bc

You complete Me

book_age18+
3.6K
FOLLOW
30.1K
READ
one-night stand
independent
self-improved
boss
drama
tragedy
sweet
bxg
betrayal
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

Ysabella Pia Magnaye ay isang produkto ng magulo, komplikado at broken family. Buong buhay niya ay lagi siyang naghahanap ng attention at pagmamahal na hindi niya naramdaman mula sa pamilya niya. Dumating sa buhay niya ang isang lalaki na nagparamdam ng pagpapahalaga at pagmamahal sa kanya na hindi niya naramdaman sa pamilya niya. Buong akala ni Ysabella ay okay na ang lahat pero sa bandang huli ay sinaktan lang siya nito ng lubos. Nagpatuloy lang siya sa buhay dahil naniniwala siya na may nakatakdang lalaki para sa kanya. Pagkalipas ng ilang blind date ay unti-unti na siyang nawawalan ng pag-asa.

Makakahanap pa ba siya ng taong magmamahal sa kanya at hindi siya iiwan? Matutupad pa ba ang pangarap niya na magkaroon ng masaya at kumpleto na pamilya?

James Matthew Marquez II ay isang certified womanizer before hanggang sa nakilala niya ang babae na magpapabago sa buhay niya. Handa na si Matthew na makasama ito habang buhay pero nagkamali pala siya. Sinaktan siya ng babae na akala niya ay makakasama na niya habang buhay.

Makakahanap pa kaya si Matthew ng babae na susuklian ang pagmamahal niya?

chap-preview
Free preview
Chapter 1 - Not so ordinary day
Ysabella Pagkapasok ko sa office ay bumungad sa akin ang tulala kong best friend at business partner na si Rezanie. Bakas sa mukha nito na problemado ito at nag-aalala. Saglit ako natigilan at pinagmasdan ko itong mabuti. Wala akong maisip na dahilan para maging ganoon ang mood nito. Binaba ko na muna ang gamit ko saka ko ito nilapitan para batiin. "Good morning, Rez," masigla na bati ko rito. Inabot ko rito ang kape na dala ko at tinanggap naman nito habang nakatitig ito sa planner nito. Mukhang seryoso nga ang iniisip nito dahil hindi nito man lang nito inaalis ang tingin sa planner. "Morning," wala sa sarili na tugon nito. Umupo na ako sa tabi nito at napatingin naman ito sa akin na para bang noon lang nito napansin ang presensya ko. Napailing na napatawa lang ako saka uminom ng kape. Nakakapanibago dahil usually ay sobrang energetic nito tuwing umaga. Ito lang ata ang kilala ko na laging nakangiti kahit na may problema. Sobrang optimistic nito sa lahat ng bagay na sobrang kinaiinggitan ko. Para kay Rezanie lahat ng bagay ay kay solusyon at magawan ng paraan. "Ang aga-aga Rez, bakit naman ganyan ang mukha mo? May problema ba?" tanong ko at huminga ito nang malalim. "Hindi ko nga alam kung tama bang sabihin na problema ba ito," umiiling na tugon nito at inagaw ko ang hawak nitong planner para tingnan kung bakit ito nagkakaganito. Ang nasa isip ko ay baka may client kami na nagpa-cancel or nagrereklamo kaya ito problemado. Pero naisip ko na kahit naman nangyari iyon ay hindi naman ganun ang reaksyon nito kaya lalo ako nagtaka. Pinagmasdan kong mabuti ang nakasulat doon pero wala naman akong makita na problema. Calendar iyon kung saan makikita ang lahat ng mga schedule namin sa loob ng isang taon. Sobrang nagpapasalamat kami dahil after ilang years ay unti-unti na kami nakilala sa larangan ng Event and Planning Industry. Hindi naging madali para sa amin ang unang taon dahil sa mga pagsubok na dumating sa amin. After namin makapag-organize ng isang malaking Charity event two years ago ay doon na nag-umpisang dumami ang clients namin. Napaka-successful kasi ng event na 'yon kaya naman ni recommend kami sa iba pang tao. Doon na rin nagsimulang dumami ang employees, suppliers at connections namin. "Wala naman akong nakikita na problema, Bes?" nagtataka na tanong ko at binalik ko ang planner dito. "Fully-booked lang naman tayo this month Ysa, not just this month but until the end of this year. May mga araw pa nga na dalawa ang events natin," nanlalaki ang mata na sagot nito at nakakunot ang noo napatingin ako rito. "So?" naguguluhan na tanong ko rito at humigop ulit ako ng kape. "Alam kong lutang ka pa kaya hindi mo naiintindihan ang ibig kong sabihin," sabi nito at umayos ito nang upo paharap sa akin. "Ngayon lang nangyari sa atin ito, Ysa. For the past years hindi tayo nawawalan ng clients kasi every month naman ay may naka-schedule tayo pero ngayon lang as in ngayon lang nangyari na puno ang buong calendar natin. Kinailangan pa nga tanggihan ni Monica at Aiza ang ibang clients because we can't accommodate them," naiiyak na paliwanag nito at natigilan ako. Hindi ako makapaniwala sa sinabi ng bestfriend ko at ngayon ko lang lubos na naiintindihan ang ibig sabihin nito. Ilang linggo kasi ako na hindi nakapasok dahil ako mismo ang nag-asikaso kay Dad sa hospital. Kung pupunta naman ako sa office 'yon ay para magbigay ng instructions o makipag-usap sa ilang clients. Magandang balita 'yon para sa company namin dahil ibig sabihin noon ay marami kaming maging trabaho. Pinipilit kong huwag ngumiti kahit pa nga gusto kong sumigaw at magtatalon sa sobrang tuwa. "Naku! Paano nga kaya iyan? Mukhang problema iyan Rez kasi ibig sabihin ay wala tayong pahingi sa loob ng isang taon. Ibig din sabihin ay marami tayong trabaho dahil puno ang schedules natin. Hindi kaya magreklamo ang mga employee natin kasi darami ang gagawin nila? Kaya ba natin? I-cancel na lang kaya natin ang iba?" natatawa na sabi ko saka ko ito niyakap ng mahigpit. After graduation ay na isipan namin ni Rezanie na magtayo ng sarili naming negosyo. Nagkataon naman na may naiwan na pamana sa akin ang Lola ko bago ito namatay. Si Rezanie naman ay only child kaya suportado ito ng magulang sa lahat ng gusto nito. Gusto pa sana sumama ng isa pa naming kaibigan na si Aileen kaso ito naman ang magma-manage ng negosyo ng pamilya nito na Traveling Agency. "Baliw ka talaga!" naiiyak at natatawa na sabi nito habang magkayakap pa rin kami. Ang sarap sa pakiramdam na finally ay nakikita na namin ang unti-unting paglago ng business na itinayo namin. Sinubukan lang naman talaga namin kung kaya ba namin dahil may experience naman kami sa pag-organize ng mga events during college days namin. Sa una ay sobrang nahirapan kami kasi wala pang mga supplier or company na nagtitiwala sa kakayahan namin. Pati ang mga magulang ko ay hindi pabor sa naging desisyon ko noon pero wala naman silang magagawa para pigilan ako. Nag-start muna kami sa maliliit na events hanggang sa nabigyan kami ng pagkakataon na mag-handle ng malaking events. "We need to celebrate!" nakangiti na sigaw nito ng naghiwalay kami sa pagka-kayakap at tumango ako. Kailangan talaga namin mag-celebrate dahil finally ay nagbunga na ang pagsisikap at pagod namin. Dumating na kami noon sa point na gusto na namin sumuko dahil halos palabas lang ang pera na nangyayari. May pumasok man pero hindi sapat para sa mga expenses. Noon ay first floor lang ang occupied namin sa building na ito pero ngayon ay hanggang third floor na. Noon ay iilan lang ang employees namin pero ngayon ay so "Tawagan na lang natin si Ai mamayang after lunch kasi for sure ay tulog pa 'yon," natatawa na sabi ko at tumawa rin ito. "Bes, dapat ay magpa-meeting na tayo bukas regarding sa mga naka-line up na schedules natin. Kailangan din natin hatiin ang mga projects sa mga team para mas organize tayo," suggest