bc

Never let YOU go

book_age18+
1.5K
FOLLOW
13.7K
READ
confident
blue collar
drama
bxg
city
enimies to lovers
addiction
gorgeous
passionate
like
intro-logo
Blurb

Venus Althea Mendoza ay mula sa isang broken family pero kahit ganun ay hindi naging negative ang tingin niya sa buhay. Saksi siya sa ilang beses na pagaaway ng magulang niya. Hindi man malinaw sa kanya ang lahat pero naisip niya na mas makakabuti kung maghiwalay na lang nga sila. Isang araw pag-uwi niya galing sa school ay ganun na lang ang gulat niya ng malaman na umalis ang Mama niya kasama ang Ate Vivina niya. Sobrang nasaktan siya dahil hindi niya maintindihan kung bakit siya iniwan ng Mama niya. Paglipas ng ilang buwan ay naiintindihan na niya kung bakit umalis ang Mama niya. Hindi naging madali para sa kanya ang paghihiwalay ng magulang niya pero natutunan niya iyon tanggapin. Para sa kanya pamilya ang pinaka-importante sa lahat kahit ano pa ang mangyari. Gagawin niya ang lahat para sa pamilya at sa mga taong mahal niya. Siya ang tipo ng tao na mas uunahin pa ang kapakanan ng ibang tao kaysa sa sarili dahil para sa kanya magiging masaya lang siya kung masaya rin ang mga mahal niya. Pero sa kabila ng pagkakaroon ng magandang kalooban at positibong pananaw sa buhay ay ayaw na niya pumasok sa anumang relasyon. Minsan na siya nagmahal at binigay niya ang lahat-lahat pero sa huli ay iniwan lang siya. Nagkaroon ng malaking impact iyon sa buhay niya dahil akala niya ay hindi na siya nag-iisa. Nangako siya sa sarili niya na hindi na siya magmamahal ulit. Mula noon ay mas nag-focus na lang siya sa pagtulong sa pamilya ng Papa niya.

Maverick Axel Rodriguez ay galing sa mayaman at kilalang pamilya. Mula ng pamunuan niya ang pagpapatakbo sa kanilang negosyo ay mas nakilala pa siya. Kilalang matinik at magaling na businessman. Pero sa kabila ng tagumpay ay isang nakaraan ang patuloy na gumugulo sa kanya hanggang sa kasalukuyan. Isang insidente na dumurog sa puso niya at naging dahilan para isara ang puso niya. Sa isang iglap ang babae na lubos niya pinagkatiwalaan at minahal ay biglang naging estranghero sa paningin niya. Mula noon ay hindi na siya naging seryoso kahit kaninong babae. Wala sa mga babaeng nakarelasyon niya ang hinayaan niyang makapasok sa puso niya. Para sa kanya ay wala ng pinagkaiba ang relasyon at negosyo. Wala siyang plano na magkaroon ng pamilya dahil sa nangyari sa magulang niya. Hindi na rin kasi niya magawa na magtiwala sa mga tao sa paligid niya dahil sa takot. Hindi niya hahayaan na masaktan pa ulit siya ng dahil sa pag-ibig. Ngayon ang mahalaga sa kanya ay ang kapangyarihan, kayamanan at ang negosyo nila.

Ngunit ang insidente na gusto ng kalimutan ni Axle ay hindi pa rin niya makalimutan dahil may isang bagay siya na hinahanap. Paano kung isang araw ay mahanap niya iyon pero hindi umayon sa lahat ang plano niya? Axle doesn't take no for an answer and what he wants he always gets it no matter what. Mapanindigan kaya ni Thea ang desisyon niya na tanggihan ang inaalok ni Axle? Sino sa kanila ang unang susuko kung pareho sila determinado sa gusto nila?

Life is full of surprises.

