Prologue
Bumubuhos ang malakas na ulan. Sumisipol rin ang malakas na ihip ng hangin. Halos mabutas ang bubong naming yero nang dahil sa malalaking bagsak ng patak nito. Naririnig ko ang bawat agos ng tubig na nagmumula sa bubong ng aming bahay pababa ng lupa. Hindi rin nakatakas sa aking pandinig ang maingay na bagsak nito.
Hindi rin nakalampas sa aking pandinig ang nagmamadaling mga yabag at hakbang sa labas ng aming tahanan na halos ay ang malawak na kalsada.
Malakas akong nag-inat. Unti-unti kong tinanggal ang makapal na kumot na nakabalot sa aking nilalamig na katawan.
Anong nangyari?
Muli kong ibinalot sa aking katawan ang kumot nang makita ko sa labas ang matalim na kislap ng kidlat. Sinundan iyon nang malakas na dagundong ng kulog. Marahas akong bumuntong-hininga habang niyayakap ang malaking unan na nasa aking kanang gilid.
"Hindi ka pa ba babangon diyan?" eskandalosong tinig ni Kuya Ichiban na sumasabay sa lakas ng ulan. "Ilang araw ka ng matutulog diyan."
Mabagal kong ibinaba ang kumot sa aking mukha. Sinilip ko siya na nakatayo sa pintuan at nakapameywang. May iisang linya ang kanyang mga kilay na sa sobrang kapal ay halos magdikit na.
"Ilang araw?" pilosopong tanong ko sa kanya.
Alam kong ilang oras lang akong natulog. OA lang siya nang sabihin niya itong ilang araw na.
"Bumangon ka na, magkakaugat ka na sa likod." sa halip ay tugon niya sa akin, tumalikod na siya pero muling lumingon sa akin na may nagkukubling ngisi. "Ihanda mo na rin ang iyong sarili kay Mama."
Sinipa ko ang kumot pababa sa aking katawan. Iinot-inot akong bumangon sa aking maliit na hinagaan. Naramdaman ko ang hindi normal na p*******t ng aking katawan. Parang nabugbog ang aking buong katawan. Mabilis kong itinaas ang laylayan ng aking damit, sinuri kung mayroon along mga pasa dito. Wala. Walang bahid ng p*******t sa aking katawan. Tila nasa loob ng aking laman ang kirot at sakit nito.
"Mabuti naman at bumangon ka na." si Mama na abalang naghahain ng aming umagahan, "Akala ko buong buwan ka ng matutulog sa iyong kwarto."
"Huwag mo nga akong biruin ng ganyan Mama." nguso ko na sinulyan si Kuya na kumuha ng pitsel ng tubig, "Ilang oras lang po ang aking itinulog."
Tumigil siya sa kanyang ginagawa.
"Anong ilang oras lang?" pameywang nito sa aking harapan, "Dalawang linggo kang tulog Ysadora."
"Ano po?!" tanong ko na agad naudlot sa napipintong pag-upo ko, "Anong dalawang linggo Mama?"
Malalim siyang bumuntong-hininga habang tinitingnan ako ng matagal sa mga mata. Tila ba pagod na siyang magpaliwanag sa akin ng mga nangyari. Nahulog ako sa isang malalim na pag-iisip. Imposible. Imposible na ganun katagal ang aking pagtulog. Magugutom ako noon, mauuhaw, maiihi at mababanyo rin.
"Pero Mama--"
"Maupo ka na at kumain." pagputol niya sa aking sasabihin, tumalikod siya at kinuha kay Kuya ang pitsel ng tubig. "Sabayan mo ng kumain si Ysadora, Ichiban."
Agad tumalima si Kuya sa kanyang utos. Naupo siya sa aking tabi at sinimulan niya ng sumandok ng kanin.
"Kuya--"
"Kumain ka nalang." pagputol niya sa akin nang di tinitingnan, "Hindi rin namin alam ang dahilan."
Tahimik akong naupo. Sumandok na rin ng kanin. Sinulyapan ko si Mama na mabagal na nauupo.
"Mama nagsasawa na po ako sa sardinas." sambit ko habang sinisipat ang platito ng ulam namin, "Wala po bang iba?"
Sabay silang natigilan ni Kuya sa akmang pagkuha ng ulam sa tasa. Tiningnan ako nang masama ni Kuya. Si Mama naman ay malalim na bumuntong-hininga.
"Huwag kang maarte diyan." siko ni Kuya sa akin, "Last month pa tayo huling nag-ulam niyan."
Hindi ako sumagot. Labag sa loob ko na dito ay sumandok. Tiningnan ko si Mama na tahimik lang.
"Wala tayong mabibiling ibang ulam," maya-maya ay sambit nito sa mahinang tinig. "Hindi mo ba nakikita na malakas na buhos ng ulan?"
Tumahimik ako. Sinimulan ko ng sumubo ng kumain.
"Ano po palang nangyari Mama?" tanong kong muli, "Sa pagkakatanda ko po ay nasa school ako. Bakit po masakit ang aking buong katawan? Wala naman akong sugat o ni isang pasa."
"Basagulera ka kasi." si Kuya na tiningnan ako nang masama, "Nakipag-away ka sadati mong bestfriend."
"Kay Sheena?" nagtataka kong tanong, na agad niyang ikinatango, "Imposible. Wala akong matandaan."
"Inakusahan mo lang naman siya na ninakaw niya ang tulang ginawa mo." may diin sa tono ni Mama na hindi na nakatiis pa, "Sabihin mo nga sa akin ikaw ba talaga ang gumawa ng tulang iyon?"
Binalikan ko sa aking isipan ang kaisa-isang tula na aking ginawa. Nasa grade seven palang ako noon.
"Akin po ang tula Mama." wala sa sariling sambit ko.
"Sigurdo ka ba diyan?" si Kuya na sinusubukan ako.
"Oo, ako ang gumawa noon." pagtango ko sa kanya, binitawan ko ang aking tinidor at kutsara. "Ginawa ko iyon para sa aking bagong kaibigan."
"Pwede ka namang gumawa ulit ng bagong tula." si Kuya na ipinaparamdam sa akin na ako pa ang mali.
"Unang tula ko nga iyon, para sa aking kaibigan."
"At sinong kaibigan aber?" hamon niya na binitawan na rin ang hawak na kubyertos, "Ano ang pangalan?"
Namuo ang aking mga luha sa mata. Hindi ko alam ang kanyang pangalan. Hindi ko nai-tanong sa kanya.
"Tama na iyan Ichiban." si Mama na masama na kaming tiningnan, "I-recite mo ang tula Ysadora."
Sabay kaming bumaling ng tingin sa kanya ni Kuya.
"Po?"
"Ang sabi ko ay I-recite mo sa akin ang tula."
Natigilan ako, ayokong bigkasin iyon sa kanila.
"See Mama?" si Kuya na malakas na tumawa, "Hindi sa kanya ang tula pero nakipag-rumble siya sa kanila."
"I-recite mo na." ulit ni Mama na hindi pinansin ang pang-aalaska ni Kuya sa akin, "Kung sa'yo talaga."
Humihikbi akong pumikit. Bakit ayaw nilang maniwala?
"Sa ihip ng hanging malamig sa balat,
ako ay nagulat ikaw ay nasa aking harap.
Sa lilim ng punong mayabong ang dahon,
una kitang nakita, nakasandal, nakapikit at nagpapahinga." humihikbi akong tumingin kay Kuya na nagulat sa aking ginawang pagbigkas dito.
Sumilay ang kakaibang ngiti sa labi ni Mama, alam ko na naniniwala na siyang sa akin ang tulang ito.
"Sa lilim ng puno ikaw ay nakaupo,
sa ilalim ng langit langit na maulap
Ako ay naupo sa iyong harap,
habang tinitingnan ang mga mata mong kumikislap." tiningnan ko si Mama na nakatitig na sa akin.
Sa gitna ng malakas na ulan, sa ilalim ng nag-aalborotong langit ay nagagawa nila sa aking ipa-recite ang tulang ginawa ko noong nasa 7th grade palang ako.
"Ituloy mo." utos sa akin ni Kuya, "Paano namin malalaman na sa'yo talaga ang tula?"
Tuluyan na akong humikbi. Nahulog ang ilang butil ng aking mga luha sa aking malungkot na mukha.
"S-Sino ka? Saan tayo nagkakilala,
ikaw ay ngumiti, ngiting walang pagkukunwari.