ko at tumango ito. "Tama para hindi tayo maipit sa oras at maging aware ang lahat sa timeline ng mga susunod na events. Mas okay din siguro kung ngayon pa lang ay makausap na natin ang mga dapat kausapin para sa mga events," dagdag nito. Bumalik na ako sa pwesto ko para tingnan ang mga pending na paperworks. Narinig kong tinawagan ni Rezanie si Monica nagbigay ito ng instructions para sa magiging meeting bukas. Pagod at kulang pa ako sa tulog pero kailangan kong harapin ang trabaho ko. Nahihiya na nga ako kay Rezanie dahil lagi akong wala sa office lately. Although from time to time ay tumatawag naman ito sa akin para ma-update ako sa mga nangyayari. Sinara ko muna saglit ang mga mata ko pag-upo ko. Sa ilang linggo ko na pag-aasikaso sa hospital ay ngayon ko lang totally naramdaman ang sobrang pagod at pananakit ng buong katawan ko. Kahapon pagkahatid ko kay Dad sa bahay nito ay hindi na ako nakakain dahil sa kwarto ko na agad ako dumiretso. Paglapat ng katawan ko sa kama ay hindi ko na napigilan ang pagpikit ng mga mata ko sa sobrang pagod. "Kumusta na nga pala ang kalagayan ni Tito?" tanong ni Rezanie at napamulat ako. "Sabi ng doktor okay na raw siya, so far ay wala naman silang nakitang problem sa kidney ni Dad. Sa ilang araw na pag-stay niya sa hospital aside sa matagal na niyang sakit na Diabetes ay wala na sila makita na iba pa. Need lang talaga ituloy ang pag-inom ng mga gamot niya para maiwasan na bumalik ang dati niyang sakit," salaysay ko habang hinihilot ko ang sintido ko nang bigla 'yon kumirot. "Hindi ba nila kayang asikasuhin si Tito at kailangan na ikaw pa? O baka naman ayaw nilang maglabas ng pera para sa gagastusin?" dismayado na tanong nito at napa-buntong hininga ako. Third year high school ako ng maghiwalay ang mga magulang ko. Hindi pa man sila naghihiwalay ay saksi na ako sa walang tigil na pag-away nilang dalawa. Lumaki ako na laging wala si Daddy sa tabi ko dahil sa trabaho nito. Si Mommy naman although lagi ko ito kasama pero mas madalas na nagkukulong lang ito sa kwarto. Masaya naman kami noon, nagbago lang ang lahat nang ma-promote si Daddy at naging sobrang busy. Hindi na ako nagulat nang sabihin nila na maghihiwalay na sila dahil somehow ay inaasahan ko na iyon. Ang hindi ko lang inaasahan at sobrang ikinagulat ko ay ang malaman ko na may iba pa lang pamilya si Daddy. Kaya pala laging nag-aaway ang mga ito dahil malakas ang kutob si Mommy na may ibang babae si Daddy at hindi nga ito nagkamali. Ang masaklap nga lang the time na nalaman ni Mommy ang tungkol doon ay buntis na ang babae kaya naman tuluyan ng nakipaghiwalay talaga si Mommy. Nakita ko kung gaano nasaktan si Mommy dahil sa mga nangyari. Hindi ko naman alam ang nararamdaman ko dahil nakita ko kung gaano nila sinaktan ang isa't isa mula pa noon. Dapat ba akong matuwa dahil finally ay hindi ko na sila makikita na nag-aaway? Magalit ako kay Daddy dahil sa ginawa nito na panloloko kay Mommy? Gulong-gulo ako nang maghiwalay sila dahil naiwan ako sa gitna. Hindi man lang kasi nila ako tinanong kung kanino ko ba gustong sumama at basta nagdesisyon sila na maghiwalay ng landas. Si Daddy ay tuluyan ng nakisama sa babae nito at si Mommy naman ay umalis ng bansa para ipagpatuloy ang matagal na nitong pangarap na maging Theater actress. Naiwan ako sa pangangalaga ng Lola Rosario ko na hindi naman ako pinabayaan hanggang sa huling hininga nito. "Hindi naman siguro ganoon Bes, may mga pasok kasi 'yong mga bata bago si Tita Christina naman ang nag-aasikaso sa kanila. Bumisita naman ang mga kapatid ni Dad pero hindi naman magawa nila na magbantay kasi may mga pamilya rin ang mga 'yon. Basta ginagawa ko lang naman ang responsibilidad ko bilang anak sa kanya. Ayoko rin naman na may masabi sa akin na pinabayaan ko si Dad lalo na panahon ngayon. Hindi ko rin naman matitis na makita si Dad na ganoon ang kalagayan,," paglilinaw ko. "Alam ba ni Tita?" tanong nito. "Sinasabi ko naman sa kanya ang kalagayan ni Dad kapag nagkaka-usap kami pero wala naman siyang comment. I'm not sure kung wala na ba talaga siyang pakialam o ayaw lang niya isipin ko na affected pa rin siya," tugon ko rito. "Bilib din naman ako sa 'yo Ysa, kung ako siguro ang nasa kalagayan mo ay mabaliw na ako o baka lumayo na lang talaga ako. Noong malakas pa si Tito hindi ka man lang nila kinakamusta bago ngayon present sila sa buhay mo. Hindi ko sinasabi ba tiisin mo si Tito pero sana naman ay may limitasyon," sabi nito at napatungo na lang ako. "Bakit nga ba hindi pa ako lumayo noong panahon na may pagkakataon ako? Bakit nga ba hindi ko magawa na itakwil sila? Paano ko nga ba sila napapakisamahan sa kabila ng sakit na binigay nila sa akin?" mga tanong ko sa sarili ko. "Sorry," hinging paumanhin ni Rezanie nang mapansin nito ang pananahimik ko at ngumiti ako para itago ang lungkot na nararamdaman ko. "Ang sabi mo nga baliw ako, hindi ba?" nakangiti na tugon ko at ngumiti lang ito pero bakas sa mukha nito ang lungkot. Walang tao na hindi nakakakilala at nakakaalam sa kwento ng buhay ko ang hindi naawa sa akin. Ang tingin ng mga kamag-anak ko ay para akong saling pusa sa buhay ng mga magulang ko. Noon ay nasasaktan ako sa tuwing naiisip ko 'yon pero ngayon ay tanggap ko na ang lahat. Mula ng maging okay na ako ay nagbago ang tingin ko sa lahat ng mga bagay sa paligid ko. Sa dami na ng pinagdaanan ko natuto na ako na tanggapin ang lahat ng mga nangyari sa akin. Sobrang thankful ako kasi may mga tao pa rin na nagmamahal at laging nandyan para sa akin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Love Donor

read
87.0K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
85.5K
bc

The Runaway Mrs dela Merced

read
507.3K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

College Series 1 : Feisty Friday (R18 Tagalog)

read
186.7K
bc

My Last (Tagalog)

read
486.9K
bc

Mhorric Soliven: The Billionaire's Maid

read
442.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook