bc

Until we meet again

book_age18+
3.9K
FOLLOW
26.8K
READ
one-night stand
fated
goodgirl
self-improved
drama
sweet
bxg
first love
self discover
chubby
like
intro-logo
Blurb

Her name is Alexei Mariano a simple, ordinary and a loner. She is used to be alone which she most prefer. Growing up she been dealing with insecurities that's the reason she want to be alone. She has two sister that is very opposite from her. Most people keep comparing them from each other and she is always left out. There parents treat and love them equally but she can't stop feeling not good enough. When she was in highschool there parents died due to plane crash since then they been living with her grandmother. As years goes by she start loving herself with the help of her family and friends but she still feel something is missing.

One night she meet a guy who she feel comfortable with and from there she knew what is missing in her life. What happen next makes her life upside down. It's was like a fairy tale except she is far from being a princess or a queen and just an ordinary girl with lots of reservation. But the question is do fairy tale become a reality?

Brandon Montecillo is a very charming, confident and a eligible bachelor. He was hurt and betrayed. He meet someone out of curiosity but end up wanting to know that person more. The next day he woke up, that person took something from him and he need to get it back. But the question is how can he get it back.

Love really works in mysterious ways. No one can predict or explain on how, why and whom the heart will beat. But when you found the person you loved sometimes things don't usually goes as it plan.

Meet Alex who is afraid to be love and hurt and Brandon who will fight for his love.

chap-preview
Free preview
Chapter 1 - Second time
Alex "Mga baklita narinig na ba ninyo ang latest tsismis." nakapamaywang na bungad ni Jeremy sa kanila ni Mitch. Si Jeremy at Mitch lang ang tanging kaibigan niya sa company kung saan siya nagtra-trabaho. Sa isang Advertising Agency siya nagwo-work as Assistant to the Manager. Si Jeremy ay isang gay pero hindi pa nito magawang maglantad at tanging sila lang ni Mitch sa company ang nakakaalam. Ang pamilya nito ang isa sa mga dahilan kung bakit tago pa rin ang totoong pagkatao nito. Kung titingnan naman ito ay hindi agad masasabi na may dugong berde dahil sa magandang pangangatawan nito at mala-anghel na mukha. Sa katunayan nga ay marami ng babae ang sumubok na kumuha ng attention nito pero lahat ay nabigo. Sinasabi na lang nito na may girlfriend ito na nasa malayo para lang hindi makahalata ang iba. Naalala pa niya noong bago palang siya, sobrang naiilang siya rito kasi lagi itong nakatingin sa kanya. Ang buong akala niya ay may gusto ito sa kanya pero laking gulat niya ng isang araw lapitan siya nito para lang tanungin kung anong shade ng lipstick ang gamit niya. Halos maloka siya at hindi makapaniwala sa pangyayaring 'yon. Ito kasi 'yong tipo ng lalaki na makalaglag panty ang kagwapuhan kaya hindi siya makapaniwala kahit hanggang ngayon. Minsan nga ay binibiro nila ito na nakakapanghinayang ang lahi niyo at natatawa lang ito sa kanila. Si Mitch naman ang unang tao na kumausap sa kanya noong first day niya. Napaka-friendly at madali ito makagaanan ng loob kaya naman hindi siya nahirapang pakisamahan ito. Prangka, masayahin at mabait itong tao. Marami rin silang bagay na common kaya naman magkasundong-magkasundo sila. "No idea." maikli at halos walang ganang sagot niya sabay pikit ng mga mata. Antok na antok pa siya dahil sa ilang araw na pagbabantay niya sa hospital. Nanganak kasi ang panganay niyang kapatid na si Ate Alexandria at cesarean ito kaya nagtagal ito sa hospital. Ang isa naman niyang kapatid na si Ate Sandra ay umattend ng kasal sa Bohol. Hindi naman niya ugali ang mag-absent kaya dinadaan na lang niya sa pag-inom ng kape as in maraming kape. Hindi pa man nag-uumpisa ang trabaho niya ay nakaubos na siya ng isang malaking tumbler na kape at ngayon ay nangangalahati na ang ikalawa niya. "Hay naku, na sense ko na naman friend 'yang pagiging outsider mo." bulong ni Jeremy na nakataas ang isang kilay. "Dahil hindi mahilig sa tsismis ay outsider na agad hindi ba pwedeng hindi lang interesado 'yong tao." natatawa niyang sagot. "Paano ba naman friend may f******k ka nga hindi mo naman ginagamit, wala kang twitter or ** man lang. Kami pa nga ni Jeremy ang gumawa ng account mo sa f******k na malamang ay inaagiw na. Ikaw na lang ata ang kilala ko na ganyan Alex, daig na daig ka pa nga ng Lola ko." dugtong ni Mitch. "May skype naman ako, hindi ba counted 'yon?" nakangiting pagdedepensa niya at tumawa lang ang dalawa. Aside sa Bestfriend niya na nasa ibang bansa kung saan ay nakakausap niya sa skype wala naman siyang iba pang kaibigan. Kontento na siya sa tatlong kaibigan niya at hindi niya kailangan ng maraming kaibigan. Hindi niya maipaliwanag pero hindi niya nakahiligan ang gumamit ng kahit anong social media. Nagche-check din naman siya ng f******k kaso para lang makontak ang mga kamag-anak niya na nasa ibang lugar. Hindi rin siya nagpo-post ng pictures at kahit ano pa dahil sa palagay niya ay hindi naman 'yon mahalaga. Sabihin ng old passion siya pero wala siyang pake dahil mas gusto niya ang simple at hindi komplikadong buhay. "Oo nga naman may skype ka nga pala na ang list ng contact ay halos anim na tao lang."pang-aasar ni Jeremy na nilakihan pa siya ng mata. Mangangatwiran pa sana siya kaso narinig nila si Mr. Hernandez na nagpatawag ng emergency meeting. Pagdating nila sa mini-conference room ay nandoon na ang mga empleyado mula sa iba't ibang department. Ang karamihan sa kanila ay nagtataka at nagtatanungan kung tungkol saan ang meeting. Pumuwesto silang tatlo sa may likuran 'yong hindi masyadong pansin kasi hindi naman sila interesado. "Thank you everyone for coming in such a short notice but this won't take long. As most of you may have heard Mr. Sanchez is no longer with us due to his personal reason." announce ni Mr. Hernandez na kinagulat ng lahat lalo na siya. "Kaya pala lagi siyang wala dito sa office." bulong ni Jeremy. "Sabi ko na nga ba may something eh, lately kasi strange 'yong mga kinikilos niya. I thought malilipat lang siya or magbabakasyon." tugon niya. Matagal na niyang boss si Mr. Sanchez napakabait nito at may consideration sa mga taong hinahawakan nito. Sa tagal ng pagsasama nila ay wala siyang masasabi na hindi maganda tungkol dito. Marami siyang natutunan mula kay Mr. Sanchez, sobrang haba kasi ng pasensya nito at mabait na tao kaya madaling lapitan. Bigla niyang naisip kung paano na ang Presentation sa isang Ad Conference sa Cebu na department nila ang in-charge. Hindi niya lubos maisip na umalis ito ng hindi man lang nagpaalam sa kanila. Bigla siyang nakaramdam ng lungkot dahil hindi man lang siya nakapagpasamat dito. "I know most of you are concern because of his pending project but don't worry because Mr. Brandon Montecillo will replace him. He is from the most known Ad agency in Singapore." sabi ni Mr. Hernandez at nakita niyang nagbulungan ang ibang empleyado. Narinig niyang bumukas ang pinto at malamang 'yon na ang tinutukoy na si Mr. Montecillo. Nag-aabang na ang lahat sa kung ano ang itsura ng bagong Manager nila. Hindi na niya ito nakita kasi biglang nag-vibrate ang phone niya kaya doon napatuon ang kanyang attention. Nag-message ang Ate Andria niya pinapaalam niyo na palabas na ang mga ito mamaya afterluch kaya hindi na niya kailangan pumunta sa hospital after work. Sinisiko siya ni Mitch ng ilang beses pero hindi niya ito pinansin kasi abala siya sa pag-reply. "You really need to see this, as in now na." bulong nito na panay pa rin ang siko sa kanya. Napipikon na siya sa ginagawa nito at gusto na sana niyang batukan pero hindi na niya ginawa. Nakasimangot man ay napilitan siyang tingnan kung bakit ganoon na lang ang pangungulit nito. Nabitiwan niya bigla ang phone niya sa sobrang gulat nang makita ang tinutukoy nito. Hindi siya makapaniwala sa nakikita ng mga mata niya sa sandaling 'yon. Biglang bumilis ang t***k ng puso niya na hindi niya mapaliwanag. Pakiramdam niya ay nanuyo ang lalamunan niya at nagpawis ang mga palad. "Anong ginagawa niya dito?" nagtatakang tanong niya sa sarili ng damputin niya ang phone na nabitawan niya. "Sinusundan ba niya ako? Paano niya nalaman na dito ako nagwo-work?" naguguluhang tanong niya sa sarili. "As if naman, hindi ka kagandahan para sundan ka niya ilusyanadang palaka ka talaga Alex." kontra niya sa sariling tanong. Gustuhin man niya na manatiling nakayuko para maiwasan ito pero hindi pwede. Kinukuhit na siya ni Jeremy at nagtatakang nakatingin naman sa kanya si Mitch kaya no choice siya. Umakto siyang normal dahil ayaw niyang magtanong ang dalawa sa kakaibang kinikilos niya. Pagtayo niya ay napalunok siya nang makita na nakatingin ang binata sa kanya. Pinikit niya ng matagal ang mata niya at nanalangin na sana panaginip lang ang lahat pero pagmulat niya ay nakatingin pa rin ito sa kanya. Natataranta man deep inside ay pinilit niya na pakalmahin ang sarili para walang makahalata lalo na ang kaibigan niya. Pasimpleng huminga siya ng malalim saka iniwas ang tingin. Gusto na niyang matapos ang meeting na 'yon para makaalis na siya. "Hindi na siguro niya ako natatandaan dahil nakasalamin na ako ngayon, nagpaiba na rin ako ng style ng buhok at kulay. At saka ilang months na rin naman ang lumipas kaya imposibleng matandaan pa niya ako." pagkukumbinsi niya sa sarili habang nakatungo. Kailangan niyang pakalmahin ang sarili at umakto na hindi niya ito kilala. Dapat ay makumbinsi niya ang sarili na kaya niyang balewalain ang presence nito at hindi siya apektado. "Relax ka lang Alex, hindi ka na niya mamumukhaan basta huwag ka lang magpapakita na apektado ka. Relax ka lang dapat Alex." paalala niya sa sarili. Hindi na niya naintindihan ang mga sinabi nito pero mukhang maganda naman kasi nagpalakpakan ang lahat. Mukhang tuwang-tuwa naman ang lahat lalo na ang mga kababaihan na nandoon. "I was expecting na kasing edad lang din ni Mr. Sanchez ang papalit sa kanya. I didn't expect na super hotty at yummy ng bago nating Boss." bulong ni Jeremy. "Oh s**t! Meaning siya ang bagong Boss ko? Anong gagawin ko ngayon? Araw-araw ko siyang makakasalamuha dito sa office. Diyos ko po makakaya ko kayang kumilos na parang wala lang? Bakit siya pa?" mangiyak-iyak na sabi niya sa sarili. "Single pa kaya siya?" curious na tanong ni Mitch. "Ha?" napatingin siya dito. "I think so kasi wala naman akong nakikitang wedding ring sa daliri niya." sagot ni Jeremy at napatingin siya dito. "Hindi na po batayan ngayon ang wedding ring. May mga guy nga diyan na kahit married na nakakaloko pa rin. Iyong iba nga worst pa kasi para lang maka-score ay magpapakilala na single." kontra ni Mitch. Hindi niya maintindihan pero bigla siyang nanlamig sa narinig. Napahigpit ang hawak niya sa phone at nakagat niya ang ibabang labi. "Hindi naman siguro siya ganoon at saka mukha namang matino ang Boss natin. Hindi ba, Alex?" depensa ni Jeremy sabay tingin sa kanya. Napapikit siya dahil pakiramdam niya ay nahihilo na siya. Maraming bagay ang tumatakbo sa isip niya dahilan para mas lalo sumakit ang ulo niya. "Ha?! Ano?" naguguluhang tanong niya at nagpalipat-lipat ng tingin sa dalawa na nakatingin sa kanya. "Okay ka lang ba? Kanina ka pa ganyan girl para kang wala sa sarili. May problema ka ba?" nag-aalalang tanong ni Mitch at umiling siya. "Okay lang ako." pilit ang ngiting sagot niya saka huminga ng malalim. "Sure ka bakla?" tanong ni Mitch at nilagay ang likod ng palad nito sa noo niya. "Ang putla mo kasi at saka natutulala ka kanina pa." sabi nito at tumango siya. "Puyat lang ito." simpleng sagot niya. "Dapat kasi umabsent ka muna Alex dahil ilang araw ka rin na pabalik-balik sa hospital." sabi ni Jeremy at napabuntonghininga siya. "Sana nga hindi na lang ako pumasok." sabi niya at tinapik siya ni Mitch sa likuran. Napatingin silang tatlo sa unahan nang magpalakpakan ang lahat at ganoon rin ang ginawa nila. Nakita niyang nakikipagkamay ang taong hindi na niya inaasahang makita pa sa iba pang Manager. "All I need to do is calm myself and pretend that I don't know him, well technically I really don't know him at all. Mukhang hindi naman siya ang tipo ng tao na magaaksaya ng panahon sa isang katulad ko." sabi niya sa sarili. Habang palabas ng kwarto ay ramdam niya na may na kasunod na mata sa kanya. Hindi na siya nag-abalang alamin or tingnan kung sino 'yon. Dapat ay pairalin niya ang pagiging professional niya lalo na ngayon. Mahal at importante sa kanya ang trabaho niya kaya dapat hindi niya hayaang maapektuhan siya nito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Ex, My Boss, My Husband R-18

read
556.8K
bc

Stubborn Love

read
98.9K
bc

A Night With My Professor

read
497.5K
bc

My Stranger Husband

read
7.2M
bc

College Series 1 : Feisty Friday (R18 Tagalog)

read
186.7K
bc

The Billionaire's Forced Marriage |COMPLETED|

read
325.3K
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
276.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook