Hi, this is LavenderPen. I hope you enjoy the crafts of my imagination. Thank you for overflowing love and support, everyone!
Email: lavenderpenwrites@gmail.com
Facebook Page: LavenderPen
Bunga ng bawal na relasyon, sa batang edad ay hindi sinasadyang nabuntis si Hilary El Fuente ng kanyang stepbrother na si Zacchaeus Parkenson. Sapilitang pinabalik ang lalake ng New Jersey ng kanyang madrasta at ama dahil sa natuklasan nilang lihim. Palibhasa ay bata pa kaya walang ibang choice si Hilary kung hindi ang sumang-ayon sa nakakapanghinang suggestion ng stepmother niya at ama na ipa-adopt nila ang bata matapos na manganak upang mabawasan umano ang kahihiyan ng prominente nilang pamilya sa mga kakilala.
Ngayong natapos na sa pag-aaral si Hilary at abot-kamay na ang mga pangarap.
May pag-asa na kayang mabuo ang hangad niyang simpleng pamilya kahit huli na?
Siya, si Chaeus at ang naging supling nila.
Eloira Tanner managed to save by the future Alpha of Sunray Pack before her rage-filled stepsister could kill her. She was supposed to marry Blake on the first full moon of the month when her father returned from a business trip. Blake is the future Alpha of the Low Alley Pack and Eloira's stepsister's Ava's ideal man.
Declan, the future Alpha of Sunray Pack, will find Eloira almost lifeless. Eloira will soon rise and exact her revenge with Declan's assistance in exchange for marrying him instead of Blake. However, due to a series of events, Eloira will die unjustly, leaving Declan devastated. When Eloira wakes up, she finds herself in the middle of their class. She was in the final year of middle school. She travels back in time, specifically three years before her death.
Will Eloira have the ability to change her fate and mate?
What if the same fate repeats and this event will only lead her to open a new door of heartbreak?
Isa lang ang pangarap ni Charlotte Isabelle Nuevo sa buhay, iyon ay ang mai-ahon mula sa laylayan ng lipunan ang kanyang ama at sarili. Pinagsasabay niya ang pag-aaral at pagta-trabaho para matustusan ang pangangailangan nila ng kaniyang Amang baon sa iba't ibang luho, bisyo at utang. Isang araw pagkagaling niya sa eskwela ay hindi niya inaasahan ang kaguluhang kaniyang madaratnan. At habang nasa bingit ng kamatayan ang Tatay niya dala ng sandamakmak na pagkakautang na hindi na mababayaran pa ay pinili ng matandang lalakeng makipagsundo sa demonyo para ma-solusyunan ang kaniyang mga problema—iyon ay ang gamitin ang katawan ni Charlie bilang pambayad sa kaniyang mga utang. Alam na ni Charlie kung anong klaseng buhay ang naghihintay sa kaniya matapos siyang ipaubaya ng ama sa taong pinagkakautangan nito ngunit tila may ibang plano ang Tadhana para sa kaniya. Dahil noong unang beses pa lang na lumapat ang mga mata ni Leon Emmanuel Ferragamo sa takot na takot na dalaga matapos itong dalhin sa kaniyang opisina ay palihim niya ng idineklara sa kaniyang sarili na tanging siya lamang ang puwedeng umangkin at magmay-ari sa ka-inosentehan ng dalaga.
Saan dadalhin ng mapaglarong Tadhana ang kapalaran nilang dalawa?
Matapos ma-coma ng ilang buwan, ang unang kinagisnan ni Eloise Montgomery—Monroe ng idilat ang mga mata ay hindi ang init ng pagmamahal ng asawa kundi ang matinding galit nito. Puno ng akusasyon ng pangangaliwa at walang kahit isang bakas ng alaala sa nakaraan niya. At ng dahil doon ay wala siyang ibang pagpipilian kundi ang mabuhay bilang asawa ng alkalde ng bayang iyon. Habang sinusubukang ayusin ang pagsasama nila ni Israel para sa kanilang nag-iisang anak na si Lilo ay aksidenteng makikita ni Eloise ang tunay na asawa ng alkalde. Napagtanto niya na hindi nga siya ang asawa nito. Mali ang babaeng iniligtas ng mga tauhan ng Mayor mula sa aksidente. Hindi siya ang tunay na asawa kundi isa lang siyang impostor na ang kapalaran ay biglang nagbago sa loob ng isang iglap.
Piliin niya kaya ang lumayo?
Paano kung napamahal na sa kanya ang anak nito at ang alkalde?
Bibitaw ba siya o kakapit pa at papanindigang siya ang tunay na asawa?
Travis Villapaz ended his relationship with Nathalie Myers because she couldn't give him what he desired: her virginity. Nathalie believes that things are only given when they are already married as a gift, and Travis has not yet propose to her. Travis was oblivious to this. Nathalie gets drunk out of spite that evening and went to her boyfriend's place, already inebriated, voluntarily handing him her preserved body so they could get back together because she loves him so much. What she wasn't aware of was that her boyfriend's uncle that came from the countryside, Sebastian, was the one with whom she had sex, and not with her boyfriend Travis.
What Nathalie can do about that?
Worse, what if that one night resulted in her becoming pregnant?
Nang mamatay ang kakambal ni Ranielle Simmons sa araw mismo ng sarili nitong engagement party sa kasintahang si Figuro Abarca ay napilitan siyang umuwi ng Pilipinas. May pumaslang sa kapatid niya, iyon ang paniniwalang tumatak sa kanila ng ina. Ang una nilang suspect ay ang fiancee nitong si Figuro. Kung kaya naman nang sabihin ng inang kailangan niyang magpanggap bilang si Danielle ay wala siyang karampot na pagsisising pumayag bugso ng umaapaw niyang galit sa lalake.
Mahanap kaya ni Rani ang hustisya sa pagkamatay ng kakambal?
Paano kung matagpuan niya ang sariling nahuhulog sa lalakeng dapat ay kamuhian?
Pilit niya pa rin bang hahanapin ang hustisya o ibabaon na lang iyon sa limot at hahayaang panahon ang magsabi kung sino ang tunay na may sala?
Dixie Alyson becomes pregnant after a one-night encounter with Hunter, the Moonray Pack's dominating Alpha. Despite knowing that Dixie was carrying their offspring, Alpha Hunter dismissed her as his mate as soon as the news reached him. In pain and despair, Dixie decided to leave town and raise their child no matter what. Dixie will meet the Moon Goddess in the second month of her pregnancy, who will grant her the opportunity to have a second mate. After a few years, Alpha Hunter will realize that he wants Dixie to be his Luna. He will search for her and bet everything to win her back and their son.
Will Dixie choose Alpha Hunter for the sake of their child or Nigel, the one who remains by her side when her world appears to be collapsing?
The Gang Series #3 : Mary Clare Maralita
Childhood friends. Classmates. Barkada. Ganyan palagi ang paglalarawan ni Mary Clare Maralita kay David Yson Rosario kapag may nagtatanong kung kaanu-ano niya ito. Hindi niya deretsahang masagot na minsang minahal niya ito at ginawang mundo. Sa pagtungtong nilang dalawa sa kolehiyo ni Dave, habang ang puso nito ay sugatan at pira-piraso; samantalahin niya kaya ang pagkakataong ibinibigay ng Tadhana sa kanya o piliin niyang habangbuhay na lang na maging kaibigan at sandalan ng binata?
Paniwalaan niya kaya ang pag-amin nito?
Paano siya muling magtitiwala kung bawat araw ay nilalamon siya ng selos at pagdududa?
The Gang Series #2 : Safiera Claud
Safiera Claud and Rasel Vincent Andrade once was a sweet lover. Nagkakilala sila sa isang bakasyon at nagtuloy-tuloy doon ang kanilang communication. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon at mapaglarong panahon, after na makatapos nila ng middle school ay nagkahiwalay silang dalawa. Ravin went abroad with Safiera's older brother without her knowing to study engineering while Safiera remain in the country.
And now that Ravin is back for good, will their lovestory had a continuation?
Will their love blossomed back when they visited the graveyard of their memories?
HUSBAND SERIES #1: JULIAN VELASCO
MATURED CONTENT/ SPG R-18
“Naka red light po K-Kuya," aniya na itinuro ang traffic light sa lugar, “Nasa pedestrian lane po ako at kayo iyong lumabag. Kung makapagsabi kayo na tumigil na ako sa pag-aaral, parang kayo ang nagpapa-aral sa akin. At isa pa ho, hindi sayang ang pera ng mga magulang ko sa akin. Bakit po kaya hindi kayo ang tumigil sa pagmamaneho kung ganyan kayo kabilis? Parang kayo ang may-ari ng kalsada!" -Freya Lou Evangelista
Takot sa mga commitments sa buhay si Julian Velasco, lalo na sa salitang pag-aasawa. CEO siya ng Velasco Clothing Line. Sa edad na twenty-seven ay wala pa siyang nagiging matino at seryosong karelasyon. There, comes his old grandmother who already wants her great grandchildren from him dahil sa nag-iisa siya nitong apo. Napilitan siyang sundin ang isa sa kalokohang ideya ng kanyang mga kaibigan. Ang maghanap siya ng isang babae na kanyang papakasalan subalit iyon ay lalabas na peke lamang.
Ayos na sana ang lahat, sumasang-ayon sa kanya ang Tadhana. Ngunit isang bagay ang naganap na hindi niya inaasahan. Mahirap itong labanan dahil siya mismo ang mayroong kasalanan. Na-inlove siya sa babae at doon nagsimula ang tunay at malaki niyang problemang pasanin sa buhay.
Pakasalan na kaya ni Julian ang babae ng totoo o gagawin niya pa rin ang kanyang naunang plano?
Familia Series #2: Nickolai Tan Lim
Kawalan ng oras at panahon ang nagbigay ng dahilan kay Nicko upang makipaghiwalay sa kanyang long time girlfriend na si Sanna. Idagdag pa na mas priority nilang dalawa ang magkaibang daan ng tinatahak nilang karera. Highschool pa lang ang dalawa nang maging sila subalit hindi natulungan noon ang kanilang relasyon upang magpatuloy at maisalba. Nangibang bansa si Nicko, samantalang naiwan sa Pilipinas si Sanna. At pagkaraan ng mga taon ang landas nilang dalawa ay muling magsasanga.
Ang pag-ibig na nakalipas na ay may pag-asa bang madugtungan pa?
Paano kung binago na silang pareho ng panahon?
Will they could still tame each other spoiled beast within them?
HUSBAND SERIES#4: FROYLAN EVANGELISTA
MATURED CONTENT / SPG R-18
“Mukhang sa mga sandaling ito ay kabilang ka na sa listahan ng mga single mother, Ycel. Pakatatag ka. Hindi ka pwedeng bumigay dahil may dalawa kang anak.” mahinang bulong niya habang papalabas sa main exit ng law firm building. “Kumpara naman na may asawa ka nga pero nagagawang gumamit ng ibang babae kapag hindi ka nakatingin.”
Nagpasyang magpakasal na sina Froylan Evangelista at Maria Ycel Flamensio matapos ang ilang taon nilang on and off na relasyon na nagsimula noong mga bata pa lang sila. Iyon ay sa pag-aakala na matatag na ang relasyon nila. Isang abogado si Froylan at kasalukuyang CEO sa law firm na pag-aari mismo ng kanilang pamilya. Samantalang si Ycel naman na galing sa middle class na pamilya ay mas piniling manatili na lang sa bahay upang alagaan ang kanilang mga supling at maging isang huwarang maybahay sa asawa. Ang buong akala nila ay doon na matatapos ang lahat, abot-kamay na nila ang pangarap noon na hanggang sa walang hanggan ay sila na. Subalit isang pagsubok ang walang abog at anunsyong dumating na tuluyang sisira sa tiwala ni Ycel na mayroon sa asawa niya. Isang pagsubok na kahit bali-baliktarin niya ang pag-iisip ay hindi niya maatim at kayang isipin na magagawa ni Froylan sa kanya.
Ang lahat nga ba ng kasalanan ay may karampatang kapatawaran?
Paano naman ang tiwalang nabasag na at nawala? Muli pa ba iyong mabuo at makuha?
MALUNAY GIRL SERIES #2: Rosenda Awreza
Binili ni Vicente Seymour Molan si Rosenda Awreza o mas kilala bilang Lady Rosa sa ilang milyong halaga upang matulungan niyang makaalis ito sa pinagtra-trabahuhan niyang club. Ang tanging hangad lang naman ng binata ay ang makaalis ito sa putik na kinasasadlakan, ngunit sa unang pagkikita nila ay hindi inaasahang mayroong mangyari sa pagitan nila dahil ang buong akala ng babae ay kailangan niyang ibigay dito ang kanyang sarili bilang kapalit ng lahat. At dahil attracted ang binata sa kanya, hindi niya napigilang tanggihan at e-deadma ang tawag ng laman. Nagpadala siya sa mapusok nitong mga halik.
May masaya bang naghihintay na katapusan sa kanilang pag-iibigan na ang simula ng pagmamahalan ay sa kakaibang paraan?
HUSBAND SERIES #5: RAINIERO LEDESMA
MATURED CONTENT / SPG R-18
Nakapagtapos si Rainiero Ledesma ng kursong Agrikultura bilang paghahanda sa pagtanggap niya sa ilang ektaryang magiging mana sa kanilang sakahang lupa na nasa probinsya. Hindi pa siya nakuntento doon, nag-aral din siya at kumuha ng sertipiko bilang beterenaryo dahil pangarap din niya ang mag-alaga ng iba't-ibang mga hayop sa magiging hacienda nila sa hinaharap. Ngunit sa halip na pagyamanin ang kanilang lupain at tulungan ang mga magulang dito ay walang patumpik-tumpik na tinanggap niya ang trabaho sa Rancho ng mga Maxino na inalok sa kanya ng babaeng noon pa man ay lihim niya ng iniibig. Hindi lang siya makaporma dahil iniisip niyang langit ito at lupa siya. Kung kaya naman hindi na niya pinalampas pa ang pagkakataong iyon, kahit na pagalitan siya ng kanyang mga magulang na umaasang pipiliin na pagyamanin na ang kanilang sakahan.
Iyon na nga kaya ang tamang oportunidad kay Rain upang mapalapit sa babaeng tinatangi?
Paano siya makikipag-deal sa ugali nitong noon pa man ay hindi na kaaya-aya?
Magpapatuloy pa ba siyang lumapit sa dalaga kung isang beses ay sabihan siya nitong kailanman ay hindi siya nito nakikitang magiging asawa niya?
Bata pa lang ay may lihim ng pagtingin si Summer kay Winter, ang lalakeng naitakda na ng kanilang pamilyang ikasal sa kanyang nakakatandang kapatid na si Autumn. Nagawang itago ni Summer iyon ng ilang taon. Subalit nang dumating ang araw mismo ng kasal nila, at hindi dumalo ang Ate Autumn niya ay napilitan siyang humalili sa kanya at maging substitute bride. Noong una ay tutol doon si Summer na nasa edad kinse, ngunit upang isalba sa matinding kahihiyan ang kanilang pamilya ay wala siyang nagawa kung hindi ang pansamantalang pumalit sa pwesto ng kapatid. Hindi alam ni Summer kung matutuwa ba siya o malulungkot lalo na nang malaman niyang ang pangalan pa rin ng kanyang kapatid ang ilalagay nila sa marriage contract. Ang buong akala niya pa naman, sa wakas ay siya na ang chosen bride ng kanilang pamilya para sa lalake.
May pag-asa bang magkaroon ng kapalit ang kanyang lihim ditong pag-ibig?
Paano kung isang araw ay bumalik ang kanyang kapatid at bawiin ang lahat sa kanya kasama na ang lalakeng ang buong akala niya ay pag-aari niya na?
HUSBAND SERIES #3: MICHIKO SOLEDAD
MATURED CONTENT / SPG R-18
“But...who are you?” tanong nito na kaagad nagpawala ng mga ngiti ng binatang si Mico nang dahil sa talim ng kanyang mga mata, “At sino ka sa akala mo para nakawin ang first kiss ko sa lips?!” -Avril Ryelle Miniseff
Sawang-sawa na si Michiko Soledad, twenty-seven years old sa paulit-ulit na panloloko sa kanya ng babaeng akala niya ay may pagkakataon pang magbago. Isa siya sa mga famous na negosyante sa bansa pagdating sa mga luxury hotels na mayroong branch nationwide na kasalukuyang nag-e-expand na rin sa Asia, pamana ito ng kanyang mga magulang sa kanya bilang nag-iisang anak. Maraming pagkakataon na sinusukuan niya na ang unang kasintahan, pakiramdaman niya ay ginagamit lang siya nito pero dahil mahal niya kung kaya naman paulit-ulit niya itong pinapatawad.
Ngunit sadya nga yatang ang lahat ng pisi ay mayroong hangganan at nauubos ang lahat ng pasensiya kahit na gaano ka pa ka-martir sa kanya. Nahuli niya ito ng harap-harapan na nakikipagtalik sa iba. Iyon ang araw na nagdesisyon siya na titigilan na itong patawarin. Ngunit makulit ang babae dahil alam nito kung nasaan ang kiliti niya.
Hanggang sa isang araw ay bigla na lang siyang nanghila ng hindi kilalang babae, hinalikan niya iyon sa labi sa harapan mismo ng kanyang kasintahan. Sabay bigkas ng mga katagang ang akala niya ay hindi niya magagawang sabihin sa iba.
Matutunan niya kayang mahalin ang babaeng sa unang halik pa lang niya ay walang pakundangang tumugon na?
Naibabaling nga ba sa iba ang pagmamahal o panakip-butas lamang ang kailangan niya?
HUSBAND SERIES #2: LACIM URDANETA
MATURED CONTENT/ SPG R-18
“Ano ng mangyayari sa akin ngayon?” natatawang tanong niya na sumandal sa pader ng banyo, “Kasal na kami pero bakit pakiramdam ko ay ako ang kabit? Ako ang nakikihati sa kay Eurice?” -Aleigh Evangelista
Matagal ng alam ni Lacim Urdaneta ang pagtatakdang ipakasal siya ng kanyang mga magulang sa babaeng tipo nila kung kaya naman iyon ang naging pundasyon niya upang maging isang pusikat na babaero ng kanilang tropa. Twenty-eight years old at kasalukuyang hinahawakan ang negosyo ng kanilang pamilya. Ang lahat ng babaeng matipuhan niya ay hindi niya pinapalampas. Hanggang sa nakilala niya ang babaeng nagpakabog ng kanyang tahimik na dibdib. Tumino siya. Tinanggal niya ang pagiging babaero niya nang makarelasyon ito. Napagdesisyunan nilang magpakasal ng lihim upang mapigilan ang walang kamatayang plano ng mga magulang niya. Ngunit sadyang mapaglaro ang kapalaran dahil hindi sumang-ayon ang lahat sa kanilang plano ng asawa.
Mapanindigan kaya ni Lacim ang naging desisyon niya nang padalos-dalos?
MALUNAY GIRL SERIES #1: Miurasel Batongca
Hindi mapigilan ni Miurasel Batongca ang mahulog sa kanyang step-brother na si Geronimo Narciso na anak ng bagong asawa ng kanyang ina. Mali man iyon sa mata ng karamihan ay minahal niya pa rin ito. Mute ito ng kanyang makilala nang dahil sa trauma na kanyang sinapit ngunit hindi nagtagal ay muli itong nagsalita sa tulong niya. After ng kasal ng kanilang mga magulang ay naiwan sila sa pangangalaga ng kanyang tiyahin upang mag-honeymoon sa ibang bansa. Nagbago doon ang lahat, mula sa pagiging marangya ay naghirap sila at naging katulong at alipin sa sariling tahanan. Naging sandalan nila ang bawat isa at nang dahil dito ay mas naging malapit pa.
Sa pagbabalik ng kanilang mga magulang ay paano nila ipapaliwanag ang relasyon nilang hindi lang pagiging magkapatid?
Hayaan kaya nila silang maging masaya o igiit nilang panindigan na magkapatid na sila?
MATURE CONTENT | R-18
Ilang taon nga ba tayo dapat na mag-asawa?
Kapag matagal na ba tayong naka in a relationship sa kanya?
At the age of twenty-six, Grezia had everything. Career, wealth and lovelife. Ngunit para sa kanya ay hindi pa siya lubusang kuntento dito at masaya hangga't hindi siya inaaya ni Jholo ng kasal na para sa kanya ay iyon na lang ang tanging kulang sa buhay niya. At dahil atat na siyang magpakasal sa kasintahang busy palagi sa negosyo nito at pakupad-kupad, siya na ang nagdesisyong mag-alok sa kanya ng kasal.
Susundan niya ito sa araw mismo ng kanilang anibersaryo sa kanyang meeting sa Mindoro.
Ngunit, sadyang mapaglaro ang Tadhana na kung kailan siya nagmamadali ay saka naman siya susubukin sa kanyang pasensiya.
Na-estranded si Grezia sa isa pang Isla na para bang naka-plano na iyong mangyari sa kanya. At doon niya makilala ang suplado, masungit, kulot at gwapong si Dameil Damian.
Matuloy pa kaya ang kanyang naunang plano?
MATURE CONTENT | R-18
Hindi lang kabiguan sa pag-ibig ang naging dahilan upang umalis ng bansa si Rebecca Chanel Noura, isang sikat na aktres at modelo. Nasangkot din siya sa isang malaking eskandalo na halos magpaguho ng kanyang matayog na karera sa mga panahong iyon at humadlang sa kanyang kasal sa nobyo. Dala ng kahihiyan at walang mapagpipilian ay nagtungo siya sa lugar na walang nakakakilala kahit na isa sa kanya. Subalit sadyang mapaglaro ang tadhana, sa lugar na kanyang pinuntahan ay nakabangga niyang muli ang lalakeng kasama niya sa nasabing eskandalo.
Siya ay si Louis Vans Valenciaga, thirty years old at isa itong famous and in demand runway model sa bansa. Ang lalake na siyang unang nagpatibok sa pihikang puso ni Chanel bago pa man siya maging kasintahan ni Giordano.
Sa lawak ng mundo, sa laki ng bansa ay bakit pinagtagpo pa rin sila doon ng tadhana?
Paano niya pakikisamahan ang lalaking naging sanhi ng pagbagsak ng kanilang karera?
Ang eskandalo bang iyon ay maaaring mauwi sa tunay at wagas na affection?
Paano nila tutulungang maghilom ang sugat ng bawat isa kung sila rin dito ang lumikha?
Masaya at kuntento na sa buhay na mayroon si Giordano Matthew Andrade. CEO ng Andrade Villa Island and Beach Resort. Sa edad na twenty-eigth years old ay naaabot na niya ang mga pangarap, samahan pa na may healthy siyang relasyon sa kanyang kasintahan na taon na lang ang hihintayin at ikakasal na sila. Isang araw ay hindi sinasadyang nawala siya sa malawak na kagubatan sa South nang tangayin ng hindi inaasahang buhawi habang nasa kalawakan. Doon niya makikilala si Gucci Lyse Jaranilla, twenty-five years old. Aalagaan siya nito at isasalba ang buhay niya na nalagay sa matinding panganib. Unang lapat pa lang ng mga mata ni Giordano sa dalagang nagligtas ay alam niyang ang nararamdaman niya dito ay kakaiba, sa kabila ng katotohanang wala naman siyang natatandaan sa pagkatao niya.
Magagawa ba nilang ipaglaban ang pagmamahalan na nabuo sa maikling panahon kung alam nilang pareho na may inosente silang pusong masasaktan sa katauhan ni Chanel, ang naunang kasintahan ni Giordano?
The vampire lives forever, but not his mortal lover.
Asamael is the stunning vampire prince in their realm. He fell in love with a mortal that he met on the day of his one-hundredth birthday. He knew it was forbidden, but he couldn't deal with the aroma of the sacred scent of the blood of a mortal. That heavenly fragrance will distinguish his fate and his lifemate. When his parents found out about their relationship, they mercilessly killed the woman without Asamael knowing.
Four hundred years later, an enemy destroyed their kingdom. His parents forced them to withdraw and disperse. Unexpectedly, the prince of the vampire found himself in the same forest but in a different village called Racama. The town of the human mortals where his long-lost dead lover was reborn and presently existed.
Will Prince Asamael survive in this kind of unfamiliar place?
What if he accidentally met the reincarnation of his woman in the past?
Will he prepared to resist the smell of sacred scents?
MATURE CONTENT/ R-18
Guillermo Hughes Andrade is a successful billionaire at the age of thirty. An attractive and handsome bachelor of his generation who owns the multinational Tobacco Plantation with its own company. Five hundred thousand hectares of the plantation are located in Iba, Zambales, Philippines. Their plantation developed and expanded until it reaches the mainland of China, Kenya, and India.
At his age, Hughes can get whatever and everything he wants in his existence. He has authority, women, a ton of friends, wealth, everything that he wishes for in his life. But his world shifted and transformed into something that he can't even comprehend when he met Asher Celestial and her long-time boyfriend, Andrius. He met them at one of the business conferences that took place on their company. And from that day on, the three of them became colleagues. Gradually Hughes's habits and manners changed at the exact time that he fell in love once again with one of them.
Can Hughes recognize and understand the unusual and strange emotions that he senses?
What if destiny's uncertainty played competently and didn’t expect the end of their story?
Will Hughes will be able to hide his secret forever in his closet when Yuriah, his first girlfriend, tried to interfere in his life again?
Sometimes, the wrong path will bring you to your right destination.
Normal na buhay. Normal siya iyan ang buong paniniwala ni Ysadora B. Ydades sa kanyang buong pagkatao. Namuhay siya sa normal na mundo, normal na paligid, at normal na mga tao ang kanyang nakakasalamuha.
One day, nakalimutan niya ang lahat ng nangyari sa araw na iyon. Ang sabi ng kanyang ina ay may ginulpi siya nang dahil sa isang...tula?
Ang kaganapang iyon ang naging dahilan upang ipatapon siya ng kanyang ina sa kanyang Uncle Simon, na nakatira sa maliit na bayan ng Macara.
Ang katulad ba ni Ysadora na nabuhay sa normal na mundo ay agad makakapag-adjust kung bigla siyang mapupunta sa HINDI normal na lugar?
Magawa pa kaya ng dalaga ang maging matatag, kumalma, maka survive, at maging isang normal pa kung ang lahat ng nasa kanyang paligid ay hindi na matatawag na normal sa kanyang mga mata?
The Gang Series #1: Samantha Thompson
Bunga ng mapait na kapalaran ay pinagtagpo sina Patrick at Aira noong sila ay mga bata pa. Ngunit nang dahil sa masalimuot nilang karanasan sa pagkawala ng kanilang mga tunay na magulang ay agad din silang pinaghiwalay ng panahon. At sa pagkakataong muling nagsanga ang landas nilang dalawa suot ang panibagong katauhan, bilang Timothy at Samantha; makilala kaya nila ang bawat isa?
Maramdaman kaya nila ang hindi naglahong koneksyon kasabay ng muling pagbubukas ng scars of their past?
FAMILIA SERIES #1: Suzaine Tan
Nasa senior highschool si Suzaine Tan nang ipagkasundo siya ng kanyang mga magulang. Sa nag-iisang anak ng kanilang matalik na kaibigan. Noong una ay against siya sa kagustuhan ng mga ito. Ayaw niyang ikasal sa lalaking sa kanyang paningin ay manyak. Sa paulit-ulit na pangungulit ng mga magulang at pakiusap ng binata ay napilitan siyang tanggapin ang kanyang masaklap na kapalaran. Napapayag siya sa pangakong mananatiling lihim ang kanilang kasal.
Nang makapasa sa bar exam si Vandrou Lim bilang isang guro ay umuwi siya ng bansa. Napilitan siyang tuparin ang huling hiling ng kanyang mga magulang. Iyon ay ang pakasalan niya ang babaeng anak ng matalik nilang kaibigan. Noong una ay nahihiya at nag-aalinlangan ang binata. Bukod sa matanda siya dito ng sampung taon ay kasalukuyan rin itong nag-aaral pa sa highschool. Out of his league ika nga, dahil ang gusto niya sa babae ay mas matanda sa kanya at matured na kung mag-isip.
Pagkatapos ng kasal ay napilitan silang lumipat at magsama sa iisang tahanan.
Magkasundo kaya sila sa kabila ng agwat sa kanilang edad?
Paano kung bigla nalang maging guro ng dalagita ang kanyang lihim na asawa?
Paano nila e ha-handle ang kanilang relasyon bilang mag-asawa, maestro at estudyante?