bc

Her Addiction (Cougar Series #5)

book_age18+
10.7K
FOLLOW
79.7K
READ
one-night stand
independent
confident
drama
bxg
humorous
heavy
city
office lady
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

WARNING: EROTIC ROMANCE, SPG, 18+ NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS

COLLABORATION with

Dani Alba

Ms_JulieAnn

Ravenababe

Silvermixt

Paglipas ng panahon hindi namalayan ni Charlotte na wala na sa kalendaryo ang edad niya. Dala ng masakit na nakaraan kaya mas pinili niya na gugulin ang oras at panahon niya sa pamilya, mga kaibigan at sa career niya. Hindi na siya umaasa na makakahanap pa siya ng lalaki na seseryoso sa kanya. Ngunit dahil sa hindi inaasahan at hindi maipaliwanag na pangyayari ay nakilala niya ang lalaki na gugulo sa buhay niya. Kahit alam niya na may kakaiba siyang nararamdaman para sa binata na nagngangalang Nathaniel ay pilit niya iyon pinigilan at tinago. Sampung taon ang agwat ng edad nila kaya nagaalala siya sa sasabihin ng ibang tao. Natatakot din si Charlotte na baka laro lang ang lahat para sa binata. Ngunit habang lumalayo si Charlotte ay mas lalo naman napapalapit sa kanya si Nathan. Kapag hindi niya ito kasama ay hinahanap niya ang mainit na halik nito. Tanging si Nathaniel lang ang nagparamdam sa kanya ng kakaibang init na hindi pa niya naramdaman noon.

Hindi niya alam kung alin ba ang susundin niya. Ang puso niya na gustong makasama ang binata o ang isip niya na nagsasabing na hindi dapat?

Dapat nga ba niya ipaglaban ang nararamdaman niya kahit alam niya na may mga tao na masasaktan?

Ano nga ba ang naghihintay para kay Charlotte at Nathaniel?

chap-preview
Free preview
Chapter 1 - The Party to remember
Charlotte "Kumusta nga pala Sis iyong binigay ko na client? Kumuha na ba siya ng plan?" tanong ni Marjorie habang kumakain kami. "Nagkita na kami the other day, nagpasa na ako ng quotation sa kanya at hinihintay ko na lang ang approval niya para ma-process na. Kailangan pa raw kasi nila pag-usapan ng husband niya," sagot ko pagkatapos ko uminom ng pineapple juice. Field Manager ako sa isang kilala na Insurance Company dito sa Pilipinas. Mahirap na madali ang trabaho ko dahil marami pa rin kasing tao ang hindi alam ang kahalagahan ng insurance kaya nahihirapan ako minsan na magpaliwanag. Acceptable naman ang reason na mahirap ang buhay pero kailangan pa rin maglaan para sa kinabukasan. Ang maganda na parte naman ng trabaho ko na gustong-gusto ko ay ang pakikipagusap sa mga tao. Nag-enjoy ako na ipaliwanag ang kagandahan na maidudulot ng serbisyo na inaalok ko. Masarap at fulfilling sa pakiramdam kapag kumuha ng plan ang client ko dahil ibig sabihin noon ay naiintindihan nila ang mensahe ko. Ilang taon na rin ako nag-work sa company at malaking bagay ang naitulong noon sa akin. Hindi naman ito ang trabaho ko before pero kahit paano ay related dahil customer service naman ang linya ko before. Likas na talaga akong friendly at hardworking noon pa man kaya naging advantage ko 'yon nang mag-apply ako as Financial Advisor. Natulungan ko ang parents ko na pagtapusin sa pag-aaral ang dalawa kong kapatid. Nakapagpatayo na rin ako ng sarili kong bahay at na renovate ang dating bahay namin kung saan nakatira ang pamilya ko. "Siguradong kukuha 'yon kasi matagal na sila naghahanap ng magandang Insurance para sa kanila," nakangiti na sabi niya at tinapik ako sa balikat. "At saka ikaw pa ba Charlotte Olivarez, ang galing mo ata mambola kahit siguro expired na gamot ay kayang-kaya mong maibenta," natatawa na sabi ni Monique at natawa kami ni Marjorie. "Grabe ka naman sa mambola," umiiling na tugon ko. "By the way guys sabay na ba tayo pupunta sa party mamaya?" tanong ni Marjorie at napatingin naman ako. "Kanino nga bang party?" tanong naman ni Monique. "Birthday at Farewell party ni Lorraine," sagot ni Marjorie. "Farewell sa pagiging single niya dahil ikakasal na ulit siya. Biruin mo isang taon pa lang mula ng mamatay ang husband niya at heto siya magpapakasal na ulit. Hindi naman sa hinuhusgahan ko siya pero, I mean sana ay pinalipas muna niya ng kahit isang taon pa," opinion ni Marjorie. "Siya na rin naman ang may sabi noon na hindi talaga niya mahal ang asawa niya at ginamit lang siya para pagtakpan ang tungkol sa sexuality noong guy," sabi ni Monique at napailing lang si Marjorie. "Sabagay buhay naman niya 'yon at walang makakapagsabi sa kanya kung ano ang dapat niyang gawin," tugon ni Marjorie. "Mauna na kayo ni Monique sa party mamaya kasi ay may meeting pa ako with the unit managers," sabi ko at tumango lang ang dalawa. Pagkatapos namin mag-lunch ay naghiwalay na kami ng lakad. May tatagpuin pa kasi ako na client kasama ang isa sa mga financial advisor na under ko. Ang dalawa naman ay nagkasundo na dumiretso sa Salon ni Marjorie. Matagal ko ng kaibigan si Marjorie at Monique since high school pa. Hindi man kami nag-aral sa iisang University noong college pero hindi naman nawala ang communication namin sa isa't isa. Si Marjorie ay nagmamay-ari ng Salon and Spa na may mga branches na sa Luzon. Si Monique naman ay masaya sa pagiging housewife pero hanggang ngayon ay hindi pa nabibiyayaan ng anak kahit matagal na silang kasal. Naiingit kami ni Marjorie kay Monique dahil may partner siya na mapagmahal hindi katulad namin na single pa rin hanggang ngayon. Pagkatapos ng meeting ko sa client at sa mga manager ay ngayon pa lang ako pauwi ng bahay para magpalit nang damit. May oras pa naman ako para mag-ayos dahil eight o'clock pa naman ang party. Tinawagan ko na rin ang dalawa kanina pagkatapos ng meeting ko para ipaalam na pauwi pa lang ako. Pagdating sa bahay ay hinanda ko muna ang susuotin ko bago ako pumasok sa banyo para maligo. Isang red na backless mini dress ang napili ko at isang silver stiletto. Nag-apply lang ako ng minimal na make up dahil gabi naman. "Nasaan ka na ba, Lot?" inip na tanong ni Marjorie pagkasagot ko sa tawag niya. "On the way na po ako. Nag-Grab na lang ako kasi baka hindi ko kayanin ang mag-drive mamaya pauwi," sagot ko. "You are missing the fun here. If I knew na hindi ka pala magdadala ng sasakyan sana ay dinaanan ka na namin ni Monique kanina," sabi niya at natawa ako. "Malapit na po ako. Bye!" paalam