bc

Ang Magnanakaw sa Dilim

book_age16+
850
FOLLOW
4.9K
READ
drama
comedy
sweet
bxb
campus
highschool
baseball
cheating
mxm
like
intro-logo
Blurb

Ang pag-ibig ay isang mistulang magnanakaw sa dilim dahil hindi mo siya mapaghahandaan kung tatamaan ka na. Malalaman mo na lang umiibig ka na sapagkat nakakaramdam ka na ng kirot at ligaya. Ngunit ang tanong ay kung tama nga ba?

chap-preview
Free preview
AMSD 01
Sa pagtama ng mga mata ko sa suot na itim na jacket at pantalon ni Greg sa paglalakad niya papaalis ng barko kasabay ng iba pang mga taong galing sa Maynila, tingin ko ay maraming nagbago sa kaniya. Mas naging ganap na nga siyang binata kung tingnan. Nakakabwisit pa lalo ang ngisi niya na nakaguhit na naman sa kaniyang labi. Ngunit minsan nagugustuhan ko kapag ganoong may ngisi siya sa labi kasi lalong lumilitaw ang taglay niyang kaguwapohan. Noong bata pa kami ay iba na ang ngisi ni Greg. At nang mga panahong disinuwebe na kami pareho mas doble ang ipagkahulugan ng kaniyang ngisi. Anim na taon nang huli kaming magkita kaya siguradong marami siyang bitbit na kalokohan. Hindi rin maiiwasan ang mabilis na pagtibok ng puso sa likod ng aking dibdib. Tila eksayted din akong makita siya kahit hindi naman talaga masasabing kami ay magkaibigan. Hindi ko talaga maiwasan na makaramdam ng ganoon kasi mula nang hindi ko na siya makita may isang bagay akong napagtanto --- siya ay aking nagugustuhan. Sadyang mapaglaro nga naman ang tadhana dahil sa kaniya pa ako nagkagusto na isang lalaki. Hindi ko maintindihan bakit sa kaniya pa talaga samantalang siya iyong taong walang alam kundi pagtawanan ako. Marahil iyon nga ang nagustuhan ko kasi kahit nilalait niya ako nabibigyan niya ako ng atensiyon kahit papaano. Tila sasabog na ang aking puso kung hindi ako lalayo sa kaniyang paglapit. Kumakaway pa siya kaya napalingon ako sa aking tabi. Akala ko pa nga ay ako ang kinakawayan niya pero ang tatay ko pala na kaway nang kaway din. Masaya ang tatay ko na makita ulit ang inaanak niya. Ang malas lang dahil isinama pa talaga ako para sunduin si Greg. Kailangan kong sumunod baka mabatukan pa ako ng mabait kong tatay. Maliban sa pagiging drayber ni tatay sa pamilya ni Greg, matalik na magkaibigan pa ang tatay ko't daddy ni Greg na mayor ng San Martin. "Kumusta na ninong?" agad na bati ni Greg nang tuluyan siyang makalapit at niyakap si tatay na medyo pumuputi na ang buhok sa itaas lang ng tainga. Minsan nga ang naiisip ko ay mag-ama ang dalawa't nagkapalitan lang ang mga magulang namin sa hospital. Parehas ang araw na kami ay ipinanganak ni Greg kaya ganoon na lang ang tuwa ng mga magulang namin. Sa umaga lang siya samantalang ako ay sa gabi. Tinatawag nga niya akong anak ng dilim. At isa lang iyon sa mga panglait niya sa akin. Kung ililista ko ang lahat siguradong puno ang isang pahina na papel. "Okay naman ako. Ikaw ba? Ang laki mo ng bata ka," ang masayang saad ni tatay matapos ang yakap. Tumaas nga si Greg pero tantiya ko parehas lang kami na nalampasan ang taas ng tatay ko. "Masaya po ako na nakauwi na rin," ani Greg. Ang mga mata niya'y sa akin na nakatutok. Kita ko ang pagtataka sa kaniyang mukha. Itinulak ko ang suot kong reading glass para kung may sabihin siyang hindi maganda kaya kong tanggapin. Ngunit hindi ko nakaya ang mga sumunod niyang sinabi. Ang buong akala ko naman kasi ay nagbago siya nang kaunti ngunit nagkamali ako. "Buti nga pumayag na si pare," ang