Ikaw ay tumingin sa akin nang malalim,
sabay sabing; 'Ysa, hindi mo na ba ako nakikilala?'" tumigil na ako at matamang tiningnan silang dalawa.
"Tama na po." sambit ko na agad tumungo.
"Ituloy mo pa." si Kuya, "Baka mamaya sinaulo mo lang pero hindi naman talaga sa'yo."
"Ako ay umiling, mata sa'yo ay nabaling,
hindi kita kilala ni bakas ng mukha mo,
Sa akin ay walang alaala." kinagat ko ang pang-ibabang labi bago sila tiningnang dalawa.
"Ysa ako ito, ang mahal mong nobyo,
nagbalik ako upang mahalin ka
nang buong-buo."
Dinampot ko ang baso ng aking tubig at ininom iyon nang isang deretso.
"Sa'yo nga ang tula," sambit ni Mama sabay lapag sa mesa ng isang lukot-lukot na papel, "Dapat lang pala kitang kinampihan."
Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa ni Kuya. Tumigil ang mga mata ko sa aking kapatid. Nagtatanong ang aking mga titig sa kanya. Nang Wala siyang isinagot ay inilipat ko iyon kay Mama na ipinagpatuloy ang naudlot na pagkain.
"Ano po bang nangyari Mama?"
Hindi ito sumagot. Sa halip ay lumingon sa akin si Kuya. Umiling-iling siya nang marahan.
"Na-expel ka sa paaralan dahil ginulpi mo si Sheena." sambit nito, "Ni hindi ka niya kilala kung sino."
"Hindi niya ako kilala?" naguguluhan kong tanong na lumingon muli sa tahimik kong ina. "Mama, hindi ko po maintindihan ang mga sinasabi ni Kuya."
Maingay niyang inilapag sa plato ang kanyang hawak na kubyertos. Tinitigan niya ako sa aking mga mata.
"Doon ka muna sa Uncle Simon mo sa Macara." sambit nito na labis kong ikinagulat, "Doon ka muna titira pansamantala."
Mabilis akong tumayo upang umalma.
"Pero Mama--"
"Nabugbog mo si Sheena at nakaratay ngayon sa hospital." pgputol niya sa akin, "Walang malay-tao, may iilang buto sa katawan na nabali mo."
Natigilan ako sa kanyang sinabi. Alam kong hindi maganda ang relasyon naming dalawa. Ngunit hindi ko kayang saktan siya o gulpihin gaya ng sinasabi nila.
"Doon ka na muna mag-aaral." anitong muling dinampot ang kubyertos, "Siya na ang bahala sa'yo."
Ayoko doon, hindi kami close na dalawa. Hindi ko rin masyadong matandaan si Auntie Minerva.
"Pero Mama, lalaki po si Uncle Simon." katwiran ko sa kanya, "At isa pa ay parang ghost town ang lugar nila."
"At takot ka sa kanya Ysadora." si Kuya, na suportado si Mama sa pagpapalayas sa akin.
"Exactly Ichiban." sambit ni Mama, "Takot siya sa Uncle Simon niya kaya siguradong magtitino iyan doon." anitong parang hindi ako anak, "At isa pa ay nandoon naman ang Auntie Minerva mo. Siguradong magkakasundo kayong dalawa."
"Hindi kami close na dalawa." katwiran kong muli, "Ayokong tumira sa bahay nila."
"Boarding school naman iyong papasukan mo doon."
"Pero--"
"Wala kang magagawa Ysadora, ito ang desisyon ko."
Tumayo siya at nilayasan kami doong dalawa ni Kuya.
Kumurap-kurap ako. Pinipigilan ang mga luhang nagbabadyang bumaba sa aking mukha.
"Kuya.." lingon ko sa kanya na matamang nakatingin rin sa akin, "Kumbinsihin mo naman si Mama."
Umiling ito at malalim na bumuntong-hininga. Alam kong wala rin siyang maitutulong sa akin ngayon.
"Sundin mo nalang ang kagustuhan ni Mama ngayon." aniyang sinimulan nang ligpitin ang mga pinagkainan namin, "Alam mong wala kang magagawa sa naging desisyon ngayon. Para rin naman sa'yo iyon, sa ikabubuti at ikaliligtas mo."
