Story By Ms. Sagittarius
author-avatar

Ms. Sagittarius

ABOUTquote
“Your work is going to fill a large part of your life, and the only way to be truly satisfied is to do what you believe is great work. And the only way to do great work is to love what you do. If you haven’t found it yet, keep looking. Don’t settle. As with all matters of the heart, you’ll know when you find it.” — Steve Jobs
bc
Never let YOU go
Updated at Nov 30, 2022, 19:08
Venus Althea Mendoza ay mula sa isang broken family pero kahit ganun ay hindi naging negative ang tingin niya sa buhay. Saksi siya sa ilang beses na pagaaway ng magulang niya. Hindi man malinaw sa kanya ang lahat pero naisip niya na mas makakabuti kung maghiwalay na lang nga sila. Isang araw pag-uwi niya galing sa school ay ganun na lang ang gulat niya ng malaman na umalis ang Mama niya kasama ang Ate Vivina niya. Sobrang nasaktan siya dahil hindi niya maintindihan kung bakit siya iniwan ng Mama niya. Paglipas ng ilang buwan ay naiintindihan na niya kung bakit umalis ang Mama niya. Hindi naging madali para sa kanya ang paghihiwalay ng magulang niya pero natutunan niya iyon tanggapin. Para sa kanya pamilya ang pinaka-importante sa lahat kahit ano pa ang mangyari. Gagawin niya ang lahat para sa pamilya at sa mga taong mahal niya. Siya ang tipo ng tao na mas uunahin pa ang kapakanan ng ibang tao kaysa sa sarili dahil para sa kanya magiging masaya lang siya kung masaya rin ang mga mahal niya. Pero sa kabila ng pagkakaroon ng magandang kalooban at positibong pananaw sa buhay ay ayaw na niya pumasok sa anumang relasyon. Minsan na siya nagmahal at binigay niya ang lahat-lahat pero sa huli ay iniwan lang siya. Nagkaroon ng malaking impact iyon sa buhay niya dahil akala niya ay hindi na siya nag-iisa. Nangako siya sa sarili niya na hindi na siya magmamahal ulit. Mula noon ay mas nag-focus na lang siya sa pagtulong sa pamilya ng Papa niya. Maverick Axel Rodriguez ay galing sa mayaman at kilalang pamilya. Mula ng pamunuan niya ang pagpapatakbo sa kanilang negosyo ay mas nakilala pa siya. Kilalang matinik at magaling na businessman. Pero sa kabila ng tagumpay ay isang nakaraan ang patuloy na gumugulo sa kanya hanggang sa kasalukuyan. Isang insidente na dumurog sa puso niya at naging dahilan para isara ang puso niya. Sa isang iglap ang babae na lubos niya pinagkatiwalaan at minahal ay biglang naging estranghero sa paningin niya. Mula noon ay hindi na siya naging seryoso kahit kaninong babae. Wala sa mga babaeng nakarelasyon niya ang hinayaan niyang makapasok sa puso niya. Para sa kanya ay wala ng pinagkaiba ang relasyon at negosyo. Wala siyang plano na magkaroon ng pamilya dahil sa nangyari sa magulang niya. Hindi na rin kasi niya magawa na magtiwala sa mga tao sa paligid niya dahil sa takot. Hindi niya hahayaan na masaktan pa ulit siya ng dahil sa pag-ibig. Ngayon ang mahalaga sa kanya ay ang kapangyarihan, kayamanan at ang negosyo nila. Ngunit ang insidente na gusto ng kalimutan ni Axle ay hindi pa rin niya makalimutan dahil may isang bagay siya na hinahanap. Paano kung isang araw ay mahanap niya iyon pero hindi umayon sa lahat ang plano niya? Axle doesn\'t take no for an answer and what he wants he always gets it no matter what. Mapanindigan kaya ni Thea ang desisyon niya na tanggihan ang inaalok ni Axle? Sino sa kanila ang unang susuko kung pareho sila determinado sa gusto nila? Life is full of surprises.
like
bc
Under your skin (Cougar Series #45)
Updated at Nov 24, 2022, 17:42
WARNING: EROTIC ROMANCE, SPG, 18+ NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS Sa edad na thirty-five akala ni Lurhen ay nasa kanya na ang lahat. Supportive na pamilya at mga kaibigan, magandang trabaho at higit sa lahat mapagmahal na boyfriend. Matagal na niyang boyfriend si Erwin at sa paglipas ng ilang taon ay napatunayan nito ang pagmamahal sa kanya. Sa tagal ng pinagsamahan nila ay marami na silang nalampasan na problem na magkasama. Sa sobrang saya niya at bilis ng panahon ay hindi na nila napansin ang mabilis na paglipas ng panahon. Sigurado na siya na si Erwin ang gusto niya makasama hanggang sa pagtanda niya. Ngunit sa isang iglap ay biglang nagbago ang lahat. Lahat ng pangarap niya ay unti-unti ng gumuho. Ang lalaki na akala niya ay makakasama na niya habang-buhay ay nagawa siyang lokohin at saktan sa paraan na hindi niya lubos akalain. Hindi niya alam kung kaya ba niyang magpatawad para lang huwag mawala sa kanya ang taong mahal niya. Gusto sana niya na bumalik sila sa dati dahil nanghihinayang siya sa mga pinagsamahan nila pero mas nangingibabaw ang sakit. Ang relasyon nila na hinabog nila magkasama ng mahabang panahon ay biglang nagkalamat. Kahit masakit ay pinilit niya na bumangon ulit at sa tulong ng mga kaibigan niya ay unti-unti na siya naging okay. Sumuko na rin siya sa paghahangad na magkaroon ng masayang pamilya sa hinaharap. Malaki ang sugat na iniwan ng nakaraan niya. Sa kabila ng lahat ay sinusubukan pa rin ni Erwin na makuha ang kapatawaran niya at ibalik sa dati ang lahat. Benedict De Chavez, isang lalaki na easy going at dahil bata pa ay hindi seryoso sa buhay. Sa umaga ay tattoo artist at pagdating naman sa gabi ay DJ sa isang club. Para kay Benedict maikli lang ang buhay kaya hindi dapat seryosohin ang mga bagay-bagay. Ginagawa niya ang lahat ng gusto niya at wala siyang pakialam sa ibang tao. Isang laro lang sa kanya ang trabaho, mga babae at ang buhay. Mahilig siya sa mga exciting na bagay at gustong-gusto niya ng challenge dahil nakukuha niya lahat basta gustuhin niya. Walang imposible para sa kanya lalo na pagdating sa mga babae. Ngunit sa Hindi inaasahang pagkakataon ay may nakilala siya na nagpapabago ng buhay niya. Ngayon lang ulit siya nakaramdam ng matinding atraksyon at hindi niya palalampasin ang pagkakataon na iyon. Habang tumatagal ay mas lumalalim ang nararamdaman niya at wala na siyang plano na pakawalan pa ang babae na bumihag sa puso niya. Hindi magiging madali ang lahat dahil sa nakaraan niya pero gagawin niya ang lahat para mapatunayan ang pagmamahal niya. Wala siyang hindi gagawin para rito at gagawin niya ang lahat para protektahan siya. Susugal ba ulit si Lurhen sa isang bagay na sa tingin niya ay walang kasiguraduhan? Mas pipiliin ba niya ang magpatawad at bumalik sa dati o magmahal ulit kahit na may takot sa puso niya? Matutulungan nga ba siya ni Benedict na gamutin ang sugat sa puso niya? Siya na nga ba ang magpapa-yanig sa buhay ni Lurhen?