chap-preview
Free preview
C1 - Thea "Ordinary day"
"Nikka, nagluto na ako ng almusal!" sigaw ko mula sa kusina. Maaga ako nagising para magluto ng almusal dahil may lakad ako. Hindi ko na siya ginising kanina dahil alam kong puyat siya kaya nauna na akong kumain sa kanya. Waitress din siya sa Restaurant na malapit sa pinasukan ko. Si Nikka ang pinakamalapit kong pinsan sa side ni Papa. Maliit pa lang kami ay sobrang close na kami at kahit pa nga lumipat na sila rito sa Maynila ay hindi naputol ang komunikasyon namin. Tuwing bakasyon ay umuuwi siya sa probinsya at madalas ay sa amin tumutuloy. Highschool ako ng maghiwalay ang magulang ko. Sinama ni Mama si Ate at ako naman ay naiwan kay Papa. Ilang buwan lang ang lumipas ay may kinakasama na si Papa. Maraming katanungan sa isip ko dahil sa mga nangyayari. Tinanggap ko na lang ang lahat dahil wala naman ako magagawa. Patuloy naman niya ako sinuportahan at pag-aaralin pero hindi na niya kinaya dahil lumalaki na rin ang mga anak niya. Hindi naman kasi biro ang gastos sa kolehiyo. Nagdesisyon ako na magtrabaho na lang kaya lumuwas ako ng Maynila para hindi maging pabigat sa kanya. Sa una ay nahirapan ako maghanap ng trabaho lalo na at hindi ako college graduate. Si Nikka ang tumulong sa akin para makahanap ako ng trabaho. Naging okay na ang lahat dahil kahit paano ay nakakaipon ako. Last year ay na diagnosed si Papa ng diabetes at kinakailangan niya ng maintenance. Wala naman ibang tutulong kay Papa kung hindi ako at hindi ko naman siya kayang pabayaan. Naawa rin ako sa apat ko pang kapatid na maliliit pa kaya naman doble kayod talaga ako para sa kanila. "Mauna na ako sa 'yo at baka malate ako." paalam ko sa pinsan ko. "Ha? Mamayang eight pa naman ang pasok mo sa bar, hindi ba? Saan na naman ang punta mo?" nagtataka na tanong niya habang pababa ng hagdan. "May raket kasi kami ni Edu ngayon sayang din iyon. Kumain ka na bago pa lumamig ang sinangag. Initin mo na lang iyong adobo na manok sa refrigerator para mamayang tanghali." Nakangiti na sabi ko at hinalikan ko siya sa pisngi bago ako tuluyang lumabas ng bahay. "Raket na naman!" Narinig kong sigaw niya at napailing na lang ako. Habang nakasakay sa jeep ay naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko. Message iyon mula kay Edu at nandoon ang exact address kung saan kami magkikita. Kahit medyo nakakaramdam pa ako ng antok at gusto ko pa matulog ay wala akong choice kasi kailangan kong kumita ng extra. Bukod sa trabaho ko sa bar bilang waitress at cashier paminsan minsan ay may mga raket ako. Sobrang laki ng pasasalamat ko kay Edu dahil lagi niya ako sinasama sa mga raket niya. Matagal na kaming magkaibigan ni Edu at parang kapatid na ang turing ko sa kanya. Normal na sa akin ang kulang sa tulog at laging nagmamadali. Sanay na ako sa ganoong routine at okay lang 'yon sa akin. Ang mahalaga sa akin ay malaki ang maipapadala ko sa probinsya. Pagkalipas ng ilang oras ay nakarating na ako sa venue kung saan kami kakanta. Pagbaba ko ng dyip ay agad ko siya nakita sa entrance ng hotel dala ang gitara niya. "Ang aga mo naman ata? Hindi ka ba napatumba ng mga kainuman mo kagabi?" biro ko sa kanya at sumimangot lang siya. "Ilang beses ko ba kailangan sabihin sa iyo Thea, nagbago na ako mula ng makilala kita. Matino na ako ngayon," tugon niya sabay kindat at ako naman ang sumimangot. "Tigilan mo nga ako Eduardo sa mga kalokohan mo. Huwag mo na ako isali sa mga babaeng nababaliw sa iyo. Hindi mo ako madadala sa mga ganyang style mo na bulok," mataray na sabi ko at tumawa siya nang malakas. Tiningnan ko siya ng masama at umiling lang siya saka naglakad na kami papasok sa loob ng hotel. Saglit ako nagpaalam sa kanya para magpalit ng damit at mag-ayos. Pagkalabas ko ng banyo ay diretso kami sa function hall kung saan ay sinalubong kami ng isang may edad na babae. Pinakilala ako ni Edu sa kanya at masayang binati niya kami na tinugon naman namin. Ilang sandali lang ay pumuwesto na kami malapit sa stage dahil magsisimula na ang party. Last week pa binigay sa amin ang listahan ng mga kanta na paborito ng couple. Sinenyasan na kami ng emcee at habang kumakanta kami ay pinapanood naman ng mga bisita ang slideshow na para sa couple. Makikita sa mga mata nila ang pagmamahalan at napangiti ako. "Babe, may