ko at binalik ko na ang phone sa handbag ko. Pagkalipas ng ilang minuto ay nakarating na ako sa Bar kung saan ginaganap ang party. Batchmate namin si Lorraine at siya rin ang kauna-unahan kong client. Malaki ang naitulong niya sa akin dahil sa mga referral niya pati ng asawa niya kaya marami ako naging clients. Maaga siya nag-asawa at lately lang namin nalaman ang dahilan kung bakit siya nagpakasal. Pagbaba ko ng taxi ay maririnig na agad ang malakas na sound na nagmumula sa loob. Ang Bar na 'yon ay pagmamay-ari ng boyfriend ni Lorraine. Marami pang tao sa labas at napansin ko na nakasunod ang tingin ng mga ito sa akin. Sa edad kong ito ay sanay na ako sa ganoon at hindi na ako naiilang. Marami ang nagsasabi na wala sa itsura ko ang edad ko. May mga tao pa nga na kapag nalaman ang edad ko ay taas ang kilay kung tingnan ako. Kinuha ko ang phone ko at tinext ko si Marjorie para ipaalam na nasa labas na ako ng Bar. Hindi naman nagtagal at nag-reply siya, binigyan niya ako ng instruction kung saan ko makikita ang mga ito. Pagpasok ko ng Bar ay nagulat ako dahil hindi ganoon karami ang tao hindi katulad ng inaasahan ko. Naglakad na ako at sinunod ko ang sinabi ni Marjorie at ilang sandali lang ay nakita ko na ang mga ito. "Hay naku! Salamat naman at dumating ka na rin. Akala ko mamaya ka pa," bungad ni Marjorie pagkakita sa akin. Nakipagbeso muna ako sa dalawa bago ako umupo. Tumingin ako sa paligid at may mga familiar na mukha akong nakikita. Habang nagmamasid ay may napansin ako na kakaiba. Mas marami kasi ang bisita na babae compare sa mga bisita na lalaki at kung hindi ako nagkakamali parang ang bata pa ng mga kalalakihan. "Napansin mo rin?" natatawa na tanong ni Monique at napatingin ako sa kanya. "Ganyan na ganyan din ang reaksyon namin kanina pagdating namin dito. Nilapitan kami ni Lorraine kanina at sinabi na puro mga kaibigan lang niya na mga babae ang invited niya especially 'yong mga single. Iyong mga lalaki naman ang iba ay escorts at ang iba ay kaibigan ng boyfriend ni Lorraine. Ang purpose niya sa event na ito ay para raw mabigyan ng pagkakataon tayong mga single na makahanap ng soulmate," paliwanag ni Marjorie at tumawa sa huling sinabi niya. Naguguluhan ako na nakatingin kay Monique dahil alam naman ni Lorraine na happily married siya. Inisip ko na lang na alam niya na trio kami kaya inimbita na rin niya si Monique. "Ang weird hindi ba?" tanong ni Monique at napangiti lang ako. "Huwag mo na lang isipin 'yon at mag-enjoy na lang tayo," natatawa na sabi ni Marjorie saka inabot ang champagne glass sa akin at sabay kaming tatlo uminom. Maya-maya lang ay ipinakilala na ang birthday celebrant para magbigay ng speech. Umakyat si Lorraine sa stage at agaw eksena ang suot niya na super fit black jumpsuit. Ipinakilala niya ang boyfriend at soon to be husband niya na noon ko lang nakita. Gwapo, matangkad at halatang mas bata ang fiance niya. "I would like to thank everyone. This is the most important day of my life because it is not just my Birthday celebration but also my Engagement party. So to all my friends here don't lose hope because tonight you might find your true love," masaya na sabi niya at itinaas ang baso na hawak niya. Kinuha ng lahat ang baso nila at tinaas din saka sabay-sabay na uminom. Marami ang nagpalakpakan sa sinabi ni Lorraine pero kami ni Marjorie ay nagkatinginan lang. Hindi na kasi kami umaasa na makakahanap pa kami ng lalaki na seseryosohin pa kami. Dalawang beses na ako niloko at kahit sabihin ng iba na hindi 'yon dahilan para sumuko ako pero para sa akin ay sapat na 'yong sakit para mawalan ako ng pag-asa. Si Marjorie naman mula nang makipaghiwalay ito sa ka-live in partner nito ay hindi na ito nagseryoso sa lalaki. "Ang weird nga talaga nitong party," umiiling na bulong ko at natawa ang dalawa kong kasama. Nilapitan ni Lorraine at ng fiance niya ang mga table para kamustahin ang mga bisita. Binabati naman ito ng mga taong nakakausap niya. Nang makarating siya sa pwesto namin ay nakipagbeso siya sa amin at binati namin ang dalawa para sa nalalapit na kasal pati rin sa birthday niya. Pagkalipas ng ilang oras ay nag-announce na ang DJ na umpisa na ang party. Agad na nagbago ang kulay ng bar at nakita kong may mga naglalagay ng drinks sa mga lamesa ng guests. Nagsimula na kaming sumayaw tatlo sa pwesto namin. "Girl, nine o'clock kanina pa 'yan nakatingin sa 'yo," bulong ni Marjorie at pasimpleng tumalikod ako para tingnan kung sino ang tinutukoy niya. Sa may Bar counter ay may grupo ng mga kalalakihan at tanging isang lalaki lang ang nakatingin