like
bc
Behind Secrets and Lies
Updated at Jun 20, 2022, 05:25
Ano nga ba ang kayang gawin ng taong sobrang nasaktan? Paano kung sunod-sunod nawala ang lahat sa buhay mo kakayanin mo pa ba bumangon at magpatuloy pa? Paano kung ang taong inaakala mo na hindi ka iiwan at ipagtatanggol ka sa lahat ay biglang nawala? Sabi nga nila masarap magmahal at mahalin pero kapag nasaktan ka naman ay parang gumuho ang buhay mo. Simpleng babae lang si Gemma ng makilala niya si Troy. Ang unang lalaki na nagparamdam sa kanya ng pagmamahal at pagpapahalaga. Sa unang pagkikita pa lang nila ng binata ay nakaramdam na siya ng kakaibang koneksyon na kalaunan ay nauwi sa isang relasyon. Isang relasyon na nilihim nila dahil sa maraming dahilan. Galing sa kilalang pamilya si Troy at malayong-malayo ang estado nila sa buhay. Sobrang saya ni Gemma dahil nahanap na niya ang taong makakasama niya hanggang sa huli. Sa loob ng ilang taon nila na pagsasama ay walang araw na hindi pinaramdam ni Troy ang pagmamahal niya kay Gemma. Ngunit ang masaya at tahimik nilang relasyon ay susubukin ng pagkakataon. Nalaman ng pamilya ni Troy ang relasyon nila at Hindi nila iyon nagustuhan. Handang ipaglaban ni Troy ang pag-iibigan nila pero desidido ang magulang niya na paghiwalayin sila at gagawin nila ang lahat para magtagumpay. Sunod-sunod na trahedya ang dumating sa buhay ni Gemma at ang masakit ay wala sa tabi niya ang taong inaasahan niya na sasamahan sila sa lahat ng pagsubok. Gumuho ang buhay niya na dumating sa puntong gusto na niya mamatay dahil pakiramdam niya ay mag-isa na lang siya. Kung kailan gusto na niya sumuko sa buhay ay saka naman may dumating na taong gusto siya tulungan na bumangon at magsimula muli. Lumipas ang taon at nagawa ni Gemma na buuin ang sarili niya. Ibang-iba na siya sa dating Gemma na tahimik, simple at sa isang tao lang umiikot ang mundo. Isa siya sa kilalang businesswoman sa buong Asia dahil sa angking galing niya sa pagpapatakbo ng Hotel business. Sa kanya ipinagkatiwala ng taong tumulong sa kanya ang pamamalakad ng negosyo at mas napalago niya iyon. Sadyang maliit lang ang mundo lalo na sa industriya na ginagalawan niya. Nag-cross ang landas nila ni Troy at sa pagkakataon na iyon ay lantarang hinayag ng binata na mahal pa rin siya nito. Ilang beses na humingi ito ng tawad pero sarado ang puso at isipan niya. Ang tanging nasa isip niya ay ang makaganti sa binata dahil sa ginawa nitong pag-iwan sa kanya sa panahon na kailangan niya ito. Nag-isip siya ng paraan kung paano siya makaganti hanggang sa nakilala niya ang nakakatandang kapatid ni Troy na si Teo. Ang plano niya ay gamitin si Teo para ipamukha kay Troy na hindi lang sa kanya umiikot ang mundo niya. Gusto niya makita at marinig na magmakaawa sa kanya si Troy pero higit sa lahat ay gusto niya sirain ang pamilya nila. Ang magulang niya ang dahilan kung bakit nawala sa kanya ang lahat ng mahalaga sa buhay niya. Magtagumpay kaya si Gemma sa mga plano niya? Makakamit kaya niya ang hinahangad niya na paghihiganti?
like
bc
Well intended LOVE
Updated at May 8, 2022, 16:09
Simple lang na babae si Devonne at gagawin niya ang lahat para sa mga taong mahal niya lalo na ang pamilya niya. Kaya niyang isakripisyo ang lahat kahit pa nga ang kalayaan at sarili niya huwag lang mapahamak ang taong mahalaga sa kanya. Sa hindi inaasahan na pangyayari ay nalulong sa sugal ang Kuya ni Devonne dahilan para siya ay makulong. Ang tanging paraan para hindi mangyari iyon ay tanggapin ni Devonne ang tulong na inaalok ng Boss ng Kuya niya. Ang problema nga lang ang taong nag-aalok ng tulong ay may hinihingi na kapalit. Naniniwala si Chandrei na walang tao o bagay sa mundo ang hindi nabibili at natatapatan ng pera. Gagawin niya ang lahat para protektahan kung ano ang mayroon siya kahit ano pa ang mangyari. Isang tao na kayang magsakripisyo para sa ibang tao at isang tao na gagawin ang lahat para protektahan ang sariling kapakanan. Ano kaya ang mangyayari kapag ang landas nila ay nagtagpo?
like
bc
Her Addiction (Cougar Series #5)
Updated at Jan 19, 2022, 02:04
WARNING: EROTIC ROMANCE, SPG, 18+ NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS COLLABORATION with Dani Alba Ms_JulieAnn Ravenababe Silvermixt Paglipas ng panahon hindi namalayan ni Charlotte na wala na sa kalendaryo ang edad niya. Dala ng masakit na nakaraan kaya mas pinili niya na gugulin ang oras at panahon niya sa pamilya, mga kaibigan at sa career niya. Hindi na siya umaasa na makakahanap pa siya ng lalaki na seseryoso sa kanya. Ngunit dahil sa hindi inaasahan at hindi maipaliwanag na pangyayari ay nakilala niya ang lalaki na gugulo sa buhay niya. Kahit alam niya na may kakaiba siyang nararamdaman para sa binata na nagngangalang Nathaniel ay pilit niya iyon pinigilan at tinago. Sampung taon ang agwat ng edad nila kaya nagaalala siya sa sasabihin ng ibang tao. Natatakot din si Charlotte na baka laro lang ang lahat para sa binata. Ngunit habang lumalayo si Charlotte ay mas lalo naman napapalapit sa kanya si Nathan. Kapag hindi niya ito kasama ay hinahanap niya ang mainit na halik nito. Tanging si Nathaniel lang ang nagparamdam sa kanya ng kakaibang init na hindi pa niya naramdaman noon. Hindi niya alam kung alin ba ang susundin niya. Ang puso niya na gustong makasama ang binata o ang isip niya na nagsasabing na hindi dapat? Dapat nga ba niya ipaglaban ang nararamdaman niya kahit alam niya na may mga tao na masasaktan? Ano nga ba ang naghihintay para kay Charlotte at Nathaniel?
like
bc
You complete Me
Updated at Oct 2, 2021, 04:00
Ysabella Pia Magnaye ay isang produkto ng magulo, komplikado at broken family. Buong buhay niya ay lagi siyang naghahanap ng attention at pagmamahal na hindi niya naramdaman mula sa pamilya niya. Dumating sa buhay niya ang isang lalaki na nagparamdam ng pagpapahalaga at pagmamahal sa kanya na hindi niya naramdaman sa pamilya niya. Buong akala ni Ysabella ay okay na ang lahat pero sa bandang huli ay sinaktan lang siya nito ng lubos. Nagpatuloy lang siya sa buhay dahil naniniwala siya na may nakatakdang lalaki para sa kanya. Pagkalipas ng ilang blind date ay unti-unti na siyang nawawalan ng pag-asa. Makakahanap pa ba siya ng taong magmamahal sa kanya at hindi siya iiwan? Matutupad pa ba ang pangarap niya na magkaroon ng masaya at kumpleto na pamilya? James Matthew Marquez II ay isang certified womanizer before hanggang sa nakilala niya ang babae na magpapabago sa buhay niya. Handa na si Matthew na makasama ito habang buhay pero nagkamali pala siya. Sinaktan siya ng babae na akala niya ay makakasama na niya habang buhay. Makakahanap pa kaya si Matthew ng babae na susuklian ang pagmamahal niya?
like
bc
Started with a Kiss
Updated at Jun 29, 2021, 23:58
Ano nga ba ang mas masakit? Ang lokohin at iwan ng tao na pinakamamahal mo o ang traydorin ng tao na sobrang pinagkakatiwalaan mo? Paano kung parehas na mangyari sa 'yo, ano ang mararamdaman mo? Natuklasan ni Ellie na ang boyfriend niya at bestfriend niya ay may tinatago na relasyon. Halos gumuho ang mundo niya dahil nakuha siyang saktan ng dalawang tao na sobrang malapit at importante sa kanya. Iyon ang naging dahilan kung bakit naging kasing lamig ng yelo at kasing tigas ng bato ang puso niya. May pag-asa pa ba na matunaw ang yelo at madurog ang bato para magmahal ulit. Pagkalipas ng ilang taon ay hindi inaasahan na nagkita muli si Ellie at ang Ex niya. Ano naman kaya ang gagawin ni Ellie ngayon na nagpaparamdam muli ang Ex niya? This time ay pinamukha nito sa kanya na hindi pa rin siya nakaka-move on. Ngunit out of nowhere ay may isang pangahas na lalaki na bigla na lang siya hinalikan at nagpakilala na boyfriend niya. Sino nga ba ang lalaking 'yon at ano ang mga kasunod na mangyayari sa kanila? Ito na nga ba ang lalaki na magbabago sa buhay ni Ellie?
like
bc
Until you're MINE (On-going)
Updated at Mar 31, 2021, 09:53
(COMPLETE) Maraming pagsubok ang dumating sa bubay ni Gabriel, namatay ang magulang niya sa mismong araw ng Graduation ng ate niya. Sinisi niya ang sarili dahil pakiramdam niya ay kasalanan niya ang lahat. Nagbago ang buhay nilang magkapatid, ang dating buhay prinsesa ay naglaho na. Pagkalipas ng ilang taon ay nagiging okay na ulit ang buhay niya lalo na nang makilala niya si Jim ang lalaking pinakamamahal niya. Napakasakit malaman na ang dalawang tao na mahal at mahalaga sa buhay niya ay sasaktan siya. Sa sobrang galit niya ay sinabi niya na hinding-hindi niya mapapatawad ang kapatid niya kahit pa nga na mamatay ito. Kinamumuhian niya ito at hiniling niya na hindi ulit ito makita. Hindi niya inaasahan na magkakatotoo ang kahilingan niya. Lubos niyang pinagsisihan na hindi niya binigyan nang pagkakataon na makapagpaliwanag ito. Namatay ang kapatid niya dahil sa sarado ang puso at isipan niya. Sinisi niya ang sarili dahil pina-iral niya ang katigasan at pagiging makasarili niya. Sa paglipas ng panahon ay tumanim sa puso at isip niya ang mga bagay na nagawa niya noon na lubos niyang pinagsisihan. Napuno ng takot at alinlangan ang puso niya kaya hindi na siya umasa na makahanap ng tao na mamahalin siya. Marcus Buenaventura ang lalaki na nasa kanya na ang lahat. Siya ang tipo ng tao na kapag may ginusto ay hindi titigil hanggang hindi niya nakukuha. Hindi rin siya takot sumugal sa lahat ng bagay na gusto niya. Napatunayan niya 'yon nang makilala niya si Gabriel, ang babae na pumukaw sa interest niya. Gagawin niya ang lahat para makuha ang tiwala at pagmamahal ng dalaga. Ano nga ba ang mangyayari sa isang taong takot na masaktan at sa taong gagawin ang lahat para sa taong mahal niya.
like
bc
Until we meet again
Updated at Dec 3, 2020, 21:51
Her name is Alexei Mariano a simple, ordinary and a loner. She is used to be alone which she most prefer. Growing up she been dealing with insecurities that's the reason she want to be alone. She has two sister that is very opposite from her. Most people keep comparing them from each other and she is always left out. There parents treat and love them equally but she can't stop feeling not good enough. When she was in highschool there parents died due to plane crash since then they been living with her grandmother. As years goes by she start loving herself with the help of her family and friends but she still feel something is missing. One night she meet a guy who she feel comfortable with and from there she knew what is missing in her life. What happen next makes her life upside down. It's was like a fairy tale except she is far from being a princess or a queen and just an ordinary girl with lots of reservation. But the question is do fairy tale become a reality? Brandon Montecillo is a very charming, confident and a eligible bachelor. He was hurt and betrayed. He meet someone out of curiosity but end up wanting to know that person more. The next day he woke up, that person took something from him and he need to get it back. But the question is how can he get it back. Love really works in mysterious ways. No one can predict or explain on how, why and whom the heart will beat. But when you found the person you loved sometimes things don't usually goes as it plan. Meet Alex who is afraid to be love and hurt and Brandon who will fight for his love.
like
bc
The Perfect Stranger
Updated at Oct 31, 2020, 14:18
Passion ni Patricia Sebastian ay ang mag-bake at pangarap niya na magkaroon ng sariling store balang araw. As of now kasi visible pa lang ang business nila ng pinsan niya thru online. Marami na rin naman silang mga customers at nakakapag-supply na rin sila sa mga coffee shops at restaurants. Simple lang naman ang gusto ni Patricia iyon ay ang mabigyan ng masaganang buhay ang mga magulang niya na parehas ng nag-retire mula sa pagtuturo. Pinakahuli sa listahan ng mga priorities niya ang magkaroon ng sariling pamilya dahil mas importante sa kanya ay ang kanyang carreer. Masaya na siya sa tinatakbo ng buhay niya at wala na siyang mahihiling pa. Maganda ang takbo ng business nila, may mga kaibigan siya na super supportive sa kanya at mga magulang na mahal na mahal siya. Ngunit may natuklasan siya na lubos na magpapabago sa buhay niya at nagdulot ng pangamba sa kanya. Siya ay nakaisip ng isang plano at buong akala niya magiging okay na ang lahat pero hindi niya inaasahan na magiging komplikado lang ang lahat. Paano nga ba haharapin ni Patricia ang mga pagsubok sa buhay niya? Vincent Antonio Villadiego Jr. need to do something to keep the company by his side. Kailangan niyang sundin ang mga condition ng Lola niya para tuluyang mapunta sa kanya ang company. Ang hindi niya alam ay along the way mahahanap din niya ang tao na babago sa buhay niya. Ano nga ba ang naghihintay para kay Patricia at Vincent? Nagsimula sa isang kontrata mapunta kaya sa isang masayang happy ending o sa malungkot na pagsasama.
like