Hindi ako sumagot. Nanatili ako doong tulala at walang imik. Alam ko naman na may mali ako, pero hindi ko iyon maalala. Hindi ko ito matandaan.
Ayoko ring lumipat ng school. Wala nang scho na tayanggap sa akin. Ilang buwan nalang rin at malapit na ang aming graduation. Gusto ko ding makasama na mag-marcha sa graduation ang aking mga kaklase. Ayoko ring lisanin ang school na iyon hangga't hindi ko nakikita ang lalaking iyon. Ang batang ginawan ko ng puro kalokohang tula. Hinihintay ko siya araw-araw.
"Magligpit ka na ng mga gamit mo." untag sa akin ni Kuya na tapos nang maghugas ng plato, "Ihahatid kita."
Nilingon ko siya. Sumilay ang ngiti sa aking labi.
"Sa Macara?"
"Hindi, sa terminal lang ng train."
Nang gabing iyon ay natapos kong ilagay sa malaking travelling bag ang aking mga gamit. Madilim pa kinabukasan nang lisanin ko ang aming tirahan.
"Bilisan mo Ysadora!" sigaw ni Mama habang hawak ang maliit kong backpack.
Hawak naman sa handle ni Kuya ang aking travelling bag. Ihahatid lang nila ako sa malapit na train station.
"Teka lang po, naiwan ko phone ko."
Tumakbo ako pabalik sa loob ng bahay. Dinampot ko ang phone na sadya kong ipinatong sa aming lamesa.
"Ano na Ysadora? Maiiwan ka na ng first trip!" si Kuya na nais na akong mawala sa kanyang paningin.
Lumabas ako at sinamaan siya ng tingin. Tiningnan ko si Mama na matamang nakatingin rin sa akin.
"Mama, ngayon na po ba talaga ako aalis?"
"Oo, at start na rin ng klase doon." anitong nais na akong hablutin upang makaalis na kami.
"Teka lang Mama, naiihi po ako."
Mabilis akong tumakbo pabalik sa loob ng bahay. Dumeretso ako sa banyo pero naupo lang naman doon. Ayoko pang umalis, ayoko silang iwan.
"Ysadora!" si Kuya na halatang napupuno na sa akin.
"Sandali lang, umiihi pa ako!"
"Bilisan mo na, aba!"
Pagkaraan ng tatlong minuto ay iflinush ko ang bowl. Naghugas ako ng kamay bago tuluyang lumabas.
"Mama, bukas nalang kaya ako umalis?" tanong ko dito pagkalabas ko ng pintuan.
"Anong bukas? Ngayon na." anitong tinalikuran na ako.
Wala akong nagawa kung hindi ang sumunod sa kanilang dalawa ni Kuya na nauuna nang maglakad.
Isang mahigpit na yakap ang ipinabaon nilang dalawa sa akin bago ako tuluyang pumasok sa estasyon ng tren. Tinaniman rin nila ako ng ilang halik sa pisngi. Nakita ko kung paano balutin nang lungkot ang mga mata nilang dalawa. Alam kong nalulungkot rin sila. Wala lang silang choice ngayon, maliban sa ibigay muna ako sa kanyang kapatid na nasa malayong bayan ng Macara. Wala silang choice maliban doon.
"Mahal ko po kayo Mama, Kuya!" kaway ko habang hinihila ang maleta papasok ng entrance ng estasyon.
"Mag-iingat ka doon." si Mama na nakangiti kahit malapit na itong umiyak, "Mahal rin kita Ysadora."
"Huwag kang palaging iiyak doon." si Kuya na para bang nais ulit akong yakapin, "Iiyak ang langit kapag umiyak ka, tandaan mo iyon ha?"
Wala pa man ako sa Macara ay lumuluha na ang aking mga mata. Wala pa ako doon, umiiyak na ako agad.
"Ba-bye!" huling kaway ko sa kanilang dalawa.
Tuluyan na akong tumalikod at pumasok sa loob. Hinanap ko ang train number na aking sasakyan. Pumasok ako doon at inayos ang aking mga gamit sa itaas na bahagi ng aking upuan. Tahimik akong naupo dito habang tinatanaw sa labas ng bintana ang lugar.
"Bye bayan kong mahal na Zamora." bulong ko nang mabagal na itong umandar, "Napakarami mo sa aking alaala, hanggang sa muli nating pagkikita Zamora."