natatawang saad ni tatay sa kaniya. Pagkatapos nang nasabi ni tatay sa akin na nabaling ang atensiyon ng dalawa. "Sino ho ba ito 'nong?" Nabigla ako sa sinabi ni Greg. Napakaimposible namang hindi niya ako nakilala. Samantalang noong bata kami parati niya akong pinagtritripan. Hindi ko na isinumbong kay tatay dahil panigurado hindi naman ito maniniwala at pagtatawanan pa niya ako. Nakaturo talaga ang hintuturo ni Greg sa akin. Ang sarap kagatin hanggang maputol na parang hotdog. Hindi naman galit ang nararamdaman ko kasi iba iyon, naiinis lang talaga ako madalas sa kaniya. "Nakalimutan mo ang anak ko pumunta ka lang ng Maynila." Natutuwa talaga si tatay. Hinayaan ko na kung doon ito masaya. "Sinong anak? Si Levi?" Nakaramdam ako ng kompiyansa sa sarili nang sabihin niya ang pangalan ko na agad namang nawala dahil sa naging klase ng tingin niyang basang-basa ko na. Tumango si tatay bilang sagot at doon na pumalatak ng tawa si Greg. Ang tawa niya ay ang lakas na tila galing siya ng kuweba, kita ngala-ngala pa. "Ang itim mo na Levi! Pota! Dagat ba ang pinapaligo mo? O hindi ka naliligo?" Nakisabay pa ng tawa si tatay kaya nabwisit pa ako lalo. Kumulo ang dugo ko sa puntong iyon. Nakakaasar talaga si Greg kahit kailan. Parang ang sarap niyang sapakin. Kapag wala lang si tatay nagawa ko na ang aking balak. Iyong mga ganoong banat niya ang dahilan kaya naiinis ako sa sarili ko't pilit na kalimutan ang nararamdaman ko. Ngunit naroon na siya kaya malabong mangyari ang nasa isip ko. "Iba ang kayumanggi sa itim!" ang matigas kong saad. Kailangang hindi ako magpatalo sa kaniya kaya ganoon ang nasabi ko. "Palusot ka pa, n***o ka talaga kahit noong bata pa tayo. Nakalimutan ko agta pala hindi negro." Humalakhak siya ulit. Nakakahiya ang mga tingin ng taong napapadaan sa kinatatayuan namin. Kilala sila sa bayan na iyon ang pamilya ni Greg kaya natural na mapapatingin ang mga tao sa amin. Hindi na ako nakagpag-pigil, nag-isip ako ng pang-bawi. "Ikaw raddish na pamanghe! Naalala mo umihi ka sa salwal dahil sa hinabol ka ng aso," sabi ko sa kaniya. Bagay talaga sa kaniya ang raddish dahil maputi ang kutis niya. Kapag kinakagat nga siya ng lamok namumula nang sobra. Saka parati ko ring pinapalo ng kawayan ang kamay niya para mamula. Totoo naman talaga na naihi siya. Ayaw niya lang aminin na nangyari sa kaniya ang kahiya-hiyang bagay. "Hanggang ngayon, sinasabi mo ang hindi totoo." Nagkasalubong na ang kilay niya. Naasar siya ng todo kapag sinasabihan ko ng pamanghe kaya ang kalooban ko ay natutuwa sa reaksyon niya na nakuha ko. "Anong hindi? Kita ng dalawang mata ko ang basa mong short!" Pinagpilitan kong ipaalala sa kaniya. Halos lamunin niya ako ng buo sa pamatay niyang mga titig. "Tama na 'yan. Ngayon nalang ulit kayo nagkita nag-aasaran pa kayo," pagsaway ni tatay na pareho naming ikinatahimik ni Greg. Binilatan ko siya nang hindi nakatingin sa akin si tatay. Nailing nalang siya ng ulo. Dagdag pa ni tatay, "Ang mga gamit mo, Greg." "Doon pa ho sa barko, 'nong. Naiwan ko. Isang bag lang naman iyon." Ang bait niya sa kaniyang sinabi. Akala mo na naman mabait pero hindi naman. Pakitang tao niya lang panigurado kasi sa pagkakaalam ko ang gaspang ng pag-uugali niya. "Akala ko marami kang dala kaya isinama ko si Levi. Anak, kunin mo ang bag," ang iniutos sa akin ni tatay. "Ba't ako?" ang reklamo ko naman kasi ako pa talaga hindi ko naman gamit. Nabatukan tuloy ako ni tatay na ikinatawa naman ulit ni Greg. "Sumunod ka na lang. Punta na," saad ni tatay. "Halika ka na Greg. Sumakay na tayo sa kotse." "Oo na," pagmamaktol ko. Dapat talaga hindi na ako sumama. Hindi sana ako nautusan. Lumakad na si tatay patungo sa nakapark na itim na kotse. Bago sumunod si Greg, siya naman nang-bilat sa akin. Binigyan ko siya ng dirty sign na ikinakunot ng noo niya. Humakbang narin ako papasok sa barko. Nanalangin na huwag sana akong mahilo. Mahihilohin ako kahit nakadaong ang bangka o barko. Binilisan ko ang pag-akyat sa barko at hinanap ang bag ni Greg. Akala ko naman bag, bagahe palang kulay itim na may kalakihan. Nakita ko na nakapatong sa double deck. Hinila ko kaya nalaman kong sobrang bigat. Tiningnan ko muna ang name tag kung kay Greg talaga, Gregory Fondevilla. Binuhat ko ang bag sa aking balikat para madaling makababa. Mabuti nalang sanay na ako sa pagbuhat ng mga sako ng palay at bigas kaya sisiw ang bagahe. Pagkababa ko at pagkaalis ng barko diretso na ako sa naghihintay na kotse. Binaba ko bigla ang bag at binuksan ang backseat. Nakasakay sa frontseat si Greg. Ipinasok ko ang bagahe at malakas na itinulak kaya't gumulong sa paanan ng upuan. "Ayusin mo naman may mabasag pa diyan," sita ni Greg sa akin sa pag-ikot ng kanyang katawan sa upuan para makaharap sa akin. "Pakialam ko kung may mabasag. At anong mababasag diyan? Asus kaartehan mo," saad ko't pumasok ng sasakyan sabay sara ng pinto. Umingay ang makina ng sasakyan at umandar na. "May babasaging nakalagay sa bag kaya ingatan mo." Sa akin parin siya nakatingin kahit umaandar na ang kotse. "Ganoon ba? Sige, ngayon alam ko na tinatanggal mo pala ang itlog mo." Inayos ko ang posisyon ng kaniyang bag na tila taong nakaupo. "Ayan, maayos na. Hindi na mababasag ang removable mong itlog." Natawa si tatay sa sinabi ko. Ngunit sinamaan ako ng tingin ni Greg bago siya umayos ng upo. "Ninong naman," reklamo niya kay tatay nang hindi ito tumitigil sa kakatawa. "Pasensiya na Greg. Hindi ka na nasanay. Minsan pasaway talaga ang anak ko," ang nasabi ni tatay. Ang hindi nito alam puno ako ng kalokohan lalo na sa school. Inilabas ko ang aking cellphone at pl-in-ug ang earphone para makinig nalang ng music. Wala na akong narinig kundi musika lang. Sa labas na rin ako tumingin nang makaalis ng piyer ang sasakyan. Mayroong pinag-uusapan si Greg at si tatay habang nasa biyahe. Hindi ko tinanggal ang earphone ko para makinig sa usapan nila. Marinig ko lang ang boses ni Greg sira na agad ang araw ko kaya nanahimik na lang ako. Mapapansin ang banayad na dagat sa mabagal na pag-andar ng sasakyan sa coastal road. Napakagandang tingnan at iniingganyo na naman akong maligo kasi'y medyo hindi na ako masyadong naliligo sa dagat sapagkat binata na nga ako. Para makaiwas na mangitim nang sobra. Nawala sa paningin ko ang dagat sa pagliko ng kotse't nakarating sa mga kabahayan na nasasabitan ng mga makukulay na banderitas. Ito'y nangyari dahil sa paparating na civic fiesta sa paparating na panibagong linggo. Maraming taong naglalakad sa kanilang pamamasyal kaya si tatay ay marahan ang pagmaneho. Napuna ko ang paggalaw ng bibig ni Greg nang mayroon siyang sinabi kay tatay na agad naman nitong sinagot. Hindi rin nagtagal matapos ang makailang liko nakarating na kami sa harapan ng malaking bahay nina Greg kung saan tanaw din ang dagat at ang baywalk. Moderno ang pagkagawa't pininturahan ng puti. Samahan pa ng mataas na bakod na semento at ang gate nito'y gawa sa matibay na kahoy. Iyong daddy lang naman niya ang nakatira roon kasi ang kapatid niyang babae at mommy ay nasa Maynila, ang sinundan naman niyang kuya ay nasa abroad. Ang mommy niya ang humahawak sa main ng kompanya nila bilang manufacturer ng kape. Ang daddy naman niya ay hindi makaalis ng San Martin dahil nga kasalukuyang Mayor at may factory sila bilang distributor naman ng iba't ibang produkto sa buong probinsiya ng Romblon. Pinangalanganan na play-e ang business nila roon at nasa kabilang street sa bandang likuran ng kanilang bahay nakatayo. Iyong buong parihabang lupa ay natayuan ng factory. Sa tingin ko kaya siya pinauwi para siya ang humawak sa play-e dahil nga sa parati namang abala ang daddy niya. Hindi ko lang alam kung magkakulay ang bahay gayong siya lang naman ang dagdag. Tinanggal ko ang earphone ko't saktong nagbusina si tatay para pagbuksan ng mga katulong ang gate. Bumukas ang gate makalipas ang ilang segundo at siyang pagpasok ni tatay ng kotse. Agad na makikita ang malapad na pintuan ng bahay na salamin kaya ang babati sa'yo ay ang sala. Pansin ko na hila-hila ng dalawang katulong ang sara ng gate. Ang nakakainggit ay ang malapad na damuhan ng bahay at may swimming pool sa bandang dulo na natatabingan ng plastik na yero. "Wala man lang nagbago. At walang babati sa akin ng welcome home," ang nasabi ni Greg bago siya bumababa. Pakiramdam ko'y nalulungkot din siya. Parati naman kasing wala ang daddy niya roon. "Para naman kung sino para may welcome pa," ang mahina kong bulong dahil naalala kong dapat hindi siya kaawaan. Umalis narin ako ng kotse't lumabas. Nang araw na iyon nalang ulit ako nakapasok lampas ng gate. Kasi noong umalis si Greg hindi na ako sumasama kay tatay kapag niyayaya ako nito. Sinasakyan ako ng katamaran. Kahit gusto akong makita ng mga mommy ni Greg kapag nagbabakasyon ay hindi talaga ako mapilit na bumisita. "Anak samahan mo muna si Greg. Nagtext na ang daddy n'ya," saad ni tatay nang mailabas ko ang bagahe ni Greg. "Ayoko, 'tay. Sasama na lang ako sa'yo." Ayaw ko ngang maiwan kasama si Greg. Baka magkasakitan pa kami. "Hindi puwede," anito sabay baling kay Greg na nakatingin sa kanilang bahay. "Alis muna ako Greg susunduin ko pa ang daddy mo." "Sige po 'nong," sabi ni Greg sabay sara ng pintuan ng kotse. Isinara ko narin ang nilabasan ko. Napabuntong hininga na lang ako. Ano pa naman ang magagawa ko't sumunod na lang sa tatay ko. Hindi ko rin gustong madismaya ito sa hindi ko pagsunod na samahan si Greg. Pinagmasdan namin ni Greg ang papaatras na sasakyan at doon nagbago ang isip ko na lumayas na. Ngunit parang ayaw namang gumalaw ng paa ko. Ang inisip ko na lang kailangan malaman ko kung may nagbago ba talaga kay Greg. Nagpalabas ako ng hangin nang isinara ng dalawang katulong ang gate at lumapit sa amin. "Sir, bago lang ho kami dito. Kung may kailangan po kayo sabihin mo lang sa amin," ang sabi ng isang katulong. Kitang-kita ko ang pagkunot ng noo ni Greg. Hindi nito gusto na may umaaligid sa kaniya na katulong. "Natural trabaho niyo. Lumayas na nga kayo sa harapan ko. Kairita ang mga itsura niyo." Napanganga ako sa sinabi ni Greg. Walang nagawa ang napihayang dalawang katulong at umalis nalang. "Ugali talaga nito," sita ko sa kaniya. "Ano na naman ang tungkol sa ugali ko ha? Ikaw nga hindi man lang nagbago. Sama parin ng pagmumukha mo," aniya sabay tawa. Napabusangot ako. Iniwan niya ako't lumakad na. Nakakagago si Greg kasi kailangan pa talagang asarin ako sa bawat lumabas sa kaniyang bibig. "Tulungan mo ako dito sa bagahe mo! Ugok ka!" sigaw ko sa kaniya buhat ang bagahe. "Iniutos iyan sa'yo," ang sigaw niya pabalik at huminto sa paglalakad. Dagdag pa niya, "Bilisan mo nga diyan." "Hindi kita boss," asik ko. Hinila ko nalang ang bagahe dahil pansin ko na may gulong pala. Pinagmamasdan niya lang ako habang papalapit sa kaniya. Nakakaasiwa ang klase ng pagtitig niya na tila inoobserbahan niya ako mula ulo hanggang paa. "See, hindi kailangan ng tulong para madala mo. Palibhasa kasi puro ka pasikat. Ang itim mo naman," ang nasabi niya nang tuluyan akong makalapit. Tinawan niya pa ako ulit. Nagsasawa na ako sa kakatawa niya kaya't parang gusto kong ihagis sa kaniyang likod ang bagahe. "Suntokin kaya kita," banta ko. "Para namang kaya mong tamaan ako. Saka kung gagawin mo sinturon na naman ni ninong lalantay sa puwet mo," aniya't nagpatiuna ng pumasok sa pintuan ng bahay. Sa pagkasabi niya ng puwet napatingin ako sa kanyang puwetan. Lumayo na nga lang ako ng tingin sapagkat hindi ko nagustuhan ang aking nagawa. "Matanda na ako para sinturonin," sabi ko't pinagmasdan ang sala. Parang walang nakatira sa sobrang tahimik. May malapad na tv, sofa at lamesita na usual na makikita sa isang sala. "Talaga lang ha," aniya't umakyat sa hagdanan kadikit ng pader na nakakabitan ng mga litrato. Binuhat ko ang bagahe habang nakabuntot kay Greg. Patuloy siya sa pagsasalita. "Siya nga pala, kumusta naman dito sa bahay?" "Bakit ako ang tatanungin mo? Hindi ko naman bahay ito. Saka hindi naman ako pumupunta rito." Patuloy kami sa pag-akyat. "Akala ko lage ka dito. Diba nga kras mo si Samantha." "'Di ko kras ang katulong niyo na yun." Naiinis na talaga ako. Paano ko magiging kras si Samantha samantalang mas matanda iyon sa akin ng sampung taon. "Nag-denie ka pa," ang natatawa pa talaga niyang turan at huminto. Siya'y may tiningnan. Lalo pa siyang tumawa. "s**t! Ba't nandito pa ang litrato na ito. Si mama talaga pati ito. Bungi ka rito! Nakakatawa talaga ang mukha mo." Tiningnan ko nga ang litrato na pinagtawanan niya. Binaba ko muna ang bagahe. Malapit nang magkiskisan ang balikat namin ni Greg. Suwerte hindi natuloy. Ngunit lumaki ang mata ko nang makita ko ang litrato. Kuha iyon ng grade 4 kami at pakana ng aming mga tatay. Pareho kaming nakatayo't nakashort lang. Siya nakatawa samantalang ako'y hindi na kita ang bunging ngipin gawa ng pagkadapa. "Alisin mo nga." Tinulak ko siya sa balikat para sumunod sa sinabi ko. "Diyan lang para marami ang makakita. Pang-pa-good vibes," aniya't lumakad muli. "Ewan ko sa'yong ugok ka!" bulyaw ko. Nailing nalang ako nang napuno ang bahay ng kaniyang tawa. Mabuti na lang walang ibang tao. Tumuloy na kami ng akyat at pumasok sa kaniyang kuwarto na unang pinto matapos ang hagdanan. Wala mang lang pinagbago ang kaniyang kuwarto nang huli akong makapasok. Ganoon parin ang ayos ng kaniyang kama, closet at kanyang study table. Natatakpan ng kurtinang polka dots ang malapad na salaming bintana. Naupo si Greg dahil sa pagod. Pagkatapos ay nahiga sa kaniyang kama't nakatingin sa kisame. Sabi pa niya, "Nakabalik din sa wakas." Para namang nanggaling siya sa kulungan. Wala din naman akong pakialam kung anong nararamdaman niya nang sandaling iyon. Ibinaba ko ang bagahe niya sabay reklamo, "Matanda na ako para maging alalay mo. At hindi ka na rin bata. Huli na ito." Kung bakit kasi nautusan ako na siyang samahan kaya't nasanay. Nagpasalamat din naman ako nang umalis siya. Pagkatapos mauulit na naman na nasa tabi niya ako. Tila gusto kong tumalon sa bintana ng kuwarto para matapos na. "Sige lang para pagalitan ka ng tatay mo," sabi niya sabay tayo't hinubad ang suot na jacket. Wala siyang suot na t-shirt o sando man lang, hubad talaga. Parang banat ang katawan niya ng kaka-gym sapagkat maganda ang kaniyang abs at ang dibdib niya ang puti. Mamula-mula ang kanyang u***g. Nag-iinit ang pakiramdam ko sa hindi ko malamang dahilan sa katitig ko sa kaniyang katawan. Itinapon niya sa mukha ko ang kaniyang jacket kaya naamoy ko ang nakakaadik niyang amoy. Nahihilo ako dahil sa kaniyang pabango at lumalambot ang aking tuhod. Idagdag pa ang mabilis na pagtibok ng aking puso. Hindi ko talaga alam ang nangyayari sa akin. Narinig kong tumawa siya sa pagkatakip ng jacket sa aking mukha. "Langya naman." Nakuha kong sabihin sa pagtanggal ko sa jacket. "Inggit ka sa katawan ko ano?" sabi pa niyang nakangisi. Tinaas pa niya ang kaniyang kamay at pinakita ang biceps. "Hoy, ulol! Bakit naman pati ako maiingit? Anong pinag---" Naputol ang sasabihin ko dahil ang kaliwa niyang kamay ay marahas na pumatong sa aking dibdib. Mga daliri niya'y pumulupot sa suot kong shirt. Sabay tinulak niya ako sa pader kalapit ng pintuan. Mas dumoble ang pagtambol ng puso sa aking dibdib. Napalunok ako ng laway. Kakaiba ang kaniyang tingin. Mga matang asul na kung makatitig sa akin ay naniningil ng kung anong utang. Ang kamay niya'y mas tinulak pa ako sa pader. Inalis niya ang kaniyang kamay sa aking dibdib at idiniin sa pader kalapit ng aking uluhan kaya tila naharangan ako ng kamay niya para hindi makaalis. Naparalisa ako ng kanyang titig. Humigpit ang kapit ko sa kanyang jacket sa aking gilid. Sinubukan kong umalis ngunit parang ayaw din naman ng katawan ko. Nakaisang lunok ulit ako ng laway sa paglapit ng kaniyang mukha kasabay ng paghinto ng oras. Ang bulong ng isipan ko'y kaakit-akit ang kaniyang mata kasama na ang kaniyang ilong. Ang guwapo niya lalo sa malapitan. Ang kaunaha-unahang papuri ko para sa kaniya sa araw na iyon. Hindi dapat ako nag-iisip ng ganoon. Nabibingi na ako sa lakas ng pagtibok ng aking puso. At ang labi niya'y parang ang sarap halikan. Hindi ko na malaman kung ano bang naiisip ko! "A-nong bi-na-balak mo?" ang nauutal kong saad. Isang pulgada ang namagitan sa aming mga ilong bago huminto ang paggalaw ng kaniyang mukha. "Wala naman. Huwag kang mag-alala." Alam ko ang tono ng pananalita niya. Ganoon siya kapag may masamang balak. Tila napaka-sexy ng boses niya sa aking tainga. "May i-tse-check lang tayo. Diba sabi mo 'di ka na bata? " "Totoo naman." "Tingnan natin," aniya pagkatapos ay gumuhit ang ngisi ulit sa kaniyang labi. Sumuot ang daliri niya sa garter ng suot kong short. Nanlaki ang mata ko nang sobra na halos luluwa na. Paano ba naman kasi hinila niya ang garter at sinilip ang loob ng short ko. Ano pa bang nasa loob kundi p*********i. Mabuti nalang nakausuot ako ng brep kasi minsan pa man din hindi ako nagsusuot. Sabi pa niya, "Bata ka pa. Ang liit pa." Pagkatapos ng ginawa niya'y lumayo s'ya sa akin kasabay nang malakas na tawa. Nakahawak na s'ya sa tiyan n'ya at maluha-luha na. Nagpupuyos ang aking dibdib at pinalo sa kaniya ang jacket. "Gago ka talaga!" sigaw ko sa kaniya. "Saklap ng mukha mo!" Dinagdagan pa niya iyon ng tawa. Nag-iinit na ang tainga ko't kumukulo na ang dugo ko. Sinipa ko s'ya sa likod kaya napasubsob s'ya sa kama. "Ugok 'di hamak namang mas malaki ang sa akin kaysa sa'yo! Naalala mo singliit ng tingting ang sa'yo!" Sa lahat ba naman ng puwedeng sabihin ko iyon pa kasi nainsulto ako sa sinabi niya. Mabilis akong umalis ng kaniyang kuwarto. Halos takbuhin ko ang hagdanan sabay hablot ng litrato na kasama ko si Greg. Naging maingay ang paglalakad ko sa sala. Takbo-lakad ang ginagawa ko sa paglabas ng bahay at diretso labas ng gate. Nag-abang ng masasakyan at nang may makitang tricycle pinara ko agad. Isa lang naman ang destinasyon ng tricycle kaya't sumakay ako sa likuran ng driver. "Humanda kang gago ka. Babawi ako," sabi ko sa litrato namin ni Greg. Napalingon ako nang may tumatawag sa akin. Naglalakad ang barkada ko na si Ryan sa tabi ng daan hawak ang ice candy. "Tuloy tayo mamaya?!" ang pasigaw nitong tanong. "Oo! Sunduin niyo nalang ako sa bahay!" ang sigaw ko pabalik sa paglayo ng tricycle. Nag-isip ako habang umaandar ang tricycle palabas ng bayan. Minumura ko sa utak si Greg. Ihanda niya ang sarili niya dahil gaganti ako sa pang-aasar niya. Lumipas ang ilang minuto't tinahak ng tricycle ang highway na tanaw pa rin ang dagat, umakyat ito sa pataas na daan kung saan naroon ang kuweba bago bumabang muli. Nagbalik ang mga kabahayan na ang ilan ay sa tabing-dagat. Ilang bahay pa'y nakarating kami sa daan kung saan naroon ang sementeryo. Makalipas ang ilang sandali, nagbayad na ako't bumaba ng tricycle nang makarating sa harapan ng bahay namin. Simple lang ang bahay namin na gawa sa kalahating bato at plywood. Nakatayo ito sa gilid ng kalsada at napapaikutan ng mga puno at halaman. Sa likod nito'y ang baybayin. Itinago ko sa loob ng aking shirt ang picture frame. Pagkuwa'y pumasok na ako sa bakuran at diretso sa loob. Naabutan ko ang kapatid ko na kung makahilata sa kawayan na sofa ay parang hindi s'ya gagalaw. Umiinom ito ng juice kaharap ang telibisyon habang nanonood ng it's showtime. "Wala si nanay?" tanong ko. "Nasa kumare niya. May meeting ang mga kababaihan. Kuya siya nga pala. Ano na mukha ni Greg. Lalo bang gumuwapo?" pag-usisa nito na hindi parin nakatingin sa akin. "Guwapo na ba mukha nun?" Nakatago parin sa damit ko ang litrato. Ang kulit pa man din ng kapatid ko kaya dapat hindi nito mapansin ang tinatago ko. "Ano na nga itsura niya?" "Abay malay ko. Nakapikit ako nang makita ko s'ya." Iniwan ko na ang kapatid ko't pumasok ng kuwarto ko. Narinig kong tumawa ang kapatid ko sa pagsara ko sa pintuan ng aking kuwarto. Medyo masikip ang kwarto ko pero ayos lang din. Ang importante'y may matutulugan. Nahiga ako sa kama ko't pinagmasdan ang litrato namin ni Greg. Nang magsawa'y binitiwan ko nalang at inilagay sa kama. Habang nakatitig sa kisame nahanap ko ang sarili ko na sinasariwa ang mga alaalang kasama ko si Greg. Napamura ako kasi ang naalala ko ay puro kalokohan na pinaggagawa niya sa akin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Reckless Hearts

read
258.8K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
35.2K
bc

My Ex, My Client (TAGALOG/TAGLISH)

read
417.9K
bc

NINONG II

read
631.2K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
6.2K
bc

Dr. Lance Steford (Forbidden Love)

read
612.2K
bc

IN BETWEEN (SPG)

read
277.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook