Chapter 1 - To the rescue
Gabriela
"Gab, please naman pumayag ka na it's really a matter of life and death kaya I'm desperately need of your help. Please, please, please, ibibigay ko kahit anong gusto mo basta tulungan mo lang ako. Ikaw lang ang pwedeng makatulong sa akin ngayon." Nakaluhod na paki-usap sa kanya ng kaibigan niyang si Raffy habang break niya sa coffee shop na pinapasukan.
Tinawagan siya nito kagabi dahil may malaki itong problema at sinabi rin nito kung anong naiisip nitong solusyon. Wala pa siya mabigay na sagot kagabi dahil halos hindi pa nag-sink in sa utak niya ang mga sinabi nito. Ang tumatak lang sa isip niya ay ang tungkol sa pagdududa ng kapatid nito at sa Restaurant. Iyon lang ang naintindihan niya sa mahabang sinabi nito kaya sinabi niya na bukas na lang nila pag-usapan. Kanina naman pagpasok niya ay wala na itong ginawa kung hindi tanungin kung ano ang sagot niya sa gusto nitong mangyari. Ayaw niya na maapektuhan ang trabaho niya kaya sinabi niya na sa break na lang niya sila mag-usap.
Napatigil siya sa pag-inom ng kape at tiningnan itong mabuti. Halatang problemado ito at desperado ito na humihingi ng tulong. Napabuntong-hininga muna siya saka uminom ulit ng kape dahil sa totoo lang ay hindi siya sang-ayon sa gusto nito. Matagal na niyang kaibigan ito, mula pa noong nasa college sila at kung tutuusin ay hindi nito kailangan magmakaawa sa kanya dahil malaki ang utang na loob niya rito. Kahit pa nga siguro sabihin nito na maglakad siya sa apoy na naka-two piece lang ay walang reklamo na gagawin niya para rito. Pero kung hihingi ito ng pabor sa kanya, gagawin niya 'yon hindi dahil lang sa may utang na loob siya rito pero dahil mahal niya ito. Hindi lang kaibigan ang turingan nila dahil para na silang isang malaking pamilya.
"Kung maka-life and death ka naman diyan Raffy, napaka OA mo talaga kahit kailan. Sabihin mo nga sa akin kailan pa ako humingi ng kapalit kapag humihingi ka ng tulong, aber!" kunwari ay inis na sabi niya at sinenyesan niya ito na umupo na.
"Okay, linawin ko lang Raffy 'yong mga sinabi mo sa akin kagabi ha. Ang gusto mong mangyari ay magpanggap ako na nobya, girlfriend o jowa mo para mawala na ang pagduda ng kuya mong mas brusko pa kay Batista. Ayaw mong malaman niya ang tungkol sa totoong mong pagkatao at ang relasyon ninyo ni Mark. Kailangan natin siyang ma-convince na "TAYO" para iwan na niya ng tuluyan sa 'yo ang Restaurant at para matahimik na siyang makabalik sa U.A.E?" paglilinaw niya sa mga plano nito at napailing siya pagkatapos.
Parehas na bakla kasi si Raffy at Mark pero hindi pa alam ng pamilya ni Raffy. Tatlong magkakapatid sina Raffy at lahat ay lalaki, bunso ito sa magkakapatid bago retired na army officer naman ang father nito kaya hindi madali para dito ang mag-out of the closet. Si Mark naman ay noon pa alam ng family nito at tanggap ito. Kung titingnan ang dalawa walang makakapagsabi na parehas na bakla ang mga ito dahil na rin sa magaling na magdala at professional tingnan ang dalawa. Lumalabas lang ang kalandian at kalokohan ng dalaga kapag magkakasama sila. Saksi siya sa pagmamahalan at mga pinagdaan ng dalawa kaya alam niya kung gaano kamahal ng dalawa ang isa't isa.
"Ang tanong Raffy bakit ako, bakit hindi si Yvette na lang dahil sa palagay ko ay mas kapani-paniwala pa siguro kung siya ang magpapanggap. At saka isipin mo paano natin siya makukumbinsi eh minsan nga mas babae ka pa sakin kumilos." natatawa na sabi sabay kagat sa hawak niyang burger.
"Remember kilala na niya si Yvette at saka para naman di mo kilala 'yong babaeng 'yon hindi marunong magsinungaling at walang preno ang bibig. Si Anne naman ay kung hindi pa rin tumatatak diyan sa utak mo ay happily engage na po siya kaya lalong hindi pwede dahil baka patayin pa ako ni Bob. Hindi ko rin bet si Yvette dahil napaka-touchy niya at kung sakali na naging straight ako ay mga katulad mo ang tipo ko kaya siguradong makukumbinsi natin si Kuya." paliwanag nito.
Dahil sa huling sinabi nito ay nabuga niya tuloy ang iniinom niyang kape sa braso nito. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o maiinsulto sa mga sinabi nito. Nakasimangot na nakatingin ito sa kanya sabay abot ng tissue at nagpunas din ito ng braso.
"Ibig mong sabihin kaya ako ang pinili mo dahil sinungaling ako, hindi ako touchy at higit sa lahat ay single ako?" nanlilisik ang mata na tanong niya dito at bigla itong nagtakip ng bibig.
Sa kanilang magkakaibigan ay siya na ata ang pinakakulelat, hindi nga niya maintindihan kung bakit o paano niya naging kaibigan ang mga ito. Si Raffy ay classmate niya noong First semester nila at may kaya ang pamilya nito. At first, naiilang siya dito pero nang magkasama sila sa isang group project ay naging close na sila. Si Mark ay nakilala niya dahil naman kay Raffy at para silang instant noodles dahil naging ka-close agad niya ito. Mahilig kasi itong sumayaw katulad niya kaya naman naisipan nila na sumali sa mga dance contest sa school nila. Sumasali rin sila sa iba't ibang dance competition at tinulungan siya nito na makasali sa dance group ng school nila. During college maraming babae ang naiingit at nagagalit sa kanya kapag kasama niya ang dalawa, ikaw ba naman kaibigan mo ang dalawa sa pinakagwapo at kilalang lalaki sa campus nila. Kahit nga siya mismo ay kinikilig kapag kasama niya ang dalawa at nagkaroon siya ng lihim na pagtingin kay Raffy. Nararamdaman niya na may connection silang dalawa pero natatakot at naiilang siya na magtapat. Naiisip din niya na baka maapektuhan ang pagkakaibigan nila kung sakali na hindi pala sila parehas ng nararamdaman. Buti na lang at hindi siya nagtapat kay Raffy dahil may natuklasan siya na lubhang kinagulat niya. Noong una ay hindi siya makapaniwala nang sabihin ng dalawa sa kanya ang lahat pero mas naging malapit pa siya sa mga ito. Si Yvette naman at Anne ay naging classmate rin niya pero noong nasa second year na sila kasi parehas silang tatlo ng mga course. Magkakaiba man silang tatlo ng ugali pero naging ka-close rin niya ang mga ito. Marami na silang pinagsamahan na hirap, problema at saya kaya naman para na silang isang pamilya na handang damayan ang isa't isa.
Hindi naman siya totoong na-offend sa sinabi nito dahil totoo naman ang lahat ng 'yon, pinagtritripan lang niya ito dahil kitang-kita sa mukha nito na problemado talaga ito. Tumayo na ito saka lumapit sa kanya pero nagkunwari siya na galit kaya umiwas siya.
"Hindi naman sa ganoon Gab, ang ibig kong sabihin ay mas maiimpress kasi si kuya kung ikaw ang ipakikilala ko. The last time na nakita ka niya is way back college pa tayo kaya hindi siya maghihinala." malambing na sabi nito habang hinahaplos ang likod niya.
"Para ka naman pabago-bago Gab, dati pa naman natin itong ginagawa kaya sisiw na lang ito sa 'yo. Mas komportable ako kung ikaw ang kasama ko kaya please pumayag ka na." nakangiting sabi nito.
Sabagay ay lagi nga naman nila 'yon ginagawa noon, ang magpanggap. Kadalasan ay nangyayari 'yon kapag may umaaligid kay Raffy or Mark na babae o kaya naman ay lalaki na pumuporma sa kanya na hindi niya type. Ang concern lang naman niya ay up-close siya nito ipapakilala sa kapatid nito at mukhang hindi magiging madali 'yon katulad ng ginagawa nila before. Natatakot din siya na baka hindi niya magawa ng maayos at maging dahilan pa ng mas malalang problema.
"Okay fine, pumapayag na ako tutal isang gabi lang naman 'yon at hindi ko naman siguro ikakamatay 'yon di ba?." sabi niya rito.
Nagtatalon na ang bakla sa tuwa na para bang nanalo ito sa isang beauty contest with matching pagpunas pa ng kunwaring luha sa mga mata. Natatawa na lang siya habang pinagmamasdan ang reaksyon nito.
"Pero paano kung hindi natin siya ma-convince, anong mangyayari?" nag-aalalang tanong niya at tumingin sa kanya.
"Well, if ever na hindi natin siya ma-convince kailangan ko na talagang sumama kay mudra sa Canada. Doon na ako mag-stay for good then ibebenta na lang niya ang Restaurant dahil wala naman ibang mag-aasikaso noon bukod sa akin." malungkot na sagot nito at napabuntong-hininga siya.
"Don't worry gagawin ko ang lahat para hindi tayo mabuko dahil ayaw naman namin na malayo ka sa amin. Hindi ko kaya na makita kayo ni Mark na maghiwalay, after all the both of you been through." sabi niya saka siya nito yinakap ng mahigpit.
"Pero naisip ko Raffy bakit hindi mo po sabihin sa kanila ang tungkol sa relasyon ninyo ni Mark. Ilang taon na rin kayong magkasama and I think it's the right time para sabihin mo na sa family mo." sabi niya nang maghiwalay sila mula sa pagkakayakap at napabuntong-hininga ito.
"Maybe someday Gab, but not this time." nakangiting tugon nito at tinapik niya ito sa likuran.
Napatingin siya sa relo at nang makitang tapos na ang break niya ay nagpaalamanan na silang dalawa. Sumenyas ito sa kanya na tatawagan siya nito at tumango na lang siya bago tuluyan ng pumasok sa loob.
"Ano naman ang kailangan ng Dyosa sa 'yo?" tanong ni Anne nang magkasalubungan sila sa kitchen.
"Ayon, required na naman ang acting kineme ng lola mo at malamang this time makakakuha na ako ng award." sagot niya rito at kinuwento ang naging pag-uusap nila ni Mark.
"Akala ko naman ay kung ano na, simple lang naman pala eh yakang-yaka mo 'yan bes. Iyon pala ang dahilan kung bakit sinabi nito kanina na kailangang kumpleto tayo bukas." nakangiting sabi nito at napailing na lang siya.
Si Anne ay ang boss / best friend / consultant / guardian / mother lahat na ata ng pwede nitong maging papel sa buhay niya minus lover. Samantalang si Yvette naman ang kanyang manager kapag may raket sila ni Mark, isa kasi itong event organizer kaya everytime na may event/occasion na need ng dancer ay present sila ni Mark. Owner ng "Step Dance Studio" si Mark, isang dance school kung saan isa ito sa mga instructor at kung saan ay nagtuturo rin siya minsan.
"Iba ka talaga Gab lahat ata kaya mong gawin." puri nito sa kanya at naiiling lang siya.
"Kung kaya ko naman gawin bakit hindi at saka sa inyo lang naman ako ganito eh. Sino-sino pa ba ang magtutulungan kung hindi tayo-tayo lang naman. Maliit na bagay lang 'yong mga favor na hinihingi ninyo sa akin compare sa mga nagawa ninyo para sa akin." sabi niya.
Marami ng masasama at malulungkot na bagay ang dumating sa buhay niya na halos ikamatay na niya. Never siyang iniwan ng mga kaibigan niya at laging naka-alalay sa kanya mula noon hanggang ngayon. Mula sa pagkamatay ng mga magulang niya, pagtigil niya sa pag-aaral, panloloko ng mahal niya sa buhay, pagkamatay ng kapatid niya hanggang ngayon ay hindi siya iniwan ng mga ito. Laging pinaparamdam sa kanya ng mga ito kung gaano siya kahalaga. Buong akala niya nang tumigil na siya sa pag-aaral at hindi na nakasama ang mga ito ay mapuputol na rin ang koneksyon nila pero hindi 'yon nangyari. Laking pasasalamat niya at nakatagpo siya ng mga tunay na kaibigan. Napakaswerte niya dahil napapaligiran siya ng mga tao na nagmamahal sa kanya at sumusuporta.
"Alam mo Anne mag-artista na lang kaya ako baka mas yumaman pa ako, ano sa palagay mo?" biro niya at tumawa ito ng malakas.