raket pala kami sa susunod na buwan kaso medyo high class pero malaki ang bigayan. Bet mo?" sabi ni Edu habang nagpapahinga kami sa likod ng stage. Miyembro ng isang banda si Edu na tumutugtog malapit sa bar na pinapasukan ko. Isang gabi habang break ko nang marinig niya ako na kumakanta. Nagulat ako nang lapitan niya ako para alukin na sumali sa banda niya. Hindi ko gusto ang idea dahil hindi naman talaga ako singer. Mahilig lang talaga ako kumanta at nagkataon na nabiyayaan nang magandang boses. Inalok na lang niya ako ng sideline ang sumama sa mga raket niya. Nag-solo na kasi ang dati niyang partner kaya kailangan niya ng kapalit. Tinesting ko muna and so far okay naman kaya hanggang ngayon ay ito na ang isa sa mga raket ko. "High class?" tanong ko. "Bigay ko sa 'yo ang buong detalye Babe pagkatapos nito." Nakangiti na sagot niya at pinisil ang pisngi ko. "Eduardo!" saway ko sa kanya. "Pwede bang huwag mo akong tawaging Babe baka kung anong isipin ng makakarinig sa 'yo. At saka baka mamaya niyan bigla na lang may humablot sa buhok ko at sampalin ako," sabi ko habang pinandidilatan ko siya nang mata. "Ang cute mo talaga kapag napipikon. Ayaw mo noon may reservation ka na sa akin," preskong tugon niya at tinaasan ko siya nang kilay. "Hay naku, if i know defense mechanism mo lang 'yan para walang lumapit na babae sa 'yo. Lumantad ka na kasi tanggap naman kita at promise walang magbabago. Bessie?" nakangiting sabi ko. Hindi ko maintindihan kung bakit mailap siya sa mga babae dahil kung tutuusin ang daming babae nagkakandarapa sa kanya. Sa bar kung saan sila tumutugtog ay halos babae ang customer nila. Lahat na ata ng pwede kong maisip na katangiang hinahanap ng isang babae ay halos na kay Edu na. Kaya isang napakalaking palaisipan sa akin kung bakit umiiwas siya sa mga babae. Sabi ng mga kasama niya sa Banda ay babaero si Edu pero bigla iyon nagbago. Napaka impossible namang bakla ito dahil lalaking lalaki ang dating nito mula sa porma hanggang sa pananalita. Pero sa panahon ngayon ay mahirap ng malaman kung straight, bi-s****l or gay ang isang lalaki. Ilang beses ko na itong tinatanong pero lagi lang nito dinadaan sa biro. "Talaga? Walang magbabago?" tanong niya pagkatapos ng mahabang katahimikan. "Aamin na ata ang bakla. Mababawasan na naman ng magagandang lahi nang kalalakihan sa mundo." nanghihinayang na sabi ko sa sarili habang nakatingin sa kanya. Nakita kong magsasalita na siya nang bigla kaming tinawag ng event coordinator para sa last set. Tiningnan niya ako nang seryoso at hindi ko alam kung ano ba talaga ang magiging reaksyon ko kapag sinabi na niya ang totoo. "Let's go," aya niya at tumango ako. "Hindi pa siguro ito ang tamang panahon para aminin niya ang lahat." Sabi ko sa sarili ko at tinapik niya ako sa balikat. Tumayo muna siya saka ako inalalayan palabas papunta sa stage. Past five nang matapos ang event. Tuwang-tuwa ang couple na personal pang nagpasalamat sa amin. Inabutan din nila kami ng sobreng may laman na pera bilang tip nila sa amin. Nangako sa amin ang event coordinator na kaibigan ni Edu na kokontakin niya ulit kami once na mangailangan ulit siya. "Diretso ka na ba sa bar?" tanong ni Edu habang sakay kami ng elevator. "Oo. Ikaw ba?" sagot ko. "Sabay na tayo pero pwede ba mag-dinner muna tayo." Sabi niya habang hinihimas ang tiyan. "Ha? Eh busog pa naman ako," nakangiti na sagot ko at umiling siya. Ang totoo ay gutom na rin ako pero ayaw kong bawasan ang kinita ko. Nakakahiya man pero nagpaalam ako kanina sa coordinator kung pwede ako mag-take out ng pagkain at pumayag naman siya. Ang balak ko ay kainin ko iyon mamaya pagdating ko sa bar bago ako pumasok. "Hay naku Thea, hindi ka pa rin nagbabago ang kuripot mo pa rin. Sa palagay mo ba mabubusog ka roon sa kinuha mong pagkain kanina?" natatawa na sabi niya. Bigla akong napatingin sa kanya at nakita kong pinipigilan niya ang mapatawa sa harap ko. Agad akong tumungo sa sobrang kahihiyan at naramdaman kong nanginit ang pisngi ko. "Althea, nakakahiya ka ang tingin tuloy niya sa 'yo isa kang PG." inis na sabi ko sa sarili. "Common Thea, huwag ka ng mahiya sa akin okay lang 'yon ang sa akin lang ay hindi ka naman mabubusog kasi pasta at sandwich lang iyon. Kanina namang lunch hindi ka rin kumain ng marami. Sige na treat ko naman kaya huwag ka ng tumanggi. Okay?" nakangiti na sabi niya. "Okay." masayang sagot ko at nakita kong umiling iling lang siya saka tumawa. Pagdating sa Restaurant ay hindi na niya ako binigyan ng pagkakataon na umorder. Dahil matagal na rin kaming magkaibigan kaya alam na niya ang gusto kong kainin. Ito na mismo ang umorder ng pagkain para sa aming dalawa. Saglit ako pumunta sa banyo para magpalit ulit ng damit. "Thea, may raket ka ba sa Sunday? Birthday kasi ng Boss ko and I heard need nila ng extra waitress? Gusto mo ba?" tanong niya at parang bumbilya nagliwanag ang mga mata ko. "Ano ka ba Edu, kailangan pa bang tanungin. Syempre naman gorabels ako para namang hindi mo ako kilala." sagot ko habang ngumunguya. "Syempre rest day mo 'yon Babe kaya tinanong muna kita. Alam mo Thea pwede naman kitang pahiramin ng pera kung kailangan mo talaga. Ayaw sana kita isama sa mga raket ko kasi alam kong pagod ka na sa work mo pero - "Subukan mo lang na hindi ako isama sa mga raket mo at isusumpa kita hanggang langit. Isusumpa ko rin ang mga susunod mong henerasyon," putol ko sa kanya at tinuro ko siya ng tinidor. "Sorry naman. Nagmamalasakit lang 'yong tao gusto mo namang manakit." nakangiwi na sabi niya habang nakataas ang dalawang kamay. "Tungkol nga pala doon sa highclass na raket na sinabi mo kanina?" tanong ko sa kanya pagkatapos ko uminom ng tubig. "Naimbitahan kasi kami na tumugtog sa isang charity event and we need female vocalist. Ang sabi ni Mike tanungin daw kita kung gusto mo," sagot niya. "Kung ang sabi mo kanina ay malaki ang bigayan syempre naman G na G ako. Ako pa ba ang tatanggi alam mo naman na mukha akong pera. So, kailan ang start ng practice?" excited na tanong ko. "Mukhang pera talaga? Oo, isang malaking company ang may sponsor nang event kaya for sure ay malakihan 'yon. By next week ay ibibigay na kay Mike ang list ng mga kanta. Advice na lang kita Babe kung kailan," sagot niya sabay kindat. "Mahanginan ka sana." sabi ko at tumawa siya nang malakas. Pinagpatuloy namin ang pagkain at pagkalipas ng ilang minuto ay lumabas na kami ng Restaurant. Napatingin muna ako sa relo ko at tamang-tama lang dahil may ilang oras pa kami bago makarating sa bar. Inabot niya sa akin ang helmet at nang subukan niya na tulungan ako ay tinapik ko ang kamay niya. Hindi naman ito ang unang pagkakataon ko na sumakay sa motor niya kaya sanay na ako. "Text-text na lang, Babe." sabi niya pagbaba ko ng motor. "Okay, text mo na lang. Salamat ulit." tugon ko at inabot ko ang helmet sa kanya. "Uy bakla, 'yong sa Sunday na raket I confirm mo na ako ha," pahabol ko bago niya paandarin ang motor at tinanggal niya ang helmet. "Anong sabi mo?" naguguluhan na tanong niya at natigilan ako. "Ang sabi ko 'yong raket na sinabi mo sa sunday go na ako," pag-uulit ko at tiningnan niya ako ng maigi. "Pero parang may iba pa akong narinig?" tanong niya. Inalala ko kung ano nga ba ang sinabi ko kanina at gusto kong batukan ang sarili ko. Hindi ako nag pahalata at ngumiti ako. Hindi ko naman siya pinipilit na maglantad agad kung hindi pa siya handa. Naisip ko rin na mahirap para sa kanya iyon lalo na sa trabaho niya. Magaling na musikero si Edu at nakikita ko na passion talaga niya ang pagtugtog. Hindi niya sinabi ang buong kwento pero nabanggit niya na mas pinili niya ang musika kaysa sa pamilya niya. Kapag nababanggit ko ang tungkol sa pamilya ko bakas sa mukha niya ang pangungulila. "Shocks! Ayaw pa ata talaga niyang maglantad," bulong ko at tinakpan ko ang mukha ko. "Oh siya gorabels na ako." Sabi niya at bigla akong napatingin sa kanya. "Ingat Bessie," nakangiti na sabi ko at ngumiti lang siya saka sinuot ang helmet. Habang tinatanaw ko ang motor niya papalayo ay hindi ko maiwasang mapangiti. Napakaswerte ko dahil may kaibigan akong katulad ni Edu na laging nandiyan para sa akin. Hindi ko masabi na may pamilya ako dahil pakiramdam ko ay mag-isa na lang ako. Si Nikka at Edu ang nagparamdam sa akin na may masasandalan ako. Marami akong pinagdaanan sa buhay ko kaya natutunan ko na maging independent.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
74.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
96.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.6K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook