan siyang mabuhay kapag natuklasang nagtataglay siya ng karmang pinakaiiwasan ng datu, hindi niya alam na nagkaroon siya ng ganoon.
Sa kaniyang paglayo sa kinalakihang isla nalaman niya ang mga bagay-bagay na hindi dapat niya natuklasan. Ang mga bagay na ito'y magdudulot sa buong kalupaan na lamunin ng karagatan ng Pasipiko.
Ang kuwentong ito ay tumatalakay sa kung anong mayroon sa buhay ng isang tao katulad ni Limong sa sansinukob. Kasama niya sa pakikipagsapalaran ang lima pang katao: si Agat na bastardong anak ng datu, si Malaya na mula sa angkan ng babaylan, si Sibol na isang mahusay na mandirigma, Si Mada na isang kalahating diwata at si Kalsag na mula sa pamilya ng mga timawa.
Bata pa lang hindi na maganda ang naging buhay ni Benjo kaya hindi na siya nagtaka na nahantong siya sa kulungan. Nang gumawa siya ng ilegal na bagay alam niyang darating ang araw na iyon. Nakulong nga siya matapos siyang isumbong ng kasamahan niya sa mga pulis na nagbebenta siya ng droga kapalit ng paglinis sa pangalan nito.
Hindi siya nakaramdam ng ano mang pagsisi sa nangyari dahil pinili niya nga naman ang buhay na mayroon siya.
Ang hindi niya lang nagustuhan sa loob ng kulungan ay ang makilala ang binatang si Aristhon sapagkat ang binatang ito ay lubos na mapanganib, sa isang pitik lang ng daliri nito mahahantong na siya sa kamatayan. Ngunit sadyang pinaglalaruan siya ng pagkakataon, wala siyang napagpilian dahil kailangan niya ang proteksiyon nito habang naroon. Sa bawat araw na kaniyang itinatagal sa kulungan nararamdaman niya ang mga matang nagbabantay sa kaniya. Ang nagmamay-ari sa mga matang iyon ay nais siyang gawan nang masama kahit na wala namang rason, wala nga namang magawa ang mga bilanggo kundi ang paglaruan ang katulad niyang bagong salta.
Dahil nga sa naging sitwasyon niya napilitan siyang dumikit sa binata. Ginawa niya ang lahat para mapansin nito na nangyari rin naman sa huli. Dinagdagan niya ang tapang na mayroon siya sa bawat pagkakataong makaharap niya ito para makita nitong wala siyang kinakatakutan. Sa simula ay nakipag-away pa nga siya rito na nagkaroon din naman ng magandang resulta kahit na nabugbog ang kaniyang buong katawan, nakuha niya itong pangitiin na hindi na nito nagagawa.
Madalas na nga silang nagkasama matapos na hayaan siya nito na dumikit-dikit siya rito. Mistula siyang naging aso nito na buntot nang buntot, kung nasaan ito ay naroon din siya kaya nalaman niya ang mga ilegal nitong gawain kahit nasa loob ng piitan. Hindi siya mapakaniwala sa mga nakita niya sapagkat para bang hindi ito isang bilanggo, hawak nito sa mga kamay ang buong piitan.
Hindi ginusto ni Nikolai na mapunta sa nakaraan kung saan ang panahon ng pamumuno ng isang hari. Inasahan nga niyang maglalaho na siya dahil nasunog ang buo niyang katawan. Ngunit nangyari na lamang na nagising siya sa hindi pamilyar na lugar. Nadala siya roon dahil sa medalyong ninakaw ng kaniyang dalawang kaibigan.
Ang ginintuang medalyon ay pagmamay-ari ng isang hari na hindi naitala ang buhay sa kasaysayan, kahit ang pangalan ng pinuno ay walang nakaaalam. Pinagawa ng hindi kilalang hari ang medalyon para sa tinatangi ng puso nito matapos na magpaalam ng minamahal sa mundong ibabaw.
Sa nakaraang iyon nakilala niya ang binatang si Dermot na isang prinsipe pa lamang. Hindi naging maganda ang una nilang pagkikita sa kagubatan lalo na't sa paraan ng pagsasalita nito ay nalalaman niyang galit ito sa kaniya. Inakala niyang nagkakamali lang ito't nakikita lang nito ang taong kapangalan niya rin sa panahon na iyon. Naunawaan niya rin naman kung bakit ito puno ng galit para sa kaniya nang mapunta siya sa palasyo.
Sa pananatili niya nakaraan napagtanto niyang mayroong dahilan kaya siya dinala ng medalyon roon. Nalaman niyang ang espiritu niya sa kasalukuyan ay bumalik sa nakaraang siya na isa ring prinsipe katulad ni Dermot. Sa una ay hindi siya makapaniwala ngunit kalaunay natanggap niya rin naman dahil wala na rin naman siyang magagawa.
Naisip niyang pagkakataon niya na iyon para mabago ang hinaharap, maaari niya pang mailigtas ang kaniyang dalawang kaibigan na nabubuhay din sa panahon na iyon. Ito ang tanging laman ng isip niya habang naghahanap ng paraan kung paano makabalik sa kasalukuyan kaya hindi niya kaagad nalaman ang tunay na dahilan.
Kaya siya dinala sa nakaraan ay para mabago niya mismo ang kasaysayang nasira dahil lang sa nagmahal ang nakaraang siya sa kapwa niya lalaki, ang taong iyon ay walang iba kundi ang prinsipeng si Dermot na kalaunay magiging hari. Ang hindi niya alam nakita niya na ang prinsipe sa kasalukuyan, hindi niya lang ito nakilala.
Sa huli nalagay siya sa sitwasyong kailangan niyang mamili kung dapat nga bang manatili siya sa nakaraan o bumalik sa kasalukuyan kung saan siya dapat nabubuhay.
Hindi talaga kilala ni Nixon ang binatang si Gavin kahit na popular ito sa buong unibersidad. Nakilala niya lamang ito dahil nasali siya sa grupo ng kaniyang kaibigan na ang proyekto ay ang gumawa ng isang music video. Wala na kasing nakakaingganiyo kay Gavin na bumalik sa grupo matapos nitong umalis kaya siya ang pinadala rito. Sa kapal ng kaniyang mukha at tapang kinausap niya nga ang binata. Napapayag niya naman ito na bumalik. Ang sabi pa nga nito sa kaniya siya ang dahilan dahil nagtataka ito kung bakit naliligaw ang katulad niya sa unibersidad na pinapasukan nila.
Pamamasyal ang pinunta ni Arjo ng New Manila kasama ang kaniyang kaibigan na si Kenji na may isang balak sa likuran ng kanilang isipan. Kaya nga hindi niya inasahan na mayroong masamang mangyayari sa kanila. Nawala si Kenji dahil mayroong kumuha rito. Ilang araw din niya itong hinanap. Nakita naman niya ang kaibigan kaya nakauwi rin sila ng probinsiya. Ngunit matapos ng pangyayaring iyon, nadiskubre niya ang mga bagay na nagtatago sa likuran ng paglago ng mundo. Kasama na roon ang tunay niyang pagkatao.
Simpleng buhay lang ang mayroon si Kenyon mula nang mamatay ang kaniyang nanay. Dahil wala na ang ginang sinarado niya ang kaniyang pinto para sa ibang tao. Bibihira na siya kung makisalamuha sa iba. Nangyayari lang iyon kapag naghahanap siya ng lunas sa inakalang niyang sumpa sa kaniyang pagkatao.
Nabubuhay man siya sa Erda --- ang mundo ng mga makapangyarihang diyos, ng mga masasamang demonyo at ng mga taong may kakayahang magtawag ng mga espiritu --- ngunit kakaiba pa rin ang nangyayari sa kaniya.
Sa paghahanap niya ng lunas napunta siya sa kaharian ng mga tigre. Dito niya makikilala ang lalaking labis ang pagkamuhi sa mundo. Ang parehong lalaking iibig sa kaniya nang labis.
Ano nga ba ang mangyayari sa pananatili niya sa mahiwagang mundo ng Erda? Tatanggapin niya ba ang pag-ibig na darating sa kaniya? O mananatiling lihim ang lahat katulad ng kaniyang pagkatao?
Ang pag-ibig ay isang mistulang magnanakaw sa dilim dahil hindi mo siya mapaghahandaan kung tatamaan ka na. Malalaman mo na lang umiibig ka na sapagkat nakakaramdam ka na ng kirot at ligaya. Ngunit ang tanong ay kung tama nga ba?