sa amin o sa akin. Hindi ko maipaliwanag pero biglang bumilis ang t***k ng puso ko nang nagtama ang tingin namin. Tumalikod ulit ako paharap sa mga kaibigan ko at pasimple na umiling. Nakakunot ang noo na nakatingin ang mga ito sa akin. "Bakit? Hindi mo bet?" nagtataka na tanong ni Marjorie. Hindi na ako sumagot at nagsayaw na lang. Iba ang nararamdaman ko nang nagtama ang tingin namin kanina ay may kakaiba akong nararamdaman. Sa likod ng isip ko ay may nagsasabi na hindi 'yon good sign na kailangan kong umiwas. Walang tigil ang dating ng alak at bawat lapag sa lamesa namin ay agad namin iyon iniinom. May mga lalaki na lumapit sa amin para makipagsayaw pero tinatanggihan namin. Sinenyasan kami ni Monique na maya-maya lang ay darating na ang sundo niya at tumango lang kami ni Marjorie. "Iba talaga Lot, nakatingin pa rin siya sa 'yo," bulong ni Marjorie at sumayaw lang ako. Kahit hindi niya sabihin ay alam at ramdam ko na nakatingin pa rin ang lalaking 'yon sa akin. Dinadaan ko lang sa pag-inom at pagsayaw para hindi ako makaramdam ng pagkailang. Ngayon lang ulit ako na intimidate ng isang lalaki sa tingin pa lang. Pagkalipas ng ilang oras ay dumating na ang sundo ni Monique at nagyakap muna kami bago siya umalis. Hindi naman mahigpit si Aldwin kay Monique lalo na kapag alam niya na kami ang kasama. "Pustahan, solo na naman ako nito," natatawa na sabi ko kay Marjorie at umiling siya. "Hindi mangyayari 'yon kasi tayong dalawa lang hanggang sa huli," nakangiti na sabi niya at idinikit ang baso sa baso ko. Umupo na kaming dalawa nang magpalit ang DJ ng beat para magsayaw naman ang mga couple. Napatingin ako sa paligid at nakita ko na nilalapitan ng mga lalaki ang mga bisita na babae. Halos mapuno na ang dancefloor dahil sa mga sumasayaw. "Go!" sabi ko kay Marjorie nang may lumapit na lalaki rito para makipagsayaw. Nag-alangan pa siya tumayo pero tumango lang ako. Napangiti ako dahil mukhang solo flight talaga ako nito at sanay na ako. Tiningnan ko ang baso ko at wala ng laman iyon. Wala naman akong makita na waiter na may dalang alak kaya nagdesisyon ako na pumunta sa counter para doon kumuha. Habang naglalakad papalapit sa counter ay ramdam ko na nakatingin sa akin ang lalaki na tinutukoy ni Marjorie kanina pa. Agad kong sinabi ang order ko sa bartender at habang hinihintay 'yon ay umupo ako sa stool. "Can you please stop?" halos pabulong pero madiin na sabi ko nang magtama ang mga mata namin. Hindi ito tumugon at nakatingin lang sa mukha ko. Tinaasan ko siya ng isang kilay para tumigil na ito pero hindi iyon umepekto sa binata. Huminga ako nang malalim habang nakatingin din sa kanya. "Mas gwapo pala siya sa malapitan," sabi ko sa sarili ko ng saglit na pinagmasdan ang mukha niya. Expressive ang mga mata niya na sinamahan pa ng mapupungay na pilik mata at magandang kilay. Katamtaman lang din ang tangos ng ilong niya. Napadako naman ang tingin ko sa labi nito na mapupula at hindi ko napigilan ang kagatin ang ibabang labi ko. Umiwas ako ng tingin nang ngumiti siya at hindi ko alam kung bakit ko iyon ginawa. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko at nararamdaman ko na pinagpapawisan ang mga kamay ko. Pag-abot sa akin ng bartender ng inorder ko na drinks ay agad ko iyon ininom dahil pakiramdam ko ay nanuyo ang lalamunan ko. "Would you like to dance?" tanong niya at napatingin ako sa kanya. Hindi ko namalayan na malapit na ito sa akin kaya paglingon ko ay halos ilang inches na lang ang layo ng mukha nito sa akin. Nanunuot sa ilong ko ang pabango niya at hindi ko napigilan na pagmasdan ulit ang kabuuan ng mukha ng lalaking nasa harap ko. Napatingin na naman ako sa labi niya at pakiramdam ko ay biglang uminit ang buong katawan ko. Hindi na niya hinintay ang sagot ko at walang sabi na kinuha ang kamay ko. Inalalayan niya ako bumaba ng stool at naglakad kami papunta sa dancefloor. Gusto ko siyang pigilan at bawiin ang kamay ko pero hindi ko magawa. "What is happening to me? Why I am letting this guy take control of me? Halata ba na desperada ako sa atensyon ng lalaki? Bakit hindi ko siya magawang pigilan?" mga tanong sa isip ko habang naglalakad kami papunta sa dancefloor.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Love Donor

read
86.9K
bc

My Last (Tagalog)

read
486.9K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
85.5K
bc

My Husband's Mistress

read
297.9K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
27.0K
bc

OSCAR

read
227.3K
bc

Abducted (R-18) (Erotic Island Series #1)

read
502.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook